FINAL CHAPTER

FINAL CHAPTER

SERA

A weeks have been past. . . at hanggang ngayon ay hindi pa rin mawala sa isipan ko na si Dahlia pala ang bagong psychiatrist ko. Hindi ko naman inaasahan na mangyayari 'yon.

Na siya ang papalit sa ibang nauna kong mga doktor.

Napapaisip tuloy ako ngayon kung kailan ako ulit makakausap ni Dahlia?

Sobrang tagal na talaga ng huli naming pagkikita, at hindi ko itatanggi na namimiss ko rin siya.

Hindi rin nagtagal ang usapan namin noon dahil mas nangibabaw pa yata ang galit ko kaya nagsimula na akong magwala.

As usual, kinulong na naman ako rito sa sarili kong kuwarto at hindi na pinalabas. Pinapadalhan na lang ako ng pagkain at hindi na pinapapunta sa centralized cafeteria ng mental facility na 'to.

Habang nagmumuni-muni, abala ako ngayon sa pagyoyoga. Wala akong ibang magawa rito kaya kung hindi matulog ay ganito ang ginagawa ko at paminsan-minsan ay nag-eehersisyo.

I was doing a feathered peacock pose when someone knocked on my steel door. Swabe ang pag baba ko sa aking katawan at naglakad patungo roon.

Maya't maya ay bumukas 'yon at bumungad sa akin ang isang nurse na lalaki.

"Pagkain, Sera." Basta na lang binigay sa akin ng lalaking nurse ang isang tray na naglalaman ng pagkain.

Bumaba ang tingin ko roon at walang emosyon na binalik ang paningin sa kanya.

"Wala na bang ibang pagkain? Isang linggo ng ganito ang kinakain ko—"

"Maghahapunan ka o hindi? Kung ayaw mong kumain, magsabi ka lang at hindi ka talaga makakakain ng tatlong araw," pagputol niya sa sinabi ko. "Ano? Kukunin mo ba 'to o hindi?"

Gustong gusto ko ng saksakin 'to sa leeg pero pinili ko na lang na huwag gawin. Ito ang pangit sa mental facility na binagsakan ko; hindi masyadong makatao ang trato nila sa mga pasyente rito.

Parang hindi nila gusto ang trabaho nila kung kumilos. Kung hindi pala nila gusto ang ganito, bakit nagtrabaho pa sila rito?

Imbis na intindihan ang nangangailangan ng tulong dito, parang nandidiri pa sila.

Walang emosyon na kinuha ko sa kanyang kamay ang tray at tinalikuran.

"Iinarte pa, kukunin din naman pala," dinig kong bulong nito at pabagsak na sinarado ang bakal na pintuan.

Narinig ko ang pag-lock no'n sa labas kaya kahit na diring-diri na ako sa pagkain na binigay sa akin ay kinain ko na lang 'yon.

Napairap na lang ako sa ere at tahimik na inubos ang pagkain. Akmang susubo na sana ako ng kanin ng bigla ako nakarinig ng malakas na pagsabog.

Ramdam ko pag yanig ng sahig o baka nga sa buong building nitong mental facility. Kasabay no'n ang pagbukas ng bakal na pintuan at pag-alingawngaw ng sirena sa buong lugar.

"What in the hell..." I whispered.

Napatayo ako at hindi pa nakakilos ng ilang segundo ng makita ang iilang pasyente na nagsisitakbuhan sa hallway.

"Sera! May malaking pagsabog at sunog daw sa kabilang ward. Puwede na tayo tumakas!" biglang sigaw ng isang lalaki ng dumungaw sa nakabukas na pintuan.

Hinihingal siya at pawisan.

"Tatakas ka ba? Kung ako sa 'yo, habang abala pa ang ibang nurse sa gagawin nila, tumakas ka na! "

Hindi na niya hinintay ang sagot ko, tumakbo na siya papalayo.

Parang tumigil pa yata ang mundo ko ng marinig ang sinabi niya. Bumagal ang ikot, at maya-maya napagtanto ko na unti-unti nang sumilay ang ngiti sa aking labi.

