Chapter 50
CHAPTER 50
"You need to decide whether you'll let him carry our surname or yours, Fayra. Ace isn't getting any younger."
Napatikhim ako sa isinaad ni Morgan.
"Bakit ba nagmamadali ka kaysa sa akin, Morgan? As if naman may birth certificate na rin ang anak niyo ni Lyden." Irap ko sa kaniya sabay lantak sa spaghetti na daladala nila.
Naningkit ang kaniyang mga mata sa akin. "We're working on it, Fayra. At katulad mo, hindi rin makapag-desisyon ang asawa ko dahil baka daw maghiwalay kami at ayaw niyang dalhin ni Maui ang apelyido ko."
Hindi ko maiwasang hindi mapangisi sa kaniya na mas lalong ikinalukot ng kaniyang mukha.
"Talagang magkaibigan kayo. Ang pinagka-iba niyo lang valid ang rason may kaysa sa kaniya." Pagbubuntong hininga niya pa.
"Valid din naman ang sa kaibigan ko---"
"That's not valid, Fayra. Dahil hindi naman kami maghihiwalay. At hindi ako papayag na hihiwalay siya sa 'kin. There's no freaking way she can run away from this life of ours; we already tied ourselves up with each other; our marriage is sealed." Pagpuputol niya sa akin.
Napailing na lang ako.
Until now, I couldn't imagine them being together like this. Morgan's words are really something more than they were before I disappeared from their lives. They were like cats and dogs to each other, and I've seen it not just once nor twice but multiple times. There's no room for them to be less rude to each other, but miracles always happen, and that applies to them. Looking at them right now, I know my best friend is in a safe and peaceful place.
She really is, because they're expecting another baby in her womb. What good news before the Christmas season came!
Naidako ko ang paningin ko kay Ace na kasalukuyang nasa gawing veranda kasama si Maui at Lyden. Pinapakain niya ang dalawa habang panay naman ang kuwentuhan nila na hindi ko naman masyadong maintindihan.
Wala pa sa balak ko na pagawaan na ng birth certificate si Ace. Ngunit pang lima na ata si Morgan sa mga nagsasabi sa akin na dapat kong asikasuhin 'yon lalo na't sa susunod na taon ay kailangan kong ipasok si Ace sa day care.
Isa rin si dad na nagsabi sa akin at ang rason niya ay dahil sa inheritance na hahatiin niya between Mira, sa akin at kasama na rin ang anak ko. Isinama niya pa si Don Madeo, lalo na't naka-usap niya daw ito ng isang araw na nagkaroon sila ng biglaang meeting patungkol sa project na matagal na nilang isinasagawa. Naisingit doon ang mga apo niya sa tuhod. At kailangang hindi mawala si Ace lalo na't ito ang magtutuloy sa apelyido nila kung pagbibigyan kong dalhin ng anak ko ang pangalan ng angkan ng ama niya.
Noong una pa lang ay alam kong Fabian na lamang ang ipapadala ko sa pangalan ni Ace. Sigurado na ako doon ngunit tila hindi sang-ayon ang mga magulang ko. Hindi man nila ako diretsuhin ay inu-unti unti naman nila akong pinaparamdaman na hindi sila pabor sa desisyong binubuo kong mag-isa.
"Sakto na ba ang mga furniture mo dito, Fayra? Baka may balak ka pang idagdag sabihin mo lang sa akin para matulungan kita dito."
Napangiti na lamang ako kay Morgan habang pinapanood siyang ayusin ang cabinet sa kuwarto ko. Nang matapos siya ay humarap siya sa akin at nag-thumbs up.
"Ayos na siguro 'yan. Hindi naman kailangan ng maraming furniture dito sa condo. Hindi rin naman kami magtatagal ni Ace dito since I'm planning na kumuha ng citizenship sa Italy." Saad ko naman at naunang lumabas para tumungo sa kabilang kuwarto na nakalaan para kay Ace.
"This year?" Sunod naman ni Morgan.
Sinilip ko muna kung maayos na ba ang higaan maging ang ilan sa mga ipinalagay kong cabinet at mga drawer.
"Hindi pa naman. Wala pang exact date or year, pero isa na iyon sa mga plano ko." Baling ko sa kaniya.
Kita ko ang pagkakatango niya at bahagyang ngumiti sa akin, alam kong may gusto pa siyang sabihin ngunit mas pinili na lamang niyang manahimik, bagay naman na ikinasalamat ko dahil wala rin naman akong balak na sagutin siya kung magkataon.
