Chapter39

[ Summer ]



Lakad takbo ang ginawa ko para lang makalayo kay Cody the swanget.. panu ba naman kasi, bakit pa nya sinabing 'My Girl'? bakit? naging kanya ba ko?

hindi naman diba? diba?

Maaga ata akong mababaliw sa mga pinagsasabi nang lalaking yun!

Malayo na siguro ang nalakad ko kaya naman napahinto ako sa part ng resort na maraming puno. Nanlalambot ang mga tuhod kong napaupo sa may buhanginan habang sapo-sapo ang dibdib kong grabe ang pagtibok.

Walang hiyang Cody na yun! aatakihin ako sa puso ng wala sa oras sa pinagsasabi nya.

Huminga ako ng malalim para kahit konti ay mabawasan ang pagkabog ng dibdib ko at para narin ma-relax ang isip ko.


Okay..

relax..

inhale..

exhale..


Ito ang tamang gawin sa sitwasyong ganito..

Wooooosh!!! Hoooooo!!

Hinga lang-




"Iniiwasan mo ba ko?"


"-Ay anak ka ng pitong higad na nanganak ng labinlimang tilapia!"


Gulat kong nasabi na muling nasapo ang dibdib ko ng biglang may lumitaw na higad- I mean Tilapia -ay hindi Swanget sa likuran ko.


"Ano ba?" sigaw ko sa kanya pagtayo ko, pero parang hindi sya aware na malapit nako magkaron ng sakit sa puso sa mga panggugulat niya.


"Iniiwasan mo ba ko?" Ulit niya.


"Go to hell, Cody! mamatay ako ng wala sa oras sayo!" muli kong sigaw sa kanya pero parang hindi nya feel yung inis ko sa pagkasabi nun.


"Eh, bakit ka kasi umiiwas?" May sumilay na mapaglarong ngiti sa labi nya. Parang gusto ko nang kabahan.


"Im not avoiding you, so please stop saying na iniiwasan kita!" pagtataray ko. Kainis!


"eh, bakit ka umiiwas sa twing nagkikita tayo?" lumapit sya ng kaunti na naging dahilan para mapaatras naman ako.

Bahagya naman akong natigilan sa sinabi niya pero agad ko din naman nabawi ang isip ko.


"Binge ka ba? hindi kita iniiwasan, wag' kang assuming! isa pa, walang dahilan para umiwas ako sayo! Walang dahilan para iwasan kita, Yung pa-sweet niyo ni Ate Camille? Yung paghiga nya sa balikat mo? Yung paghila mo sa kamay nya? Yung pag-aasikaso nya sayo? Yung theme song niyo? Yung- "

Bigla kong natigil ang pagsasalita ko ng mapansin kong pangiti-ngiti na ang gwapong nilalang sa harapan ko.


"Anong nginingiti-ngiti mo dyan?" buong taka kong tanong. Bwisit kasi, alam mo yung point na seryoso kana at ang ganda na ng speech mo tapos ngingitian ka lang?

Narinig ko ang pagpalatak nya sabay lagay na naman nya ang thumb niya sa gilid ng labi niya na naghatid ng init sa buo kong sistema.

He's really looks so sexy everytime na ginagawa niya yun -ay tinapa! Ano bang pinagsasabi ko? Galit nga ako diba? Bwisit!


"You didn't say that you're Jealous.."  may himig ng pang-aasar pagkasabi niya nun.

Napataas na naman ang bongga kong kilay sa sinabi nya.


"Ako? nagseselos! Kapal aah! Bakit naman ako magaseselos? Bakit? Tayo ba?" Kita ko naman ang biglang paglungkot ng mukha niy sa sinabi king iyon. Parang gusto ko tuloy bawiin pero too late na.


Staring at him made me feel guilty. Peste kasing bibig to, Kung ano-ano lumalabas! Basta lang putak ng putak!

Pero ilang sandali pa ay parang gusto kong  bawiin lahat ng guilty na nararamdaman ko ng masilayan ko na naman ang pilyong ngiti sa mga labi niya.

Peste ano yung kanina, Drama?


"That's the point Summer.. Hindi tayo.. Pero Bakit ka nagseselos?" sabi nya saka muling unti-unting lumapit. Muli na naman akong napaatras.

Nak nang Pyesta! Pag wala nakong maatrasan dito, kakatayin ko na talaga to!