Patawa-tawa akong lumabas sa kuwarto at sumilip pa sa kaliwa't kanan. Nagsisitakbuhan sa ibang direksyon ang mga tao.

Naamoy ko ang usok pero hindi ko alam kung saan 'yon nanggaling. Hindi ko alam kung saang ward. Maraming akong naririnig na sigawan. Lahat natataranta at hindi nila alam kung saan sila pupunta.

Alam ko kung nasaan nag-exit; ilang beses na akong nagiikot dito sa Unit 9 na ward at alam ko na ang pasikot-sikot dito.

Kung makakatakas ako rito, dapat sulitin ko na ang mga natitirang oras dito sa mental facility.

Malawak ang aking ngiti habang tumatakbo sa nurse station. Walang katao-tao roon, mukhang inaasikaso ang malaking sunog sa kabilang ward.

Napako ang tingin ko sa isang nakabukas na baunan; may hindi pa nagagalaw na pagkain doon, at sa tabi no'n ay isang tinidor.

Napapailing na kinuha ko 'yon at saktong pagharap ko sa aking likuran ay nakita ko ang isang lalaking nurse na isa sa mga nananakit sa akin.

"Inutil! Tawagin mo yung mga ibang nurse sa kabilang ward! Nakatakas na yung ibang mga pasyente!" dinig kong singhal niya sa isang nurse.

Nakita ko kung paano niya tinulak ang isang nurse para paalisin agad. Lahat sila ay nagmamadali sa kanilang kinikilos. Nang sandaling magtagpo ang mga tingin naming dalawa ay matamis ko lang siyang ningitian.

Mabilis kong tinago ang tinidor sa likuran ko at kagat labing tinignan siya. Ang mga mata nito ay mariin na napako sa akin.

Kumaripas ako ng takbo papalayo sa kanya at nagtungo sa mahabang pasilyo sa kaliwa.

"Sera!" dinig kong singhal nito.

Mahina akong natawa at hinihingal na nagtago sa gilid ng hallway para abangan siya. Nagtaas baba ang aking dibdib at hinahabol ang sariling hininga habang inaabang itong tangang nurse na 'to.

Nang sandaling makita ang katawan niya ng malagpasan ako kung saan ako nagtatago ay mabilis kong hinablot ang kwelyo niya at tinarak ang tinidor sa kanyang leeg.

"Malaking pagkakamali na sinundan mo 'ko," malamig kong sambit habang nakatingin sa mga mata niyang nanlalaki habang nakatingin sa akin

Sinubukan niyang manlaban pero mas lalo ko pang diniinan ang tinidor sa kanyang leeg.

"S-sera..." nahihirapan niyang tugon.

"Bakit sobrang init ng ulo mo sa akin?" nanggigigil kong tanong sa kanya.

Sinubukan niyang sumagot pero hindi niya magawa. Ang suot niyang puting scrubs ay unti-unti nang namamantsahan ng dugo.

"Ilang taon na akong nagtitimpi sainyo kung alam niyo lang—" malamig kong sambit pero hindi ko natapos ng maramdaman ang malakas niyang sipa sa aking sikmura.

Ramdam na ramdam ko ang pagtalsik ng katawan ko dahil sa ginawa niya. Mahina akong napadaing at napahawak sa ulo nang maramdamang nauntog pa yata ako sa pader.

Dahan-dahan ako sa pagtayo, at pakiramdam ko nandilim ang aking paningin ng makitang hawak-hawak niya ang kanyang leeg, nakatarak pa rin doon ang tinidor, at umaatras siya ng makitang papalapit ako sa kanya.

"You're a coward now? After you kicked me, you're backing out now?" mapangasar kong tanong sa kanya.

Kamuntikan pa akong mabuwal sa kinatatayuan ko ng makarinig na naman ako ng malakas na pagsabog.

Umangat ang tingin ko sa kisame makitang unti-unting nababalot ng makapal na usok ang aming pwesto.

"I don't want to kill you yet but I really need to escape," seryoso kong usap sa kanya na akala mo ay hindi ko siya sinaksak sa leeg.

