Start

𝓐𝓾𝓽𝓱𝓸𝓻'𝓼 𝓷𝓸𝓽𝓮:: THIS STORY IS NEVER BEEN REVISED. SOME OF YOU MAY NOT LIKE THIS AT ALL BECAUSE OF THE PLOT! PLEASE, FEEL FREE TO LEAVE THIS BEHIND. THANK YOU!

─── ⋆⋅☆⋅⋆ ───── ⋆⋅☆⋅⋆ ───

START

"MATEO, ginabi ka na naman-"

"Ano naman ngayon kung ginabi ako?"

Lumabi ako at pinaglaruan ang mga daliri ko. "A-ah, hinihintay kasi kita para makakain na tayo ng sabay-"

"Bakit, dala ko ba ang kusina? Hindi ka na lang nauna." Walang kaemo-emosyon niyang putol sa akin.

Napalunok ako sa naging sagot sa akin ng asawa ko. Unti unting namuo ang luha sa aking mga mata dala ng malamig na pakikitungo niya sa akin. Nagyuko ako't napapikit upang mapigilan pa ang pagluha ko.

Limang buwan na kaming kasal, ngunit sa loob ng mga panahong iyon ay tila hindi pa yata ako natututunang mahalin ni Mateo magpasa hanggang ngayon. Sa loob ng limang buwan tila galit at pagkasuklam pa rin ang namumutawi sa kaniyang damdamin patungo sa akin.

Bahagya akong nagtaas ng tingin at pinanood siyang mag-alis ng kaniyang sapatos. Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko't nakailang beses pumikit pikit dahil sa panlalabo ng aking mga mata.

Hanggang kailan ba ako mamamalimos ng atensyon sa sarili kong asawa? Bakit ba ganito na lang kalala ang pagka-digusto niya't halos hindi niya na ako kinikilala bilang sarili niyang kabiyak?

Ngunit sabagay, kailan nga ba ako naging asawa niya sa kaniyang paningin? I wasn't even treated like one by him.

Napailing ako't pasimpleng suminghot.

"Bakit kaya hindi ka muna mag-leave, Mateo? Masyado mo nang napapabayaan ang sarili mo this past few days, for sure papayagan ka agad ni Lolo."

Sinikap kong siglahan ang boses ko.

Naagaw ko ang atensyon niya. Sumandal siya sa couch at sinalubong ang tingin ko. Pinukulan niya ako ng isang tingin na para bang hindi ko alam kung ano ang sinasabi ko.

"I'm running my empire also, Fayra. You knew that."

Oo nga pala. Bakit ba nawala sa isip ko na hindi lang pala kompanya ng pamilya niya ang hawak niya ngayon, kundi pati na rin ang naitayo niyang pagmamay-ari sa ilalim ng sarili niyang pangalan.

"Ayaw mo bang magpahinga na muna? Madalas kang ginagabi, baka kung mapaano ka na niyan. Gusto mo kausapin ko si Kuya Morgan para naman kahit papaano may katuwang ka sa bagay bagay." Suhestiyon ko.

Matagal niya akong tinitigan bago tumayo at nagpamulsa sa harapan ko.

"Bakit ba nangingialam ka?"

Para akong binarahan sa lalamunan sa naging tanong niya.

Na-offend ko ba siya? Nag-su-suggest lang naman ako for his own health, dahil baka mamaya ay hindi kayanin ng katawan niya.

"Stop acting as if you really care, Fayra. We're already married. I already gave you my surname and already gave your family a line in our empire. You're already secure . . . So stop with the carrying drama because I won't buy it."

Yeah right. Paano nga ba naman kami magiging maayos kung ang naging una naming pagkikita ay diniretso kami sa altar na hindi man lang kami nagkakakilala ng lubusan.

Nasa mundo ng kasiyahan at pag-abot sa pangarap niya ang lalaking kinuhaan ko ng kalayaan. Sino nga ba naman ang matutuwa?

Nilabas ko sa kabilang tainga ko ang masakit niyang salita. Unti unti ko nang sinasanay ang sarili ko una pa lang, kaya parang dinadaanan na lang ako ng kirot sa puso kapag nagsasalita siya ng ganu'n.