"Ilang beses ka bang inire at ang kulit mo? Sabi nang hindi ako nagseselos!" sabi ko habang patuloy na umaatras.


"Hindi naman ako mangungulit kung wala akong nakikita.. Kita ko sa mga mata mo ang selos pag kasama ko si Camille at hindi ko alam kung dapat ko bang ikatuwa yun or ikabahala.." pagpapatuloy niya.


"Ano bang pinagsasabi mo?"  Muli akong napaatras.


"I know you're jealous and it's freaking obvious.." He stated.

Habang tinititigan ko ang mata nya ay hindi ko napigilang maalala ang naging reaksyon niya sa twing magkasama kami ni Grey..  

I smiled devilishly.


"Bakit? Ikaw? hindi ka ba nagseselos?" Bawi ko. Para namang nakamit ko ang tagumpay ng mabakas sa mukha niya ang pagkagulat sa tanong ko. I knew it!


"Ano? tell me.. Baka ikaw ang nagseselos satin' dalawa.. Tell me Cody, Are you Jealous?" May paghahamon sa tinig ko.

titig na titig ako sa mata nya na parang nilulunod ako nito sa kawalan.


Napahinto sya sa paglapit sakin na para bang nag-iisip ng isasagot.

After a few moments ay muli nya akong tinignan ng deretso sa mata.


"Pano kung sabihin kong.. OO? -Anong gagawin mo, Ms. Brazero?" He asked calling my last name at muling unti-unting humakbang papalapit sakin.

Feeling ko ibang tao ang tinanong nya dahil nasanay ata akong Akiyama ang tinatawag nila sakin dati.


Naalarma bigla ang pag-iisip ko sa last niyang sinabi.. It Couldnt be!

Bakit naman sya magseselos? Meron na syang Camille at wala naman akong nakikitang rason para ikaselos nya  -ah, wait! okay, pwedeng reason yung hinalikan ko si Grey. Pero, kahit na lamutakin ko pa ang mukha ni Grey, kung wala na talaga, hindi sya makakaramdam ng selos!


"Would you expect me to believe that, Mr. Sebastian?" paghahamon ko.


"Believe it or not, ikaw ang bahala.. im responsible for what i say.. pero hindi sa kung pano mo ini-interpret ang mga sinasabi ko." Saka sya pilyong ngumisi.

Letseng lalaki to, kahit sang anggulo lulusot!


"Wala akong iniisip Mr.Sebastian.. Only this-" Saka ako biglang umabante papalapit sa kanya at hapitin ang leeg niya dahilan para halos mapako sya sa kintatayuan niya.

Fear me Cody.. Kahit ikaw hindi ko sasantuhin..

Ilang sandali kong tinitigan ang mga mata nyang nabigla sa biglaan kong pagkilos. Inaamin kong nakakadala ang mga titig niya. Isa ito sa mga rasong kung bakit maraming nababaliw sa kanya.


Matagal ko syang tinitigan sa mata pero Napukol ang atensyon ko sa labi niyang bahagya nyang binasa.

Sh*t, nananadya?

Napakagat naman ako sa labi ko ng wala sa oras.


"Are you... -Are you trying to seduce me, Ms. Brazero?" Ramdam ko ang panginginig sa boses nya. Gotcha!


"Bakit, Mr. Sebastian? Are you that easy to seduce?" muli kong tanong.

Ramdam ko ang panginginig niya.


"Dont try.."  Sabi niyang bahagyang inilihis ang ulo niya pero maagap kong napigilan iyon at muli kong hinarap ang mukha nya sakin.

Mas lalong ko tuloy inilapit ang mukha ko sa kanya to tease him.

I could feel his heartbeat, malakas ang pagtibok nun, just like mine.  

Para namang ulong sulong ang labi ko na tinutukso ang labi niya.


"What if subukan ko? -may magagawa ka ba?" Paghahamon ko.

Hindi sya umimik.


"So, wala ka ngang gagawin?" muli kong tanong na pinalipat-lipat ang tingin ko sa mata nya at sa labi niya. I started running my fingers through his hair at narinig ko ang pagsinghap nya dun.

Nice one, Summer!


Nang hindi sya umimik ay inilapit ko pa ang mukha ko sa kanya.. And as expected ay kita sa labi niya na ready sya sa pagtugon nun.