"L-layuan m-mo ko," nahihirapan niyang bigkas sa akin pero hindi ko siya pinakinggan.

Naglakad ako sa puwesto niya at patuloy pa rin siya sa pag-atras. Naiirita na ako sa ginagawa niya.

Nang maabot ko ang tinidor ay basta ko na lang hinila 'yon para makuha at inipit sa aking labi bago magtungo sa kanyang likuran.

"H-huwag! H-huwag!" sunod sunod niyang sambit.

Hinawakan ko ang kanyang ulo at panga, at wala pang ilang segundo ay lumagatok ang leeg niya sa ginawa ko. Para siyang lantang gulay ng mawalan ng malay.

Pinihit ko sa magkabilang direksyon ang kanyang ulo kasama ang leeg kaya doon siya natuluyan.

Hinihingal na tumayo ako at tinignan siya sa huling pagkakataon. Napailing na lang ako at pinunasan ang labi. Hinawakan ko na ang tinidor at kumaripas ang takbo para magtungo sa kabilang emergency exit nang may humila sa aking braso.

Parang may sariling utak ang mga kamay ko, umangat 'yon at handang saksakin ang taong 'yon pero mabilis akong natigilan ng makita kung sino 'yon.

"Sera!" sigaw ni Dahlia sa akin habang nanlalaki ang kanyang mga mata.

Awtomatikong binaba ko ang aking kamay at hindi agad nakakilos ng makita siya.

Sumilay ang ngiti sa aking labi at mabilis na hinawakan ang kanyang kamay para hilain patungo sa emergency exit.

Pero nang papasok na sana kami roon ay napukaw ng aking atensyon ang isang babaeng nurse. Isa rin ito sa mga kung tumrato sa akin dito sa mental facility ay hindi tao. Parehas kaming natigilan ng makita ang isa't isa.

Napaawang ang aking labi at natawa ng makitang kumaripas din siya ng takbo papalayo sa akin.

"Where are you going!" sigaw ni Dahlia.

Agad akong tumigil sa pagtakbo ng marinig ang kanyang sigaw. Binalikan ko siya at tumingkayad para mabilis na halikan ang kanyang labi.

Bakit parang tumangkad yata siya?

"I'll be right back," bulong ko sa kanyang labi at kumaripas ng takbo.

"Sera! We need to get out of here!"

Parang pinipilipit ang puso ko dahil sa sobrang hingal. Malakas akong napabuga ng hangin at pinunasan ang pawis sa noo at pilit na hinahanap ang punyetang nurse na 'yan ng makalabas na kami rito.

Bumalik ako sa nurse station at natigilan ng makita ang isang pares ng paa na nasa ilalim ng upuan. Mahina akong natawa at nagtungo roon.

Malakas kong hinampas ang lamesa at yumuko dahil ayaw ko nang patagilin pa ang natitirang oras ko rito. Baka mamaya ay may panibagong pagsabog na naman ang mangyari sa mental facility na 'to.

"Hindi ba ang sabi ko sa 'yo makakaisa rin ako?" malambing kong wika sa kanya.

"Ahh!"

Tumili ito ng pagkalakas-lakas na halos mabasag ang eardrums ko sa ginawa niya. Mariin akong napapikit dahil doon.

Mabilis siyang tumayo mula sa pagkakaupo at akmang tatakbo nang mahuli ko ang buhok niyang naka-bun. Mahina siyang napadaing sa ginawa ko.

"Sa susunod ayusin mo ang ugali mo," madiin bulong sa kanyang tenga at binaon ang tinidor sa leeg. Nagsimula siyang magpumiglas at umiyak. "Kung ayaw mo ng ganitong trabaho dapat hindi ka tumuloy rito, nakakaintindi ka ba?"

Dinig na dinig ko ang bawat paghugot at baon ko sa leeg niya kasabay ang malapot niyang dugo unti-unting nasisipsip ng suot niyang puting scrub.

Nanginginig ang aking balikat na hindi ko tinigil ang ginagawa ko. Patuloy pa rin ako sa pagsaksak at hindi siya tinatantanan.

