Chapter One

Natapos ang tawag ni daddy sa akin. Hindi na niya ako maihahatid sa airport. Alam ko naman na labag sa loob niya ang pag-alis ko.Pero alam niya rin na kinakailangan kong umalis.
Pumasok ako sa loob ng aking silid. Tiningnan ko ang mga bagaheng dadalhin ko. Nalulungkot ako sa pag alis kong ito. Pero alam kong maiintindihan ako ng pamilyang nagmamahal sa akin. Napa-angat ako nang tingin ng may tumikhim sa pintuan. Si Aya. Ang nakakatanda kong kapatid, si Aya Troy. Pumasok siya at niyakap ako.

"Wag kana lang kayang umalis." Sabi niya habang mahigpit akong yakap.

"Aya, naman eh," Turan ko at tiningnan siya. Kumalas siya sa yakap at umupo sa bed. Chineck ang mga papers ko. "Aya, gusto kong mapanatag si Ama kahit ilang taon lang. Nanghihina na siya. Baka ano pang mangyari doon." Paliwanag ko at tumabi sa kuya ko.

"Hindi kana na naman nagpapakita sa kanya. Sa pamilya. Ano pa ba gusto nila?" Nakabusangot na turan ni Aya.

"Aya, babalik ako. After makasal ni Sabrina at David. Para magkaroon ng panatag na isipan si Ama na  hindi ko aagawin si David kay Sabrina. At ayaw ko doon sa matandang gusto niyang mapangasawa ko." Sabi ko sa kanya. Ipinulupot niya ang kamay niya sa aking balikat. "Bakit, gusto mo akong makasal sa matandang iyon Aya?" Tanong ko sa kanya. Na sumimangot.

"Ofcourse not. You're special at makakasal kalang sa hukluban na iyon. Ni kay David ayaw ko nga siya para sa'yo,  yun pa kaya."Sabi naman niya.

"Kaya nga kailangan kong umalis. At kailangn ako ni Feli doon. Lumalago na ang Ysobelle, Aya." Dagdag ko.

"Yan. Kaya ayaw kong pumunta ka doon. Wala akong tiwala sa babaeng yun." Mas lalong sumimangot ang mukha niya. Natawa naman ako sa sinabi ni kuya.

"Sabihin mo namimiss mo lang ang kakaulitan noon."Sabi ko naman sa kanya. Ginulo niya ang buhok ko.

"Wag assuming. Nahahawa kana sa babaeng yun."Sabi naman ni Aya. Napalingon kami ng pumasok si Mommy. "Balik nalang ako mamaya. Mag-usap muna kayong dalawa. Para tapos na pagdating sa NAIA."Sabi ni Aya at lumabas na.

"Lianna," Tawag ni mommy. Ako na ang lumapit at niyakap siya. Si mom ang unang nagalit nang sabihin kong aalis ako. At mas lalo siyang naging balisa ng sabihin kong sa Shenzhen ako lilipat. Ayaw na ayaw niya sa China. E pure Chinese naman siya. Ni hindi ako pinayagang mag Hongkong Disneyland noong 16 ako kasi ayaw ni mom. Field trip yon nang school namin. Nagtaka man ako ay hindi na ako umangal.

Lalo siyang nag alala , na ngayon na doon ako titira ng ilang taon. Pinaliwanagan siya dad. Sinabi ko rin na may Cafe na akong negosyo doon. Mag-aanim na buwan na ang Ysobelle. Hindi na siya gaanong hysterical after nila mag-usap ni dad.

"Mom, wag kanang masyadong mag-alala sa akin. " Pagpapanatag ko sa loob niya.

"Anak, hindi ako kailan man mapapanatag kung ikaw na ang pag-uusapan. Lalong lalo na sa Tsina ka pupunta. Iba ang trato nila sa mga hindi puro. At hindi taga Mainland. Ayoko ko lang maranasan mo ang culture discrimination nila. " Paliwanag ni mom. Naiintindihan ko naman si mom.

