Chapter 9
Camera
"Do you have suggestions sa theme at setting?" tanong ni Cyan na nakaupo sa sahig, suot ang night dress niya at kararating lang.
I can't even... why is he glowing?
"Wala, eh," sagot ko, distracted pa at hinahaplos ng paa ang sahig para tignan kung maalikabok ba o ano.
He curled his lips and stared at his sketch. "Wala akong maisip pa, eh. I think that I'll go with the basic themes na lang..."
Slowly, I lend my hand to him. Napanganga siya at wala sa sariling nilagay ang kamay niya sa palad ko. My cheeks burned and slighty slapped his hand away.
"Akala ko holding hands! For meditation at makapag-isip tayo ng maayos!" singhal niya na tumatawa, naniningkit pa ang mga mata at kumikintab ang ngipin.
Ugh, his laugh is so annoying... it's cute.
"Yung sketch kasi!" Pakiramdam ko ay umuusok ang mukha ko sa ginawa niya.
Ang lambot ng kamay niya.
He giggled. "Here..." Binigay niya sa akin na agad kong kinuha.
I stared at the designs. I licked my lower lip, my eyes scanning the details. Those were maxi, mid, and wrap dresses. He used different styles, actually. Mostly mga ruffles, tie-waist, laces, and puff sleeves.
Kapag may ganito pa ulit siyang requirement kung sakali, iri-recommend ko yung Greek goddesses.
"So..." he probed.
"Depende sa dress mo," sagot ko at kumuha ng cookie sa glass container na dala niya. "Hindi na sunog cookie mo, ah."
Namilog ang mata niya at tinakpan ang hita niya na ikinakunot ng noo ko. Uminit ang pisngi ko nang may mapagtanto kaya sinamaan ko ng tingin. He giggled, standing up and laid face down on the bed.
I bit back my laugh.
"Iniisip ko na baka picnic? Since most of my dresses favored that theme..." He clasped his hands together.
I took a peek at his sketch before gazing back at him. Nahagip ulit ng tingin ko ang suot niya. The light was dimmed, the gentle illumination highlighted the subtle contours of his face.
He's literally ruining my focus. Ang ganda ganda!
"Ganda," I blurted out while staring at his face.
"Huh?" Napatingala siya sa akin.
Umiwas ako ng tingin. "Ng idea mo..."
"I know! Pero ikaw? Ano sa tingin mo?"
I leaned back against the headboard. Kinurot-kurot ko yung sleeve ng silk pajamas ko at habang naghihintay siya sa sagot ko. Bubuka ang labi ko tapos ititikom lang din naman.
I suddenly felt conscious of how I think.
"Come on, I want to hear your opinion," makulit niyang saad.
Nakakapanibago na nasa kama ko siya at nakadapa, naghihintay sa sagot ko na parang komportable agad sa space ko.
Pero ako naman 'tong kinakabahan.
"Since mga dresses mo are mostly soft at flowy. Bakit hindi na lang garden setting? Parang may flowers, tapos golden hour lighting," I suggested, my chest banging loudly.
Tumigil siya sa doodle at tumingin sa akin, unti-unting kumawala ang ngiti. "Flowers? Golden hour?"
Umiwas ako ng tingin. I don't know if my idea is good. Binasehan ko lang naman ang dress niya. Ang plain kasi ng picnic, mat lang at aesthetic foods kapag ganoon.
"Pero okay na yung idea mo. Mas bagay nga kung picnic," bawi ko at umiling.
"Continue, Ciel," marahang untag niya.
"Tss..." I felt my cheeks flared. "Parang dreamy, at soft lang. Pwede rin siguro yung string lights or sheer fabric para magical pero hindi rin sobra."
"Ang galing mo pala," pang-aasar niya.
"Huwag na lang!" I replied and rolled my eyes.
"Hey, I like it!" bawi niya at natatawang inabot ang tuhod ko para hampasin. "Ganyan ang gagawin natin. It would look like a fairytale!"
Syempre, bagay sa kaniya ang mga ganyan.
He was still laughing and pulled his hand away when my eyes lingered on it. Humarap ako sa gilid, tinitingnan yung dulo ng medyas na suot ko, at sa loob ay tuwang-tuwa ako na nagustuhan niya yung idea ko.