Huh, He's really Cody Sebastian..


Hindi ko hinayaang malingat ang mata ko kahit sa pag-blink ng mga mata niya at maging sa pag-galaw ng labi niya.

Oo, yung mga labi nya,

Yang mga labi na yan na minsan nang naging sakin.

Na akala ko sakin lang.

Pero, hanggang akala kang pala.

Kasi dumating din ang oras na kailangan na syang bawiin ng unang nag-may ari sa kanya.


Nagpatuloy ako sa paglapit while having those thoughts.

Ilang sandali pa nga ay Centimeter na lang ang pagitan ng mga labi namin..

konting konti na lang para maramdaman ko ulit ang halik niya..

Konting konti na lang...






Pero tama na ang drama.


Ready na sya para tumugon sa halik na yun ng bigla akong dumistansya. Nabakas naman agad sa mukha nya ang matinding pagtataka. Grabeng pagkadismaya sa mukha niya ang nakita ko and honestly yun ata ang pinaka-grabeng disappointment na nakita ko sa tanang buhay ko.


Natulala sya sa biglaan kong pag-atras. Pero hindi oras para ako ang gumising sa kanya sa realidad.

ilang sandali pa ay ipinukol naman nya sakin ang titig ng galit.

Bakit sya galit?

Akala nya makakaisa sya?

Asa!

But i dont care!

He gave me his WHAT-DO-YOU-THINK-YOU-ARE-DOING look niya.

Nagkibit-balikat lang ako.

Maya-maya pa ay nakita kong nang-igting ang mga panga niya.

"Are you happy now,huh?" sarkastiko nyang tanong. Halata na nya siguro ang panti-trip ko.

"What are you talking about?" patay malisya kong tanong.

"Anong ibig sabihin nun?" tila naguguluhan nyang tanong.

"Nang alin?" muli kong tanong kahit alam ko na ang ibig nyang sabihin.

"Dont ask me as if you're not caught red handed.." Muli niyang sabi.

Parang feel ko na gusto nyang umamin ako sa Kasalanang hindi ko naman masyadong ginusto -rather sinadya pala!

Muli akong humakbang papalapit sa kanya.

"I remember a man once told me this.. but i guess i should rephrase it.. Mr. Sebastian, Im responsible for what i did but not for how the way you interpret it."  

That's all and I left him Dazzled.

Agad kong ini-lock ang pinto pagkarating ko pa lang sa unit namin.

Ayoko munang may makausap. Medyo nanginginig pa ang mga binti ko ngayon.

Letse kasing lalaking iyon, sinusubukan ako!

Wala naman akong balak na sumakay sa trip niya, kaso sya naman ang nauna! -aba, hindi naman pwedeng tumayo lang ako dun na parang tuod at hayaan nyang pagtripan ako?! Malas lang nya dahil parang sya pa ata ang nahulog sa sarili nyang patibong.

Matapos kong huminahon ay nagpalit nako ng damit dahil pakiramdam ko ay nakita na nang buong pilipinas ang katawan ko. Sexy ang Swimsuit na binili nila Czar pero hindi ibig sabihin nun na gusto ko ding makita ang katawan ko na pinagpepyestahan ng mga malalaswang tingin habang naglalakad ako. Kung pwede nga lang mantusok ng mga mata ay gagawin ko.

Hindi na ako nagsuot ng pajama kahit gustuhin ko. Sa halip ay puting fit na short lang ang sinuot ko at yung top na  swimsuit na lang na pintungan ko ng off-shoulder na see-through. Alam kong kita pa din yung kaluluwa ko pero atleast hindi na obvious.

Matapos makapag-palit ay muli akong lumabas ng Cabin. Pero gulat nalang ako nang sa pagbukas ko ay Sumalubong sakin ang mga mata ni Grey na puno ng lungkot.

"You still love him.." Malungkot nitong sabi.

"Huh?"

"I- I saw it.."  sabi niyang nagyuko.

At first ay medyo puzzled ako sa  mga sinabi niya, Pero Agad ko din namang na-gets yung gusto niyang sabihin dahil Wala naman ibang nangyari kanina kundi yon lang namang engkwentro namin ni Cody kanina..

"aahh.. yun ba?" silip ko sa mukha niya.

parang bata naman syang tumango-tango. How cute!