Napabuntong hininga ako at hindi na nagsayang ng oras. Inabot ko ang kamay niya na halatang ikinabigla niya. Hinila ko siya papasok sa kusina at ang bilis ng kalabog ng puso ko dahil baka uminit na naman bigla ang ulo niya dahil sa ginawa ko.

"Kumain ka na muna bago ka umakyat. Nagpahain ako kay Manang Celly ng hapunan. Pasensya ka na. Sinubukan kong magluto kaso need ko pa talaga ng maraming time." Wika ko habang naghahain matapos ko siyang itulak paupo.

"Nagsayang ka na naman ng pagkain. Kung hindi mo kayang magluto, just give up. Hindi ako nagtratrabaho para lang magsayang ka nang magsayang." Sarkastiko niyang wika.

"I-I'm sorry." Napayuko ako at natigilan. Ramdam ko ang pagtutok niya ng tingin sa akin. Kahit anong pigil ko na h'wag siyang lingunin ay hindi ko nagawa.

Mabigat siyang bumuntong hininga at hinilot ang sintido niya. "Wala ka bang ibang gagawin kundi ang magsayang na lang, Fayra? Sinabihan na kita. Kapag hindi mo kaya, h'wag mo nang gawin ulit. Napaka-iresponsable mo naman."

"Sumusubok lang ako para naman hindi ako maging pasanin mo lang dito sa bahay. Gusto ko ring gampanan ang pagiging asawa ko sa 'yo."

"Asawa sa papel." Madiin niyang pagtatama.

Natahimik ako.

Nag-iwas siya ng tingin at dinaluhan na ang pagkain sa hapag. Ako, naestatwa pa ako sa kinatayayuan dahil sa kaniya.

Hindi ito ang unang beses kong narinig ang salitang 'yan sa kaniya. Pero sobrang sakit ang naibibigay no'n sa 'kin.

"T-tawagin mo na lang ako kapag tapos ka na. A-aakyat lang ako-"

"Hindi ka pa kumakain right? Bakit ka aalis? Join me, baka mamaya sabihin ng parents mo na pinapabayaan kita."

Hindi na ako nagsalita pa. Umupo ako malapit sa kaniya at tahimik na nagsandok ng kakainin ko. Sa totoo lang ay nawalan na ako ng gana. Pero hindi ko sasayangin ang pagkakataon na 'to. Minsan lang kami magsabay, hindi ko na 'to hihindiian pa.

Matapos naming kumain ay kaagad na umakyat si Mateo sa kwarto niya. Yes, kahit mag-asawa kami ay magkahiwalay pa rin ang kwarto naming dalawa. Inintindi ko na lang dahil ayaw ko namang madagdagan ang galit niya sa 'kin.

Nang maligpit ko ang pinagkainan ay dumiretso ako sa kwarto ni Mira. Kapatid ko na nandito rin nakatira kung minsan. Sinilip ko siya, payapa na siyang natutulog kaya hindi na ako nagtangkang pumasok pa.

Sa huli ay dumiretso na lang ako sa taas. Ngunit bago ko pasukin ang aking kuwarto ay napadaan muna ako sa silid ni Mateo na nakaawang ang pinto. Wala sa sariling humakbang ako palapit at kaunting sumilip.

Mula sa aking kinatatayuan ay kitang kita ko ang nakatalikod na bulto ni Mateo habang panay ang pagtitipa niya sa kaniyang phone, hindi na ako nagulat nang maya maya ay tumunog 'yon at hindi naman magkamayaw na sinagot ni Mateo ang tawag.

Napayuko ako at hinila nang marahan ang kaniyang pinto at kasabay din nu'n ay ang pagkakarinig ko sa masayang pagtatanong niya sa araw ng pinakamamahal niyang si Rose.

"Kumusta ang araw mo, Hon? Ayos ba ang niluto kong pagkain mo kanina? Sorry hindi na kita nasabayan, nagmamadali na rin kasi akong umalis. Babawi na lang ako."

Napailing ako sa narinig at nilisan na ang pwestong kinalalagyan ko. Nasapo ko ang aking dibdib. Ako ang asawa ngunit ni minsan ay hindi man lang niya ako pinagsilbihan ng ganiyan.

Hindi ko mawari kung ano bang paglalagyan ko sa buhay niya.

