Chapter 52
CHAPTER 52
"H-Hindi ko sinasadya. Bigla na lang pumasok sa isip ko 'yon. I know how selfish my action was for all of us, especially for you, Fayra. Nadala lang ako ng emosyon. Nalito ako,... And all I knew at that time was attention. Atensyon na nakukuha ko sa lahat."
Nakamasid lamang ako kay Rose habang malumanay at punong puno ng pagsisisi ang masasalamin sa kaniyang tinig.
Hindi ko alam kung dapat ko ba itong paniwalaan, gayong ang pagsisising ito o ano, dahil ang mga pangyayari sa nakaraan ay siyang sumasagi sa isipan ko ngayon.
"Why now?" Malamig kong tanong.
Bahagya siyang natigilan at kalaunan din ay may pilit na ngiting inilaan sa'kin.
"Bakit nga ba ngayon lang?" Balik niyang tanong kasabay ng marahan niyang pagsimsim sa kaniyang inumin. "Hindi ko rin alam. Sa totoo lang ay hindi ko alam."
"Anong gusto mong mangyari after this, Rose?" Pag-iiba ko ng tanong. "Inaasahan mo sigurong bigla na lang mawawala ang lahat sa'kin,... Gano'n ba?" Sarkastikong sagot ko na rin sa sarili kong tanong.
Ang ngiti sa kaniyang labi ay napawi.
"Kung tama ako," sandali akong huminto upang mapagmasdan pa ang kaniyang nanlulumong reaksyon. "Sinasabi ko sa 'yo, wala kang aasahan sa akin ngayon. It takes time, Rose. At sa inyong dalawa, ikaw ang labis na nakasakit sa'kin."
Mataman ko siyang tinitigan. Siniguro kong makikita niya ang pinaghalo halong emosyong inipon ko simula nang masira ang inalagaan naming relasyon.
"Alam kong nagkamali ako sa 'yo, pero kahit saang anggulo na'tin tingnan ay mas sinira mo ako, Rose. You didn't just betray me; you dug my grave so deep that I'm thinking of going through it." Malaman kong wika.
Hindi ko napigilan ang biglaang paglandas ng aking luha. Kaagad ko 'yong pinawi at nag-yuko.
"I-Ikaw sa lahat ng maaaring taong gumawa sa'kin no'n." Dagdag ko pa na mas lalong ikinabigat ng aking damdamin.
Those scenarios I've been enduring everytime my mind plays a history replay that will remind me of everything.
Betrayal, unfaithfulness, and brutal love.
Sapat na nga ba ang salitang patawad para tuluyan akong makalimot? O kailangan ko ring maging manhid para hindi lamang ako ang maging masalamuot?
Right now, gusto kong padapuin ang palad ko sa kaniyang pisngi. Gusto ko siyang sampalin nang paulit-ulit hanggang sa makuntento ako. Gusto kong iparamdam sa kaniya ang ginawa niya sa akin. Gusto ko siyang sumbatan nang sumbatan, ngunit bakit gano'n? Imbes na galit ang mangibabaw sa'kin, tila awa at panghihinayang na lamang ang mayro'n ako?
"Planado ko na ang gusto kong pamilya. But all of a sudden, naglaho 'yon. Unexpectedly, nanganak nga ako, pero may nagtangka naman sa buhay ko. Tingin mo ba sapat ang sorry, Rose? Ipinahamak mo ang anak ko, muntikan siyang mawala sa'kin... Kung natuluyan si Ace, baka wala ka ngayon sa harapan ko." Matigas kong saad.
Gumawi ang kamay niya sa nakapatong kong kamay sa lamesa. Hinimas himas niya 'yon at ang sunod na senaryo ay hindi ko inaasahan. Pakiramdam ko ay nahigop pabalik ang aking mga luha dahil sa aking pagkabigla.
"I-I'm sorry, Fayra. I'm truly sorry for everything I've done to you. I know my apologies won't change our past, but this is all I can do for you. Alam kong hindi ito basta pagkakamali lang dahil ako mismo ang umisip sa mga naging kilos ko. Lahat ng ginawa ko ay alam kong sagad, at labis kong napagtanto ang sukdulan ng aking inggit, Fayra. I-I committed many sins to you, at gusto kong i-tama ang lahat ng 'yon. I'm not expecting for your forgiveness, gusto ko lang i-tama ang naging sadyaang pagkakamali ko sa 'yo."
Pinahupa ko ang ilang segundo. Hinintay ko siyang tumayo o kahit matinag sa nakaluhod niyang bulto sa aking harapan ngunit hindi man lang siyang natinag. Nang pasadahan ko ng tingin ang iilang mga taong kasama namin ay may nagtatakang tingin silang iginagawad sa gawi namin. Napalunok ako at nagbaba ng tingin kay Rose. Iwinaksi ko ang kamay ko sa kaniya at sumimsim sa inumin ko.
