68

Messenger

Miggy Alvarez is calling...

Accept

Miggy Alvarez on call...

“Hello, Cassandra?”

“Hello?”

“Okay ka lang?”

“Teka... umiiyak ka ba?”

“Cassandra...”

“Bebe...”

“Bakit?”

H-Hekamiah...”

“Oh? Nandito lang ako...”

“Bakit?”

“Bakit ka umiiyak?”

Gagaling ba talaga ako?”

“Will I survive?”

“Oo naman, gagaling ka.”

“How would you know?”

“Si Cassandra ka e, matapang ka. Hindi agad sumusuko. Lumalaban.”

“Paano kung ang Cassandra ngayon gusto nang sumuko?”

“May Miggy namang sasalo sa kanya, pinapasabing kumapit pa siya, na tatagan pa niya at lumaban pa kasi naniniwala si Miggy na malalampas niya rin 'to. Matatapos din ‘to.”

“And soon this will be your greatest testimony.”

R-Really?”

“Yes, Cassandra...”

Tingin mo makakaya ko talaga ‘to?”

“Oo naman, naniniwala ako sa ‘yo. Naniniwala akong malalampasan mo rin ‘to. Naniniwala akong gagaling ka. Naniniwala akong makakasama kita sa pasko, hindi lang sa pasko kundi hanggang sa pagtanda.”

“Kaya ang kailangan mong gawin ngayon ay magtiwala ka rin sa sarili mo. Maniwala kang makakaya mo at makakaya mo nga.”

O-Okay...”

“Hekamiah... I don't know what will happen to me if I don't have you. Siguro matagal ko nang kinitil ang buhay ko...”

“Cassandra...”

“It’s true haha, but you know? Everytime I try, you always show up. Parang alam mo ‘yung mangyayari kahit naman hindi. Tapos ang nakakatawa pa, you always save me without even trying.”

“And now... gano'n ulit. My mind was so clouded by my thoughts and it's heavy. Pero tuwing kausap kita, ewan ko biglang gumagaan.”

G-Gusto ko nang sumuko. Sukong suko na ako mentally and physically. December 5 pa ‘ko nandito tapos walang pagbabago. Hirap pa rin akong huminga, wala pa rin ang pang-amoy at panlasa ko. Tapos wala pa akong ibang makita. Everytime I woke up the four white corners of the room was always been my view. Para akong mababaliw.”

And... hindi ka ba nagtataka kung bakit wala si Mama?”

N-Nagtataka pero nahihiya lang akong magtanong.”

“Cassandra?”

“Shhh... Tahan na...”

N-No... ngayon lang ulit ako u-umiyak, susulitin ko n-na...”

A-Ang tagal ko nang kinikimkim ‘to e...”

“December 4. 3:30am. I was sleeping in my room when Mama barged in while holding a knife. Nagising ako sa sigaw niya. Sinisisi niya na naman ako sa pagkamatay ni Lio, my brother. And sa paglalayas ni Papa. Yes, you heard it right. Papa abandoned us. Sawang sawa na siya sa pananakit ni Mama kaya nagawa niya akong iwan. Iniwan niya ako kay Mama na walang ibang ginawa kundi sisihin ako sa mga kagagawan niya at saktan ako araw-araw. Naging mabait lang siya nang ilang araw sa akin noong hinayaan ko siyang makalaya pero bumalik na naman siya sa dati makalipas ang ilang araw...”

“Takot na takot ako, Hekamiah. Kung hindi pa ako naka-iwas malamang nasaksak niya na naman ako sa tiyan. A-Ang sakit... Naka-iwas nga ako pero ‘yung puso ko naman ‘yung parang nasaksak nang paulit ulit kasi... b-bakit? Bakit niya ako gustong patayin? S-Sarili niyang anak, sarili niyang dugo at laman, papatayin niya.”

Napaka-unfair... Napapatanong nga ako minsan bakit sa dinamirami ng may pamilya bakit napunta pa ako sa ganito? Bakit napunta pa ako sa ina na gustong mamatay ang anak niya. Sa ama na walang pakealam sa anak niya. Masama ba akong tao para maranasan lahat ng ‘to? Anong kasalanan ko?! Bakit ako?”

“Wala kang kasalanan, Cassandra... Biktima ka lang...”

