Chapter 27
Longing
"Okay lang daw siya," balita ni Annika nang dumaan ang isang araw. "Busy siya sa org at sa mga acads niya."
Tumango ako at nakagat ang labi. Hindi ko maiwasan na malungkot dahil miss ko na naman siya. Walang araw na lumipas na hindi siya pumapasok sa isipan ko. Minsan ay tahimik na lang akong umiiyak.
"Ano pa gusto mong itanong ko?" Suportado talaga si Annika. "Kung miss ka niya?"
I licked my lower lip nervously. "Kung pwede ko siyang makausap? Kahit saglit lang?" I probed and evaded her scrutinizing gaze.
"Tapos anong gagawin mo? Anong sasabihin mo? Kaya mo bang aminin sa kaniya yung nangyari?"
"Hindi ko alam. Gusto ko lang talagang marinig ang boses niya."
"Patay na patay, amputa," bulong ni Annika.
Marahas akong napalingon at mangiyak-ngiyak na sinamaan siya ng tingin. She rolled her eyes, raising her hands in the air before she typed on her phone.
"Delivered lang." She dropped her phone on the table and crossed her arms instead, eyeing me. "Sige, sabihin na nating nag-usap nga kayo, Ciel. Nagpaliwanag ka, nalaman niya ang side mo, pero hanggang saan? Aabot ba 'yan sa puntong ipaglalaban mo siya sa Mommy mo?"
Natikom ko ang aking bibig. I fiddled on my fingers and pouted, tearing up.
"Siguro para sa peace of mind na lang ni Cyan?" she uttered heartlessly yet speaking facts. "Para maayos niyo yung iniisip niya gabi-gabi. For sure, he's questioning himself of the sudden cut of communication. Because you've treated him nice for sure, and suddenly he's blocked."
Hindi pa rin ako umiimik.
"But if you have an agenda other than that, I guess you should consider Cyan. I mean kung ipaglalaban mo. It's unfair in his part. If you want more than that, then you have to be ready to stand on it. Hindi pwedeng aasa ka na lang na maiintindihan ka niya habang ikaw mismo hindi sigurado kung ipaglalaban mo siya."
Tumango ako habang nakatitig sa phone niyang hindi pa rin binabasa ni Cyan. I patiently waited, clasping my hands together yet no reply came from him. Panigurado ni-long press niya 'yan para hindi niya ma-seen.
"Ano ba naman kasi 'yang nanay mo! Siya ba ang makakasama ni Cyan sa relasyon? Hindi naman, ah? Tang ina niya talaga..."
I nodded, out of my mind— it wanders again at Cyan's pretty face in my mind. Because that's the only thing I have right now.
"Pag -isipan mo ng mabuti, Ciel. It's up to you..." Kumibit-balikat siya. "Sabihin mo lang sa akin kung anong gusto mong ipagawa."
I can't think of anything else. Dinaramdam ko pa rin ang hindi niya pagpansin sa akin noong nakaraan. Umiyak ako no'n buong gabi habang nakatingin sa bintana niyang kaharap lang din ng bintana ko. Lagi kasing nakasara 'yon, kaya kahit panonood ay 'di ko magawa.
Lagi ring nakabantay si Mommy sa akin. Lagi akong balisa, panay ang lingon sa kaunting ingay na nagmumula sa labas. It was suffocating that all I could do is cry. Iyon lang naman ang magagawa ko.
"Punta akong library," paalam ko kay Annika sabay hablot ng bag ko, tumakbo palabas ng room namin.
Pumipintig ang dibdib ko habang tinatahak ko ang hallway papunta sa library. Bawat hakbang ay mabigat, parang may humihila pabalik— takot, duda, boses ni Mommy sa isip ko. Pero mas malaki ang ideya na baka tuluyan ko na siyang mawala.
I'm glad, he's there but he's with Nile and Arden. Pinagitnaan ni Cyan at Arden si Nile. Abala sa minamanipula sa laptop, umiilaw ang mukha ni Cyan at tutok doon.
"Palakihin mo yung font," marahang saad ni Cyan na salubong ang kilay. He even rolled his eyes. "Ayaw pang makinig para matapos na."
"Ito na lang ang gagawin natin, ano? Last grind?" Nile smirked at him.