Ngunit sino nga ba ako para bigyan niya ng atensyon? Sino ako na basta na lang siyang ginulat sa isang kasalan na hindi niya inaasahan.

I must admit. Sa loob ng ilang buwan, mabilis na nahulog ang loob ko sa kaniya. Hindi ko alam kung bakit, basta nakita ko na lang ang sarili kong hinahanap hanap na siya.

── ⋆⋅☆⋅⋆ ──

"BAKIT kasi ayaw mo pang iwanan ang Vejar na 'yan, Fayra? Martyr ka pa sa martyr sa totoo lang talaga."

Napanguso ako sa sinabi ni Lyden. Halata ang pagkainis sa tono niya.

Hindi na bago sa akin ang ganitong linyahan niya. Simula noong nalaman niyang hindi pa rin kami ayos ni Mateo bilang mag-asawa ay lagi niya na lang akong pinapakalas sa sitwasyon kong ito. Hindi ko rin naman siya masisisi kung may inis siya sa asawa ko. Sa lahat ng tao sa buhay ko, si Lyden ang nakakapansin ng totoong pagtrato ni Mateo sa 'kin.

At nag-umpisa 'yon sa reception ng kasal namin.

The day after I received my college diploma, my parents made the decision to arrange my marriage to one of Don Madeo Vejar's grandsons. At walang iba 'yon kung hindi si Mateo Alarkin Vejar.

Sa reception, hindi niya ako kinikibo. Ni hindi niya man lang nga ako inalalayan gayong napakahaba ng gown ko. Si Lyden sa mga panahong iyon ay nakita ang lahat nang naging gawi ni Mateo. Kinompronta niya ito at nagkasagutan silang dalawa. Mabuti na lang at masyadong busy ang mga bisita kaya't hindi napansin ang diskusyunan nila noon.

Matigas ang ulo ni Mateo nang suwayin ko sila, pero mas matigas ang ulo ni Lyden kaya sa huli ay pinabayaan ko na lang sila.

"Alam mo. If you value your worth Fayra, sasaya ka ng bongga. Bakit kasi ayaw mo na lang sukuan? After all, ang daming reason para magawa mo 'yon. Like, now. Your husband's having an affair with his dream lover from his past."

Natigilan ako doon.

Napalabi ako at nagyuko ng tingin. Lyden also knew about that issue, hindi sa sinabi ko kung hindi dahil sa nakita niyang nag-check in sa hotel kamakailan lang din ang dalawa. Ako naman, first day pa lang naming nasa iisang bubong ay nilinaw niya nang nagkakamabutihan na sila ni Rose. Wala naman akong magawa kundi ang tanggapin ang katotohanang iyon at manahimik sa tabi at pabayaan sila.

Bago pa man ako pumasok dito, sinabihan na ako ng Lolo ni Mateo. Tanggap ko 'yon dahil kailangan namin sila. Noong una ay hindi ko naman kasi akalaing mahuhulog ako, kaya para sa 'kin noon ay ayos lang.

"Ewan ko ba sa inyo. Sa lahat pa ng magiging kaagaw mo, kaibigan pa na'tin. Or should I say, ex-bestfriend."

"Den, alam mong ako ang may kasalanan una pa lang." Wika ko.

Umirap si Lyden sa 'kim at sumimsim sa kape niya. "Fayra, asawa mo si Mateo, at ipinagkasundo kayo. At isa pa, asawa niya 'yong si Morgan na kapatid ni Mateo. Jusko, nakakaloka kayo!"

Isang payak na ngiti ang sumilay sa aking labi.

Sino ba namang hindi maloloka kung ganu'n ang set up namin? Mateo and I, tapos ang kinababaliwan niya ay sarili niyang hipag na ipinagkasundo lang din ng bawat pamilya nila sa kaniyang Kuya.

Wala akong alam sa kanila. Naging matalik kaming magkaibigan ni Rose, ngunit hindi ko nakilala si Mateo. Ni hindi ko nga kilala ang mga Vejar dahil wala akong plano na saluhin ang kompanya ng tatay ko.

Simpleng buhay lang naman kasi ang gusto ko. Ayaw ko sa malalaking problema. Bata pa lang ako ay kitang kita ko na kung papaano ma-stress si Daddy sa kompanya niya. And I don't want that to happen to me.