"Siya nga pala, baka dumaan si Sébastien dito mamaya. I told him na lumipat na kayo ni Ace, at sabi niya gusto daw niya kayong makita."
"Kumusta na pala silang dalawa? Hindi ko na masyadong nakaka-usap ang sino man sa kanila simula nang makabalik ako."
"Kami rin naman." Saad niya, sabay sabit ng painting sa may pintuan ng kuwarto.
"You mean, hindi na rin kayo nakakapag-usap?" Takang tanong ko.
Tumango siya't bumuntong hininga. "Simula nang magsama sila ni Isabella ay naging mailap sa amin si Sébastien. Maging si Isabella ay distracted sa trabaho niya kay Gio, kung minsan nga ay si Gio na lang ang nag-a-adjust for them. Ang hula nga namin ay baka may problema 'yong dalawa."
Napakunot noo naman ako. "May problema? Eh hindi ba't ang sweet sweet nga nila no'ng foundation. Para silang isang perpektong magkasintahan, ngayon naman ay parang may problema..."
"Iyan din ang napag-usapan namin nila Massimo. Nakikisabay pa nga sila sa amin, at kung tutuusin niyan ay sa foundation lang kami ulit nagkaroon ng oras sa isa't isa. Hindi siya nagkukuwento, but I can feel na may gusto siyang sabihin pero pinipili niya na lang na sarilihin---"
"Baka naman may balak nang magpakasal?" Pagpuputol ko sa kaniya na ikinangisi niya naman.
Iyong uri ng ngisi niya ay uri na para bang nakarinig siya ng biro. Kaya't pinaningkitan ko siya ng mga mata at pinagkunutan ng noo.
"May balak nga..." Mahinang sagot niya na agad na nagpabago sa reaksyon ko.
Nanlaki ang aking mga mata at napapalakpak ng wala sa oras ngunit biglang naglaho ang galak sa aking sistema sa sunod niyang sinabi.
"Kaso walang balak si Isabella."
Sandali akong natigilan. Agad kong prinoseso sa utak ko ang kaniyang sinabi. Nagawa ko pa ngang matawa dahil baka nagbibiro lang si Morgan sa 'kin, ngunit gayon na lamang ang pagbawi ko sa aking naging reaksyon, nang seryoso pa rin siyang nakatingin sa akin.
"Nandoon kaming lahat ng gabing nagplano si Sébastien na mag-propose kay Isabella. Nasa kamay niya na ang engagement ring na isusuot niya sa daliri ng kaniyang kasintahan. Tanda ko ang galak sa kaniyang reaksyon, maging ang kaniyang mga mata ay kakikitaan ng matinding kasiyahan. Kami, masaya kami for them. Kaya naman tumulong kami sa preparation na gusto niyang mangyari. Dinner date ang suggestion namin, simple pero romantic. Maayos na ang lahat, pero nang lumuhod si Sébastien at hindi pa man niya nailalabas ang singsing ay sunod sunod nang umiling si Isabella sa kaniya. Lahat kaming nasa gilid ay natigilan, lalong lalo na sila Massimo na siyang nakatoka na tumugtog ng violin sa gilid ng table nilang dalawa. Halo halo ang emosyon at kaba, lalo na't nag-umpisang umatras si Isabella mula sa nakaluhod niyang nobyo. Malayo man kami sa kanila ay pansin namin ang luhang umaagos sa kaniyang pisngi. Akala namin, masaya lang siya at hindi niya lubos na maisip na handa na siyang iharap ni Sébastien sa altar, ngunit lahat kami ay mali nang inaakala. Nang marinig namin na hindi niya kaya, ay agad na kaming nagsialisan sa puwesto namin at itinayo si Sébastien na mukhang nagulat sa kaniyang narinig dahil labis lang ang kaniyang pagkatulala sa kawalan..." Sandali siyang tumigil at napabuntong hininga. Mukhang inaalala niya pa ang senaryo na halatang ikinadismaya niya.
"Sunod sunod na humingi ng kapatawaran si Isabella maging sa amin. Ang sabi niya pa ay hindi niya kayang samahan si Sébastien sa pangarap nito dahil napakalabo para sa kanila. Hindi ko siya maunawaan. Walang makaunawa sa kaniya dahil puro lang siya pasensiya. Kasabay din no'n ang pag-alis niya sa lugar na punong puno nang pagmamadali. Simula no'n, wala na kaming balita. Ang huli lang ay nagsasama pa rin sila, hindi ko alam kung magkaayos na ba sila at tinanggap na lang ni Sébastien na hindi kaya ni Isabella na humarap silang sabay sa altar."