Tumigil ako sa paglalakad palapit sa kanika at tumitig. Kumirot muli ang dibdib ko sa selos. I clenched my fist and pursed my lips, suppressing the feeling.
"Dinner tayong tatlo nito after," ngisi ni Arden.
"No, thank you. Nakakapagod makipagplastikan sa inyo," sagot ni Cyan. "Palakihin mo nga yung font! Ang pangit tignan, gosh!"
"Stress agad?" ismid ni Arden at inalis ang kamay ni Nile sa trackpad.
"Bobo niyo, eh, sinong 'di masi-stress?"
Kabado ako habang lumalapit. Huminga muna ako ng malalim bago nagsalita.
"Cy..." tawag ko at mabilis ang pagtunghay nilang tatlo.
"Ciel," ngisi ni Arden. "You came for me?"
"Hindi."
Arden rolled his eyes.
Cyan's face lost its humor. Mabilis ang kaniyang pagtayo sabay hila ng bag. He walked towards me and eventually passed through me. Umawang ang labi ko at wala sa sariling gumalaw ang paa ko para habulin siya.
"Cy, wait..." pigil ko, kagat ang labi.
He didn't looked back. Mas lalo niyang binilisan ang takbo. Nahulog ang ID niya mula sa bag habang lumiliko siya sa isang building. Yumuko ako para pulutin iyon, pero pagtingala ko, wala na siya.
Naiwan ako roon, hawak ang ID, at walang kasiguraduhan kung saan ko siya hahanapin. I slumped my shoulder and faked a smile. At least, I tried.
"I guess, he doesn't wanna see you right now..."
Napalingon ako nang marinig ang boses ni Nile. Behind him was Arden who looked serious. Bumuntong-hininga ako at umiwas sa kanila ng tingin dahil ang bigat ng pakiramdam ko.
He was protecting himself by refusing to let me back in. By making sure I didn't even get the chance to speak. This was him drawing a line and daring me not to cross it.
"Hayaan mo muna siya. He'll cool off," saad ni Nile at lumapit pa sa akin. "Don't force him, okay, dude?"
"Nile..." tawag ni Arden at umiling sa kaniya nang nilingon niya. "Alis na tayo. Gawin na lang natin yung pinapagawa ni Cyan sa org."
"Liit mo pa naman." Nile's smirk remained on his lips. "I gave you the chance, you wasted it-"
"Hindi naman ikaw ang gusto ko, pinagsasabi mong chance diyan?" sabat ko, unti-unti nang naiirita.
His smile faltered. "What I mean is about Cyan. You wasted your chance, maybe it's my time to take mine again, I guess? Total mas may past pa kami kaysa sa inyo."
Napakuyom ang kamay ko, pero pinilit kong panatilihing kalmado ang boses ko.
"Hindi chance ang tinapon ko," sagot ko nang diretso at walang paligoy-ligoy. "Desisyon ang ginawa ko noon. Mali, oo. Pero huwag mong baluktutin para magmukha kang nananalo. Bakit ka ba sabat ng sabat diyan?"
"Hayaan mo na kasi, Nile..." pahabol ni Arden. "Dehado ka sa sagutan niyan, pre." He even had the guts to chuckle despite the heavy atmosphere.
Mabigat ang ego ang ni Nile. Parang lalagutan ng hininga kung hindi papainitin ang ulo ko.
Napatawa siya nang pilit. "Still. Kung hindi mo siya kayang panindigan-"
"I don't need a lecture from someone who's still clinging to the past," putol ko agad. "Kung talagang may lugar ka pa sa buhay niya, hindi mo kailangang ipangalandakan. Hindi mo kailangang ipaalala sa 'kin kasi makikita ko naman."
He looked annoyed. Naglabasan na ang ugat sa kaniyang leeg at kamao. I remained stiff.
"May past kayo, oo. Pero alam mo rin kung bakit tapos na 'yon. And whatever happened between you and Cyan has nothing to do with me right now. Don't turn this into a competition— I'm not fighting anyone, and I'm not competing with you. College na tayo, hindi ko alam kung anong pinuputok ng butsi mo. Stop being childish, kainis!"
