Chapter 62
CHAPTER 62
MATEO'S POV
"Umayos ka nga Mateo. Hindi ka nga kinabahan nang lokohin mo si Fayra ng harap harapan eh. Tapos para sa pag-aaya lang ng dinner, kinakabahan ka na."
Isang pailalim na tingin ang ipinukol ko kay Massimo habang pumili ako ng bulaklak na maibibigay ko mamaya para kay Fayra.
"Can you please shut your mouth, Massimo? You're not helping for real."
Nagkibit balikat siya at ngumisi. "Just saying the fact bro---"
"Matagal ko nang pinagsisihan ang ginawa ko against Fayra, Massimo. Until this day, gano'n pa rin ang pakiramdam ko." Putol ko sa kaniya.
"Aba'y dapat lang ano. Sa tindi ba naman ng ginawa mo sa kaniya, tingnan mo nga't nagawa ka pa niyang patawarin. Kung ako 'yun, dadalhin ko hanggang hukay ang hinanakit ko sa inyo." Napapailing niyang saad. "Kaso napakabait lang talaga ni Fayra, sana ako na lang ang pinakasalan niya---"
"Massimo!" Pagsigaw ko sa harapan niya dahil animo'y nananaginip na siya ng gising. At hindi maganda ang lumalabas sa kaniyang bibig.
"Namumula ka bro. Hindi mo ba ma-imagine?" Nang-aasar niya pang tanong.
Huminga ako ng malalim. Kahit ganiyan ang ugali niya ay dapat magpasensya pa rin ako dahil pinsan ko siya. Kailangan long kumalma bago ko mabasag ang mukha ng hayop na 'to.
"Pero for real brad. Ano bang balak mo talaga? Lagi ka na lang nasa bahay ni Fayra. At ang rason mo lagi ay ang anak niyong si Ace. Pero ang totoo, gusto mo lang doon dahil nandoon din ang ina ng anak mo. Tapatin mo nga ako, ano bang gusto mong mangyari?"
Bumaling ako sa nagtitinda at nagbayad na sa bulaklak na napili ko. Nagpa-una rin akong lumakad pagawi sa sasakyan. Nang makasakay kaming dalawa ay tsaka ako nagsalita.
"Gusto ko siyang bumalik nang tuluyan sa buhay ko, brad. Silang dalawa ng anak namin. Alam kong masyado pang sariwa ang nakaraan namin. At dahil doon kaya ako kinakabahan."
"Paano naman kung ayaw ni Fayra na bumalik?"
"Edi, maghihintay ako, hanggang sa huli."
"Eh kung ayaw nang bumalik?"
"Then I think it's really time to let her go. Mas importante sa akin ang katahimikan at kasiyahan niya. I'll let her go, but that doesn't mean na hindi na ako mananatili, nandito pa rin ako sa kaniya. At hindi ko na siya papalitan pa."
Tinapik ako sa balikat ni Massimo. "Ikaw kasi eh. Ang tanga mong nilalang. Nasa swerteng babae ka na, kumawala ka pa."
Hindi na ako nagsalita pa. Wala na akong balak pang patulan si Massimo dahil paniguradong hindi kami matitigil na dalawa lalo na't mas may maibabato siya sa akin. Wala rin naman akong balak na linisin ang sarili kong imahe sa kahit na sino man, dahil totoo naman ang mga salita na natatanggap ko about what have I've done. Pero isa lang naman ang sigurado ako. I want to be better, for her. For them.
Nang makabalik kami sa opisina ay kaagad ko nang inasikaso ang mga trabahong nakalagay sa lamesa ko. Isa isa ko 'yung sinikap na matapos within an hour na na-estimate ko.
"Sir, importante po ang meeting niyo with Rosales. They need you right now. At kung hindi kayo makakagawa ng time for them, siguradong uurong sila sa proposal ng company na'tin."
Nag-angat ako ng tingin sa sekretarya ko.
"I don't care. Nag-present lang tayo ng proposal para mabilis na makapasok ang company na'tin sa pag-aangkat pa. And that doesn't mean na malaki ang maitutulong nila sa akin. I don't need them, if they can't understand why I canceled my meeting with them." Saad ko.
Tumango naman siya. "Got it, Sir. Siya nga po pala, may bisita po kayo sa lobby. Pa-akyatin ko na lang ho ba dito?"
Mabilis na nangunot ang noo ko. "Sino daw? Wala naman akong inaasahang bisita ngayong araw."
"Rosemarie Monrid po, Sir. Mateo."
Nang makalabas nang opisina ang sekretarya ko ay inayos ko na ang kalat sa aking lamesa. Maya maya pa ay nakarinig ako nang pagpihit ng pinto at iniluwa nu'n si Rose. Kaagad na nagsalubong ang paningin namin, na siyang sinundan niya ng isang tipid na pagkakangiti.
Simula nang bumalik ako ay ngayon pa lang ulit kami nagkita. Kaagad kong naalala ang anak niyang si Rian. Kumusta na kaya ang batang 'yun? Nangako pa naman ako sa kaniya na babalik ako. Kahit papaano ay napamahal na rin sa akin ang bata. Ako na rin ang nagsilbi niyang tunay na ama, simula nang mailabas siya sa mundo ni Rose.
"Have a seat." Untag ko. "Nasadya ka?" Kaswal kong tanong. Sumenyas na rin ako sa sekretarya ko na ipagtimpla kami ng juice at dalhan ng makakain.