"Tumayo ka na jan, nakakahiya. Ang daming matang nakapako sa atin. Napla-plastikan din ako sa 'yo, dahil dito mo pa talaga naisip na gawin 'yan." Saad ko.
Kitang kita ko ang kaguluhan sa kaniyang mukha.
"But I'm not trying to fool you here, Fayra; I truly meant what I said."
Napailing ako. "Let's see that, Rose. Let's see if you're really sorry for what you did to me." Pagkasabi ko no'n ay tumayo na ako, ngunit bago ko siya talikuran ay muli akong nag-wika. "Actions speak louder than words. Just a little reminder."
Mabilis akong gumawi sa parking at agad na pinaandar ang makina ko nang tuluyan akong makasakay. Hinuling tingin ko pa ang puwesto namin sa loob at nakita ko ang lantang gulay na pagkakatayo ni Rose mula sa kaniyang pagkakaluhod.
Out of nowhere, bigla niya na lang akong tinawagan at gustong makipagkita. I was thinking of rejecting it, pero deep inside sa'kin ay gustong maka-usap siya. Hindi ko lang rin ini-expect na ganito ang magiging kalabasan. That she's sorry for what she did. Ang akala ko ay hahanapin niya si Mateo sa'kin. At kung magkataon mang gano'n, wala naman siyang mapapala sa'kin.
Hindi ko na mabilang kung ilang beses na ba akong bumuntong hininga habang nakasakay sa elevator at kahit pa nang bumukas na ito't tinutungo ko na ang unit ko. Hindi ko rin mawari kung ano ba ang iniisip ko dahil pakiramdam ko, nalulutang ang utak ko sa hindi ko malamang dahilan. Parang ang sarap na lang magbabad sa trabaho para may sense naman ang pag-iisip ko sa kung ano anong mga bagay.
Tinanggal ko ang heels ko at pagod na ibinagsak ang sarili ko sa sofa. Isinandal ko na rin ang sarili ko at ipinikit ang aking mga mata. Sa sandaling oras na umalis ako ay tila ba maghapon na akong nawala. Sa sandaling pag-uusap namin ay para bang tinakasan na ako ng emosyon ko. Maging ang utak at aking damdamin ay hindi ko na ma-control.
"Pagod na pagod ka, ayos ka lang?"
Napamulat ako sa boses ni Sébastien. Muli na naman akong bumuntong hininga ng magtama ang aming paningin.
"Hindi ko alam. Parang... Parang nasa punto na naman ako ng buhay ko na magulo. Nalilito at hindi na naman alam ang gagawing desisyon." Pag-aamin ko.
Ngumiti siya sa akin sabay diretso sa kusina. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa nagbukas siya ng ref at may kinuhang soda. Nang makabalik ay iniabot niya sa'kin ang isa at inunang lagok na rin ang sa kaniya. Sumimsim na rin ako ng kaunti.
"Pagsubok na naman ba?" Tanong niya.
Nagkibit balikat ako. "Parang gano'n. Dahil hindi ko alam kung kailangan ko bang magpatawad o kalimutan na lang sila ng tuluyan."
"Mukhang mahirap ang isang 'yan." Agad niyang gagad sabay himas sa kaniyang baba. "Pero kung ako ang tatanungin. Mas pipiliin kong magpatawad."
Umarko naman ang kilay ko sa narinig.
"Sabihin na na'ting hindi ko napagdaanan ang pinagdaanan mo, para sabihin na magpatawad na lang. But you know, may dalawang klase naman ng pagpapatawad." Taas baba ang kilay niyang saad.
"Imbento ka naman." Ngiwi ko sa kaniya na siyang ikinatawa niya.
"Ayaw mong maniwala? Mukha lang akong joker pero hindi ako imbentor." Hapyaw niya pa.
Sumenyas naman ako na magpatuloy siya, at mataman ko siyang tinitigan.
"Ganito kasi 'yan," aniya sabay ayos sa kaniyang pagkaka-upo.
Ako naman ay iginilid ang aking ulo mula sa pagkakasandal.
"Nasa sa 'yo naman kasi kung anong klaseng pagpapatawad ang pipiliin mong ibigay sa isang tao. Iyong pagpapatawad ba na kailangan pa ulit na mabalik ang dating samahan o iyong pagpapatawad na para lang maging tahimik na ang lahat pero hindi na kailangang maibalik ang samahan na kahit kalimutan ang naging kasalanan ay hindi na mabubura pa ang pait na napagsaluhan."
Sandali akong natigilan at maya'y ngumisi.
"Magkakatugma ah, para kang nag-po-poetry."
