Chapter 22

Date

"Wala na sila," bulong ko habang nakadungaw mula sa bintana ng tree house ko, pinapanood ang papalayong kotse nina Dad.

I bit back a smile and lifted the little bouquet of fuzzy-wire pink roses I'd made, lying neatly on my bed. Ginawa ko 'to kagabi habang nag-iisip din kung saan kami magdi-date!

Magugustuhan kaya 'to ni Cyan?

I rushed inside their house sneakily, knocking on his room's door. Bahagya pa akong hinihingal habang sinusuklay ang buhok ko gamit ang daliri para ayusin ang sarili ko. 

I straightened my back when his door know clicked open. Awtomatiko kong nilagay sa mukha ko ang bouquet na gawa. 

"Good afternoon, ganda..." bati ko habang nakatago ang kalahati ng mukha ko, tanging tulay ng aking ilong at pataas na ang nakikita niya. 

Maganda naman siya, kaya ganyan na lang ang itatawag ko sa kaniya. The word slipped out of my lips like it knows the truth of his. And I realized, maybe this word would always be his.

A rosy hue touched his face early in the morning. "Good morning, Ciel..."

"Para sa 'yo," saad ko at kinakamot ang batok na binigay sa kaniya ang ginawang bouquet. "Sana magustuhan mo..." 

Suminghap siya at mabilis na hinablot sa akin. "Ciel! Thank you! Ang ganda! This is the first time I received a bouquet." He hugged it carefully and looked at me with a smile, his eyes sparkling and I knew he liked it.

Ngumuso ako para pigilan ang ngiti. Ayos lang para sa akin ang bouquet. Ang totoong maganda kasi ay ikaw, tss. 

"Ngayon lang?" My forehead creased. 

Nakaramdam ako ng irita. Kung ako nasa lugar ni Nile noon, hinding-hindi ko ipagdadamot 'to. Ang hirap pigilan ng inis, lalo na't nakikita ko kung paano nagliliwanag ang mukha niya sa bagay na ako mismo ang gumawa— at paano walang ibang nakaisip noon para sa kaniya.

Wala kang magiging 'first bouquet' kasi matagal ko na sanang naibigay sa 'yo 'yon.

"Cyan," I called softly, almost a whisper.

I couldn't help it— seeing him like this, smiling with a little pink hues in the cheeks, made my thoughts spiral.

He looked up at me, eyes shining. "Hm?"

I forced myself to sound casual, though my hands were twitching and my pulse was in my throat. "Gagawin kita lagi."

Namilog ang mga mata niya tapos bigla siyang tumawa. "Araw-araw? Grabe ka naman."

"Ano ba. Mura lang yung materials," I excused, though the truth was I'd do it even if it wasn't.

I watched him gasp and a smile he'd been trying to stifle. Tang inang ganda 'yan...

"Tsaka..." I looked away, feeling my own ears heat up. "Maganda ka naman, pero mas maganda ka lalo kapag masaya."

He froze for a second. "Thank you." Yumuko siya at hindi ko alam kung anong reaksyon. 

I coughed dramatically. "Tss, ganda mo talaga. Alis na tayo..." I rolled my eyes, crossing my arms.

I surveyed what he's wearing. Nakasuot pa rin ng puting bathrobe at walang make-up ang mukha. His face was bare and looked real pretty. Nakapaa lang din. 

See? Maganda pa rin. 

"Thank you ulit. Ang daming mong talent," puna niya habang binaba ang mata sa bouquet, namumula ang mukha bago inangat ang tingin sa akin. 

Nahuli niya akong tinitignan siya. 

"Oh, I'm sorry. Na-late ako ng gising!" he squeaked with red cheeks. "I'll change in a minute!" Natatawa niyang tinakpan ang mukha gamit ang bouquet.

Umiling ako. "Take your time." I smiled at him.

