Chapter 55

CHAPTER 55

"It's getting late---no it's already late. Kung ano man ang gusto mong magpag-usapan na'tin ay kailangan mong maghintay ng bakanteng oras ko." Kalmadong pagpapaliwanag ko kay Mateo.

Halata sa reaksyon niya ang pagkadismaya, ngunit anong magagawa ko? Sadyang pagod na ako ngayon at kailangan ko na ring umuwi para kay Ace.

"F-Fayra---"

"Don't get me wrong, Mateo. But I think this is not the right time even for anyone. Alas dos na, at kakatapos lang ng trabaho ko. At kung iniisip mong ayaw kong makipag-usap sa 'yo ay nagkakamali ka." Putol ko.

"I know. I'm sorry if i came up late, it's just... Ang dami ko lang tinapos at agad na dumiretso  sa 'yo." Aniya.

"Sabi ni Mang Greg ay alas-dies pa lang kagabi ay nandito ka na. Sana ay nagpasama ka na lang sa floor ko para hindi naman nasayang ang oras mo."

"I don't want to disturb you, at nalaman ko din kay Morgan na busy lately kanina. So, naisip kong maghintay na lang."

Napangiwi naman ako. Kaya pala biglaan na lang ang pagdating nila ni Lyden kanina ay dahil siguro may alam na sila na may plano nang magpakita si Mateo.

"After lunch, we can talk. Sasabihan ko na lang si Morgan para masabihan ka---"

"Pupuntahan na lang kita." Putol niya.

Napailing naman ako. "Wala ako sa opisina mamaya. I'm with a client. Ganito na lang, give me your number, so my secretary can contact you whenever I'm done with my meeting."

Ilang segundo siyang walang kibo bago umiling. "Same number pa rin naman ang gamit ko, naka-save naman 'yon sa 'yo."

"Binura ko na." Walang pag-aalinlangan kong saad. "Since, you left without a words, kaya I thought I will never meet you again."

"Nag-iwan ako ng sulat." Tipid niyang saad.

"Nabasa ko nga. Pero wala akong balak na paniwalaan 'yon."

"You're still mad at me." Pabulong niyang wika.

Hindi ko na lang siya pinansin. Baka mapahaba pa ang usapan namin gayong gagawan ko na nga ng paraan para mapagbigyan ang pag-uusap na gusto ko ring gawin.

"Inaantok na ako, Mateo. Mauna na ako sa 'yo."

"Hatid na kita." Agad niyang prisinta na siyang payak ko lamang na nginitian at binalangan si Mang Greg.

"Ikaw na po ang bahala dito, Mang Greg. Uuwi na po ako." Paalam ko sa matanda at nagdire-diretso na sa paglakad.

Nang malagpasan ko si Mateo ay kitang kita ko ang pagsunod niya ng tingin sa akin. At kung tatanungin ako ngayon ay tila ba wala akong makapa sa damdamin ko. It's just, plain. At ang kasunod ay parang gusto ko na lang makipag-ayos for peace of my mind.

This past few days, iniisip ko na kung ano nga ba ang gusto kong mangyari sa buhay ko. Sa paligid ko. Kung hanggang saan nga ba ang gusto kong itira para sa sarili ko. After a long time of thinking, sumagi din sa isipan ko si Mateo.

What If he'll came back? And those letters na laging may mabubulaklak na words na nagsasabing aayusin niya ang lahat, ay kasama na sa desisyon ko.

After seeing him, I think I'm already healed.

I'm not bitter anymore. Wala nang kirot sa puso ko when I looked at his eyes. I don't see my old self, like what I saw before through his eyes.

All I can see kanina ay ang bagong aura ko. Where I'm capable to express my feelings, express my thoughts without holding back and capable to set boundaries so that no one can ever make me under them again. Sa ilang sandali na nakaharap ko siya ay tila lahat ng hindi ko masagot sa sarili ko ay bigla na lang nagliwanag sa akin.

Pagkadating ko sa bahay ay ilan sa bago kong kasambahay ang sumalubong sa akin. Kasama doon si Manang Celly na tila naalimpungatan lang ata sa ginawa kong pagbusina.

Bahagya naman akong nakonsensya. Mukha pa namang nag-general cleaning sila manang at ngayon ngayon lang din nakapag-pahinga.

"Kumain ka na anak. Hindi na kita pinahintay pa kay Ace dahil alam ko na madaling araw ka na makaka-uwi, kaya naman inuna ko na siya kanina."

"Ayos lang manang atleast hindi siya nalipasan ng gutom." Aniya ko habang ngumungata.

"Siya nga pala, hija. Dumating si Mateo dito kanina, kasama siya ni Morgan---"

"Po?!" Hindi napigilang magtaas ako ng tono dahil sa gulat.