"It's just a friendly talk Grey.." Hawak ko sa magkabila nyang balikat.

"Just A talk but you almost kissed him.." malungkot pa din nyang usal.

Napangiti naman ako. "From the word itself, "Almost", pero wala namang nangyari diba?"

Tumango-tango lang sya. He's Upset and feel ko responsable ako kung bakit sya nagkakaganito.  know hindi enough yung mga sinabi ko sa kanya kaya naman hinila ko nalang sya papalabas at dinala sa tabing dagat at hindi naman sya nagreklamo. Pagkarating namin sa dalampasigan ay humanap muna kami ng magandang pwesto at nung nakahanap na kami ay dun ko sya pinaupo..

Naupo ako sa tabi nya at sya naman nakatingin lang sakin.

"Summer.." tawag nya.

"Hmm?" lingon ko.

"Masaya ka ba?" tanong nya saka ako makahulugang tinignan. Medyo nakabawi na siguro sa drama niya kanina. Sa tanong naman niyang iyon ay Feeling ko tuloy ay para akong binuhusan ng milyon-milyong pako sa dibdib ko.

"Thank you for that mindblowing Question.. Next Question please.." biro ko.

"Summer??" paniningkit ng mata nyang tinignan ako.

Seryoso talaga sya sa tanong nya?

"Nak ng pitong Dragon ka naman Grey, wala namang ganyanan!" hampas ko sa braso niya.

"Im dead serious Summer... Are you happy?" Seryoso na nga sya. Kita ko yun sa mga mata nya.

"Masaya ako..." Harap ko sa kanya. Masaya naman talaga ako, dahil kasama ko na ulit yung mga kaibigan ko, Kasama ko na ulit sina Ate Camz at Papa-

"Nagbago nga ang itsura mo pero hindi ang sinasabi ng mga mata mo.." Sabi nyang idinako ang paningin sa madilim na tubig. Maliwanag ang buwan at ang liwanang nito ay ang tanging nagbibigay lang ng liwanag sa buong paligid.

"What are you talking about?" taka kong tanong sa kanya. Minsan si Grey, praning.. diko gets!

"Alam mo ba Summer-"

"Hindi pa-" salo ko. Tinignan lang nya ako to tell me na patapusin ko muna sya sa pagsasalita. tinakpan ko na lang ang bibig ko sa pagkapahiya then saka na lang nag-peace sign.

"Alam mo bang nasaktan din sya?" pagpapatuloy nya.

Agad naman nagsalubong ang kilay ko at mabilis na luminga-linga sa paligid, baka kasi may kausap syang iba.

"Sinong kausap mo?" taka kong baling sa kanya.

Nagsalubong din ang kilay nya pagharap sakin.

"Ay- yung buhangin yung kausap ko! -So, buhangin alam mo bang nasaktan din si Cody?" pilosopo nyang sabi sabay tapat sa buhanginan.

Ay- Gets ko na! So, ako pala kausap?

Pero, Agad naman nagpantig ang tenga ko pagkarinig sa pangalan nung swanget.

Ano daw ulet? Si Cody nasaktan?

"Parehas kaming may nararamdaman para sayo Summer, pero mas magandang malaman mo kung ano din ng napag-daanan ni Cody nung wala ka.. Tulad ko, nasaktan din siya-"

"Wala akong pakialam.." Maagap kong Sagot saka nagbawi ng tingin.

Anong ngayon kung nasaktan sya?

Isa pa, Ayokong topic yung swanget na yun, nakakasira ng mood!

"Hindi mo naman kailangan paniwalaan, all you gotta do is to listen..." dagdag niya.

"Kahit ano pa yan, Kahit pakinggan pa kita.. wala na ding kwenta Grey..."

"Wala namang masama kung malalaman mo hindi ba?" Grey.

"Meron.. Dahil kapag naniwala ako sa sasabihin mo at kapag muli na naman akong masaktan, baka sa ikalawang pagkakataon Grey, baka mamatay nako sa sobrang sakit, please Grey, wag' mo nang ipilit..." paliwanang ko sa kanya. seryoso naman ang mukha nyang nakatingin sakin.

"Im sorry.." sabi nyang muling nagyuko.

I leaned backward at itinukod ko ang dalawa kong kamay sa buhanginan saka ako nagsalita.