Tinalikuran ko sila. Nakababanas. Alam ko naman ang ginawa ko. Ang hindi niya alam ay ang mga option ko at kung gaano kabigat ang nasa ilalim no'n. He kept butting in as if he knew everything.
"Sabi na kasing hayaan mo na, eh," halakhak pa ni Arden.
Madali sa kaniyang manghusga kasi wala naman siyang sinusugal.
"I think I lost it, Kuya. Promise po, hahanapin ko later. Hindi ko po talaga napansin kasi hindi ko naman po nasuot 'yon-"
"Alam mo namang studyante ka, 'di ba, hijo? Responsibilidad mo na suotin ang ID mo kapag nasa campus ka. Hindi ito bagong patakaran."
Kita ko ang paninigas ng balikat ni Cyan, ang paraan ng bahagyang pagyuko ng ulo niya. Hinila niya ang strap ng bag niya, parang doon ibinubuhos ang inis na ayaw niyang ilabas.
Napapikit si Cyan sandali, saka huminga nang malalim na parang inaayos ang sarili bago muling magsalita. "Sir, presentation po namin ngayon. May pinapasa po kaming design. Ako po ang magpe-present. Please po..."
"Tungkol saan man ang klase mo, pareho ang patakaran para sa lahat," sagot ng guard. "No ID, no entry. Hindi ako pwedeng mag-exception dito. Ginagawa ko lang ang trabaho ko."
Sumibol ang pag-asa sa dibdib ko at mabilis na tumakbo papunta sa pwesto ni Cyan. He huffed under his breath and he froze, slowly lifting his head. Agad na natanggal ang reaksyon sa kaniyang mukha.
My heart clenched though. Masaya akong nalapitan ko siya pero hindi ko rin maiwasang masaktan nang makita ang reaksyon niya. Ito yung sakit na dahan-dahang nagpapaliit sa 'yo, na parang sinasabi na mali ang pag-aakalang may karapatan ka pang lumapit.
"I-Ito po yung ID ni ganda..." Mabilis kong nilabas 'yon sa bag ko na mabilis niyang hinablot sabay pakita no'n sa guard.
"Ito po, Sir. Thanks..." He smiled at him and walked inside the gate.
Agad akong humabol pero mas lalo niyang binibilisan.
"Teka lang, ganda," habol ko at inayos ang buhok kong humaharang sa akin kakatakbo. "Mag-usap muna tayo, please..." Gumaralgal ang boses ko.
To have him almost be in my arms. Isang hablot ko na lang, yakap ko na. Pero papayag ba siyang yakapin ko siya?
"Busy ako. Wala akong oras sa 'yo." Para pa rin siyang nagmomodelo kapag naglalakad, kahit nagmamadali at parang may hinahabol.
"Saglit lang. Saglit lang, ganda..." I tried myself not to be emotional at this point.
He stopped and looked back at me with anger in his eyes. "Hindi ka ba nakakaintindi? Busy nga ako. Hindi mo ba narinig ang sinabi ko kanina? May presentation ako ngayon! Kaya pwede ba? Kung may sasabihin ka, wala akong balak pakinggan 'yan."
Umawang ang labi ko at nangilid agad ang luha. He remained mad at me. Those eyes that looked so in love with me... now burned with the kind of anger that only comes from being deeply hurt.
At hindi ko akalaing makikita ko kung gaano siya nasaktan sa ginawa ko. Hindi ko matanggap na nasaktan ko siya ng ganito.
"Remember what I told you back then?" He smiled, his lips trembling. "That if we ever come to this situation, I wouldn't argue. I'd pretend you don't exist."
He blurred from my sight.
"Ganda..." I whispered, drying back my tears. The word slipped out before I could stop it, a muscle memory.
He walked the way he always did when he was certain— his chin lifted, shoulders set, every step deliberate. It looked almost like a runway walk, confident and clean, like the world still made sense to him even as mine was coming apart.
Naiirita ako dahil napansin ko pa rin. For still seeing the beauty in the way he moved. There was something cruelly graceful about it. Ang ganda ganda niya pa rin.
Sa totoo lang... nangungulila ako ang buhay na meron ako noong kasama ko pa siya.
Not because it was perfect, but because it was honest in ways I didn't know how to name back then. With Cyan, things felt unguarded. I didn't rehearse my smiles or measure my words. I didn't feel like I was borrowing a life that didn't quite fit.