He slowly closed the door, his cheeks reddening. Ngumuso ako nang masara niya ang pinto. Sumandal na lang ako sa pader at namulsa habang hinihintay siya.

I checked my face and combed my hair. Suot ko ang binili ko kahapong brown na polo dress shirt— sa ilalim nito ay puting shirt, at beige na pants. Tanging wallet, phone at ang nakasabit sa leeg ko na camera ang dala ko ngayon.

Balak ko rin kasing kunan ng maraming pictures.

I patiently waited for Cyan. Minutes later, he opened the door— wearing his black pleated mini-skirt, brown off-shoulder top that reached his wrist tightly, and a black boots with I think two inches high that reached under his knee.

"We match!" hiyaw niya at tumalon-talon pa, maging ang bouquet na hawak ay sumasabay sa kaniya.

"Matatapilok ka..." sita ko at hinawakan siya sa siko. "Hindi mo iiwan 'yan?" I pointed to the bouquet he was holding.

He shook his head and clung his arms around mine. "No, I'll bring this with us." Umirap siya sa akin. 

Tumango ako.

"You did your make up in a hurry? Sabi ko, take your time..." Ngumuso ako sa kaniya sabay baba ng tingin sa kaniyang leeg na may gintong kwintas.

"You were waiting for me. Besides, alam kong maganda pa rin ako sa paningin mo." He winked at me.

Uminit ang pisngi ko. "Sobra..."

Tumili siya kaya napangiti ako.

Sa museum ko siya unang dinala. We both like arts, and I think he would like this type of date. 

Habang naglalakad kami papunta sa entrance, naririnig ko ang kaluskos ng kaniyang boots sa sahig, at nararamdaman ko rin ang mahigpit na kapit niya sa braso ko— parang ayaw niyang bumitaw. 

The bouquet was tucked safely between his arm and chest, as if it was the most precious thing in the world. 

"Tss, baka mas mapagod ka diyan," sabi ko habang nililingon siya. "Bitawan mo muna 'yan mamaya, ah?"

He tightened his hold on it. "No. Hindi ko 'to iiwan kahit saan." He looked up at me with those soft eyes that made my breath hitch for half a second. "You gave this to me. I'll keep it close."

I scrunched my nose and glared at him. Bumungisngis siya at hinila ako papasok. I was in awe while staring at the artworks and sculptures. 

Cyan gasped softly beside me. "This is so beautiful."

I took a moment to watch him— not the paintings, not the sculptures. Just him. The way his eyes widened, the way the lights above reflected in them, the way he looked like he belonged in this place more than any masterpiece hanging on the wall.

"Kaya kita dinala rito," I said quietly.

He glanced at me, brows lifting. Taray tignan ng magandang 'yan.

I shrugged one shoulder, trying to seem casual. "Gusto kong makita mo 'to. And..."

I swallowed the rest of the words, letting my gaze rest on him a bit too long.

Gusto kong mas makilala ka. Gusto kong malaman kung ano yung mga bagay na nagpapakislap sa mata mo, paano ka mag-react sa ganitong lugar, ano ang pumapasok sa isip mo kapag nakita mo ang art... gusto kong malaman nang unti-unti, dahan-dahan, habang magkasama tayo.

He tugged my arm lightly. "Let's go," he said, excitement bubbling in his voice. "I want to see everything."

He pulled me toward a hallway filled with Filipino paintings. I watched him move from one frame to another, bouquet tucked in his arm, face glowing, eyes darting from color to color. 

Gusto ko sanang kunan ng picture, yung aesthetic, kaso ang higpit ng kapit sa akin. Clingy naman ni ganda.  

"You're staring," he said, his lips tugging into a small, flustered smile. 

"Kasi ang ganda mo, eh," It slipped out of my mouth before I could hold it back. "Sinong 'di titingin?"

He shut his eyes for a second, cheeks warming, shoulders rising as he tried to hide his expression. "Stop it!"