“Ang unfair, Hekamiah... g-gusto ko lang namang maranasan ‘yung pagmamahal ng mga magulang ko pero bakit sakit ang binibigay nila? Nag-aaral na nga ako nang mabuti para maging proud sila. Para naman marining ko mula sa kanila ‘yung salitang inaasam ko. ‘Yung ‘A-Ang galing mo, anak! Proud na p-proud kami sa ‘yo... Mahal ka namin...’”

“Pero madamot sila e... ‘di nila maibigay...”

Cassandra...”

“Back to my story... Mama was chasing me with her knife. Naghabulan kami sa bahay hanggang sa naubos ang pasensya niya at binato niya ang kutsilyo sa akin na dumiretso sa binti ko. B-Buti na lang nakuha ko ‘yung cellphone ko...”

“Sobra na akong nanginginig habang nag-da-dial ng number sa police station pero alam mo ang nakakatawa? In the last minute nanaig pa rin ang pagiging anak ko. Nanaig pa rin ang pagmamahal ko sa kanya kahit ni-minsan ‘di niya ako minahal. I-I cancelled the call... and instead I called the number of the  nearest mental hospital here.”

“Kasi kailangan niyang magamot. Yes, she deserves to be rotten in jail but she more deserves to be healed. Biktima rin siya kaya niya nagagawa sa ‘kin ‘yun. Masyado siyang nasaktan sa panlolokong nagawa ni papa sa kanya. Sa sobrang sakit na naranasan niya nawala siya sa katinuan. Matagal ko nang alam na may deperensya na siya sa pag-uutak pero hindi ko alam kung anong gagawin ko pero nung oras na ‘yon isa lang ang alam ko at iyon ang tawagan ang alam kong makakatulong sa kanya.”

“Nakita nila ang sitwasyon namin sa bahay. Kinuha nila si Mama at dinala sa mental... sana lang... gumaling siya. At ako dinala nila rito sa hospital. Ginagamot ako noon nang may mabangga akong umuubo at tingin ko sa kanya ako nahawa dahil kinabukasan wala na akong maamoy. Nag-test pa ako at positive nga.”

“Hindi ko alam ang gagawin ko pero buti na lang nakita ako ni ninang Sali isa sa mga nurses dito. Sabi niya sagot na raw niya ang hospital bills ko. Sobrang pasalamat ko sa kanya pero habang nandito ang hirap...”

“Unang gabi ko rito akala ko mamamatay na ako... sobrang hindi ako makahinga no’n pero sa awa ng Diyos nakaligtas naman ako...”

“Sobrang natakot din ako kanina kasi may limang namatay dahil sa COVID...”

Napapaisip nga ako kung ako na ba ang susunod?”

“Shhh... Huwag mong sabihin ‘yan.”

“Gagaling ka, okay?”

“Alam mo... sa narinig kong kwento mo, napahanga mo ako sa tatag mo. Napahanga mo ako sa kabaitan mo. Salamat... Salamat kasi nagkwento ka. Salamat kasi pinagkatiwalaan mo ako.”

Matapang ka, Cassandra. Sobra. Naharap mong lahat ‘yon, ano pa kaya ngayon?”

“Kaya laban lang, gagaling ka rin.”

“Kasama natin Siya...”

“At paglabas mo riyan sa hospital, ako ang unang sasalubong sa ‘yo at yayakapin kita nang mahigpit.”

“Thank you...”

“Hekamiah...”

“Hmm?”

Kantahan mo naman ako oh...”

“Sige...”

“Isa ito sa mga favorite ko. Ito ang nagpapaalala palagi sa aking totoo Siya. Na naririnig Niya tayo. Na may ginagawa Siyang paraan. Na hindi Niya tayo pinapabayaan sa dilim...”

“The title of this song is ‘Way Maker’ by Leeland...”

“You are here... touching every heart,”

“I worship You, I worship You...”

“You are here... healing every heart,”

“I worship You, I worship You...”

“You are way maker, miracle worker,”

“Promise keeper,”

“Light in the darkness, my God...”

“That is who you are...”

“Even when I don't see it, You're working...”


“Even when I don't feel it, You're working...”

“You never stop, You never stop working...”

“You never stop, You never stop, working...”

“Cassandra?”

“Hmmm?”

Tahan na ha?”

“You know this song also saved me...”

“Kapit lang ha? Gagaling ka rin...”

“Nandito lang ako lagi...”

“Don’t forget to pray... Pray lang lagi ha?”

“Good night...”

“Good night, Miggy...”

Call ended 11:54PM

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top