The silence didn't just take his presence, it took color with it. Everything flattened into muted tones, and I moved through my routines to convince myself that this colorless version of life was enough. But it wasn't. I had reduced myself to fewer colors. Dark ones are back again.
Without him has taught me that I don't just want him back— I also want the courage I abandoned. I want to fight for the life I almost had.
I suddenly remembered why I took the risk to be with him before Mom knew about us. Maraming takot at pag-aalinlangan akong hinarap pero tinuloy ko pa rin. Bakit ako huminto gayong tumatawid na? Bakit ngayon ko pa naisipang huwag siyang ipaglaban?
"Ano? Ipapaalam kita, ah? Halos mamuti ka na kasi ang putla putla mo! Hindi ka halos pinapalabas sa bahay niyo!" saad ni Annika.
Ngayon kasi ang planong overnight nila Arden kasama ang mga kaibigan niya. Sigurado rin akong nandoon si Cyan.
"Sa tingin mo papayag si Mommy?"
Ngumuso siya. "Ewan, pero ita-try ko."
"Baka si Dad, papayag."
"Hindi mo pa rin sinasabi?"
I shook my head as we went inside the house. Bumungad agad sina Mommy at Daddy na nasa sala at nag-uusap. Nagtatawanan pa silang dalawa. Mom's eyes slipped towards me and her smile vanished.
"Tita, Tito, good afternoon po..." bati ni Annika.
"Good afternoon, Annika. Tapos na class niyo?" Dad looked at me.
Mom's eyes slitted. I caught my breath and evaded her gaze. Tahimik akong tumayo at hindi bumati sa kanila.
"Wala na po since may meeting ang mga professors. Early dismissal po kami. Gusto ko sanang isama si Ciel, Tito, sa beach kasama ang mga friends ko? Payag ka po?" ngiti ni Annika.
Dad slided his gaze back at me with a smile. "Sure... just take careof each other there."
"Hindi siya pwedeng sumama," sabat ni Mommy at tinignan ako na puno ng banta.
Hindi ko pinansin. Desidido akong makausap si Cyan.
"Why? Let our son enjoy his college life. Isang gabi lang naman 'yan. Hindi naman siguro masama kung makapagpahinga at makapag-enjoy din at the same time."
Napapitlag si Mommy. "Hindi ko sinabing masama. Pero-"
"Pero ano?" tanong ni Dad. "Mag-aaral pa rin naman siya. Uuwi rin. Hindi ba't mas okay 'yon kaysa buong araw siyang nasa kwarto? Ilang araw mo nang hindi pinapalampas 'yan maliban kapag nasa school."
Tahimik lang ako, nakatayo sa gilid. I saw Annika smirked while my parents were arguing in front of us are her delicacy to eat.
Mom's jaw tightened. "Remember what I told you, Ociel, okay?" Lumambing ang boses niya pero halatang hindi niya gusto ang nangyayari.
I didn't nod. I didn't answer.
"Maghanda ka na, Ciel," utos ni Dad. "Annika, you can go with him." He nodded as a sign.
Hindi ko pinansin ang nanunusok na titig sa likod ko. I prepared everything and Annika was helping me with my things. Isang gabi lang din naman.
"Kung kahapon tayo nagpaalam, may possibility na hindi ka papayagan. Or worse, she'll threaten you again before we could even reach tomorrow," aniya nang pabulong.
"Thank you..."
"Wala 'yon, ano ka ba!" Hinampas pa niya sa akin ang brief ko.
Namumula kong hinablot iyon sa kaniya. Annika kept laughing. Saktong bumaling ako sa nakabukas na pintuan at nakita si Cyan na nakatingin sa amin. He closed the curtains with no emotion at all.
"Ano?" takang tanong ni Annika nang mahuli akong naglagi ang titig sa kabilang bahay. "Si Cyan?"
"Oo..." Mabilis kong tinago ang brief ko sa bag.
She swallowed hard. "Sinubukan mong kausapin?"
"Ayaw niya, eh," sagot ko at dire-diretso lang sa paglagay ng iilang option kong mga damit, nakayuko pa rin para hindi niya mapansin na naiiyak ako.