"Sera! Umalis na tayo! Tigilan mo na siya!"

Pakiramdam ko ay nabalik ako sa realidad nang marinig ang boses ni Dahlia. Nanlaki ang kanyang mga mata ng makitang nakahandusay na pala sa sahig ang nurse na walang buhay. Nakadilat ang mata at umaagos ang dugo na nanggagaling sa kanyang leeg.

"Fuck, that was good," sambit ko sa aking sarili habang pinagmamasdan ang bangkay ng nurse.

Hinigit na ni Dahlia ang aking kamay, kinuha niya rin ang tinidor na hawak ko na nababalot na ng dugo. Basta niya na lang tinapon 'yon sa malayo at pinagsalikop ang aming kamay.

"Baka gumuho na 'tong building kung hindi pa tayo aalis! Tara na!"

-ˋˏ ༻❁༺ ˎˊ-

"It was Rouhi who helped us," hinihingal na wika ni Dahlia habang naglalakad kami palabas sa likod ng building.

Tumaas ang gilid ng aking labi sa narinig ko. Mukhang malayo na ang narating ni Rouhi.

Isang double door ang madadaanan namin bago kami tuluyang makalabas sa building. Pero akmang itutulak ni Dahlia 'yon nang hinila ko sa gilid at tumingkayad para halikan siya sa labi.

Naramdaman ko pa na natigilan ito dahil sa gulat pero maya-maya ay tinugon niya rin ang halik ko. The soft and wholesome kiss turned into an aggressive one and I like it.

It's really been years since the last time I kissed her.

"T-teka, Sera. Mamaya na natin ituloy 'to," pagpigil niya sa akin.

Ngumisi ako. "Why? I miss you."

Napabuntong hininga siya at yumuko para muling halikan ang aking labi.

"I miss you too but we need to get out of here. Kanina pa si Rouhi naghihintay sa labas; baka nababagot na siya kakahintay sa atin," tugon niya ng maghiwalay labi naming dalawa.

Kagat labing tumango lang ako at sinakbit ang aking kamay sa kanyang braso. Sabay na kaming lumabas ng building.

Bumungad sa akin ang matataas na mga damuhan. Sinuong namin 'yon at parang alam na alam ni Dahlia ang daan. Ilang minuto rin kaming naglakad hanggang sa makarating sa kalsadang walang sasakyan maliban sa isang itim na sasakyan na nakapark sa gilid.

"Rouhi!" sigaw ni Dahlia.

Agad na lumingon si Rouhi sa aming pwesto.

And there he goes, my Rouhi boy. I think this jackass just literally became a giant, bakit parang tumangkad 'tong silang dalawa? Rouhi's body became a little bulkier.

Kumpara sa dati niyang katawan, medyo toned lang kasi ang katawan nito noon, pero ngayon parang laging may gym na sa buhay at namamaintain na ang katawan. Hindi rin naman sobrang laki ng katawan niya, sakto lang. 

Mas nagiging matured din ang itsura niya, or I think nakakapagpadagdag lang 'yon dahil sa trimmed beard nito.

Nakangiting nilapitan ko siya at niyakap ng mahigpit.

"My Rouhi boy! Long time no see!" masaya kong wika at malakas na sinuntok ang kanyang dibdib.

Narinig ko ang mahina niyang daing bago niya pabirong hinila ang buhok ko.

"Let's go. I can hear the firetruck siren; mukhang dito na papunta 'yon," pag singit ni Dahlia.

Tumango ako at bumalik sa kanya para hawakan muli ang kanyang kamay. Pumasok kaming dalawa sa backseat at doon magkatabi habang si Rouhi na ang nagmamaneho papalayo sa lugar kung saan ako nanggaling.

Ang buong byahe na papunta sa hindi ko alam kung saan ay parang linta ako kung makalingkis kay Dahlia. Alam naman ni Rouhi kung anong namamagitan sa amin kaya hindi na kailangang magtago pa.