"Mommy, Sa Shenzhen po ako titira. Para pong Dubai ang Shenzhen. Maraming expat gaya ko. And malaki napo ako mom. 22 na ang anak niyo. Muntik na nga akong makasal diba?" Pagpapatawa ko sa kanya.

"Hindi nakakatawa. Naiinis ako kung naiisip ko ang mga Tan. "Sabi naman ni mommy. Tumawa ako. At niyakap siya ulit.
"Wǒ xīwàng mìngyùn bù huì zuò rènhé shìqíng. Zhè hěnjiǔle." Nag salita si mom ng Chinese. Marunong pa talaga siya.

"Hindi ko naiintindihan mom. Fokien lang ang alam ko. Hindi naman Mandarin yon." Sabi ko kay mommy.
Ngumiti siya."Mag-aral ka doon ng Cantonese para hindi ka maisahan." Sabi ni mom." Wǒ ài nǐ, nǚ'ér."

"Wǒ ài nǐ, Lao bu," At nagyakapan kami.

Si mom,dad, at Aya. Silang tatlo ang naging sandigan ko nang nagdaang taon. Last year, nalaman kong hindi ako anak ni mommy. Anak ako sa labas ni dad. Nalaman ito ni Ama at itinakwil ako sa pamilya. Sabi ni dad, nabuntis niya ang isang  half Chinese -half Russian na local sa Macau. Nalasing daw siya noon at ang tunay kong ina ang naghatid sa kanya sa hotel na tinutuloyan niya. Inamin naman agad ni dad kay mommy ang nagawa niya. Sumunod si mom sa Macau para makilala ang nanay ko. Doon napag-alaman nilang may sakit ang tunay kong ina. May sakit siya sa puso. At mamatay siya kung ipagpapatuloy niya ang pagbubuntis niya sa akin. Ginusto ni mommy na ipalaglag ako pero lumuhod daw ang nanay ko at nagsabing ituring ako ni mom na tunay na anak. Ang tanging gusto niya ay makita ang magiging anak niya bago man lang siya mamatay.Dahil alam na  niyang mamatay siya noong nagpabuntis siya kay dad.
Pinalbas ni dad sa mga ka kilala namin kaya hindi umuwi si mom ay buntis ito at maselan ang dinadala. Inako ni mommy na anak niya ako. Wala silang pinagsabihan kahit si Aya.Walang kahit sino ang nakaka alam na hindi ako anak ni mommy.
Nalaman lang ito, ng magkita ang doctor ni mommy at si Ama. Sinabi ng doctor na malungkot daw siguro si mom kasi si Aya lang ang naging anak niya. Sabi ni Ama sa doctor ay dalawa ang anak ni mom. Nagtaka ang doctor ni mom at sinabing paano nag ka anak si mom  e matagal nang baog si mom dahil sa komplikasyon sa pagbubuntis ni Aya. Ng gabing iyon ay nagpunta ang buong pamilya sa bahay namin. At dalawang nakakabatang kapatid ni Dad, sina Tita Cheryl at Tita Sheila, at mga asawa at anak nila. Nang makita ako ni Ama ay agad siyang lumapit sa akin at sinampal ako. Tinanong niya ako kung paano ko daw naluko sina Dad at Mom na anak nila ako. Nanginig ako sa lahat ng sinabi nila sa akin. Hindi ako nasaktan sa lahat ng sampal at iba pang sumbat nila sa akin. Ang tanging nakasakit sa akin ay katotohanang hindi ako anak ni mommy. Ang gabing yon ay parang bangungot. Parang isang masamang panaginip na nais kong makawala.
Nang dumating sina dad at mom, saka kulang naramdaman na may kakampi ako. Nang isigaw ni dad na anak niya ako. Dugo at laman niya ako. Tapos  Nagwala si Aya ng makitang punit-punit na ang damit ko. At namaga ang mukha ko sa sampal ng pamilya ni Dad. Sinabi rin ni Aya na kahit sino pa ako ay kapatid niya ako. Mas lalo akong naiyak nang sinabi ni mommy na hindi nga niya ako anak pero siya daw ang mommy ko. Nag-away si Ama at dad. Pero hindi niya matakwil si Daddy dahil si Daddy lang ang nag iisa niyang anak na lalaki.