"He Chose Ate Camille over me.. Tanggap ko na iyon.. Sino bang nauna diba? Ako ba? Wala akong galit kay Ate pero tao lang naman ako, nasasaktan. Nawala ako ng dalawang taon. Yung dalawang taon na yun ay dun ko hinanda ang sarili ko para labanan ang sakit na darating. Okey nako. Tanggap ko na. Cody is like a property.. Para syang ari-arian na isinanla lang sakin pansamantala at kalaunan ay binawi din ng totoong nangmamay-ari..Ganun kami Grey."

Matagal kaming natahimik matapos kong sabihin iyon.

"Mahal mo pa ba sya?" He asked.

Ayoko talaga ng tanong na yan!

Naririndi nako sa mga tanong nya!

"Hindi na ata..." tipid kong sagot.

"I dont believe you..."

"Grey, ang ayaw ko sa lahat ay yung hindi ako pinapaniwalaan.."

"Hindi naman sa hindi kita pinapaniwalaan Summer-"

"Eh ano yan? Pambabara lang?" salo ko.

Ewan ko pero bigla naman syang natawa. Praning talaga! Ang drama na ng moment eh! panira talaga!

"Anong nakakatawa?" Baling sa kanya.

Hindi sya sumagot  sa halip ay ginagap nya ang mukha ko at binigyan ng halik sa noo saka niya ako tinignan ng deretso sa mata.

"Whatever may happen, Summer.. Tandaan mo na nandito lang ako palagi sa tabi mo.. Ayoko lang na nakikita kang nasasaktan kasi mas doble ang sakit.. Masakit pag nakikita mong nasasaktan ang taong mahal mo.." usal niya.

Napangiti namam ako sa tinuran nya.

Hindi lingid sakin ang nararamdaman ni Grey. Mabait si Grey at alam ko iyon. Ang ikinakatakot ko ay baka hindi ko matugunan ang atensyon na binibigay nya sakin at masaktan ko lang sya at iyon ang hindi ko naman kayang tanggapin.

Tama nang ako na lang ang makaranas ng sakit, Dahil matagal nang panahon simula nung naging immune ako sa ganun.

Niyakap ko sya habang pinagmamasdan ang maliwanag na buwan. Alam kong hindi ko kayang suklian ang nararamdaman nya. Pero darating din ang araw na makakabawi din ako sa lahat ng ginawa nya para sakin.


****


"Anong sabi mo?" Sigaw ko sa kabilang linya ng telepono. Tumawag kasi si Czar at pinapauwi na daw ako ni Papa. Sakto lang na kakarating ko lang ng cabin ng matanggap ko ang tawag nya.

"Yun ang utos niya. Bukas daw ine-expect niya na nandito ka na.. it's really an emergency Summer.. You really have to be here.."

"Teka, ano ba talagang nangyari?" kinakabahan kong tanong.

"Ayaw sabihin ng Papa mo kung ano ang problema, sya na lang daw ang personal na magsasabi sayo."

Mas lalo akong kinabahan. Hindi ugali ni Papa ang magpatawag lalo na kung hindi naman ito ganong kaimportante. Since pinatawag na talaga ako ay alam kong malaking problema ito.

"Ngayon ako luluwas.." sagot ko.

"Okay lang naman na bukas kana bumyahe-"

"Ayokong pinapatagal ang ganitong bagay.. Alam kong importante yan kaya ngayon ako babalik dyan."

"Delikado na kung ngayon kapa babyahe.."

"I can handle.. tell Papa i'll be there before the clock hits 12 -bye!"

Hindi kona hinintay na makapagsalita pa sya dahil alam kong ipipilit lang nya na bukas nalang ako bumalik. Pero hindi pwedeng ipagpabukas pa. Kinakabahan ako kaya hindi pwedeng maghintay ako hanggang kinabukasan. Alam kong hindi din naman ako makakatulog dahil paniguradong iisipin ko kung ano nga ba ang problema.

Since emergency ay hindi ko na nagawang magpaalam kina Dianne. Alam ko din nasa bar lang yung mga yun. Nagbihis nako at kinuha ang Phone ko saka nag-dial habang binabaybay ang daan papalabas ng resort.

"Get the car ready.." utos ko sa kabilang linya.