Napalabi naman ako. "Baka naman ibinigay niya na? Baka suot suot na ni Isabella 'yong singsing---"
"Iyan din ang hula namin ni Lyden, pero hindi. Si Giovanni rin na mas madalas niyang kasama ay hindi rin makita ang singsing tanda na tinanggap niya ang proposal ni Sébastien."
Nilukob ako ng panghihinayang para sa kanilang dalawa. Akala ko maayos na ang lahat. Matagal din siyang hinanap ni Sébastien. Sinundan pa siya nito kung saan man siya pumunta, at hindi ko lubos maisip na kung kailan puwede na sila, atsaka naman tumanggi si Isabella.
Gano'n ba talaga 'yon?
Kung kailan puwede pa, biglang may aayaw? At kung kailan hindi na puwede, atsaka ipipilit?
Ang daming bagay na puwedeng hindi na pakumplikaduhin pa, ngunit talagang hindi nga siguro maiiwasan ang mga 'yon. Naniniwala naman akong may dahilan sa likod ng kaniyang naging kilos. Isang dahilan na siguro'y masasabi niya rin sa oras na kailangan na't handa na siya.
Kakaiba talaga ang takbo ng buhay. Iyong mga akala na'ting puwedeng mangyari ay nauudlot pa. Iyong mga pangarap na'tin na akala na'tin masusunod ay may ibang plano pala ang tadhana. Masakit man kung tutuusin ang mga pagbabago't nagiging kaganapan, sa likod naman siguro ng bawat isa nito ay may nakatagong tunay na dahilan na sadyang may tamang panahon na kalalagyan na masisiwalat sa dapat na makaalam.
"Hinahanap na ni Ace ang daddy niya. Wala ka bang number kay Mateo?"
"Cannot be reached 'yong phone niya." Sagot ko na ikinakunot ng kaniyang noo.
"Cannot be reached?" Pag-uulit niya. "Patatawagan ko na lang kay Morgan mamaya, mukhang hindi makakatulog ang anak mo kahihintay sa ama niya." Ngiwi niya sabay lantak sa pinya na kakahiwa ko lang.
"Pinaglilihian mo?"
Sunod sunod naman siyang tumango. "Oo eh, puwede bang iuwi ko na lang 'yan, masarap kasi ang lasa nitong sa 'yo kaysa sa binili ni Morgan sa akin." Nguso niya sabay kuha ng lalagyan sa kusina ko at inumpisahang ilagay ang mga hiwang pinya.
"Kay Morgan din naman galing 'yan." Naiusal ko na ikinalingon niya.
"Eh, ba't gano'n. Ang pakla kaya no'ng binili niya sa 'kin. Malilintikan 'tong lalaking 'to sa akin eh. Siguro kung saan saan lang bumili 'yon, lalo na't pinagmamadali ko siya kanina."
"Hayaan mo na, sige na. Kunin mo na 'yan bago pa magbago ang isip ko." Natatawang saad ko at nagpaalam muna sa kaniya na pupuntahan muna si Ace sa kuwarto nito.
Nang makapasok ako ay nakita ko sila ni Maui na nasa higaan. Naka-upo si Ace sa higaan niya habang si Maui naman ay nasa may carpet at nilalaro ang dala dala niyang barbie doll. Nakatingin lang sa kaniya ni Ace na para bang malalim ang iniisip. Nang napansin niya ako ay tuluyan na akong pumasok at lumapit sa kanila. Mukhang wala namang pakialam si Maui sa akin kaya dumiretso na ako kay Ace.
"Puwede po bang matulog si daddy dito, Mama?" Diretsong pagkakatanong ni Ace.
"May mga trabaho ang daddy mo, anak. He can't be here with us, isa pa, hindi ba't sinabi ko na sa 'yo na pang-gabi ang work niya." Pagpapaalala ko sa dahilang ginawa ko para naman hindi niya na ipilit ang nais niya sa 'kin.
Tumungo si Ace ngunit halata sa mukha niyang gusto niya talagang makasama si Mateo.
Napakagat labi ako habang ilang beses na tumawag sa numero ni Mateo. Gano'n pa rin talaga, cannot be reached pa rin siya. Kahapon ay maayos naman ang linya niya, nagri-ring pero hindi niya sinasagot. Ang sabi ni Morgan sa akin ay baka busy lalo na't malapit na na ang pasko, kaya baka tinatapos na lahat para magkaroon ng time sa dalawang anak niya.