Naging magulo ang linggong yon. Hindi ako pumasok. Dahil alam kong paguusapan lang ako dahil sigurado akong ipinagkalat na ni Sabrina, ang aking pinsan, sa lahat na ampon ako. Iniba pa niya ang estorya. Ginawa niya talaga akong ampon.
Si David Tan. Kasintahan ko siya ng isang taon at naging fiance. Masugid ko siyang manliligaw nang ilang taon na. Kaya noong nag 20 ako ay sinagot ko na. Dahil na rin yon sa advice ni mom na bigyan ko ang sarili ko nang chance na mag-explore.
Pero nang malaman niyang anak ako sa labas, Hindi man lang niya ako nagawang ipagtanggol ng e bully ako. Hinayaan niya lang ako. Nang pinutol ni Ama ang engagement namin at pinalit si Sabrina ay wala siyang ginawa. Naawa ako sa sarili ko noon. Kaya akong e echapwera ng kahit sino kahit ang taong nangakong mamahalin ako nga lubos.
Siguro ay ang langit na ang naghusga sa akin. Ginawa niya ito dahil nagsisinungaling ako sa sarili ko at kay David. Sabi nga ni Feli, niloloko ko lang ang sarili ko nang tinanggap ko ang proposal ni David. So ngayon langit na ang gumawa ng paraan.
Napapitlag ako nang hawakan ni mommy ang kamay ko. Nakarating na kami sa airport. Naging madali nalang kay mom ang pagpapaalam dahil nakapag-usap na kami. Nang nagaantay na ako na mag take-off ang eroplano. Tumingin ako sa labas ng bintana at malungkot na isinirado ito. Ayoko makita ang tanawin dahil lalo lamang magpapa-alala sa akin ang mga nangyari. At mami-miss ko lang lalo ang pamilya ko. Sina mom,dad at Aya.
This two hour flight and a half will surely be the longest flight I have taken without anyone of my support and pillar. Nag social media ako at dina-activate ang lahat ng account ko. Sabi ni Feli, kung gusto kong makalimot ay lalayo muna ako sa makapag-alala sa akin sa mga nangyari. Kaya okay. Yan na. Sinabihan ko na rin sina mom at Aya na mag dedeactivate ako ng social media. Hindi ko namalayan na dumating na kami sa Shenzhen. Nag message na si Feli sa akin sa Wechat kanina na nasa Airport na siya. Naghihintay. Agad kong tinapos ang sa immigration at kinuha ang mga bagahe ko. Dali-dali akong lumabas sa pinto na sinabi niya. Everything in Shenzhen is high-tech. Scan-scan ang uso dito. Kahit maliit na bagay ay swipe. Buti nalang sinabihan na ako ni Feli kung ano ang kalakaran dito. Kung may Wechat app ka at nakasync sa bank account ko ay wala ka nang problema.
Hindi mahirap hanapin si Feli dahil tama nga siya makikita ko siya agad. Sino ba naman ang hindi makakakita sa kanya e naka yellow jumpsuit, yellow stilletos at malaking yellow beach hat. Natatawa akong lumapit sa kanya na parang nagmomodel sa damit niya.
"Péngyǒu," Tawag niya sa akin. Sabay yakap ng makalapit na siya. "Masaya na ako ngayon dahil nandito kana. Kung nasa Piliinas ako nang panahong yon, baka na kalbo ko na ang Sabrinang iyon." Sabi niya. And she hold me on arms length.  Kumunot ang noo niya. Shake her head and slightly twirl me.
"What?" Tanong ko sa kanya.
"Tsk.tsk.tsk. square pants. Rubber shoes tshirt and a cardigan. Typical Lianna." Puna niya sa sout ko.
"Bakit? May dapat bang magbago?." Tanong ko sa kanya.
"Naman. May ari ka na nang isang sikat na business dito sa Shenzhen.China's one of first Teir city kaya dapat lang." Sabi naman niya.