Since Alam kong nandito si Cody para bwisitin ako ay naghanda ako ng kotse at driver para anytime na gusto kong umuwi sa pagkabwisit ay makakauwi ako. Pero hindi ko inakalang hindi ko ito magagamit sa ganung dahilan. Atleast  naging kapakipakinabang naman pala ang paghahanda ko ng sasakyan.

Dalawang minuto lang ang naging paghihintay ko at dumating na nga ang sasakyan para ihatid ako Kay Papa.

"Drive as fast as you can.. quick!" mabilis kong utos pagkasakay ko.

"Yes, mam!" Ilang sandali pa nga ay pinaharurot na nito ang sasakyan.




[ Dianne ]


"Umuwi sya??"  Muntik nang tumalsik ang kinakain ni Alexa sa pagtatanong nun sakin.

Nasa isang foodhouse kami ngayon nina Alexa kasama ang iba pa at nag-aalmusal. Kita ko namang napatigil sa pagkain yung mga kasama ko matapos kong sabihin iyon.

"Is she Okay?" maagap na tanong ni Grey.

"Bakit hindi sya nagpaalam? sana sinabi ni boss para naman nasamahan natin sya.." Lee

"Nagtext sya sakin kagabi pero kaninang umaga ko lang nabasa.. Emergency daw.." dagdag ko na isinubo ang staek.

"What do you mean Emergency?"

napalingon kaming lahat sa likod. Si Camille pala. Bumakas naman sa mukha nya ang matinding pag-aalala.

"Anong emergency?" muli nyang tanong pagkalapit sa pwesto namin.

"Kagabi umuwi si Summer sa inyo, may emergency daw sa bahay..." sagot ko.

"What?? bakit??"

"Pinauuwi lang daw sya ni Uncle Virlourd, importante daw.. Wag kang mag-alala, Pinasasabi ni Summer sa ating lahat na Okey lang sya. Pero napagdisisyunan namin na uuwi na lang tayo.." mahaba kong paliwanag.

Si Summer ang dahilan kung bakit kami nandito at dahil wala si Summer ay mawawalan ng saysay kung mananatili pa kami dito.

"Guys, have you seen Cody?" Agad na tanong ni Dash pagkarating nya. Hingal na hingal itong naglakad papalapit samin.

Nagsalubong naman ang kilay naming lahat.

"Check mo, baka nasa banyo lang yun.." Lee

"Baka nasa tabing dagat lang.." usal naman ni Lie.

"No.. He's not here anymore." napalingon kaming lahat nung nagsalita si Camille.

"What do you mean?" hindi ko napigilang itanong.

"He left a note on his bed this morning.. my emergency daw.." Sagot niya.

Matapos naming marinig iyon ay nagkatinginan naman kaming lahat.




[ Summer ]


"I left my friends in the middle of our trip just to save a boy na nanggulo sa teritoryo ng Mugen-Dai? ito ba ang emergency Papa?" Padabog akong naupo sa swivel chair niya at nagpapabali-balik lang sya sa paglalakad.

"He's not just a boy, Summer..  Nag-iisang Anak sya ng isa sa mga ka-negosyo natin.. and anytime pwede syang patayin ng taga Mugen-Dai lalo na nasa teritoryo nila nanggulo yung bata.. His father begged me to talk to you, nakiusap sya ng iligtas mo ang anak nya.." Mahabang kwento ni Papa.

"He's using my past para mailigtas ang spoiled brat nyang anak!" Nanggagalaiti kong sagot.

"No, anak. Pero yun ang naisip niya para mailigtas yung anak niya. Kilala mo ang Mugen-Dai, wala silang sinasanto."

"Por que galing ako dun, ako kaagad ang dapat magligtas?" Naiirita kong tanong.

"Anak, naiintindihan kita.. Pero, Ama din ako. If i were in Mr. Quizano's shoes, kahit lumuhod pa ako ay gagawin ko para sa anak ko.. I understand him as a father."

Nahilot ko nalang ang sintido ko nangyayari.

"....besides, isa yan sa tungkulin bilang PINUNO ng INFERI Gang." Dagdag ni Papa na makahulugan akong tinignan.

"Hindo ako pupunta.." I said as i stood up at tinungo ang pintuan.

Nabakas naman sa mukha ni Papa ang lungkot.

"It's your decision anak.. Wala nakong magagawa.. Ako nalang ang makikipagkita sa Mugen-Dai.. You can go now to your room. Magpahinga kana.." iyon lang ang sinabi ni Papa bago naupo sa upuan niya.

