Chapter 59

CHAPTER 59

"Nakausap ko naman na si dad. Ang sabi niya sa akin ay siya na daw muna ang bahala sa kompanya habang naka-leave ako for a month.  Ngayon ang aasikasuhin ko muna ay ang side business ko, matagal na rin nang huli akong makadalaw doon."

"Hindi ka naman siguro ma-i-stress diyan?"

Napailing ako at payak lamang na tumikhim. "Tahimik ang café, kahit dinadagsa kami ng puro mga estudyante. Ang ganda ngang tingnan no'n kaysa mga papeles sa opisina." Aniya ko sabay simsim sa kakalapag lang na isang tasa ng tsaa ni Mateo.

Gumawi siya ng upo sa harapan ko at sumimsim din sa kapeng itinimpla niya.

"I-drop na lang kita doon, ngayon mo ba balak umalis?"

Agad akong napatango. "Balak ko ding isama si Ace, tutal ay marami kang gagawin sa kompanya mo. Magkita na lang siguro tayo, mamaya hapon kung masusundo mo kami." Kaswal kong saad.

Marahan siyang tumango at malapad na ngumiti lang sa 'kin.

Ako naman ay inalis ko ang tingin ko sa kaniya.

Apat na araw na rin simula nang maganap ang maikli naming pag-uusap. Tila ba naging hudyat na 'yon sa amin para maging kampante na lamang sa isa't isa at maging civil for our son. Aaminin ko, hindi man ako sanay pa na nasa tabi ko siya at masyadong madikit ay ipinagsawalang bahala ko na lang 'yon. Pasasaan din ba't masasanay din naman ako.

Sa loob ng apat na araw ay masasabi kong ang laki ng improvement ni Mateo. Halos wala na nga akong magawa sa sarili kong bahay, dahil ultimo gawaing pagdidilig ng halaman ay ginawa niya na.

Nakakapanibago ng sobra, ngunit hindi naman makikita sa kaniya na hindi siya marunong, para nga siyang bihasa, na siyang ikinatuwa ko na rin dahil kahit papaano ay nakakapagpahinga sila Manang Celly.

Nag-asikaso na ako para maaga akong makapunta sa café. Nagdamit lamang ako ng casual dress na lagpas tuhod at step in na sandals. Sinukbit ko lang rin ang shoulder bag ko na naglalaman ng ilang mahahalagang bagay para sa akin. Nang matapos ako ay tumungo na ako sa kusina para ayusin gatas ni Ace, may maliit siyang backpack at doon ko na lamang 'yun ilalagay.

Mateo

Pababa na ako ng hagdan karga karga si Ace na nabihisan ko na. Agad kong inilibot ang paningin ko sa kabuuan ng sala ni Fayra, ngunit wala namang katao-tao dito. Kumatok na rin ako sa kuwarto nila bago ako bumaba, at sa siwang na kaunti ay halatang nakalabas na si Fayra.

Inilapag ko muna si Ace sa sala, bago ko siya iwanan ay tiniyak ko munang hindi siya mapapahamak sa sandali kong pag-iwan, dahil tiyak na isasabit ako ni Fayra.

Akmang hahanapin ko naman sila Manang Celly nang mapadako naman ako sa kusina kung saan medyo naaninag ko ang bulto ni Fayra. Lumapit ako ng may buong pag-iingat.

Pinanood ko siya ng maigi. Seryoso ang kaniyang mukha habang inaayos ang pagsasalin niya ng gatas sa baunan ni Ace. Sunod ay nagtimpla rin siya at tinakpan 'yun sabay pasok sa bag.

Napabuntong hininga ako.

"Titig na titig ka naman, hijo. Baka naman matunaw si Fayra niyan."

Napalunok ako sa biglaang pagsingit ni Manang Celly sa aking harapan. Buti na lang at hindi ako magugulatin, kaya't wala akong nailikhang ingay.

"Manang naman eh." Parang batang asik ko sa kaniya.

Umamba siyang kakaltukan ako kaya't mabilis akong umilag.

"Ikaw na bata ka, ang laki ng sinayang mo. Noon pa man ay sinabihan na kita, tingnan mo nga ngayon, naghihintay ka sa wala."

Alam kong nang-aasar lang si manang, at kuhang kuha niya naman ang inis ko.

Hindi na lamang ako kimibo at muli na lamang tumingin kay Fayra na ngayon ay nagtitipa na sa phone niya.

"Sa kabila nang katarantaduhan mo, anong bait nga naman ng batang 'yan para patawarin ka agad. Kung ako 'yan, baka pinaglalamayan ka na una pa lang."

"Manang ang brutal naman ng sa 'yo." Nguso ko.

"Aba'y totoo naman. Dapat sa mga katulad mong nangangaliwa ay pinuputulan ng---"

"Manang, parang hindi mo ako alaga. Dapat nga sa panig kita eh. Dati naman ay ako ang ipinagtatanggol mo, ngayon naman ay si Fayra na." Pabiro kong saad, ngunit alam ko naman never akong kakampihan ni manang lalo na sa nagawa ko sa babaeng walang ibang ginawa sa akin noon kung hindi ang mahalin ako kahit paulit ulit ko siyang dinudurog.