"Tapos baka pwede rin yung petals sa ground na parang sumusunod sa flow ng skirt? Kung may skirt kang mahaba," dagdag ko.
Mas maganda 'yon, makakapalabas siya ng magandang illusion.
"Yes! I have one! Actually color ano siya..." Nangingiti niyang binuksan ang phone at pinaharap sa akin ang screen. "This one. It's an old rose, but I doubt that it would suit me-"
"Maganda 'yan sa 'yo," putol ko sa sasabihin niya.
"Okay." He giggled and grabbed his sketch that was on my lap.
Natahimik kaming dalawa habang nagpapatuloy siya sa pag-sketch. Nahuhulog ang strap ng dress niya. Tumikhim ako kung kaya't napatingin siya sa akin na may kuryusong mata.
"Yung strap ng dress mo, ayusin mo," namamaos kong sita, kagat ang labi sabay iwas ng tingin.
"Hindi ako nagba-bra!" halakhak niya.
Sinamaan ko siya ng tingin, mainit ang pisngi. "Yung dress mo!"
Something dawned on him and he merrily laughed again. He tilted his head to the side, his side profile shaped perfectly and his fingers glided slowly— almost I found it sexy— and pulled the strap up to his shoulder.
Hindi ko na alam kung paano pa kakalma kung ganyan lagi 'yan kaganda. I licked my lower lip and cleared my throat.
Shit. What is this feeling?
"Wala ka namang makikita rito." He rolled his eyes.
"Kahit na," giit ko.
"Alright, alright!" He pouted.
I watched him draw another dress again. Tumayo rin ako at kumuha ng sketchpad, sa dulo ng kama naupo at doon gumuhit ng naiisip kong theme niya para hindi mahirapan.
"Ano 'yan?" sita niya at gumapang palapit sa pwesto ko!
Ang kulit! Napaiwas ako ng tingin. He's ruining my mood by just being beautiful right there.
"Yung theme mo," sagot ko at pinakita sa kaniya yung rough sketches. "Pakita ko sa 'yo kapag tapos ko na."
He nodded slowly, staring at me before he sat with his legs crossed. Lumayo siya sa akin at doon nagguhit, mukhang malalim ang iniisip. Chewing my lower lip, I took a glimpse of him from time to time.
Hindi ko na napigilan nang makalipas ang ilang minutong katahimikan.
"Ayaw mo ba?"
Tumunghay siya at nadepina no'n ang mahaba niyang pilik-mata. "Uh, gusto. I just can't believe you're helping me with the set-up. Ang hirap kasi kung ako lang... mag-isa."
Pero iba ang nasa utak ko. Nakaka-distract ang pagkurap niya. Lalong gumaganda kasi ang ganda pa ng mata.
I nodded my head. "Kanina ka pa nag-curl ng lashes mo?" tanong ko.
There was a glint in his eyes. "Exactly before climbing your tree house. Nahirapan nga ako kasi ang dilim." Tumawa siya, nanghihina ang mga braso.
"Huwag mo nang ulitin."
Lumaylay ang balikat niya. "Why? It doesn't suit me, does it?"
I didn't like the sadness coating his voice.
"Kapag madilim. Gawin mo kapag maliwanag o bago ka lumabas ng kwarto mo," irap ko.
Baka maipit yung balat niya.
He nodded with a small smile kissing his lips. "Okay!"
Lahat na lang sa kaniya ay maganda. Kahit na nakakainis siya ay alam mong magugustuhan mo pa rin yung ugali, yung confidence... yung lahat!
Napahinga ako ng malalim. "Hindi ka ba hinahanap ng Mommy mo sa bahay niyo? Baka mamaya pumunta 'yon dito at malalalaman ni Mommy."
"She's aware that I'm here," saad niya, hindi na nabalik ang tingin sa sketch niya. "Pinagbawalan ko siyang pumunta rito. This is solely ours."
Kumunot ang noo ko sa kaniya at hindi na lang kumontra. Ang ganda kasi kapag nakangiti kaya ayaw ko ring pawiin, kahit na nagulat ako sa sagot niya.
Hindi pa rin nawawala yung pagkabalisa ko na baka malaman ni Mommy at baka magalit na naman. She had always been so strict, especially when I'm making friends. I also don't want to drag Cyan in this.
