Chapter 51
CHAPTER 51
"Wala akong alam, hindi naman nagsasabi sa akin si Mateo all this time. Ang lalaking 'yon, hindi mo talaga matukoy kung anong susunod niyang magiging hakbang." Napapahilamos na saad ni Morgan habang panay ang pagtipa sa phone niya.
Nabaling naman ang paningin ko kay Isabella na kakauwi lang galing sa bakasyon nito. Talagang dumiretso siya dito nang balitaan siya ni Lyden.
"Can't we just all calm down here? Kung ako ang tatanungin, mas pabor ako sa ginawa ni Mateo. After all, he hurt Fayra a lot. Hindi na dapat niya ginugulo ang tao, lalo na't ilang taon na rin naman ang lumipas sa kanila."
"Isabel, you don't understand---"
"Anong ang hindi ko naiintindihan, Seb? I told all of you na palayuin niyo si Mateo kay Fayra dahil mas may karapatan kayo kaysa sa akin, pero hindi niyo ako pinakinggan." Animo'y sasabog na si Isabella.
Nahabag naman ako kay Sébastien na halos paglunok na lamang ang nagawa habang nakatutok sa nobya niya na pinanlilisikan siya ng mga mata.
Naiintindihan ko naman si Isabella. Simula nang mangyari ang aksidente ay lumabas ang pagiging dragon niya kay Mateo. Ikinuwento ni Lyden sa akin kung papaano nito tinatarayan si Mateo tuwing nasa opisina ito ni Sir, Gio. Ni hindi nga daw nito binibigyan ng maayos na timpla ng kape si Mateo dahil sa galit na mayroon ito para sa tao. For a short period of time, alam ko namang naging malapit kaming magkaibigan ni Isabella, hindi siya showy like Lyden pero ramdam ko na nasa likod ko siya. Kung noon ay paghanga ang makikita ko sa kaniyang mga mata sa relasyon namin ni Mateo noon,... naman ay wala na.
"Huwag na kayong magtalo, ang iniisip ko lang naman ay si Ace. Simula nang mabasa ko ang sulat na binigay ni Sébastien sa akin, hindi ko na alam kung paano ko ipapaliwanag sa anak ko na hindi ko alam kung nasaan ang tatay niya. Ni kung kailan ito babalik." Namromroblemang saad ko.
Hindi naman na pabata ang anak ko. Sa ganitong edad ay marami na siyang tanong na hindi ko mahanapan ng sagot maski isa sa mga 'yon, dahil maski ako ay walang kaalam alam sa mga bagay bagay. Ang hirap mangapa nang maaaring isagot, dahil hindi ko alam kung kaya ko bang panagutan.
Ayaw kong magsinungaling kay Ace, dahil kawawa lamang ang anak ko. Ayaw kong makita ko siyang matiyagang naghihintay habang nakangiti pa. Masakit para sa akin iyon. At hindi ko maatim.
"Wala ng network ang sim niya, malamang ay nagpalit na 'yon ng number." Sukong saad ni Morgan sabay bagsak ng katawan niya sa couch. "Napakawalang kuwenta talaga! Paano niya naatim na iwanan ang anak niya? Kapag nakita ko siya ulit, susuntukin ko na siya."
Napabuntong hininga ako. Wala si Ace sa bahay. Ipinahatid ko muna siya kay Morgan sa kaniyang asawa para naman makasama nito ang pinsan niya, at para na rin makalimutan niya muna ang paghahanap sa ama niya.
"Ipahanap kaya na'tin, brad? May kilala akong magaling na imbestigador---"
"Huwag niyong hanapin ang taong gustong lumayo. Hayaan niyo siya, tutal ay desisyon niya naman 'yon." Singit ni Isabella.
"Mas mabuti nga sigurong huwag na lang tayong gumawa nang kahit na ano, Morgan." Pagsasang-ayon ko kay Isabella. Nagawi ang paningin nila sa akin. "Nagulat lang naman ako sa ginawa niya, but I think mas mabuti na rin 'yon."
"Paano si Ace?" Pag-aalalang tanong ni Sébastien.
Ngumiti ako ng pilit. "Hindi ko alam, Seb. But one thing for sure, gusto kong sabihin sa kaniya nang paunti unti, hanggang sa maintindihan niyang komplikado ang bawat bagay ngayon. He's smart, alam kong maiintindihan niya rin 'to balang araw."
Natahimik kaming lahat. Alam kong hindi sang-ayon sa akin ang dalawa. Lalo na't si Ace ang nakasalalay dito, gusto ko rin namang gawin ang lahat para sa anak ko. Pero hindi muna ngayon. Ayaw ko munang gumawa ng hakbang, tutal ay sa sulat niya alam kong babalik din naman siya. Hindi ko lang alam kung kailan, pero sana maayos na ang lahat.