Mahinang kumawala ang tawa sa labi ko, inaangat ang camera.

"Pose ka diyan," I softened my voice, stepping backwards. "I'm taking a picture."

"Huh?" He opened his eyes as I lifted my camera.

"Smile," I said.

And just like that, he did— holding the bouquet close, cheeks rosy, eyes glowing like he was the art I came here to see. 

"Isa pa, yung nakatingin ka sa painting at nakatalikod sa 'kin. Pwede mo 'tong i-post sa Instagram mo..."

Ngumiti ako habang kinukahan siya ng picture. Panay din ang puri ko sa malumanay na paraan dahil hindi ko maiwasang masabi rin iyon.

"Ganda naman," komento ko sa lasy picture niya.

"Ikaw naman!" he gushed and grabbed the camera from me.

"Ayoko!" I stomped my feet.

"Bakit?!" simangot niya at tumunghay mula sa pagkakayuko roon sa camera. "Ang ganda ng outfit mo!"

"Hindi ako sanay, Cy," I admitted and held his wrist, my face burning.

"Please?"

Bumuntong-hininga ako at tumango. Yakap niya pa rin ang bouquet habang kinukunan ako ng picture. I smiled, sometimes I wink and I couldn't wipe it because he's blushing and smiling there, too!

We stopped in front of a painting: politicians as oversized crocodiles, looming over tiny and helpless citizens. Money was scattered everywhere, there were dark skies, and had sharp angles that dominated everything.

"Talk about corruption," saad ni Cyan habang nakatingala.

"Very timely, and should always be timely." I looked at him with a side eye. "Halos pula at itim yung gamit na painting. You know what it conveys..."

Cyan followed my gaze. "Yeah. It could be anger, danger... fear, even. The whole scene is yelling at you."

"It's not subtle at all, but that's why it works. You feel the imbalance, the greed. The way the crocodiles smile while the crowd suffers was raw. Look at the coins. It is literal but also symbolic. Everything's measured in money, not people."

He laughed bitterly. "And don't forget the cronies, the nepotism. Those with connections. Because for them privilege is inherited, injustice is too."

Kinamot ko ang ulo. "Ano yung cronies, ganda?"

"Mga close friends or associates nila. Mga accomplices na may mga shady na ginagawa at syempre yung may mga special treatment o pribelihiyo. Negative kasi yung term na 'yan, bagay sa kanila."

Ang pagboto sa tiwali o ang pagwawalang-bahala sa ginagawa nila ay pakikilahok sa sistemang nagpapalago ng katiwalian. Ang problema, hindi natural ang kawalan ng hustisya— ginagawa lang normal ang mali.

"Naalala ko, Cyan..." Nanliit ang mga mata ko sa kaniya habang naglalakad kami at nagtitingin-tingin.

"Alin?" He looked up to me.

"Kung fashion designing ang kurso mo, bakit sabi mo no'n hindi ka marunong magtahi? Ako pa ang nagtahi noong dress!" Nanghihina ang mga kamay ko noong tumawa habang tinuturo siya. "Sinungaling ka, Cyan!"

He laughed loudly, too. "Pero 'di ba, ikaw ang nag-initiate na tahiin 'yon?" 

"Kasi sabi mo, you don't know how to stitch! Niloko mo 'ko, Cyan!" tawa ko habang namumula ang pisngi niya sa hiya.

"Fine!" singhal niya na mukhang napipikon. "I've got a crush on you since then, so nagpabebe ako. Bakit? Bawal?"

"Hala, nagtatampo ka ba?"

"Because you're laughing at me. Grabe pa naman effort ko sa 'yo no'n. Ang sungit mo nga!"

Hala, ayaw niyang inaasar siya ganito! Napipikon siya! Mabilis mapikon si Cyan! Ang cute naman! Nakanguso pa naman siya na parang bata.