Pero nandito na nga. Sa favorite place ko pa. Ni hindi nga nakakapasok ang kung sino rito. Kahit si Annika. Si Cyan pa lang.
And I'm afraid... too afraid that stopping will be left in the dark, and afraid that it will no longer hold me when the time comes.
"Next week, Ciel? I'll still edit it pa kasi. Next month na yung pasahan."
"Yung materials ba? Mayroon ka na?"
"Wala pa," nakalabi niyang sagot, kumikintab ang highlights sa kaniyang mukha.
Napatitig ako sa kaniyang ilong at nakuha no'n ang atensyon ko dahil may bituin na nakadikit.
"Ano 'yan?" I couldn't help but poked his nose.
He looked flushed. "Pimple patch. Oh, you've noticed it? I thought this is barely visible." He tried to cover it with the back of his hand.
But I swatted it away with a sharp flick of my fingers. Mukha pa siyang nagulat, kahit ako rin pero itinago ko iyon sa magkasalubong na kilay.
"Baka kulang ka sa tulog o tubig," saad ko at tinitigan ang ilong niya nang maigi.
"I drink well. Alam mong hindi na uso sa college students 'yang tulog na 'yan." He puffed his cheeks and looked away.
"Mag-cleanse ka ng maayos at huwag puro sabon lang. Drink water, and not softdrinks, Cyan. Try mo ring mag-ice compress at serum."
"Okay, mamaya..." He nodded while rubbing his left arm, his cheeks red.
"Huwag mo ring kamutin kasi mas lalong lalaki. You're so expert with make-up but-"
Umirap siya. "Oo nga! It's as if it's my fault!"
Kumunot ang noo ko sa kaniya. Umirap siya, pulang-pula ang mukha. Hindi rin siya makatingin. Ang ganda lalo kapag namumula. Aakalain mong may sariling blush.
Kinubli ko ang ngiti at umiwas ng tingin.
"I have a camera na, yung pang-vlog ko kasi nasira. Nahulog noong tumili ako," saad niya nang matahimik na naman kami.
Bakit naman tumili? Nakakakilig ba o nakakatakot? Alin do'n sa dalawa?
Pinipigilan ko rin kasi ang dumaldal kapag nandyan siya. Pero minsan hindi ko talaga mapigilan kasi yung topic naming dalawa ay humihila rin sa interes ko.
Siya... hinihila rin ako.
"Bagong camera ba?" tanong ko sa kaniya.
Ngumuso siya habang nakapatong ang baba sa kaniyang palad. "Matagal na. Balak kong bumili ng bago pero wala pa akong pera."
Tumango ako at saglit na napaisip doon. Matagal na pala.
"Bibili ako ng materials bukas since Sunday naman," kwento niya. "Marami na rito, nalista ko na siya, Ciel. Pero yung suggestion mo is wala pa riyan, iisipin ko pa kung ano ang pwedeng idagdag." He showed me his phone.
I read his notes. Inisa-isa ko ang mga 'yon at tinanggal ang iba, lalo na yung tela. Marami ako ritong nakatago sa cabinet kasi ginagamit iyon ni Mommy tuwing may birthday ang mga pinsan ko.
Kailangan lang niyang maging resourceful at huwag basta-basta bumili ng bago. Isang beses lang naman niyang gagamitin. Yung mga importanteng bagay na lang ang bilhin niya.
"I also don't know kung saan pwedeng mag-photoshoot, Ciel. I think I have to pay for a studio?" ngiwi niya at gumuhit doon sa sketchpad niya.
"Ang mahal," asik ko at nagtipa sa phone niya ng iilang bibilhin.
"Oo nga, pero no choice. Sa mga kaklase ko kasi, sa mga studio sila," kwento niya.
"Huwag mo gayahin, dapat authentic ka," I spat while typing, and his eyes lingered at me.
Tumango siya at nanahimik.
"Hindi pwedeng sa studio kasi ang mahal. Pwedeng sa garden niyo-"
"Sa garden mo na lang!" he hissed. "Ang gaganda ng bulaklak!"
"Pero-"
"I heard may pupuntahan sila ni Mommy. Vacation ata with their friends? That would be a great time for us," ngiti niya na ikinailing ko. "I mean, opportunity! Silly me!" He slapped himself multiple time.
