Chapter 54

CHAPTER 54

8 months after

"Still having those bouquets?"

Nag-angat ako ng tingin kay Sébastien. Hindi ko man lang naramdaman ang pagpasok niya sa opisina ko.

"Ngayon na ba kailangan 'to?" Tanong ko sa folder na nilapag niya sa mesa kong agad ko namang binuklat.

Sinuri kong maigi ang bawat papeles. Para pala ito sa mga bagong tauhan namin at kailangan kong mapirmahan ang mga pension nila.

Maraming naipasok na mga bagong tauhan ngayon sa kompanya, simula nang magbukas sila daddy ng bagong business. Halos karamihan na din sa mga tauhan dito ay inilipat sa kaniya, and that's for the better. Para na rin makatulong sa mga fresh graduate, ginamit na namin ang opportunity na 'to to have them. Especially those who are qualified enough to join this company.

"Saturday pa ang deadline na'tin para diyan. But I want you to sign that first para maipasa ko na agad. Magiging abala ka na starting tomorrow, since you're doing a lot of conference and gathering for those brands that we held." Sagot niya sa 'kin.

Napatango tango ako at pabuntong hininga na ipinasok sa drawer ko ang folder. May ginagawa pa ako, but I'll try to manage that folder later. Hindi rin naman siguro ako aabutin ng isang oras to sign, since I already know that Sébastien reviewed those papers before handling them to me. 

Bumalik ako sa ginagawa ko. I signed up and read some data for the company's marketing, but then Sébastien's presence made my attention go to him. 

I raised an eyebrow while I slowly gave him a questionable look.

"Aren't you supposed to leave?" I ask.

"Yes, I will," he says quickly. I was ready to say something, but he interrupted, which caused my brows to furrow even further. "But, I need your response to my question about whether you still have those bouquets."

That wasn't a question anymore. It's more about phrasing the idea that was obviously obvious to both of us. 

"You can answer yourself alone, Sébastien. Unless you forgot, you're the one that giving it to my pad." I casually say.

He smirked and shook his head. "Napapagod na nga ako eh." Pabiro niyang saad.

"Edi tumigil ka na, bakit ka pa kasi nagpapa-utos." It's not a question, I stated the fact na dapat hindian niya na lang dapat.

"Well, alam mo na ang reason ko for that, Fayra. Kung hindi ko lang siya kaibigan, hindi ako papayag. At kahit na ba kaibigan niya ako, kung alam ko namang hindi siya seryoso, hinding hindi ako susunod."

Hindi na ako kumibo. Itinuon ko na lang ang sarili ko sa mga papeles na pipirmahan ko dapat kung hindi lang ako inuudlot nitong si Sébastien.

"Starting tomorrow, I don't want those bouquets again, Sébastien. Malaking abala na para sa akin ang araw araw kong pag-iisip kung saan ko ba dapat ilagay ang limpak limpak na mga bulaklak."

"Bakit naman nag-iisip ka pa? Bakit hindi mo na lang itapon?"

Sa uri ng pagkakatanong niya ay tila ba may laman 'yon.

"I'm not heartless, fyi." Pag-irap ko na ikinatawa niya.

"Alright, I won't argue with you anymore. Just don't forget to sign that papers, babalik ako before break time."

Napa-angat na lamang ako ng tingin sa kaniya nang magpaalam siyang aalis na. Sinundan ko pa siya ng tingin at napabuntong hininga sa kawalan.

It's been 8 months. For that time, walang palya akong napapadalhan ng bulaklak. A lot of love letters na handwritten pa talaga. Madalas na nga akong napapailing, hindi ko na rin kasi alam kung bakit pa nangyayari 'to, kung kailan nasa maayos na kalagayan na ang lahat ng bagay.

Maikling panahon lang kung tutuusin ang walong taon, but for me. Mapakahaba na no'n sa 'kin. Marami nang nangyari sa buhay ko. I gained more knowledge about business industry. I went to different conference, since I started to do a collaboration with big brands. On the other side, si Ace ay unti unti nang nasasanay kay nila Morgan. Knowing na agad siyang napalapit sa ama niya. Pero mayroon pa rin talagang mga araw na hinahanap hanap niya si Mateo sa akin.

Rose and I are civil with each other. Even Lyden and her are now both okay. Both we don't bond like before. And I think, that's better.