Hindi sa ayaw ko ng responsibilidad na ganu'n kabigat. Ayaw ko lang talagang pasukin ang ganu'n kalaking kompanya.

Napakamot ng ulo si Lyden. "Naka-drugs ka ba, Fayra?"

Nanlaki ang mata ko sa lumabas sa bibig ni Lyden, agad akong napalinga sa paligid at mahinang hinampas ang kamay niyang nakapatong sa lamesa.

"Lyden!" Mahinang suway ko't pinagtaasan niya ako ng kilay.

"Para kasing high ka sis, kasi tingnan mo ah." Bahagya siyang umusog sa kinau-upuan ko at nag-muwestra pa ng kamay niya. "He's hurting you emotionally sis. Emotionally, but the hell on earth, parang wala lang sa 'yo."

Napanguso ako. "Anong wala lang sa 'kin. Nasasaktan ako, Lyden, sa totoo lang. Masakit na dito." Duro ko sa aking dibdib.

Kahit siguro ipaliwanag ko kung gaano kasakit ang kalagayan ko ngayon ay hindi pa rin sasapat ang lahat ng salita sa mundo para gamitin ko . . . upang masabi ng swack ang sakit na mayroon sa puso ko. Ang sakit na nararamdaman ko ngayon ay walang katulad, walang explinasyon dahil magulo.

"Hindi halata sis, parang hindi ka nasasaktan, parang enjoy ka lang." Ngiwi niya.

"Lyden naman," mahinang pagtawag ko.

Bumuntong hininga siya at nagbente kwatro. "Kung ganu'n bakit ayaw mo pang bumitaw? Hanggang kailan mo ba balak lumaban, sige nga, sabihin mo sa 'kin. Hanggang kailan, aber?"

Napipilan ako saglit. Bakit ba laging ganito ang mga tanong? Masasagot ko ba ito ngayon? Paano kung ang isagot ko ay hanggang bukas na lang, masusunod ba 'yon?

Napailing ako. Sa ugali ni Lyden, kailangan may isagot ako sa kaniya, dahil kung wala, hindi titigil ang babaeng ito.

"Hanggang sa mahal ko pa siya, hanggang sa hindi pa napapatid ang pasensiya ko't hindi pa ako pagod." Diretsong sagot ko.

Napangiti ako kinalaunan.

Mahal? That's right. Mahal ko siya kaya bakit ko siya bibitawan? Hindi ganu'n kababaw ang pagmamahal ko.

Nang maglandas ako ng tingin kay Lyden ay sunod sunod itong napapailing.

"I don't know what should I say anymore for you to lighten up, Fayra. Pero isa lang pwede kong masabi sa 'yo ngayon," she paused suddenly and looked at me, with a pitiful one. "Once you got tired, please, stop na."

Nanigas ako sa kinauupuan ko habang nakatingin ako kay Lyden, sa pagkakasabi niya no'n ay kasabay ding umagos ang kaniyang mga luha. "Huwag mo nang subukang lumaban pa, magtira ka para sa sarili mo, Fayra. Dahil sa nakikita ko sa 'yo ngayon, luging lugi ka."

Hindi ko alam kung nakailang beses na ba akong bumuntong hininga habang nagmamaneho pabalik ng bahay. Pasalamat na nga lang siguro ako na kahit naglalantagaw ang utak ko ay safe pa rin akong nakauwi.

Napailing ako.

Dapat naka-concentrate ako. Tatanga tanga ka, Fayra!

Mabilis akong pumasok ng bahay at ganu'n na lang ang pagkabigla ko nang salubungin ako ni Mateo.

Nangangalit ang kanyang mga mata habang mabilis na dinaklit ang braso ko.

"Where the hell did you go?!"

"M-Mateo," tawag ko sa kaniya at pinilit na alisin ang kamay niya sa braso ko ngunit hindi ko magawa.

"Where did you go, huh? Alam mo bang halos mabaliw na ako kakahanap sa 'yo? Bakit hindi ka nagsabi na aalis ka? Are you really trying me, Fayra?!"

Mabilis akong napailing. Ramdam ko na ang pag-iinit ng magkabilang mata ko dahil sa luhang gustong lumabas.