"Just give him time."
Kahit ilang buwan pa 'yan o taon. Hindi ako mapapagod na habulin siya. Hindi ako mapapagod dahil mahal ko siya.
"Baka iumpog mo lang ang SUV, ah?" bungad ni Rica nang magkita-kita kami sa harapan ng convenience store. Sa village lang din nila Arden.
"Hindi 'yan. Wala ka bang bilib sa akin, Rica?"
"Wala? Nakaw mo nga idea ni Cyan dati noong highschool tayo, eh."
"Aguy!" halakhak ni Feli.
Hindi ako makatawa dahil hindi ko pa makita si Cyan. Wala rin si Nile. Papunta pa lang daw silang dalawa kaya hindi ko maiwasang pagkurutan ng dibdib dahil baka magkasama. Baka sinundo ni Nile.
"Nag-sorry ako, tss. New year's resolution."
"Baklang 'to, baka pinalastik mo lang si Cyan! Jujumbagin talaga kita!"
Napalingon ako sa kadarating lang na si Nile. Cyan wasn't with him. Tumaas agad ang kilay niya sa akin. Umirap ako at inayos ang neck pillow ko.
"Si Cyan?"
"Wala pa..."
"Baklang 'yon, nag-make up naman siguro!"
Minutes after that, Cyan arrived with his sheer light-blue halter tube top with a butterfly-like pattern, gathered at the center with a small ring and thin tie straps, paired with a high-waisted white skirt designed with layered ruffles and an asymmetrical, flowy hem.
Suot niya ang shell necklace na may maliit na starfish pendant. He's wearing a beige flat flip-flop sandals and a beige bag hanging loosely over his shoulder.
Ang ganda ganda...
"Ayan na ang fashionista," parinig ni Rica.
Cyan smiled softly. "Sorry, maganda lang..."
"Tinalo na naman outfit mo, teh!" hagikhik ni Feli sabay hampas kay Annika na nakasleeveless top at denim short.
"Cyan, pretty!" Niyakap siya ng kaibigan ko.
He smiled and hugged her back. Hindi ko inalis ang tingin sa kaniya at humigpit ang hawak sa camera. As much as I want to take a picture of him, I opt not to because I have no permission from him. Okay sana kung 'di galit.
"Sakay na para makaabot pa tayo sa sunset!" aya ni Arden na dumiretso sa driver's seat.
Nagkatinginan si Feli, Annika at Rica. Iniwas ko ang mata sabay tingin kay Cyan na busy sa kaniyang phone. Binalik ko ang tingin kay Nile na sumusulyap sa kaniya. Kalaunan ay tinitigan ko na lang si Cyan.
"Uh, Nile, gusto mo tabi tayo?" ngiting-ngiting tanong ni Feli.
"Ayoko," iling ng isa. "Kay Cyan ako tatabi."
"Ayokong tumabi sa 'yo," iritadong sinabi ni Cyan.
Nile sighed then looked at me with annoyance. Humihinga lang ako rito, hindi ko alam kung bakit sa 'kin pa yata siya iritado.
"Sa katabi na lang ako ng driver's seat," sagot ni Annika at bumaling sa akin. "Ikaw, Ciel?"
"Kahit saan lang..." sagot ko.
"Edi sa gulong ka." I heard Cyan murmued.
Napalingon tuloy ako sa kaniya na panay ang pindot sa phone. Tinabunan pa niya ang phone dahil ata sa sinag ng araw. He fanned himself and immediately opened my bag to get my mini-fan.
Umatras siya at lumayo sa akin nang pinaandar ko 'yon sa tapat niya.
I heard Nile chuckled and entered the car. Napakagat ako ng labi nang mapansin ang tingin nilang lahat sa amin. Cyan went inside as well.
"Saan ka, Ciel? Dito sa gitna o sa pinakalikod?" tanong ni Feli na mukhang concern.
"Sa tabi ni Cyan..."
They nodded. I entered the car and saw that Cyan was seated at the corner. May space sa gitna nila ni Nile na nakasimangot sa akin. Doon ako umupo at ngumiti nang maliit sa nanonood na sila Arden at Annika mula sa salamin.