"Sira. Halika na nga. "Sabi ko sa kanya. Kinuha aan niya ang ibang luggages ko habang patuloy na nagsasalitang dapat ko nang palitan ang wardrobe ko. Hindi ko na lang siya pinansin. Hanggang makarating na kami sa parking lot.
Si Feli ay Limang taon nang nakatira dito. Lumipat siya sa Shenzhen nung 15 siya at 10 years old naman ang kapatid niyang si Dylan. Kinuha sila nag ama niyang Tsino. Kaya naman may car siya at mahahatid niya ako sa condo unit ko. Naging malapit kaming magkaibigan ni Feli simula ng mag Pre-school kami. Nagkahiwalay lang kami ng lumapit sila sa Shenzhen.  Mula dito sa airport ay may 35 minutes pa bago kami makarating sa city proper at sa condo unit ko. Kahit mahal ang mga unit sa city proper ay pinili ni Feli na doon na ako titra para hindi ako mahirapan sa pasikot sikot.  Nang may ilang minuto na kaming naglalakbay at malapit na kami sa sebtri ay may napansin akong isang building. Mapapansin mo talaga ito dahil sa taas nito at sa structure nito. Kakaiba ang design nito. Nakaka attract din ang napakalaking LED screen. O ang mga bintana nito ay LED Screen. Habang palapit kami sa syudad ay palapit rin kami sa building. Nakaktutok ang paningin ko sa logo ng company. Napatingin ako sa bracelet ko. Maypagkapareha sila sa isang bahagi ng logo.
"That's the TGE Building. " Agap namang sinabi ni Feli. Napansin niya sigurong natahimik ako. At tinitingnan ang building.
"Ang ganda niya at ang laki niya Fel," Sagot ko.
"Para yang trademark dito sa Shenzhen. Makikita mo yan sa unit mo."Sabi niya.
"Talaga?" Natuwa ako.
"Hay naku, kung anong ikinaganda nang building na yan siya namang kay sama ng may-ari." Paghihimutok niya.
"Naku, ganyan na talaga yan basta matanda na." Sabi ko naman. At nilingon muli ang building bago mawala dahil lumiko si Feli.
"Matanda? Matagal nang pinalitan ang matandang patriarch. Ten years ago pa. " Sabi niya. Pinag tawanan ko siya dahil parang ang laki nang pagkadisgusto niya sa may-ari ng TGE. Siguro ang nagbigay sa nanay ko ng bracelet nato ay Idolo ang may-ari kasi ginaya niya para sa bracelet.
Nang bumaba kami dahil dumating na kami sa condo building nang unit ko. Maaliwalas sa paningin ang kaubuan ng building. Halatang high tech rin ito. Sa tapat ay Metro station. Sa unahang banda naman ay may park. Pumasok na kami sa building. Sonalubong kami ng isang lobbyist. She instruct me to register first on the lobyy. Tapos pina -akyat na kami sa 24th floor. Sinabihan niya rin kaming mag register ng lock system sa aking pintoan. Nang makarating kami sa unit ko ay nagregister na ako ng aking thumb ,iris sa mata,face ko at voice sa aking unit. Nagsisilbing key ko ang aking mukha. Karagdagang security feautures nalang ang iba. Isinama ko rin si Feli na secondary key para makakapasok siya sa unit ko ng walang problema. Pag bukas ko ng unit ko ay sinalubong ako ng maliit na foyer na may halaman sa bandang gilid. At painting ng isang napakagandang Andalusian na kabayo. May shoe rack sa baba nito. At sabitan ng jacket at cap sa isang gilid. Nang makapasok ako sa living area natuwa ako sa interior. May dslawang maliit na couches na parang victorian ang style. May mga paintings malapit sa bintana. Sa kabilang side ay may mga books. May halaman rin sa kabilang sulok. Gusto ko ang interior ng bahal. Kahit high tech siya may touch parin siya ng old and antic.