Napapailing ako habang tumatawa pa rin, tapos marahan kong hinila ang manggas niya. "So buong time na 'yon... crush mo na pala ako?"

"Dati pa kitang crush!" He walked out.

Hindi ko agad alam kung anong isasagot ko. Para akong nabigla sa isang katotohanang matagal nang nasa harap ko pero ngayon lang naging malinaw.

"Ganda, wait lang!" habol ko at hinawakan ang kaniyang palapulsuhan.

Hindi ko natiis na hawakan ang kaniyang kamay na ikinagulat niya. At ang simpleng bagay na iyon— ang init ng palad ko sa kaniya ay sapat na para mapabilis ang tibok ng puso ko.

"Mas maganda sana kapag na-sharpen niya yung angles, 'no?" baling ko kay Cyan.

"What? No! Dapat light lang para ma-enhance yung features!" he argued.

I suppressed a laugh, leaning closer, my eyes twinkling. "Softness, yes, pero parang may kulang sa depth. Yung shadows, yung contours— mas lalabas yung character kung kaunti lang na-adjust ang angles."

Namumula na ang pisngi niya. "Alam mo ba kung gaano kahirap 'tong combination ng light at shadow?! Dapat subtle lang, hindi harsh!"

Sarap asarin.

I leaned in slightly, whispering teasingly. "Seriously watching you defend your taste in art... it's adorable. You argue like a pro, yet your hands keep fidgeting. Cute mo naman, ganda."

His lips twitched into a reluctant smile. "You're impossible but fine, maybe you have a point with the shadows. Pero light lang pa rin dapat, tss!"

Natatawa ko siyang hinatak palapit sa akin. Ang saya ko...

"Malapit na ang closing time, Ciro, bilisan mo na diyan!"

"Oo nga, wait lang kasi, Hale!"

Napalingon kami ni Cyan sa boses na narinig namin. It was two boys who had the same height as ours. Hindi rin nagkakalayo ang mga katawan namin. But what they said alerted us because the time seems too fast!

"Wala ka pa masyadong picture, Cyan!" singhap ko at tinuro siya.

"Hala!" We both panicked.

We rushed in taking pictures. Panay ang tawa naming dalawa dahil puro lang kami komento sa artworks! Hindi man lang ako nakakuha ng iilang shots niya kasi nawiwili rin akong makinig!

"Wait, Ciel, hinihingal ako!" tawa niya at hinawakan ako braso dahil nanghihina ang katawan kakatawa.

I tightened my grip lightly, letting him lean on me just a little. "Slow down, ganda, hinga muna," I said, my voice soft, almost protective.

He laughed again, a little breathless, his cheeks flushing pink. "I can't. You're too funny! Hinihingal ka na rin kakakuha ng pictures ko. Ikaw naman."

"Nakatalikod lang!" simangot ko at hinubad ang lace ng camera.

"I'll soft launch this!"

I wanted to protest, my voice caught somewhere between panic and the reason that someone might know me. But then I caught the sparkle in his eyes— the way he was smiling at me, full of excitement. And somehow, that made my chest ache with a soft longing.

Gusto kong ibigay yung mga bagay na makakapagpapasaya sa kaniya. Kahit yung bahagi ng sarili ko na natatakot, na naiilang, pero handang sumugal para lang makita siyang ngumiti, para maramdaman niyang kaya ko rin.

I won't let him experience what he had been through with Nile. I want to be different. I want to let him know that I'll change my ways to deserve this pretty boy of mine. Binigay na sa akin, wala ng bawian.

Lumunok ako at napatango. "Sige..."

Namulsa ako at tumingala sa painting. He giggled and it made me bit my smile to look back at him and it was caught by the camera. Namilog ang mata niya at tinakpan ang bibig para roon tumili.

"Ang pogi mo, naka-side view tapos medyo hooded pa yung mata mo! Huhu!" Nanghihinayang pa ang boses niya habang nakatitig sa picture ko.