Hindi ako tinignan ni Cyan. Kahit isang saglit. Nakatagilid siya sa bintana, naka-krus ang mga braso, nakasandal ang noo sa salamin. Kita ko ang repleksyon ng mukha niyang naiirita siya.
Napapansin ko ang maliliit na bagay. Ang paraan ng pag-aayos niya ng strap ng bag niya. Ang pag-angat ng baba niya kapag naiinitan. Mga detalyeng dati ay natural lang sa akin— ngayon ay para bang ninanakaw ko na.
"Pakiano kay Ciel," saad ni Annika na binibigay ang pancit canton na nasa malaking plastic cup.
"Ciel..."
"Thank you," ngiti ko kay Feli na agad namang namula. "Pogi niya..." Bumungisngis silang dalawa ni Rica.
Cyan coughed.
I twirled the noodles around the fork and glanced nervously at Cyan— who seems more pissed.
"Gusto mo ng pancit canton?"
He glared at me.
"Hati tayo?" tanong ko pa.
"Hati tayo, mahal ko," hagikhik ni Rica sa unahan.
"Gusto mo ng pancit canton? Ubusin mo?" tawa ni Feli.
Humagalpak silang lahat maliban kay Nile. Cyan rolled his eyes while I watched him patiently. Tinulak niya paalis ang binibigay kong tinidor at pinagpahinga ang ulo sa bintana.
"Neck pillow, ganda," I whispered, afraid that they might mock my tone again if I won't keep it low.
"Ayaw ko nga," suplada niyang sagot at binuksan ang bag para maglagay ng earphones.
Nalaglag ang panga ko at bumuntong-hininga. I looked up to stop myself from crying because it hurts a lot. Paulit-ulit lang na kumukurot ang dibdib ko. Mas lalo lang nabubutas 'yon.
"Nakaabot tayo sa sunset! I'm so proud of you, Arden. May nagawa ka ring tama!"
"Let's go!"
Nagsilabasan sila. Kahit si Nile ay nagmamadali dahil lumulubog na rin ang araw. Naiwan kami ni Cyan na nakasimangot na binitbit ang mga pagkaing nasa mga glassware at tray.
"Ako na diyan, punta ka na lang do'n," I gently offered since I noticed that he was struggling with it.
Halatang mabigat.
He shot me a look. "Mukha bang hindi ko kaya?"
"Kaya mo, pero 'di bagay sa outfit mo."
"Yeah, right." He rolled his eyes and walked passed me. "Takot na naman kayong malamangan?!" sigaw niya sa mga kaibigan niya.
I stifled a smile when I felt the lit inside me. That tiny spark of hope started to lighten up. It was starting to ignite. Because of him. Because I'm with him.
Kinuha ko ang iilang gamit at nilagay sa cottage. Nangingiti ako ng maliit habang inaayos ni Cyan sa mesa ang mga pagkain. Tumitig ako sa kaniyang mukha.
"Ang ganda mo..." Hindi ko mapigilang komento.
He stopped and continued once again. I admit it stung, because I remembered that he used to slap my arms or at least blush. But now, I got none.
"Pwede ba tayong mag-usap, Cy?" I begged.
He exhaled, jaw tightening, his hands still busy fixing the plates as if the arrangement mattered more than the tension between us.
"No," he said quietly. "Actually, I'm not curious about your reason anymore."
That hurt than I expected it to.
Lumunok ako. "Cy, I'm sorry," mahinang simula ko. "Alam kong hindi sapat 'yon, pero sorry..." Lumapit ako ng isang hakbang, pero nanatili siyang hindi gumagalaw.
"Sorry for what?" Umangat siya ng tingin na puro galit ang nakikita ko sa mga mata niya. "That's totally fine with me! I'm so fucking fine with it!"
Ang sakit marinig na sinasabi mong okay ka, dahil alam kong ako ang dahilan kung bakit kailangan mong magpanggap.
"Ang kapal naman ng mukha mo para mag-sorry! Para saan, Ciel? You think I would fucking buy your reasons? Wala akong panahong marinig 'yan! Because I know how senseless is that! Pare-pareho lang kayong lahat!"
He angrily lashed out, walking away. Nanginginig ang labi ko at halos hindi makapagsalita dahil halos lamunin ako ng galit niya. Nanghihina ako dahil ang sakit-sakit.