Inintindi ko naman 'yon, na siyang ipinaliwanag ko rin kay Ace, ngunit wala ba siyang konsiderasyon na kahit tumawag man lang para naman makampante ang anak niya? Ni message ay wala man lang.
Iniwan ko muna sandali sila Ace sa kuwarto para sana kausapin si Morgan ngunit wala na akong naabutan na pigura nila sa labas ng kuwarto, tanging ang bagong dating na si Sébastien lamang.
"Asan 'yong dalawa?" Takang tanong ko sa kaniya.
"Nagpaalam, bibili daw ng pinya. Nag-aaway pa nga habang palabas dito. Babalikan na lang daw nila si Maui." Aniya.
"Hindi man lang sila nagpaalam sa anak nila." Hapyaw ko na ikinakibit balikat niya lang.
"Napadaan ka pala?"
"Walang magawa eh, atsaka gusto ko kayong makita. Tagal na rin eh." Kaswal niyang saad sabay abot sa akin ng paper bag.
Binuksan ko 'yon at bumungad sa akin ang may kalakihan na card. Binalingan ko muna si Sébastien na mataman ding nakatingin sa akin, sabay muling balik ng aking tingin sa card. Kinuha ko iyon at binasa ang nakasulat.
Galing kay Mateo...?
Hindi ko maiwasang hindi mangunot ang noo dahil sa pagtataka.
Hi, I don't know where to start, but I want to say I'm really sorry for everything. I know it's irritating,... my apologies are irritating, but I really want to say sorry until the day comes that my breath leaves me. Probably when you're reading this, you have that curled in your forehead. I might do the same if I'm at your shoe. Anyway, tell Ace that I missed him a lot, and I'll miss him from now on. He's still my son no matter what; I'm not abandoning him like I did three and a half years ago, if that's what he will think when he gets older. Please tell him I'm not. I will save up until the day that I'm worth being his dad. At para sa 'yo, Fayra...
Hindi ko kaya na nakikita kang naguguluhan habang nakatingin ka sa akin. Ngayon ko lang napagtanto na wala na pala akong babalikan, at napaka-manhid ko ngang talaga para hindi maramdaman at makita na tapos na ang sa atin. Pinipilit ko ang sarili ko dahil naniniwala akong kahit kaunti ay may naiwan kang pagmamahal para sa akin, but I was wrong. Sa kagaguhan ko ba naman sa 'yo, dapat alam kong impossible na. Sa kaunting panahon na hinayaan mo ako sa buhay niyo ni Ace, doon ko lang lubos na naisip na sobrang tanga ko para pakawalan ka. Napakalaking katangahan na nagpadala ako sa bugso ng damdamin ko noon na nagawa ko ang mga bagay na hindi nararapat sa 'yo. Pero huli na ang lahat. Huli na para magsisi ako, huli na para bumawi ako dahil kung muli akong papasok sa buhay mo, tiyak na purong nakaraan lang ang makikita mo sa 'kin. Hindi ko kayang kalabanin ang sarili mong paningin. Duwag ako sa katotohanang ako mismo ang may gawa... Ngunit siguro maayos na lang na ganito tayo, dahil ayaw kong makapanakit pa. I'm really sorry, Fayra. Hindi sapat 'to at hindi ko alam kung kaya mo pa ba akong patawarin. Naintindihan ko naman kung hindi na. Sabi ko pa, I'll make you be with me again by your choice, kayo ni Ace ay ibabalik ko sa buhay ko... At binabawi ko na 'yon, I'm not worth it for the both of you pero sana sa dadating na panahon ay hayaan mo akong maging ama kay Ace at maybe... a friend for you?
Iingatan ko sa alaala ko ang mga panahong nakasama kita. Mga panahong dapat ay sinulit ko, ngunit masyado akong naging manhid sa 'yo. Ilang beses akong nagsabi na babawi ako, pero hindi ko magawa dahil hindi ko alam kung saan ako magsisimula. Kung saan wala kang alaala sa madilim na nakaraan na buhay na siyang ibinigay ko sa 'yo. Ngunit kahit siguro bumawi ako gamit ang panibagong alaala ay ako mismo na sumusubok sa pagbabago ay siyang magdadala pa rin sa 'yo sa dilim ng kahapon. That's so stupid, right? That's really stupid... Please be happy. Always put a smile on your lips, because it suits you better. I wrote too much, didn't I? I should end my letter here since my pen is giving up.
I love you, Fayra. I really do. And also please tell our son that I love him so much and that he makes my heart pound with so much happiness since I saw him and carried him on my arms. Tell him I'll be back, soon.
- Mateo
...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top