"Niloloko mo 'ko, eh." I flicked his forehead, gently caressing it after.

Humalakhak siya at nanghihinang sinandal ang noo sa balikat ko. "Hindi, ah. Ang poganda mo!"

"Tss, talaga?" irap ko at hinaplos ang buhok niya. 

"Sa sobrang poganda mo, bagay talaga tayo!"

Tumawa ako at pinisil ang pisngi niya. "Sa 'kin ka naman talaga bagay, ano."

And this is what it feels like after taking the risk. Every hesitation, every silent question I carried with me— the fear of being misread, of being laughed at, of being dismissed— suddenly felt lighter, somehow softened by the trust in this moment.

And I can't help but think that maybe this is what it feels like— patient, tender, alive in the small, almost imperceptible moments, like fingertips brushing together, like warmth spreading from one hand to another, like daring to hope without saying it out loud.

"Gabi na pala," aniya habang naghihintay kami ng taxi sa gilid ng daan.

Hinawakan niya ako sa braso, hawak ng kabila ang bouquet at luminga-linga. Pero ako ay nakatitig pa rin sa kaniya.

"Hindi ka pa ba hahanapin ng parents mo kung medyo mali-late tayo ng uwi?" tanong ko sa kaniya.

"Hindi naman! May pupuntahan pa ba tayo?" ngiting-ngiting tanong niya.

"Lakad-lakad lang..." I shrugged with a downward smile etched on my lips, looking down on him. "Kumakain ka ba ng street foods?"

"Of course, yes! Sulitin natin 'tong araw na 'to!" he gushed in glee.

Hinatak niya ako kaya natatawa akong nagpahila habang nililingon niya ako paminsan-minsan.

We arrived at the famous night market and different types of smell engulfed my nostrils. Lumiliwanag ang mukha ni Cyan, ngiting-ngiti habang ginagala ang paningin sa dilaw at iba pang naghahalo na kulay ng ilaw.

"Ano yung gusto mo, Ciel? I'll pay for this, okay?" he insisted.

"Ako nga-"

"Pretty, please?" Hinila niya ang damit ko at umaasa pang tumitig sa akin.

Bumuntong-hininga ako. "Pasalamat ka, ang ganda mo..." I nodded my head.

"Thank you, then," irap niya at hinatak na ako sa isang stall.

Humalukipkip ako habang nagtuturo siya ng bibilhin niya roon bago ako tinatanong ng order ko.

"Baka hindi ko maubos, busog ako," bulong ko, yumuko sa kaniyang tenga.

His cheeks reddened, glancing at me. "Share na lang tayo?"

"I'd like to." Umayos ako ng tayo at tumingin sa paninda.

I smiled to myself. Busog ako pero kaya ko namang ubusin ang mga order ko. Pero gusto ko kasing hati na lang kami.

"Matagal pa 'to," nguso niya sabay tingala sa akin.

Napatitig ako sa noo niyang may namumuong pawis. Ang dami rin kasing tao, may nagsisiksikan pa.

"May bibilhin lang ako," paalam ko.

He nodded as he bit his lip, fanning himself as he hugged the bouquet tightly. "Balik ka agad, Ciel..."

I pinched his cheeks and I looked around after that. Medyo napalayo ako para bumili ng pamaypay dahil walang mini-fan na nakita. I also bought a black and pink cap with a small ribbon on the left side.

Baka kasi sipunin.

I also bought a bracelet for him. It was a combination of two white pearls, pink, and pink crystals in a pattern. May ribbon ding nakasabit. Nilagay ko muna sa bulsa dahil mamaya ko pa ibibigay.

Pero pagkabalik ko ay may kumakausap na sa kaniya na lalaki. Sumimangot ako at lumapit sa kanila nang walang pag-aalinlangangan. Sinolo ko na nga, may papansin pa.

Nakakainis!