Umasim ang kaniyang mukha. "Yeah, whatever. Basta 'yon ang isipin mo. Mamili ka lang sa dalawa, dahil dalawa lang naman talaga 'yan. It's either na, gusto mong matahimik na kasama sila o gusto mong matahimik na hindi na sila kasama. It's complicated, pero napakadali lang para intindihin."
Napalabi ako at napatango tango.
"I'll keep that inmind. Thank you, Seb. You really got me here."
Tumikhim naman ito bago tinungga ang soda niya. "No probs, ikaw pa ba? Malakas ka kaya sa'kin."
Napailing na lang ako. Nag-ayos ako ng upo at nagbente-kwatro. Katahimikan ang sunod na namayani sa amin.
Mabilis na pumasok sa isipan ko ang sinabi ni Sébastien. Ano nga ba sa dalawa ang gugustuhin kong ibigay?
It's really complicated.
Madaling intindihin pero mahirap pagdesisyunan.
Lumipas ang maghapon ay katuwang ko si Sébastien sa buong unit. May mga bagong furniture akong binili nitong nakaraan at ngayon ang dating. Pinagtulungan naming isaayos 'yon sa mga dapat nilang kalagyan. Sunod naming pinagtuunan ng pansin ang pag-gro-grocery. Halos ibuhos ko na lang ang oras ko sa pag-iisip ng mga kailangan namin sa unit kaysa sa sinabi niya kanina.
Nang maka-uwi ay si Sébastien na ang inasahan ko sa kusina dahil gusto nang matulog ni Ace na katabi ako. Pasado alas-siete na rin nang tuluyang humimbing ang pagkakatulog ng anak ko.
Nasa gano'n akong sitwasyon nang makarinig ako ng tunog nang pagpihit sa pinto.
Nilingon ako ang gawing 'yon at natanawan ko si Sébastien. Nanlaki pa ang mga mata nito nang mapadako ang kaniyang paningin sa tulog na bata sa aking tabi.
"Nakapaghanda na ako, Fayra." Mahinang sambit niya.
Sumenyas ako sa kaniyang sandali lang, at marahan akong tumayo ngunit gayon naman ang pagkakadilat ni Ace at paghinto sa pagsipsip sa kaniyang tsupon.
"S-Sleep po." Saad nito sabay turo sa tabi niya. Agad rin niyang ibinalik ang tsupon sa kaniyang bibig.
Napalabi ako at nagtaas ng kilay kay Sébastien.
"Mauna ka na." Aniya ko sa kaniya sabay baling kay Ace.
Marahan kong pinalo palo ang kaniyang hita para makatulog siya. Marahan din akong nag-hym ng kanta para lang maging mahimbing muli ang pagkakatulog niya.
Nang marinig ang mahina niyang paghihilik ay umingkad naman ako para halikan siya sa kaniyang matabang pisngi.
Sinubukan kong tumayo at nang mapagtagumpayan kong hindi man lang nagising si Ace ay nagsuot na ako ng sapin sa paa at nagbaling sa pintuan na siya namang ikina-urong ko dahil nandoroon pa pala si Sébastien. Naka-pasok ang kamay sa bulsa ng kaniyang pants habang nakatitig kay Ace.
"Ayos ka lang?" Tapik ko sa kaniya.
Para naman siyang napabalik sa kasalukuyan dahil sa iglap ng kaniyang pagkakagulat.
"Y-Yeah, may naalala lang."
Nagsalubong ang aking kilay.
"You can tell me what's bothering you, Seb. If you can't keep it to yourself any longer, feel free to share it with me. Maybe I can help you."
He constantly shook his head. He held back a breath and then let it out. He gave me a heartfelt grin while gazing into my eyes, yet his expression revealed pain and melancholy.
"Can you really help, Fayra?"
I smiled a bit and nodded. "Maybe? We should find it out, but you need to tell me what's bothering you."
Sandaling katahimikan ang namayani sa aming dalawa. Habang nakatitig sa isa't-isa ay tila ba naipaparamdam niya na sa'kin kung gaano kabigat ang dinadala niya.
Hindi ito kapansin-pansin dahil laging happy go lucky ang masasalamin sa kaniya.
Ngunit sa likod pa lang no'n ay may nakatagong nangungulilang kalooban.
Inalis niya ang tingin niya sa akin at ibinaling kay Ace ang kaniyang tingin. Sumunod ako ng tingin. Wala namang mali kay Ace, ngunit gayon na lamang ang pagkaka-echo ng kaniyang naging sagot sa'king pandinig.
"Can you help a man who has always wished to have a child on his own, Fayra?"
...
Hello, sorry for the late ud. There's been a lot going on lately. Btw, thanks for reading this story. Wish to have you until the end of this chapter :)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top