Ang hirap gumising sa umaga na may dala dalang sama ng loob. Ang sikip sa dibdib. Ang sakit sa ulo at maging ang katawan ko ay parang nabubugbog dahil sa sama ng loob ko.
Lumipas ang mga araw, na hanggang umabot na sa ilang buwan at kahit papaano ay paunti unti kong dinadahan dahan si Ace, patungkol sa kaniyang ama. Kahit papaano ay nababawasan ang paghahanap niya dito, ngunit alam kong lubos pa rin siyang nangungulila kay Mateo.
Hindi naman nagkulang sila Morgan kay Ace. Mas naging madalas pa nga ang naging pagpunta nila sa amin. Si Sébastien ay gano'n din ang ginagawa. Naglalaan ng oras para kay Ace araw araw. Mas madalas siyang nasa amin, at kung minsan pa ay nagdadala na siya ng gamit para dito na magpalipas ng ilang araw. Mas pabor din naman sa akin dahil kahit papaano ay mukhang nasasanay na si Ace na hindi makita si Mateo. Ngunit minsan ay ako na rin ang nagpapaalis kay Seb, pakiramdam ko ay nawawalan na siya ng oras para kay Isabella. Bagay din naman na ipinagkikibit balikat niya na lang sa tuwing magtatanong ako.
"Wala ka bang balak na pumasok na naman ngayon, Seb? Masyado ka nang nagiging boarder sa condo ko." Biro kong tanong habang naghuhugas ng pinggan.
Nilingon ko siya sandali. Kasalukuyan siyang nakatayo sa may bandang kanan ko, habang karga karga sa bisig niya si Ace na may subo subong popsicle stick ng ice cream.
"Tinapos ko na lahat ng paper works na kailangan kong tapusin last week, kaya hindi na muna." Kaswal niyang sagot na sandali lang akong pinasadahan ng tingin.
"Eh, kung gano'n naman pala. Edi uwian mo muna si Isabella. Lagi ka na lang nandito, parang walang naghihintay sa 'yo---"
"Wala naman talaga." Pabulong niyang putol sa 'kin ngunit sapat lang naman upang umabot sa pandinig ko.
Natigilan ako sa paghuhugas at nakataas ang kilay na binigyan siya ng tingin.
"Ano kamo?" Tanong ko.
Bumuntong hininga siya at mabilis na umiling, pagkatapos ay nagsukbit ng isang malapad na ngiti sa kaniyang labi kasabay nang pag-ayos sa tayo niya.
"Don't bother asking na din. Para sa amin na lang 'yon, and if ever I'm ready to share it... Ikaw ang unang unang makakaalam." Punong puno ng kasiguraduhan ang boses niya.
Hindi na ako nakapag-react pa. Parang hindi ko ma-sink in sa utak ko ang sinabi niya. Ayaw ko ring isipin ng husto ang narinig ko. Ayaw kong gumawa ng konklusyon sa utak ko, dahil baka naman nagkakamali lang ako ng dinig. Wala akong alam sa kanila, baka nagkakalabuan lang sila katulad ng sinabi ni Morgan nitong nakaraan, at gusto lang nilang magkaroon ng space sa isa't isa.
Kilala ko si Sébastien. Hindi niya kayang wala sa buhay niya si Isabella. She's the love of his life.
Pinalipas ko ang buong araw habang abala akong pinag-aaralan ang bawat pales ni dad sa opisinang aakuin ko within this month. Puno ng kaba ang aking dibdib, ngunit mas lamang sa 'kin ang excitement para sa panibagong karera na gagawin ko sa pang-araw araw.
Kasalukuyan akong nagtitipa nang biglang mag-ring ang phone ko at bumungad sa akin ang hindi familiar na numero.
Napakunot ang noo ko at pansamantalang natigil sa ginagawa. Inabot ko ang phone ko at sinagot ang tawag.
"Hello?" Pag-uunang wika ko na punong puno ng katanungan.
Mas lalong napakunot ang noo ko nang wala akong marinig na boses sa kabilang linya. Inilayo ko ang screen sa akin at taka 'yong pinagmasdan.
"Hello?" Muling ulit ko nang makitang nasa screen pa naman ang number ng caller. Akmang ibababa ko na sana nang makarinig naman ako ng familiar na boses sa linya.
Hindi maalis sa akin ang pagtataka.
"Are you free today?... Can we meet at the coffee shop we used to chill in?"
...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top