Chapter 47

CHAPTER 47

"Can you please stop looking at me, Mateo. Kanina pa ako napipikon sa 'yo, makakatikim ka na talaga sa 'kin." Pikang sambit ko na ikinangiwi niya naman.

Nagpatuloy ito sa pagkain niya at katulad kanina ay unti unti na naman nitong ibinabalik ang paningin niya sa akin.

Napapikit ako at nagyuko. Hindi ako makakain ng maayos dahil sa nakakairita niyang panonood sa akin. Ni hindi ko nga malunok ng maayos kahit lugaw na lang ang kinain ko dahil bigla bigla siyang ngingisi na animo'y nasiraan na ng bait.

"Pagka-uwi ni Ace, gusto kong tayo namang tatlo ang mag-bonding---"

"Ayaw ko." Mabilis kong sagot.

"Fayra naman."

"Bakit kailangang tayo lang tatlo? Kung kasama sila Morgan baka pumayag pa ako."

Nagkamot siya sa batok at naglabi. "It's a family bonding, Fayra." Tila nauubusan na siya ng pasensiya sa akin.

Kunwaring nagulat naman ako sa kaniya. "Family bonding?" Hindi kunwari makapaniwalang saad ko. Ang tingin na ipinukol niya sa akin ay tingin nang isang naaasar. "Kailan pa?"

"Stop playing with me---"

"You played me first, Mateo." Pahapyaw ko naman at muling tinutukan ang pagkain ko.

Kita kong natigilan siya. Ako naman ay ngumuya nguya pa at sinubukang balingan siya para naman malinaw na makita ang naging reaksyon niya. At nang magawa ko nga, ay nginitian ko pa siya.

Tumango tango naman siya akin at nagtaas ng kamay. "Proven, guilty." He said as his eyebrows went up and down.

Nagpatuloy kami sa pagkain. Parehas kaming nanahimik, ngunit maya maya lang ay ang dami niya na namang sinasabi na gusto niyang gawin sa family bonding na gusto niyang maganap. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa pader na itinayo ko simula nang mailabas ko si Ace sa mundo. Alam ko sa sarili ko na hindi ko na kaya pang pagbuksan si Mateo. At imposibleng bigla na lang akong bumigay gayong kakakita pa lang namin muli. Masyadong naging mabilis ang mga pangyayari, ang mga bagay na dapat kong iwasan ayon sa itinakda ko para sa akin at kay Ace ay ako rin mismo ang bumabago.

Halata ang sensiradad sa boses at kilos niya. Hindi naman iyon maitatanggi. Ngunit hindi ko isasaalang alang ang kalayaan at katahimikan na mayro'n sa buhay ko ngayon. Makasarili na kung makasarili ay maitatawag sa gusto kong mangyari, ngunit sino ba namang ina ang ilalagay ang sarili niya sa napakadelikadong sitwasyon, gayong ang makakabangga ko dito ay si Rose na sa huli naming tagpo ay mas malaki pa ata ang galit sa akin kaysa sa galit ko sa kaniya.

"Mas maganda naman ang pad na nabili ko kaysa sa bahay na sinasabi mo, Mateo." Ani ko nang tingnan sa phone niya ang bahay na sinasabi niyang puwede naming tuluyan ni Ace. Bagay naman na sa panaginip niya lang mangyayari na maninirahan kami doon.

"Come on, Fayra. Malaki ang bahay. Ace can definitely do whatever he wants---"

"Oh, like what you did before. Sa laki ng bahay na'tin, may ipinatira ka pang iba." Patay malisyang hapyaw ko habang panay ang scroll sa mga picture.

Maganda naman ang bahay na sinasabi niya. Maayos tingnan at mas malaki kumpara sa bahay namin noon. Pero ang sinasabi niyang manatili kami doon? Over my dead body, bahala siya sa buhay niya.

Panay pa ako scroll. Binack ko pa para mag-open sana ng panibagong picture pero mas isang folder na umuusig sa akin na buksan iyon.

Napatingin muna ako sa kaniya. Naghuhugas ito ng pinggan at nakatalikod sa akin kung kaya't hindi ko makita ang reaksyon niya. Nanahimik lang naman siya kaya't ibinaling ko na ang atensyon ko sa phone niya.