"Wala akong number kasi wala akong sim card. Deleted nga rin ang account ko," pagtataray ni Cyan na naabutan ko. "Kulit mo naman, buhos ko sa 'yo yung mantika ng kikiam, eh!"

"Meron 'yan-"

I slid the cap on Cyan's head and grabbed his waist in a swift. Suminghap siya at nahuli kong nakatitig sa kamay kong nasa bewang niya. Marahan kong tinanguan ang lalaki at seryosong nilabanan ang titig niya.

"Ayaw nga niya, pre? Bakit kailangang mamilit?" malamig kong tanong sabay suot din ng cap sa ulo ko, hinila payuko ang cap ni Cyan.

Cyan wrapped his arm around my waist and purred against my shoulder. "Ang kulit niya, baby."

Tang ina!

Ngayon lang ako ulit nakapagmura! Paanong hindi, eh, ang lambing ng boses, halos nanunuyo at para akong nilalagyan ng ulap sa leeg para makatulog ng mahimbing.

Habang-buhay ko 'tong dadalhin!

"Dude, I swear." Natatawang nagtaas ng magkabilang kamay ang lalaki. "I didn't know that he's with someone."

"Hindi naman niya kailangan ng kasama para maintindihan mo ang salitang hindi. If a person says no, then it's a no."

The guy shrugged as he leave us there. Umangat ang kamay ko patungo sa balikat niya at niyuko siya ng kaunti dahil nakatabon ang cap sa mukha niyang nakayuko.

Hindi pa rin niya mabitawan ang bouquet. Watching him protect it as if glass— as if even the smallest movement might bruise what it stood for, as if holding it gently was the only way to keep its sincerity intact.

Kinapa ko ang bulsa at hinatak ang panyo kong hindi ko talaga ginamit dahil para 'to sa kaniya. Bahala na kung mamawis ako, ang importante ay malinis at maayos niyang magagamit.

Habang nilalapag niya ang pagkain at bouquet sa mesa ay agad akong tumabi sa kaniya pagkaupo niya pa lang. I continued wiping his forehead as if dabbing a cosmetic sponge so I wouldn't ruin his make-up.

"Nag-enjoy ka ba sa date natin?" nahihiya kong tanong, hinahawakan na ang palapulsuhan niya at patuloy pa rin sa pagpunas naman sa leeg niya.

"Oo naman! I like museums a lot! Tapos kasama pa kita! I really like quality times and these kind of dates! Especially na naglaan ka ng time para rito, Ciel, even if you don't have to!" he yapped as he ate fishball.

Well, I wanted to.

Tumawa ako sabay angat ng camera pagkatapos kong mapunasan ang kaniyang mukha. He smiled with little crescents formed by his eyes. Nahawaan ako ng mga ngiti niya.

"Ganda naman," bulong ko at binaba ang camera pagkatapos kong makuha ang shot. "You can suggest places for our next date. Nag-research ako kagabi, Cy, tapos naisip ko na mahilig tayong dalawa sa arts kaya sabi ko baka magustuhan mo sa museum."

"Really?" Namungay ang mga mata niya.

"Oo," nahihiya kong sagot.

"I enjoyed it a lot, promise. Na-appreciate ko talaga lahat, Ciel!"

"Talaga?"

"Yes! Now, eat!"

Inambahan niya akong sinubuan ng kikiam. I stared at the food, dragging my eyes back to him before I hesitantly opened my mouth to receive it. Napangiti siya at kumain din ng sa kaniya.

"Akin na 'yan," turo ko sa stick na hawak niya.

He gave it to me while munching the food. Ngumuso ako at siya naman ang sinubuan ng fishball. Sumimangot siya at tinuro ang punong-puno niyang bibig pero binuka naman ang labi.

I laughed and poked his cheek. Sumama ang tingin sa 'kin at hinampas ang kamay ko. Mas lalong lumakas ang tawa ko.

"Cute mo naman asarin. Ang ganda mo talaga," halakhak ko dahil ang ganda at cute pa rin.