"Sorry to keep you waiting," biglang wika ni Rouhi habang diretso pa rin ang tingin sa kalsada. "Sana hindi ka nainip."

Mahina akong natawa at sinandal ang ulo sa balikat ni Dahlia.

"It's okay. Mukha namang worth it ang paghihintay ko," natatawa kong tugon.

Agad na namayani ang katahimikan, at hanggang ngayon ay hindi ko alam kung saan kami papunta. Nang lingunin ko si Dahlia ay nakapikit na ito ngayon at mahimbing na natutulog habang nakasandal sa bintana ng kotse.

Umusod ako papalapit sa kanya at mabilis na hinalikan ang labi niya bago muling sinandal ang ulo sa kanyang balikat.

I really missed her.

-ˋˏ ༻❁༺ ˎˊ-

Hindi ko alam kung saan kami pumunta ni Dahlia at Rouhi. Pinark niya lang ang sasakyan sa isang kweba at aakyat pa raw kami ng bundok. Kaya gulong-gulo ako sa mga nangyayari ngayon.

"Saan ba tayo pupunta?" kunot noo kong tanong kay Dahlia habang naglalakad kami paakyat ng bundok.

Hindi rin naman kami maliligaw dahil may pathway. Si Rouhi ang nauna at sinusundan lang namin siya, pero mukhang itong si Dahlia ay parang alam din kung saan kami pupunta.

"We're going to the headquarters," Dahlia answered.

"Headquarters?" bulong ko sa sarili.

Nauna na silang maglakad hanggang sa makarating kami sa isang nagraragasang waterfalls; dinig na dinig ko ang malakas na ragasa ng tubig doon. Alam ko naman na sobrang lamig na ng tubig no'n lalo na at gabing-gabi na.

"I know that we need to take a shower, pero walang heater 'yang tubig na 'yan. Gusto niyo bang magkasakit?" salita ko habang pinagmamasdan sila sa kanilang ginagawa.

Rouhi and Dahlia both dove into the water. Naunang lumangoy si Rouhi papasok sa waterfalls na ikinakunot ng aking noo.

"Sera, come here. Para makapagpahinga ka na rin," pag aya ni Dahlia sa akin.

Agad akong nag-dive at lumangoy papunta sa kanyang pwesto. Sabay kaming lumangoy papasok sa waterfalls at doon bumungad sa akin ang maliit na kweba. May platform doon na pwede kaming makaahon.

"I smell something fishy here," wika ko at nilingon si Rouhi.

Pinangningkitan ko siya ng mga mata pero inirapan niya lang ako at tinalikuran.

This fucker.

May circle entrance room na gawa sa bakal. Kumunot pa ang noo ko ng parang may kinakapkap pa siya sa mga bato at maya't maya, bumukas na ang circle entrance.

"Motherfucker..." bulong ko habang nakatingin kay Rouhi. Nanginginig pa ang boses ko dahil sa lamig.

"Let's go. Nilalamig ka na," malumanay na wika ni Dahlia at hinawakan ang aking kamay para maglakad sa mahabang hallway nitong pinasukan naming circle entrance.

Sinalubong kami ng medyo mainit na hangin; parang heater 'yon kaya medyo nabawasan ang lamig na nararamdaman ko habang naglalakad kami sa hallway.

"Anong meron sa headquarters?" tanong ko sa kanila.

"You'll be working with me," sagot ni Rouhi.

May isang napakalaking circle entrance ulit kaming papasukan, sa dulong bahagi nitong nilalakaran naming hallway. Nakasarado 'yon, at isang AI na boses ang narinig ko na para bang winiwelcome si Rouhi ng madetect siguro kung sino ang taong 'yon.

Nakita ko na yumuko si Rouhi at nilapit ang mata sa isang scanner. After that, the circle entrance opened. Bumungad sa akin ang malawak na main hall. Sobrang lawak at hindi ko alam kung paano nila nagawa ang bagay na 'to sa ilalim ng bundok.

Ang pader no'n ay hindi sementado; parang may halong rock wall 'yon at mga reinforced black steel. Ang ilaw naman ay pinaghalong blue and red lighting sa mga corridors.