Nandito na rin naman ako, kalkalin ko na lang din. Wala naman sigurong mga malalaswang picture dito, kasi kung mayro'n, hindi niya 'to ipapahawak sa akin. Nakakapanibago nga, kung noon ay halos hindi ako makasilip sa phone niya, ngayon naman ay siya na mismo ang lumalapit para ibigay at ipagamit pa sa akin. Talagang bumaliktad na ang mundo. Naisabay siguro ang utak niya kaya ganito na lang siya kabait sa akin. Kung ganito lang sana ang ugali niya noon, baka sinamba ko pa siya ng tuluyan.

Amore Mio

Nakalagay sa pangalan ng folder. Nang pindutin ko iyon ay may pass code pang lumabas. Napakunot naman ang noo ko at muling napabaling sa kaniya.

Binitiwan ko rin ang phone niya at nanampiling.

"Ang baboy mo, Mateo." Wala sa sariling naisatinig ko.

Mabilis siyang napalingon sa akin. Ako naman ay napalunok at gusto nang tumakbo sa kuwarto dahil sa kahihiyan na ginawa ko sa sarili ko.

"What did you say?"

Imbes na ipakita na nahihiya ako ay umayos ako sa pagkaka-upo at itinuro ang phone niya.

"May nakita lang ako, and I guess tama ang hula ko." Kibit balikat kong saad.

Nagpunas ito ng kamay at takang lumapit sa akin. Kinuha niya ang phone niya at muling tingin sa akin.

"You're implying to this, aren't you?" Paghaharap niya sa screen ng phone niya sa akin at pinindot ang folder.

Hindi ako sumagot. Salit salitan ko lang na pinakatitigan ang screen niya at siya.

Bigla naman siyang humalakhak at nagtipa sa phone niya.

"Baboy, huh? Tingin ko ay hindi naman gano'n ang puwedeng i-describe para jan, Fayra." Ani nito sabay lapag ng phone niya paharap sa akin. "If you're curious, look at this." Tuktok nito sa counter.

Unti unti ko namang ibinaba ang tingin ko sa phone niya at nang makita ko ang laman ng folder, hindi ko mapigilang hindi mapasinghap dahil sa gulat sa mga larawang nakikita ko.

I looked at him once again. He nodded and smiled at me. 

"That's me." Ngiwing wika ko habang ini-scroll ang halos libong larawan ko sa folder na iyon.

Hindi basta larawan lang 'yon. Hindi siya recent, kung hindi ilang taon na ang nakalipas. College days...

"Wala naman na sigurong masama kung makita mo 'to. Here's your first photo, which was taken during your freshman year. I'm carrying my camera with me that day--- looking for a decent shot for the bulletin. It was going to be a group portrait of freshman in your line, but I caught myself... capturing you alone."

I stood there, staring at the board in front of me. If I'm not mistaken, I'll be seeking for my building from that day forward. I was dressed in a v-neck shirt and fitting denim jeans. Along with my shoulder purse. In that photo, I appeared perplexed.

"You've captivated me since that day. But I chose to compete with my brother to prove that I could get everything away from him. Alam ko ang gago ng rason, but that's was the truth."

Muli akong napatingin sa kaniya. I can only see sincerity in his eyes. But I quickly averted my gaze. Perhaps I'm hallucinating. This image is transferable. This could be set by him to trick me into thinking it's pure.

"My last photograph of you was taken before our wedding. I've been giving you the cold shoulder since the day our family planned everything, but I'm still keeping an eye on you from afar." Pagpapatuloy niya pa.

Iwinaksi ko naman ang paningin ko sa phone niya at tumayo na. Kitang kita ko ang pagbabago ng reaksyon niya.

"Tingin mo kapani-paniwala 'yan?" I ask.

He has warm brown eyes with a crimson tint that are stunning and overflowing with emotion. His expression is one of immense shame, perplexity, and pain.

"Alam kong hindi ka maniniwala, Fayra. Hinanda ko naman na ang sarili ko dito," he suddenly paused and turned his back on me. He went back to what he was doing a while ago. "Go to your room; I'll just knock there if it's time for your medicine." Saad niya na hindi man lang ako nilingon.

Hindi ko na lang siya inintindi. Pumanhit ako pai-taas at nag-lock ng pinto. Tumungo muna ako sa banyo para mag-hilamos at asikasuhin ang ritwal ko tuwing gabi. Medyo maayos naman na rin ang pakiramdam ko.