"Salamat, Feli. Alam mo talaga ang gusto ko." Sabi ko naman sa kanya.
"Ako pa. Kilala na kita kaya expert na ako diyan. " Sagot naman niya at pumasok sa kwarto siguro iyon. "Halika," tawag ni sa akin.
Sumunod ako kanya na panganga ako nang makita ang loob ng silid. May queen size bed na victorian din. May bedside table at floor lamp. May vanity sa kabila at at pinaka gusto ko ang window bunker. May sette at ang kabilaan ay mga books. Nagustuhan ko talaga siya. Nang tumingin ako sa kabila ay nakita kong may balkonahe rin siya. Lumabas ako dito at kita ko ang kabuan ng syudad. Tama nga si Feli kita ko mula rito ang TGE. Para na naman akong na mamagnet sa building na iyon.
"Yung dalawang doors na magkatabi ay closet mo iyon at banyo. May banyo rin sa labas malapit sa kitchen. Yung isang bed minimal lang ang denicorate ko doon. Ako lang naman ang matutulog doon.Kung pwede nga na dito na ako tumira para may kasama. Hay, kung pwede ko lang sipain si Dylan pabalik sa Beijing ginawa ko na. " Paliwanag ni Feli sabay tawa.
"Salamat talaga Feliciana. Kung marinig ka ni Di na ililipat mo siya sa Beijing magwawala yun.Ayaw panamn niya doon." Bulalas ko.
"Naku,wag mo akong tawagin sa name na yan, please lang, Feng ako dito. Ikaw nga lang tumatawag sa akin ng Feli eh.Yun nga eh, gusto ko may kasama ka dito. Kaya lang hindi pwede." Tumawa siya.
Napangiti rin ako. "Magpahinga ka muna. Para mag didinner tayo sa labas." Sabi ni Feli.
"May tanong lang ako, anong ibig sabihin ng TGE?" Tanong ko kay Feli.
"The Golden Empire." Sabi niya.
"Ah, okay. Bakit parang galit ka sa may-ari.?" Tanong ko ulit.
"Kasi walang respeto sa pamilya. Kahit siya ang patriach hindi naman siguro tamang balewalain ang tradisyon ng pamilya. "Sabi ni Feli.
"Bakit naman?" Tanong ko At napatingin ako sa building.
"Kasi ten years ago, binali niya ang tradisyon ng kanilang pamilya. Hindi siya nagpakasal sa gustong babae nang pamilya niya. Tapos nang makaupo bilang family patriarch binago ang logo ng pamilya nilang ilang daang taon na tanda. 10 years palang yang logo nila. " Paliwanag ni Feli.
Nagulantang ako. At hinawakan ang ang aking bracelet.
"Pero nako. Hayaan na ang Zi Lam Wang na yon maiinis lang ako lalo. Doon panaman tayo nag dedeliver sa cafetteria nila. " Dagdag ni Feli.
"Ha? May negosyo tayo with them?" Tanong ko.
"Oo. Yung kontrata na enimail ko sayo 2 months ago. Yun yon. " Paliwanag niya.
"Ah, okay. Labas na tayo. Magpapalit lang ako nang damit."Yaya ko kay Feli.
"Sigurado kang hindi ka pagod.?"Tanong niya.
"I am kaya e gala mo  ako dahil gutom na ako." Sabi ko sa kanya. Pumasok na ako sa closet na nakahilara pa ang mga luggages ko. Kumuha lang ako ng dress na hanggang tuhod at mag ru-rubber shoes lang din ako. Kumuha rin ako ng maliit na sling bag. Nilugay ko rin ang mahabang buhok ko.  Paglabas ko ay nasa kitchen si Feli. Ang kitchen at banyo lang ang high tech tingnan sa unit ko. May breakfast counter na may dalawang upuan. May table good for Four. May touch screen na burner. A decent size ref.
"Kumpleto na ang gamit dito Lian, pero wala pa  tayong grocery. Kaya mag go-grocery tayo ngayon." Sabi niya.