Tumitig siya sa akin. Unti-unting napawi ang ngisi ko.

"Bakit?"

"Thank you for always telling me that I'm pretty."

"Tss, lagi ka ngang maganda," irap ko pero nangingiti rin naman.

Hindi na talaga mawala ang gaan sa pakiramdam ko kapag nandiyan siya. Mukha pa lang, nakakapawi na ng bigat.

Ngumuso siya at tahimik na kumain. He even lowered his cap. Kumunot ang noo ko. Kahit naiirita ako sa mga nakatitig sa mukha niya, dapat confident siya! Hindi pwedeng ganito!

"Ano 'yon? Saang part ka nai-insecure, hmm?" nag-aalala kong tanong. "Is it about your past relationship? You told me about Nile before, and it's not the whole context yet. You can tell me more slowly, Cy."

Para alam ko kung paano ka alagaan lalo. Para alam ko kung saan ako dapat dahan-dahan, kung saan kita hahawakan nang mas mahinahon.

"Si Nile kasi palagi siyang nagko-comment sa itsura ko. Parang compliment, pero may halong sarcasm lagi. Sabi niya minsan, 'Wow, you actually look okay today,' o 'Not bad for someone like you.' Gano'n, Ciel! So sometimes, if someone compliments me, I can't help but wonder if it really is true."

Tahimik akong nakinig habang pinapaypayan siya. "Hmm..."

"Kaya I started vlogging back then. Ang dami kasing nagsasabi na pretty daw ako. You know, I started to rely on other people's thoughts about me. Doon ako nakakakuha ng validation, Ciel." Umiwas siya ng tingin at inayos ang cap.

Pwede kong sabihin na palagi siyang maganda para sa 'kin, kahit anong anyo pa 'yan, at gagawin ko 'yon kung kailangan. Pero mas mahalaga sa 'kin na dumating yung panahong hindi na niya kailangang hanapin yung mga salitang 'yon kahit kanino.

What he needs isn't validation from other people— it's his trust to himself. Kasi ang ganda niya, hindi dapat pinatutunayan o hinihingi. Dapat pinaniniwalaan. Dapat inaangkin.

Pero kailangan pa rin niya ng magsasabi sa gitna ng pagkawala ng kumpyansa niya, 'di ba? Hindi ako magsasawang sabihin sa kaniya hanggang sa makita niya na.

"Ganda mo lagi," ngiti ko at inalis ang cap sa ulo niya. "At uulitin ko 'to araw-araw kung kailangan hanggang dumating yung oras na marinig mo na rin yung boses ko sa sarili mo. Hanggang sa isang araw, Cy, hindi mo na kailangan ng magsabi. Kasi alam mo na."

Sumimangot siya at sinuntok-suntok pa ang balikat ko. Natatawa kong sinalag iyon at nilabas ang phone ko.

"Picture tayo, ang ganda mo talaga," iling ko at binuksan ang camera.

"Okay..." marahan niyang sinabi at dumikit pa sa akin.

I smiled at the camera after adjusting my black cap with a white ribbon on the left side. Sinuot niya rin ang sa kaniyang at nag-side view pa! He placed his palm on my shoulder and smiled at the camera.

"'Di ba? Ang ganda mo," turo ko sa picture naming dalawa.

"Hmp!" He slapped my shoulder again, his cheeks burning as he laid the side of his head on my shoulder for another photo.

"I'll make this as my wallpaper, ah? I-sketch ko rin 'to," I initiated and tapped some on the screen.

Nang nilingon ko ay namumula habang nakatitig sa wallpaper ko. Ngumuso ako at inayos ang cap niya.

"Ganda ng katabi ko, 'no? Crush ko 'yan." Nilabas ko ang bracelet at nilagay sa kaniyang palapulsuhan. "Here. A pretty bracelet for my pretty Cyan."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top