While looking in the mirror, I notice my former self.

My eyes are tired.

I'm weak.

Empty.

And broken.

I took deep breaths and scrubbed my face repeatedly till the image of my past faded from my consciousness.

"I'm not the same old Fayra, you know, Mateo. If you've ruled me before, you can't do that to me this time."

Mabilis ko nang tinapos ang pag-aayos ko sa sarili ko. Dumako ako sa kama at agad na ipinikit ang mga mata ko. Pinilit kong agad na makatulog, ngunit ayaw naman akong tigilan ng kalabog ng dibdib ko. Bumalikwas ako at kinuha ang phone ko.

It's already 8 in the evening.

Gusto ko sanang tawagan si Don Madeo para kumustahin ang anak ko, pero wala naman akong number niya.

Napapikit ako.

I'm starting to miss my son. 

One more day. Just one more day.

Unti unti kong idinilat ang mata ko ng maramdaman ko ang pagvi-vibrate ng phone ko. Nang makita ko ang caller ay agad ko 'yong sinagot.

"Mukhang may kailangan kang sabihin sa akin, Fayra. Kanina lang ay binibiro lang kita, 'yon naman pala ay kanina pa pala nanjan ang lalaking 'yan." Bungad niya sa akin.

Napanguso naman ako kahit pa nga hindi niya nakikita.

"Bakit pa kailangan kong sabihin sa 'yo? After mong sabihin ang nakakadiring nasa isip mo, tingin mo masasabi ko pa sa 'yo?"

"Puwede mo naman sabihin bago pa ako magsalita. Edi sana ako na lang ang pumunta jan, hindi ba? Napauwi ko pa sana 'yan kung nagsabi ka agad."

Sa pagkakasabi niyang 'yon ay para bang ipinagdudutdutan niya sa aking ginusto ko rin na nandito ang lalaking 'yon.

"Paano mo nga pala nalaman?" Takang tanong ko.

"Well, kay Morgan. Sa asawa ko." Pagdiin niya pa.

Para namang hindi ako dumaan sa relasyong 'yan. Nauna pa nga ako sa kaniya. Ang pinagka-iba lang namin, sinuwerte siya... minalas naman ako.

"Oo na, Lyden. Asawa mo na. Para namang inaagaw sa 'yo." Asik ko sa kaniya na ikinatawa niya naman sa kabilang linya.

"Kausap siya ni Morgan ngayon. Nasa veranda ang asawa ko at ako naman heto, nasa kuwarto at ang isang tainga ay nakikinig sa usapan nila."

"Tsismosa ka---"

"Kung ikaw ba naman ang pinag-tsi-tsismisan nila, sino ako para hindi makinig? Hello on earth, Fayra. Kapag may narinig akong hindi maganda laban sa 'yo mula sa dalawang 'to, tataob to si Morgan dito. Kuha mo?"

Ako naman ang mahinang natawa.

"Nagsusumbong ang ex mo sa kuya niya. Hindi ko masyadong marinig dahil kailangan kitang daldalin, pero 'yon ang usapan nila. Nag-away ba kayo?" Pag-iiba ng tono niya.

Sandali akong nanahimik. Nag-away ba kami?

"Hindi. Bakit naman kami mag-aaway?" Balik kong tanong.

"Aba'y ambot. Bakit ako tinatanong mo? Ako ba nanjan?" Pilosopong balik naman niya sa akin. "Siya nga pala, kumusta naman ang pakiramdam mo?"

"Better." Tipid kong sagot.

"Ay iba din. Kung sabagay, ikaw ba naman inalagaan ng ex mo eh noh---"

"I'll hang up na, Lyden. Nakakaantok ka kausap."

Tinitigan ko ang phone ko nang maibaba ko ang tawag. Wala sa wisyo akong bumaba ng kama at lumakad patungo sa pinto ng kuwarto ko. Bubuksan ko na sana, ngunit may kumatok naman sabay pihit naman ng door knob mula sa labas. Umabante ako papalikod at iniluwa no'n si Mateo. Agad na nagkasalubong ang paningin namin.

Ang akala ko ay ngingiti siya sa akin katulad nang lagi minu-minuto niyang ginagawa, ngunit seryoso lamang ang reaksyon niya.