Sa bandang dulo ay may mga malaking screens na nandoon at may iba't ibang mga nalitaw na picture kasama ang info na hindi ko naman kilala kung sino 'yon.

Busy ang mga ibang tao sa kanilang ginagawa at hindi man lang kaming tatlo napansin. Dahil nasa mataas kami nakapwesto, pumasok kami sa isang maliit na elevating na platform na may steel fence. Doon ay unti-unti kaming bumababa.

Sa bawat gilid ay may mga kuwarto, kitang-kita ko ang pag-eehersisyo ng ibang tao dahil sa glass wall. May nag-iisparring, merong nag-uusap, may nagpapractice sa paggamit ng dagger—sa tingin ko ay ito ang training chamber nila o kill simulation room.

Kalat-kalat ang mga tao sa main hall ng headquarters nila.

Paniguradong sobrang lawak pa rin ng lugar nila at hindi lang 'to ang makikita ko dahil marami pang iba.

"Welcome to the headquarters of the Ravagers of Ruin. ROR is an underground assassin organization where all my workers here are the greatest assassins and most wanted killers, from international to local," pagsisimula ni Rouhi.

Hindi ko namalayan na humigpit na pala ang hawak ko sa kamay ni Dahlia. What in the hell. . . sobrang dami ko talagang nakaligtaan sa buhay nilang dalawa!

"Teka nga. Ano 'tong—"

"You'll be working here from now on, Sera."

Hindi ko natapos ang aking sinabi nang marinig ang kanyang salita. Isang mariin na titig lang ang binigay niya sa akin.

Nang marinig ang kanyang sinabi parang may kung anong kislap akong naramdaman sa aking dibdib. Not because of fear. . . it's because of the excitement.

"Our mission is to hunt and murder all predators. You know what I mean, Sera. Kill the rapists, molesters, and abusers. Especially those who hide behind power, the law, or wealth to escape justice."

Nilingon ko si Dahlia na tahimik lang sa aking gilid. Nang magtagpo ang tingin naming dalawa ay ningitian niya lang ako at pinagsalikop ang kamay namin.

"So. . . Are you in?" he asked.

A smile appeared on my lips. Sinong hindi tatanggi sa malaking opportunity na binigay niya?

"Yes, of course. I'm in."

Because of Rouhi's offer, may una na agad akong mabibiktima. Nilingon si Dahlia na nakangiti na ngayon sa tabi ko. Umangat ang aking kamay. Hinaplos ang kanyang braso at masuyong ngumiti rin sa kanya.

I'll fucking kill Dahlia's rapist.

"Then congrats, Sera. Welcome to our organization," ningitian ko si Rouhi at pabirong sinuntok ang kanyang braso.

Napatingin tuloy ang ibang trabahante niya sa amin at mukhang ngayon lang kami napansin na nandito na kami sa HQ nila.

"You'll be sharing a room with Dahlia, since you two are together," dugtong ni Rouhi. Nakita ko na nilingon niya si Dahlia bago magsalita. "Ikaw na ang bahala sa kanya, Dahlia. Alam mo naman kung saan ang mga kuwarto niyo."

"Sure, Rouhi," tugon ni Dahlia. Bumaba ang tingin niya sa akin at naramdaman ang pasuklay ng kanyang daliri sa aking buhok. "Let's go, Sera? I know you're tired," anyaya niya sa akin.

"Yeah, sure," tugon ko at ningitian siya pero mabilis ko ring nilingon si Rouhi dahil may nakalimutan akong sabihin. "Thank you, Rouhi. For getting me out of there," pagpapasalamat ko.

"You're always welcome, Sera."

Nagpaalam na ulit kaming dalawa ni Dahlia sa kanya at sabay na sanang baba sa platform nang marinig ang boses ni Rouhi. Napalingon tuloy ako sa kanya at narinig ang sunod na sinabi nito.

"One more thing, your work should not be disclosed to anyone except those you've worked with. Your job is strictly confidential."

I nodded and smiled at him sweetly.

"Sure. It's a secret then."

THE END

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top