"Tsk!" Bumuntong-hininga ako sa gitna no'n at inalis ang kamay niya sa kaniyang pisngi.
He remained smiling and hopeful. Ang ganda na, ah? Nakakainis!
"Oo na, basta huwag lang masyadong makulit," pagpayag ko.
"Yes!" He jumped on the bed while laying against his chest. I didn't know how he could do that.
"Shh!" saway ko agad kaya tinutop niya ang kaniyang bibig saka bumungisngis.
I woke up around eight in the morning to go to the mall. May bibilhin kasi ako at para na rin matulungan si Cyan na bumili ng mga materials niya. Alam kong magpapasama 'yon.
Pero umabot na ng alas-diyes ay hindi man lang kumatok sa bahay o umakyat sa tree house ko! Iritado ako kumatok sa bahay nila. Hindi ko alam kung anong ikinaiinis ko.
"Tita, si Cyan po?"
Mukha pa siyang nagulat nang makita ako. I sneaked in even though Mom isn't inside our house. I tried to smile despite the annoyance I'd been feeling.
"Nasa mall, Ciel. Kanina pa," sagot niya na nakakatitig sa akin. "Magkasama ba dapat kayo? Ang batang 'yon talaga!"
I flinched. "Hindi naman po. May kukunin lang sana ako..."
She nodded. "Wala siya rito, pero pwede mong kunin kung ano man 'yon sa kwarto niya."
"Hintayin ko na lang po siya o i-message ko na lang, Tita. Salamat po," I dismissed before leaving.
Bumuntong-hininga ako at dumiretso sa mall. Sa totoo lang, wala naman siyang sinabi na sasamahan ko siya. It was me who assumes that he'll rely on me.
Palibot-libot lang ako sa mall at hindi pa rin siya nakikita. I don't want to message him. It took me a lot of strength to never touch my phone even if I looked like a fool in the crowd.
Kapag kasi awkward ako, hinahawakan ko agad ang phone at nagkukunwaring may kausap!
"Sabi ni Cyan nasa bookstore raw siya." A familiar face walked past me.
Mabilis na nakuha nito ang aking atensyon at napanood ang paglakad nila patungong bookstore. Mas lalong nanliit ang mata ko nang makita yung Nile na nangingiting nakasunod sa barkada ni Cyan.
Kaya ba hindi ako inimbitahan kasi iba ang kasama?
Napalunok ako bago humakbang pasunod sa kanila. I lowered my black cap, placing some strands of my hair to the back of my ears. Sakto lang para hindi halatang may sinusundan.
Ayos lang sana kung kaibigan niya, eh, nandito yung ex...
"Grabe, sis, ang fresh mo pa rin kahit sa morning rush!" saad ng isa na malakas kung tumawa.
Dumapo ang mata ko kay Cyan na nakatalikod sa gawi ko. His hair was neatly fix. Nakita ko pang suot niya ang ribbon na gawa ko at ginamit bilang headband. He's wearing a white bodycon dress and in his red heels.
May knitted rainbow tote bag pa siyang dala. I even saw another ribbon wrapped around the strap.
I caught sight of Nile staring at Cyan. I tilted my head and focused on the book in front of me, but no matter how hard I tried, my gaze kept drifting back to him. Kahit ang iba ay napapatingin na sa kaniya.
Great, now everyone's staring at him. Tss...
"Stop it," narinig kong sagot ni Cyan, halatang nahihiya pero may tili rin ng tuwa sa dulo ng boses niya.
I almost smiled when I saw him getting red again.
"Ay, siya na nga! Ang ganda ng skin, parang wala kang pores!"
"Girl, huwag mo akong paandaran. Ang init kaya, pawis na pawis ako bago pumasok dito sa mall. I had a pimple last night," iling ni Cyan sabay mahinang hampas ang kaibigan.
"Pawis ka pero blooming! Spill the serum, sis. Ano na ang chika sa life? May bagong jowa vibes ka, ah!"
My eyes turned into slit when Nile held on Cyan's left elbow. Umiwas ako ng tingin at mas lalong binaba ang sumbrero ko.
"Pero, bakla, bakit ang aga mo?" tukso ng isa sa mga kaibigan niya. "Akala ko beauty rest ka pa!"
