Ang Tatlong Manlalakbay
Sinong mag-aakala na ang bakasyon ng tatlong batang sina Levi, Elay at Kiko sa probinsya ay mauuwi sa isang paglalakbay sa ibang mundo dahil aksidente nilang nabuksan ang isa sa mga portal o lagusan patungo rito. Ang ent na si Igwayan at ang kapreng englisero na si Jao at ang piratang kalansay na si Bangkay. Iilan lang sila sa mga kakaibang nilalang na makakasama ng ating mga bida sa kanilang paglalakbay. Mga maalamat na mandirigma na naisapelikula at naisulat na ang buhay sa libro ang kanilang makakasalamuha. Susubukin ng panahon ang tatag ng kanilang samahan sa isang hindi pangkaraniwang pakikipagsapalaran kasama ang makikilalang mga kaibigan. Magampanan kaya nilang mabuti ang tungkulin bilang isang magiting na manlalakbay? Magtagumpay kaya sila sa bawat misyon na iaatas sa kanila. Maibalik pa kaya nila sa dati ang kagandahan ng Himaylan na nasa ilalim ng isang sumpa? Hali na't samahan natin sila sa isang kwentong punong-puno ng kulay at paglalakbay.…