Gusto ko sanang tumulong pero ang ikinakatakot ko ay masanay sila na palaging may magsasalba sa kanila sa twing gagawa sila ng kalokohan!

At ayokong dumating ang panahon na kami ang nagmamakaawa sa Mugen-Dai para lang mailigtas ang mga spoiled na mga member.

Yun lang ang naisip ko bago ako Nagpatuloy sa paglabas sa opisina ni Papa at dumiretso sa kwarto since pagod ako sa haba ng naging byahe pabalik dito.




[ Cody ]



Wala sa oras akong napaluwas ng Maynila dahil may nanggulo daw sa teritoryo namin. Hindi ko na nagawang magpaalam since busy sila kagabi at ayokong ma-spoil yun dahil lang sa pag-uwi ko.

Ilang oras din ang naging byahe bago ako nakarating sa mismong hide out kung san nila dinala ang nanggulo. Mismong member ng Mugen-Dai ang Sumundo sakin.

Uminit pa yung ulo ko pagdating ko lalo na nung makita ko kung sino ang naglakas lob na manggulo sa teritoryo namin. He's none other than Rafael Quizano. Nag-iisang Anak ng Negosyante at member ng INFERI gang..

Ilang beses na kaming nagkabangga nito, pero talaga nga sigurong ipinanganak ito na walang kadala-dala na katangian sa katawan. Bugbog sarado na ito nang madatnan ko. Sabagay, nag-expect pa nga ako na patay na katawan na ang madadatnan ko lalo na at nandito ang mga notorious na member ng Mugen-Dai..

"Boss, ano na? kating-kati na kamay ko sa taong to!" tanong nung isang member na nagpapatunog na nang kamay.

Medyo nakaramdam naman ako ng awa kay Rafael dahil halos basag na ang mukha nito dahil sa maraming sugat at pasa na natamo nito. Pero, hindi na namin kasalanan kung bakit sya nagka-ganyan.. ginusto nya ang pagsugod dito so kailangan nyang tanggapin ang kaparusahan ng Mugen-Dai.

"Balita ko pupunta dito yung leader ng INFERI para makipag negotiate para masundo yan.." sabi Nung isang member na inginuso si Rafael na lupaypay lang na nakahandusay sa sahig.

So, pupunta si Uncle Virlourd dito? Ito ata ang unang pagkakataon na makikipag negotiate sya para lang sa isang gulo ng bata.

"Boss, tapusin na natin yan! para naman madala sila at malaman ng mga taga-INFERI na di tayo dapat binabangga.." suhestyon naman nung isa. Kita kong nagsitanguan ang lahat.

Napatingin naman ako sa nagsalita.

"Hindi por que tayo ang nasa itaas ay may karapatan na tayong magmaliit ng Ibang grupo.. tandaan nyo, kung ganyan ang magiging mind setting nating lahat, hindi maglalaon ay baka magising tayo isang araw na tayo na pala ang nasa pinaka-baba." mahaba kong litanya. Natahimik naman silang lahat.

"So, anong gagawin natin pag nagpunta dito Si Virlourd Brazero? Ibibigay lang natin basta ang g*gong yan?" Sabay tadyak nito sa gilid ni Rafael, rinig ko namang napa-igtad ito sa sakit.

"Boss, Hindi ba Uncle mo sya? So, pagbibigyan na lang natin?" muling tanong nung isa.

Masyado akong nairita sa sunod-sunod nilang mga tanong kaya naman nagbago bigla ang ekspresyon ko at agad naman silang naalarma dun at nanahimik na lang.

"Keep him alive.."

Yun lang ang last kong instruction bago ako lumabas ng kwartong iyon.

Mamaya ay makakaharap ko si Virlourd Brazero hindi bilang isang ama nina  Summer at Camille, kundi isang leader ng INFERI Gang. Pero hindi pwedeng maging malambot lalo na sa sitwasyong ganito. Hindi pwedeng ibigay ko nalang si Rafael dahil lang sa Uncle ko sya at kilala ko sya. Hindi pwedeng ipairal ang kung ano man ang nasa pagitan namin. Im Mugen-Dai's leader at ibibigay ko ang mga salitang dapat na marinig ng kung sino man ang mag-tatangkang gumulo sa Grupo..





itutuloy...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top