"I told you to always call me when you want to go out. It's dangerous outside, Fayra. Can't you understand it? Putangina, binabaliw mo ko!"

Napayuko ako sa malakas niyang pagsigaw. Nawala sa isip ko ang kaisa isang bilin niya, kaya hindi ko siya masisisi kung nasayang ko ang oras niya sa kakahanap sa akin.

"Ni hindi mo isinama ang mga bodyguard mo. Paano kung may mangyari sa 'yo? What if one of my enemies catches you-"

"I-I'm sorry. Hindi ko sinasadya. I forgot about it, kaya umalis ako ng walang paalam. I won't do it anymore, j-just please don't be mad at me." Wika ko't tiningala siya.

Mateo's gaw was clenched, and he breathed heavily before letting me go. I thought he would turn his back on me, but then he pulled me closer to him, and that left me stunned.

He's hugging me. Shit! Mateo's hugging me!

Napalunok ako.

"Don't you dare do this again, Fayra. Don't push me to punish you, naiintindihan mo?"

Sa pagkakasabi niya ay mas lalong humigpit ang yakap niya sa akin. Wala sa sariling napapikit ako at sumabay ang pagtulo ng masagana kong luha. Nanginginig ang kamay kong niyakap siya pabalik at mas isinubsob pa ang mukha ko sa dibdib niya.

"Naiintindihan ko. Hindi ko na uulitin."

Sandali kaming nanahimik, at maya maya lang ay naramdaman ko na lang ang paglapat niya ng halik sa noo sintido at noo ko.

Mas lalo akong napaluha dahil doon. Marahan niyang pinunasan ang magkabilang pisngi ko gamit ang hinlalaki niya.

"I'm sorry for raising my voice. I just can't help it. Kanina pa kita hinahanap. Kulang na lang ay itawag na kita sa kakilala ko to track your location. H'wag mo nang uulitin, Fayra. Sa susunod, I'll make sure na matatandaan mo ang binilin ko sa 'yo."

Napanguso ako. "Are you trying to say that you'll going to abuse me? Mahal kita, pero hindi ako papayag na saktan mo ko physically ah!" Aniya ko't itinulak siya palayo sa akin.

Napatulala si Mateo panandalian, ngunit agad ding nakabawi at marahan muli akong hinila palapit sa kaniya. Hinawakan niya ang braso ko, kung saan bumakat ang mahigpit niyang pagkakahawak doon kanina.

"I'm not a monster husband, Fayra. I'll never going to abuse you. Just watch your actions, para hindi ka mapasailalim sa parusa ko."

Hindi ko alam kung ano bang hangin ang nalanghap ng asawa ko ngayon. Ibang iba siya kumpara nitong nakaraan na halos ipamukha niya sa 'king asawa niya lang ako sa papel. Kitang kita ko ang matindi niyang pag-aalala. Is it possible? Posible bang bigla na lang magbago ang pakikitungo niya sa akin?

As much as I want to think about it, iwinaksi ko na lang sa isipan ko.

I should be thankful that he hugged me for the first time. Isn't it great?

"Umakyat ka na. Clean yourself, tapos kumain ka na. Ipinagluto na kita-"

"Really?!" Hindi mapigilang tanong ko. Nagulat lang. Nakakabigla naman kasi.

Ngumiti siya sa akin at tumango. "Go on, pinainit ko na 'yon kay Manang. Hindi na kita masasabayan. I need to go back to work."

Napatango na lang ako kahit dismayadong dismayado ako sa sunod niyang sinabi. Ngumiti rin ako para kahit papaano ay maiwaksi ko ang lungkot na bumalatay sa akin.

"Kapag nakaramdam ka ng gutom kumain ka kaagad." Munti kong paalala.

"Noted," he said, saluted. Napailing ako at natawa. "Alis na ako. Tumakas lang ako sa meeting namin. I should be there immediately. Bye."

Pinanood kong lumabas ng bahay si Mateo. Hindi pa rin mawala ang ngiti sa labi ko.

Ito na ba ang umpisa? Can we really try to work our relationship? Or, just like the other days . . . babalik ulit kami sa ganu'n na sitwasyon?

─── ⋆⋅☆⋅⋆ ───── ⋆⋅☆⋅⋆ ───

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top