"Iimbitahan ko sana kayo ni Fayra sa special day ko. Ayaw ko namang ipaabot lang ng basta basta ang invitation ko, since you both are special to me." Pag-uumpisa niya.
Kaagad na napako ang mata ko sa daliri niya sa bandang may palasingsingan, kumikinang ang diyamanteng nakasuot sa kaniya at sa tansya ko ay baka dahil doon ang invitation na sinasabi niya.
"Kailan ang kasal?" Nakangiting tanong ko.
Ngumiti rin siya ng malawak. Halata sa mukha niya na masaya na talaga siya this time. Sa pagkakatanong ko pa lang ay nakita ko na agad ang ningning sa kaniyang mga mata. Bagay na ikinatuwa ko para sa kaniya.
"This end of the week. Hindi naman engrande ang kasal, dahil iilan lang rin ang inimbitahan namin. Privacy na rin, kumbaga. Alam mo naman ang press." Hapyaw pa niya, sabay kuha ng may kaliitan na envelope sa bag niya at abot sa akin.
"I already invited, Morgan and his wife. Ang mga pinsan niyo rin ang specially your grandfather and your dad. Hindi nga lang sila makakapunta dahil may important gathering daw sila sa states during that day, kaya naiintindihan ko naman. Kayo na lang ni Fayra ang hindi ko nai-invite." Aniya.
"Don't worry, I'll this to her after my work." Aniya ko.
"Thank you, Mateo. Sana makapunta kayo."
"Huwag kang mag-alala. Hindi naman ako busy sa araw na 'to, and for sure, Fayra will be glad at maiisipan nu'ng mag-leave sa office niya."
Napunta pa ang usapan namin kung saan saan. Hindi ko na rin maiwasang hindi maitanong kung sino ba ang pakakasalan niya. Hindi naman na ako nag-alala pa, dahil kakilala naman ito ng parents niya. And during the months na wala ako dito sa pinas ay sinikap niyang makipag-ayos sa pamilya niya. On my behalf, siya na rin ang humingi ng tawad para sa akin. Bagay naman na gagawin ko na lang sa araw ng kasal niya. Doon lang rin kasi may time, dahil paniguradong hindi ako kauusapin ng mga magulang ni Rose after what happened. Naikwento niya na rin sa akin na nagkausap na sila ni Fayra, pero hindi na talaga kayang ibalik ang dati.
I know.
It's really hard. But atleast, it's all in the right place right now. At ang kailangan na lang ayusin ay ang sa amin ni Fayra.
"Hinahanap hanap ka nga ni Rian, but of course, ipinaliwanag ko sa kaniya ang sitwasyon. Naiintindihan niya naman ang mga sinasabi ko, dahil matalino naman ang batang 'yun. Ang now, ang gusto niya lang talaga ay makita ka, bago siya lumipad ng states para doon makapag-aral."
"Isasama ko na lang din si Ace, para magkita sila ulit. The last time ata na nagkita sila ay nu'ng sinama ko si Rian sa outing."
"Speaking of our child. Kumusta na nga pala kayo ni Fayra? Naikwento kasi sa akin ng Kuya mo na hanggang ngayon ay ayaw ka pa ring pabalikin ni Fayra." May pag-iingat niyang saad.
Nangasim ang mukha ko sa narinig.
Wala na talagang magandang nalabas sa bunganga ng kapatid ko. Masyado niya talagang ipinagkakalat ang sitwasyon ko kay Fayra.
"It's not that easy to win her back. You know..." Pag-sagot ko.
"Masakit ang nagawa na'ting pagkakamali sa kanila. Lalo na kay Fayra. But you know, siguro, may tamang panahon para sa inyo---"
"Sana ngayon na 'yan." Natatawang putol ko sa kaniya, na siyang sinundan niya rin.
"Nakikita ko na mahal na mahal mo si Fayra. I can even feel your love for her. Ipagpatuloy mo lang, pasasaan din ba't magiging maayos din ang lahat sa inyo."
"How I wish, Rose. How I wish. Pero sa totoo lang, natatakot din akong ipasok siya muli sa mundo ko."
Natigilan siya at nagtatakang binigyan ako ng tingin.
"Baka kasi ang maalala niya lang ang kahapon tuwing titingin siya sa akin. And I don't want that."
"Work on it, Mateo. Kahit ramdam mo na hindi na puwede, ipilit mo. Dahil sa huli, si Fayra pa rin ang magdedesisyon kung tatanggapin ka ba niyang muli o hindi. May tiwala ako sa 'yo, push more efforts, Mateo."
Matapos ang ilang oras na pag-uusap ay tumunog ang phone ni Rose. Nang magbaling siya sa akin ay nagpapaalam na siya na uuwi na, dahil hinahanap na rin siya ng magiging asawa niya.
"Aasahan ko kayo. Kahit presence niyo lang ang ibigay niya sa akin, it's okay for me." Aniya.
Lumapit ako sa kaniya at ilang beses na tumango.
"Congrats, Rose. Be happy and enjoy everything with your soon to be husband." Ngiti ko.
"Thank you Mateo. Friends?" Paglalahad niya ng kamay, na kaagad kong kinuha.
"Friends." Aniya at nagyakap kami bilang isang magkaibigan. Kaswal na yakap lamang. Ni hindi nga nagdikit ang katawan namin.
Ngunit wala pa mang ilang segundo, ay gayon na lamang ang panlalambot ko nang marinig ang boses ni Fayra sa loob ng aking opisina.
"O-Oh, s-sorry."
...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top