Cyan chuckled. "Girl, kailangan, eh. Dami kong bibilhin for my photoshoot project. Para kasi siyang fairytale! Hindi ko naisip!"
"Anyway, hinatid lang namin si Nile. Pwede kayong mag-date!"
I dropped the book with my jaw clenched. I stared at my fisted knuckles that looked so small than that guy. Umiwas ako ng tingin at wala sa sariling napatawa.
I saw them leaving and Cyan and Nile were talking about something. Bumuntong-hininga ako nang inalis ni Cyan ang pagkakahawak sa kaniya ng isa at binigyan pa ng distansya ang pagitan nila.
"You'll hire a photographer? I can be one, may binili akong camera last year," pahayag ni Nile na sinusundan siya sa kabikang aisle.
Iritado rin akong lumipat sa kabila, umiirap at humahalukipkip. Pumadyak akolalo sa inis.
Tumango si Cyan pero hindi tuminag ang katawan, parang walang balak lumapit. "Nice, pero okay lang. Kaya ko na siguro," sagot niya na pilit ang ngiti.
"Come on, Cy," giit ni Nile, bahagyang umusog palapit. "Mas okay kung ako na lang. Para hindi ka na gumastos."
"Look, I don't know where are you pulling the damn thick face of yours after we broke up, but can you at least respect my personal space? Nakakairita ka na!" Cyan spat with anger in his tone.
"Cy, come on," Nile said, reaching for the tote on Cyan's shoulder. "It's just a shoot. Walang label, friendly favor lang."
Cyan angled his body away. "Friendly favor leads to friendly drama."
"Drama? Hindi naman ako ganyan ngayon." Nile forced a laugh. "Look, we worked well before. Sayang naman yung chemistry natin."
Umismid ako at napairap, nanatiling nakakrus ang dalawang braso sa harap ng dibdib ko.
"That's exactly the problem," Cyan replied. "Chemistry. You still talk like may 'tayo.' Wala na nga, at pwede ba? Huwag kang umasta na parang maayos talaga tayo."
Nile shoved his hands in his pockets, leaning closer. "So what if we had a thing? That was a good thing. Why erase it? I just want to help."
"You don't get it." Cyan kept his voice even, but the words were clipped. "Helping means I see you again and again. I don't want that. I've moved on."
"Move on doesn't mean you have to cut me off," Nile pressed, softer now. "Friends can stay friends."
My lips parted. Dito pa talaga nangyari ang mga confrontation nila, tss.
Cyan exhaled sharply. "Friends respect boundaries. You can't."
"Because I miss talking to you," Nile blurted. "I miss... us."
Hindi ko man alam ang nangyari pero tanga! Sinayang mo!
Cyan shook his head. "Nile, I don't miss us. I'm good. I'm happy. You should be, too."
"Cy-"
"No." Cyan held his gaze, firm and final. "Please don't follow me after this. If you respect me, you'll stop."
"Cy, please," Nile said, stepping closer so fast that Cyan had to shift back. "Isang photoshoot lang, hindi mo kailangan mag-overthink. I can even drive you-"
Cyan stiffened, the polite smile gone. "Nile, I said no. Don't make me repeat myself."
Kung makulit si Cyan, iba naman ata 'tong kakulitan nitong ex niya. Ang kapal kaysa sa hawak kong libro.
"Hindi mo ba na-miss kahit kaunting oras kasama ako? Friends lang, promise," Nile insisted, voice dropping but his hand hovered near Cyan's tote strap again. "I just want to help, bakit parang kasalanan, Arcyan?"
Cyan took a step back, irritation finally surfacing. "Because you don't listen. I don't want help from you. I don't want anything from you. Tapos na 'yon, Nile."
"Nahihirapan ka tuwing nagsi-set ka ng camera tuwing may vlogs ka. You need a photographer-"
I rolled my eyes. "Meron na siya. Ako," putol ko dahil hindi na matiis.
Cyan looked back at me with his eyes wide. Nile clenched his jaw and looked at me from head to toe. Napangiwi pa siya sa height ko! Syempre iilang inches lang ang lamang ko kay Cyan!
"Sino ka?"
"K-pop idol," sagot ko at naramdaman ko agad ang pagpalibot ng kamay ni Cyan sa braso ko.
"What?" angil niya.