Ang bilis namang kumilos ni Morgan? Ni maging ang bibig niya ay napigilan niya pa sa akin kanina, bagay na gumugulat sa akin ngayon lalo na't dakilang madaldal ang taong 'yon.

Napakamot ng noo niya si Manang Celly. "Ang totoo niyan hija ay ilang oras lang ang nakalilipas ng maka-alis ka ay siya namang dating nila. At no'ng makita ng anak mo si Mateo ay walang pag-aalinlangan siyang yumakap sa binti ng kaniyang ama. Halata ang pananabik sa anak niyo, Fayra."

"Alam ko naman po 'yan manang. Hindi ko lang lubos akalain na magpapakita siya agad kay Ace." Buntong hininga ko at nagpatuloy sa pagkain.

"Pasensya ka na anak. Hindi ko lang din talaga mapagtanto kung ano ang gagawin ko kanina, lalo na't ayaw nang humiwalay ni Ace sa ama niya."

"Ayos lang manang. Anak naman niya si Ace. Ang mabuti pa po ay magpahinga na kayo, at ako na po ang bahala dito." Aniya ko.

"Naku, ikaw ang magpahinga. Masyadong malalim na ang eyebags mo sa ilang araw mong pag-o-overtime, aba'y hija, tingin ko kailangan mong magpahinga na muna."

Hindi na ako nakipagtalo pa kay manang. Nang matapos ako ay dali dali na lamang akong umakyat sa kuwarto at naglinis ng aking katawan.

Kalaunan ay tinabihan ko naman si Ace na payapa nang natutulog habang yakap yakap ang unan.

Napabuntong hininga ako at dinampian ng halik si Ace sa kaniyang sintido.

"Mommy will do anything to make you happy, Ace. Kahit pa si Mateo ang makakapagpasaya sa 'yo ay ayos lang sa akin, as long as he knows he's boundaries."

Inayos ko na ang higaan ko sa tabi ni Ace, tapos ay kinuha ko ang laptop na laan para sa CCTV dito sa bahay, na pinakabit ko to monitor Ace kahit pa nasa ibang panig ako ng pilipinas.

Ni-review ko ang footage kanina.

Ilang oras nga lang ang pagitan ng dumating sila Mateo sa pagkaka-alis ko sa bahay. At sunod na mga kaganapan ay ang pagpapatahan ni Mateo kay Ace na grabe ang pagkaka-iyak habang kapit na kapit sa kaniya.

Nang kargahin niya ito ay mabilis na nagpulupot ng braso si Ace sa leeg ni Mateo. Natigil lamang ang pagkaka-iyak nito nang mapagod at nakatulog sa kandungan ng kaniyang ama.

Sunod ay nangialam na sa kusina si Mateo. Iyon ang pananghalian nila. Pagkatapos ay kita ko na lang na umalis sila ng bahay at sa susunod na footage ay ang dami na nilang dala pagkabalik.

Agad akong napataas ng tingin sa lagayan ng laruan ni Ace dito sa kuwarto. Gano'n na lang ang pagkakataas ng kilay ko sa mga bagong box na halos lampas sa lahat ng daliri na mayron ako.

Nang ibalik ko ang mata ko sa laptop ay inilipat ko na iyon sa pinakahuling footage kung saan ang time na 'yon ay ang oras na malapit na siyang umalis.

Nasa kusina si Mateo at hinahayaan lang siya nila Manang Celly. Kung hindi ako nagkakamali ay tila ang kinain ko kanina ay siya ang may gawa.

Kaya pala parang hindi pamilyar sa akin ang lasa.

Masarap naman, pero iba pa rin kasi ang nakasanayan kong luto ni Manang Celly.

Sinarado ko na ang laptop at tuluyan na lamang humiga. Hindi na rin kaya ng talukap ko, at mamaya ay aarangkada pa ako para sa mga meeting na kailangan kong puntahan.

After that, I'll talk to him for good. Discuss to him, that our son needs him, lalo na't hindi siya nakapag-paalam dito ng maayos. I just want him to be there for Ace, lalo na sa mga panahong ako ang wala sa tabi niya.

And we're not even getting younger anymore. Natutunan ko na rin na kailangan kong maging patas sa anak ko. Na kung sa tingin ko ay hindi niya kailangan ng ama, ay siyang pagkakamali ko.

But it's all in the past.

I'm better. I can think properly now without pertaining to my past. Natutunan ko na ang lahat, at ginawa ko na lang na motivation ang lahat para mapausad ang sarili ko.

It's all a deep lesson for me. For each of everyone. Lahat nang nangyari ay dahil sa pagkakamali na ipinipilit kahit malabo. Kahit alam na ang maaaring kahantungan, ay sumisiksik pa rin. Sometimes it's good, but it's always have a consequences lalo na kung hindi naman tama ang panahon.

...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top