"Hay nakung bata ka, kakayanin mo kaya kapag 'yang si Fayra ay nagbukas ng puso niya sa iba? Tingin ko ay dobleng kirot ang mararamdaman mo kapag nagkataon." Hagik ni Manang nagpamaywang pa habang napatingin sa gawi ni Fayra.

Napipilan ako at agad ding nakaramdam nang hindi ko maipaliwanag na kirot na lumukob sa aking sistema. Nanghihina ako sa ideyang alam kong posible, kapag nagkataon. Sabihin man niyang ayaw niya pang magpapasok sa buhay niya ay alam kong dadating din ang araw na magmamahal siya ulit.

"Nagsisisi naman ako manang." Nag-alis ako ng tingin kay Fayra at nagbaba ng tingin. "Nagsisisi ako ng husto. Pero huli na kasi ang lahat. Siguro nga din maganda na rin ang ganito sa pagitan namin."

"Susuko ka?"

Hindi ako nakasagot. Nanlulumo kong tinignan si manang at bakas ang kagustuhan niyang malaman ang isasagot ko.

"Wala sa plano ko 'yan, manang." Pag-aamin ko. "Pero kailangan ko munang magbigay ng panahon kay Fayra. At para sa sarili ko na din, nang sa gano'n kung kayang maayos ang sa amin, mas better na ako."

Unti unti kong nakita ang ngiti sa labi ni manang at ang marahan nitong pagkakatango.

"Tama 'yan, hijo. Basta ang lagi mong pakatandaan ay ang ikaw naman ang may kasalanan niyan."

Napangiwi ako kay manang at nag-iling.

"Sige na, manang. Baka mabusog pa ako diyan sa sermon mo eh. Hatid ko na muna sila Fayra."

Habang nasa sasakyan ay nangangapa ako sa katahimikan. Panay ang pagtingin ko sa side ni Fayra na nasa tabi ko lang. Busy siya kakatipa sa phone niya at kung minsan naman ay ipinapalit ang laptop niya.

Naglipat ako ng tingin sa review mirror para tingnan ang anak namin. Nang tumingin din siya sa akin ay nag-abot pa ito ng tinapay na kinakain niya.

Napanguso ako. Pakiramdam ko ay dinadamayan ako ni Ace. Kung kaya niya lang akong kausapin, baka sa kaniya na lang ako nakipag-usap.

"Sabihan mo pala si manang na mag-grocery ng mga veges mamaya. Nasa may kabinet lang 'yung pera---"

"Ako nang bahala doon. Ano bang gusto mong ipaluto?" Tanong ko.

Nag-alis muna siya ng seatbelt at nagbaling sa 'kin.

"Ako na sana ang magluluto mamaya, tutal maaga-aga naman kaming makaka-uwi." Aniya sabay duro sa akin na alisin ang lock ng pinto.

Ginawa ko naman agad at lumabas na rin. Kinuha ko sa likod si Ace at kinarga, pati ang bag na dala dala ni Fayra para sa pagkain niya.

Nauna na si Fayra ng bahagya sa amin. Mabilis akong humabol sa likod niya na sumakto naman sa pagbati sa kaniya ng tauhan.

"Goodmoring Ma'am, Fayra. Welcome po, ang tagal niyo pong hindi gumawi dito dahil sa busy niyong schedule." Animo'y may pagtatampo sa boses nito.

"Ngayon lang ako nakapag-leave sa office, Maye. Isa pa, alam ko naman kasing kaya mong asikasuhin 'tong business."

"Pero iba pa rin kapag ikaw ang nandito, Ma'am. Ay siya nga po pala," baling nito sa akin at muling nagbalik tingin kay Fayra. "Mister niyo po?"

Awtomatiko akong napangiti.

"Naku, Maye. Sinabi ko naman sa 'yo wala ako no'n---"

"Eh kung gano'n, sino po siya?"

"Kaibigan ko."

Awtomatikong lumukot ang mukha ko sa narinig. Maging ang lalamunan ko ay nanuyo. Ang tingin ng babae sa akin ay para bang nadismaya siya sa sagot ni Fayra.

"A-Ay, akala ko asawa niyo Ma'am." Kamot batok niyang usal. " Kamukha po kasi ni baby Ace."

"Tara na nga, Maye. Masyado kang madaldal ang sarap mong patulugin." Pabirong hila ni Fayra sa babae sabay baling sa akin at sumenyas na sumunod.

Napailing na lang ako at pinakatitigan si Ace na karga karga ko.

Nakanguso ito habang nakapangalumbabang nakatingin sa akin.

"Kasalanan ko talaga, anak. Alam ko na 'yan, kaya huwag mo namang ipahalata pa." Pagkakausap ko kay Ace bago tuluyang sumunod kay Fayra.

...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top