Tumango ako at inaya na siyang umalis. Mag me-metro kami para maturuan niya akong gumamit ng Wechat app payment. Sabi rin ni Feli na  mas komportable ang mag Metro kung gabi dahil masyadong traffic. At sa umaga naman pwedeng mag bike ako sa park. Bibili kami nang bike sa susunod na pagkakataon. Ang convinient nang payment nila dito. Wala nang cash cash. Hindi hassle. Three stop mula sa condo unit ko ang Coco Park. Isa itong lugar na makikita mo ang lahat dito. Bars, clubs, high end restaurants, shopping malls at marami pang iba. Para siyang one stop shop at dito rin makikita ang Cafe Ysobelle. Doon kami kakain. At sa unang pagkakataon ay makikita ko na ang Ysobele sa personal Hindi lang sa pictures.
Maraming tao kasi nagdidilim na. Naglalabasan na ang mga nag oopisina. Ang Ysobelle ay naka corner sa isang shopping mall entrance at isang bangko. Nakaharap naman ito sa isang electronic gadget store. Kaya sabi ni Feli peak hours nang Ysoblle ang ganitong oras.
May cozy na ambiance ang Ysobelle. Hindi masyadong maliwanag pero hindi rin madilim. Ysobelle serves a variety of cuisines. But nag e-especialize kami nang mga french pastries. At Italian pasta. Malakas ang Ysobelle sa mga expat, mga foriengners, at ibang mga locals.
Nakilala ko ang lahat ng mga crew. Mas maraming locals na marunong mag English ang nagta-trabaho sa amin. Ipinakilala rin ako ni Feli sa kanila. Tapos ng maikling introduction ay napili kong umupo sa hindi masyadong crowded na part nang Ysobelle. Sa bandang likod. Nang naghihintay ako nang pagkain at si Feli ay nasa kitchen nahagip nang paningin ko ang isang lalaki. Napatayo ako. Pamilyar siya. Nang magtama ang paningin namin, may heart skip a beat. Kahit naka sunglasses siya. Parang tumatagos ang paningin niya sa salamin at sa glass wall ng Ysobelle.
Nang napalinga ako nang dumating ang crew na naghatid nang pagkain pagbalik ko nang tingin ay wala na siya. Namalikmata lang kaya ako? Impossibleng may nakakilala sa akin dito.Guni guni ko lang siguro  iyon.
========================><==========
Someone's POV
"Master,"Hu Tian,  My most trusted bodyguard entered. He bowed. I nodded in response. "The Miss just arrived in Shenzhen this afternoon. She's now settled in her condo unit.With her friend." Hu Tian reported.
"Did they go out?" I asked.
"Shì,about 20 minutes ago. They went to Coco Park." Hu Tian answered.
"I want to see her. " I said. And stood up releasing my tie and discarded my coat.
"Master let her settled down first. Before-" Hu Tian cut me.
"I won't show myself.Yet." I answered. "Not Yet, Hu Tian. "
Then Hu Tian calls security. Just the few trusted one's. We used big bikes. So that no paparazzi won't know I go out at the Empire. I wear a cap, sunglasses and a face mask. When we parked I hurriedly went to the otherside of the street. I can see her from here.
She is Smiling to the crew. Didn't she realize she looks amazing everytime she smiles. Her long, black, wavy hair rustled on the soft breeze of the aircondition. She is looking good now. Not stressed and lonely. I was astounded when she looked at me. Her forehead creased. I moved out when her crew give her food. I peek to see her one Last Time.
'Li-li' I whispered.


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top