Napako ang paningin ko sa tray na dala dala niya. May isang baso na naglalaman ng gatas at ang isa naman ay tubig. May gamot din, bowl na may bimpo at umuusok pang tubig.

"Sit down." Pukaw nito sa akin.

Napatingin naman ako braso ko. Nakahawak siya sa akin at nang idako ko sa harapan ko ang paningin ko ay malapit na ako sa kama.

Hindi ko man lang naramdaman na hinila niya pala ako.

Tumuntong ako sa kama, naka-suporta pa siya sa akin na para bang ikahuhulog ko pa ang kilos ko.

"Ibaba mo na lang 'yan, ako nang bahala---"

"May kamay ako, kaya kong gawin 'yan." Seryosong saad niya't iniabot sa akin ang isang basong gatas.

Kinuha ko naman iyon at binawasan lang ng kalahati. Inilagay ko iyon sa tray at akmang iinumin na ang gamot ng pigilan niya ako.

"Hindi pa oras. Humiga ka na muna, pupunasan kita."

"Hindi na kailangan. Maayos naman na ang pakiramdam ko."

"Pero may sinat ka pa rin." Dampi ng likod ng kaniyang palad sa leeg ko.

Hinila niya ang manggas ng long sleeve niya hanggang braso, pagkatapos ay piniga niya ang bimpo at lumapit sa akin.

Marahan ang bawat pagdampi ng pamunas sa mukha ko. Habang ginagawa niya 'yon ay seryoso lang siyang nakatingin sa akin. Sa mga mata ko na gusto siyang iwasan ngunit tila ba hinihila niya ako.

Nang mag-alis siya ng tingin sa akin ay tsaka lang ako nakapagbitaw ng maayos na paghinga.

Dumako ang bimpo sa braso ko. Katulad kanina ay marahan lamang ang pagkakapunas niya sa akin. Nang matapos ay pumasok siya sa banyo at ibinuhos ang tubig. Pagkalabas niya ay tumungo siyang muli sa akin. Umupo siya sa dulo ng higaan at nagpipindot sa phone niya. Pinagmamasdan ko lang siya. Hindi ko alam kung gaano katagal ngunit hindi ko maialis ang paningin ko sa kaniya.

"Staring is rude, don't you know that?"

"Coming from you, who stared at me the whole dinner."

He shrugged his shoulders. "I have a valid reason though," he said.
 
"Valid reason my ass." I whispered. 

"Wanna hear it?"

"For what? Another lie?" Paghahamon ko.

"It's okay for me, Fayra." Pag-iiwas niya ng tingin. "Naintindihan kita kung bakit hirap kang paniwalaan ako ngayon, pero pasasaan din ba't alam ko namang dadating din ang araw na hindi mo na ako pagdududahan."

"Kampante ka?"

Umiling siya. "I'm not."

"But you're sound so comfortable na mangyayari 'yang nasa utak mo. Bakit, tingin mo ba ako pa rin si Fayra na madali mo lang mapasunod? Na madaling umuo sa 'yo para hindi mo ako tuluyang itakwil. Na madaling makalimot dahil umaasang balang araw, makikita mo rin ako bilang babae. Bilang asawa at magiging kasama mo sa buhay? That's what you think of me, Mateo, huh?!"

He looked at me shocked.

"I'm not thinking of that, Fayra. Hindi kita minamaliit kung 'yan ang tumatakbo ngayon sa 'yo---"

"Stop fucking with me, Mateo."

"You really think that, Fayra huh. Then go, think of it. Think that I'm fucking with you. Think that I'm lying. Think all the possible and craziest things na puwede mong isipin towards me. I don't care." Kalmado niyang saad.

Tumayo ito at naghubad ng sapatos niya. Pagkatapos ay gumawi ito sa kabilang banda ng kama at walang pasabing ibinagsak ang sarili niya palapit sa akin. Hindi pa nakuntento ay inangkala niya pa ang braso niya sa baywang ko, sabay hapit sa akin papahiga.

We're both facing each other too closely. I can almost squint my eyes from too much closiness. 

"I'm not lying nor playing around, Fayra. I love my son, and I'm willing to do everything to give him a complete family. But first," he paused and drew me closer to him, making our lips almost touch each other. My eyes become wider by the sudden agony I am in. His eyes settled on my lips the way he did earlier, but he then made our nose bridge touch each other as he said.

"I need you to love me back again... since I loved you even before."

...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top