Sa side nila Morgan, maayos na rin. Everything is okay, except for the fact na kay Mateo na lang ako hindi tuluyang nakikipag-ayos, since he decided to walk away for good.

O lumayo nga ba siya?

Dahil ang pakiramdam ko ay hindi. Why? Because he's still giving me bouquets every damn days using his friend.

"Kung ang pagpapadala niya ng bulaklak sa akin ay inilaaan niya na lang sa anak niya, baka natuwa pa ako."

"I agree, can't wait to punch him so hard, para naman magising siya sa baluktot niyang mindset." Si Morgan.

"But whenever he came back, what plans do you have inside of your mind, Fayra?" Si Lyden naman. "I mean, anong plano mo?"

"Civil lang." Tipid kong sagot sabay ayos ng mga napirmahan ko na sa mga dinala ni Sébastien.

After a couple of hours, hindi ko alam kung bakit nandito naman 'tong dalawang ito at gusto pang makipag-tsismisan sa 'kin. Eh, kitang kita naman nila kung gaano katambak ang trabaho ko.

"Eh paano kung gusto ng comeback?" Hapyaw pa ni Lyden.

Pinakatitigan ko siya. "Lumayas na nga kayong dalawa dito. Istorbo kayo eh."

"Hindi sinagot. So ibigsabihin, undecided." Natatawang tayo pa ni Lyden.

Pinaningkitan ko sila ng mata, lalo na si Morgan na humahagod pa sa tiyan niya.

"Stop teasing her, hon. Baka mamaya maging sister in law ko ulit 'yan." Buyo pa ni Morgan sabay akbay sa asawa.

Hindi na ako nagsalita pa. Umiiling akong naghagod ng buhok, at pindot sa telecom para i-ready na mga applicant na i-s-survey ko mamaya.

Ang daming ganap sa opisina. Umabot pa ako sa puntong nagpa-cancel ng ibang appointment dahil hindi na talaga kaya ng katawan at utak ko. Since ilang araw na rin akong nagpapakalunod sa trabaho.

"Ginabi na naman ho kayo Ma'am, aba'y baka naman ho magkasakit kayo niyan."

"Naku, Manong Greg, sanay na po ako. Kayo po ba, kanina ka pa nagpaalam sa akin na uuwi ka na, bakit nandito ka pa?" Saad ko habang sinasabayan ng lakad ang matandang guwardya.

"Naku Ma'am, mahabang storya. Atsaka, kukulangin ho sa guwardya kung umalis ako, lalo na't ang ilan sa amin ay inapoy ng lagnat kanina."

"Gano'n po ba. Pa-abot na lang po ng pangalan nila sa akin bukas, Mang Greg. Para naman mapadalhan ko sila kahit maliit na tulong lang." Aniya ko sa matanda at nagpauna na nang makapag-paalam ako, ngunit bago pa ako makapasok ng elevator ay nagsalita namang ulit si Mang Greg.

"Siya nga ho pala, Ma'am Fayra, may tao ho sa lobby, at hinahanap ka ho, kaya rin nagawi ako sa floor na ito ay para sabihin sa 'yo."

"Sa ganitong oras po? Hindi ba't pasado alas-dos na ng madaling araw?" Takang pagtatanong ko.

"Ang totoo po niyan Ma'am, ay alas-dies pa lang ay nandiyan na siya. At no'ng nagtanong siya sa akin ay sinabi kong baka ganitong oras ka pa lumabas ng opisina ay sinabi niyang maghihintay na lamang daw siya."

Sandali akong natigilan at makaraan lang ang ilang segundo ay nagngiti ako kay Mang Greg.

"Natanong niyo ho ba ang pangalan?" Pagbabakasakali ko.

Nagkamot ulo si Mang Greg. "Hindi Ma'am."

Napangiwi ako. At nagtango na lang. Magpapaalam na sana ako sa kaniya para naman ako na ang makakita sa taong sinasabi niya ng pumanhit naman ng bigkas ang matanda.

"Hindi ko ho, naitanong ngunit kilala ho ang taong 'yon, Ma'am Fayra."

"Sino po?" Kaswal kong tanong.

"Kapatid ho ni Sir, Morgan. Si Sir, Mateo ho."

...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top