Umirap ako.
"Let's go na, Ciel! He's so papansin!" Umiba ang boses ni Cyan, parang tuminis at biglang lumambing.
Kumunot ang noo ko. Hindi naman siya ganyan makipag-usap sa mga kaibigan niya kanina, ah?
He dragged me away, leaving Nile standing like he had roots under his sole and gawked at us with confusion written all over his face. Bumuntong-hininga ako at sumulyap kay Cyan na unti-unting niluwagan ang pagkakahawak sa braso ko.
"Thanks, Ciel. Phew," ngiti niya habang nagbabayad sa counter.
"Akala ko... friends kayo," pasimple kong sagot.
"Hindi, ah. My friends just wants him to be my boyfriend again," tawa niya.
"Pumapayag ka siguro kaya tinutuloy-tuloy nila," untag ko na parang nang-aasar pero ako lang din ng naasar!
Hindi ko maintindihan kung bakit! Baka dahil sa paghintay ko sa kaniya ng dalawang oras? Oo! Iyon!
"Nope, I kept on telling them na ayaw ko na." He winked. "But they're friends with him kasi. Nauna nilang maging friend si Nile before ako kaya hindi ko rin matatatboy sa circle."
"Okay."
"Naging friends ko sila because of Nile," daldal pa niya.
Tumango ako habang papalabas kami. I slowly walked down when I noticed that he's struggling to keep up with me because of his heels.
Baka madapa pa, tss.
"Are you curious of how we ended? I want to rant!"
"Kasi may feelings ka pa?" iritado kong sagot.
He giggled and slapped my arm. I looked back at him in shock.
"No, silly! About him being like damn bug. Ang kulit kasi niya!"
"Ewan ko sa 'yo," irap ko, ngumuso at kinalma ang sarili.
Dire-diretso lang ang lakad ko at walang reaksyon ang mukha. Napasulyap ako sa dalawang paper bag na nasa palapulsuhan niya.
I grabbed the two paperbags and walked again. I kept on rolling my eyes. Kulang na lang ay pumadyak ulit ako sa irita.
"Pupunta ulit ako sa tree house mo, ah?"
I nodded because I have no choice.
"Why are you here pala?"
I pinched my nose, glaring at him. "Wala!"
Mangha siyang tumitig sa akin at doon ko napagtanto na mas lalo lang siyang gumaganda sa paningin ko.
Gwapo naman ako, ah? Bakit ko iniisip kung bakit siya maganda?
"Why nga?!" inis niyang tanong.
Bumuntong-hininga ako, umiinit ang pisngi at halos hindi na maigalaw ang labi para umamin.
"Sabi mo kasi bibili ka ng materials dito," sagot ko at pinagpatuloy ang paghanap sa isang store.
"Oo nga! I told you kagabi pa!"
"Sabi mo rin..." I was hesitating. "... na isasama mo ako," I lied.
"What?! I didn't, Ciel!" he spat at held my arm, his lips pursed.
"You did," sagot ko at pinanindigan na ang pagsiisnungaling.
"I swear, I didn't!"
"Noong bumaba ka sa tree house ko? Antok ka na nga no'n, eh, kaya siguro mo nasabi."
He gasped. I rolled my eyes.
"Naghintay ka? I'm sorry!" He looked guilty.
And I suddenly felt guilty for lying, too! Hindi ko alam kung matatawa ako o mas lalong sumama ang loob dahil kanina pa talaga iritado sa lahat ng bagay.
Pero aaminin ko, ang bigat kanina noong na kay Nile siya ay nawala dahil nasa tabi ko ngayon.
"Biro lang," saad ko at tumingin sa store na nasa harapan namin.
"Wow, nice joke, Ciel!" Nakahinga siya ng maluwag habang sinusundan ako. "Hindi ako nagpasama kasi alam kong pinuyat kita-"
"Terms, Cyan!" bulong ko sa kaniya dahil ang lakas ng boses!
"Pinuyat naman talaga kita! Umuwi ako around two!" he hissed in a whisper, his eyes wandering around. "Wow, ang gaganda. Sayang wala akong budget this month!"
Lumapit ako sa saleslady.
"Ano po yung pinakabagong release na DSLR?" Because I'll buy it for his photoshoot, and of course, for another hobby as well.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top