"Ganda, teka lang, oh..." saad ko habang hinahabol siya ng lakad.
He was shaking— subtle at first, like he was holding something in too tightly. His shoulders were stiff, his hands clenched at his sides. And that was when my tears finally fell, uncontrollable, heavy, blurring everything in front of me.
This feeling was different. This was him trying not to fall apart in front of me, and knowing that I was the reason made my chest ache in ways I didn't think were possible. Gusto kong malaman kung may nararamdaman pa rin siya sa akin, pero hindi sa ganitong paraan.
"Please," I whispered, my voice cracking despite my efforts to keep it steady. "H-Hindi kasi gano'n 'yon, ganda..."
Pinunasan ko ang mukha ko gamit ang tshirt ko dahil hindi na magkamayaw sa pagtulo ang luha ko. I wanted to hold him to stop but I'm thinking that he might be uncomfortable. Baka aksidente ko ring masaktan.
"Tang ina naman, Ociel! Ayokong marinig 'yan! Alam mo kung anong nararamdaman ko ngayon? Galit! Kaya habang may kontrol pa ako sa sarili ko, lumayo ka na kasi baka mapagsalitaan lang kita ng masakit!"
"Kahit saktan mo na lang ako, ganda... Mag-usap lang tayo... Just hear me out, baby..." I pleaded while bursting tears.
"Hindi mo ba naiintindihan?" patuloy niya. "Hindi ako natatakot na masaktan ka. Ang kinatatakutan ko, 'yong sarili ko kapag hindi na ako tumigil."
Tinulak niya palayo ang kamay kong halos abutin sa braso niya. Ang puti-puti niya...
"Kung mahalaga pa sa 'yo ang kahit kaunting respeto sa 'kin..." sabi niya, nangingilid ang mga luha. "Don't fucking approach me. Don't ever come near me..."
"Ganda naman, kahit hayaan mo na lang akong mag-explain, oh..." I cried because I couldn't stop myself anymore. "Si Mommy kasi-"
Hindi pa ako nakakabwelo para hawakan siya o kung luluhod man lang ay may tumulak na sa akin. Dahilan para mapaupo ako sa lupa. I groaned when my butt landed on the rock.
It was Nile who looked mad. Natataranta siyang hinawakan ni Cyan. Tinulak siya ni Arden. Tumili sina Rica.
"Ciel!" Mabilis akong dinaluhan ni Annika.
"Let me explain lang, ganda. Please..." pagmamakaawa ko at pilit na pinunasan ang luha ko.
"Tang ina! Sabi ko, bigyan mo ng panahon, 'di ba?! Bastos ka rin, ano? Ayaw nga niya!" Marahas na kumawala si Nile sa pagkakahawak nina Arden at Cyan.
"Nile, ano ba! Stop it!" Malakas siyang hinampas ni Cyan sa likuran. He even pushed him that I got worried because he might accidentally get hurt!
"Gusto ko lang namang makausap, eh," hikbi ko. Annika wiped my face.
"Ilayo mo na lang muna si Nile rito, Cyan. Nagkakagulo, eh." Arden instructed while I was shaking my head. "Sige na, pakalmahin mo muna. Sa 'yo lang... sa 'yo lang 'yan makikinig. Mamaya na lang kayo mag-usap."
Namilog ang mata ni Cyan. Halos mandiri dahil napangiwi.
"Gusto mong masuntok? Kaya ba 'yan ng katawan mo kapag inupakan kita?!" sigaw ni Nile at umambang lumapit.
"Nile, ano ba! Tara na! Tang ina ka naman, oh! Tigilan mo na 'yan!" singhal ni Cyan na namumula ang sulok ng mata nang sinulyapan ako.
I love that you still care for me, and I understand that you're mad at me. I truly do because I love you.
"Bilis na, Cyan! Masasaktan lang lalo si Ciel kapag hindi mo pinaalis 'yan!" asik ni Arden at sinamaan siya ng tingin.
I tried to open my mouth, but the words came out broken, swallowed by hiccups I couldn't control. All I could do was watch him dragged Nile away from us. I hated it. Because I feel like the space beside Cyan had never been mine. And I realized that losing him was about seeing him stay— with someone else.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top