Chapter 43

CHAPTER 43

Fayra's POV

It's been what? 3 and a half years... since I saw him. Simula nang umalis ako that day, akala ko malabo ko na siyang makita ulit. But here he was. Standing in front of me while hugging my son, Ace.

Seeing how he hold my son, hindi ako natutuwa.

He abondoned him.

He abondoned everything.

But I'm not that kind of person na magpapakabulag sa bugso ng damdamin para lang mailayo nang husto sa kaniya si Ace. Hindi ko kailangan gawin 'yon dahil wala naman akong balak siyang gantihan simula't sapol na makabangon ako. Ang gusto ko lang ay katahimikan, pero mukhang sa pagbabalik ko ay hindi iyon mangyayari. Sa loob ng ilang taon, alam kong maraming nagbago. Sa palagay ko nga rin ay maayos na ang magkapatid, sangga na ulit sila kagaya ng dati. Maging si Sébastien at Isabella ay nakikita kong maayos na. At si Morgan at Lyden, magkakaroon na ng pangawalang anak. Ang daming ganap, at ang hindi ko inaasahan ay ang pag-aangat ni Lyden ng bangko kay Mateo.

I know what she's doing at kahit anong pilit niyang gawin ay hindi na ako papayag na masira na naman ang buhay ko. Ang buhay namin ng anak ko.

I'm no longer that Fayra they all know before.

I'm stronger than ever. Kung nakaya ko ngang magpaka-martyr noon, mas kaya kong magbulagbulagan nang husto ngayon para lang sa anak ko. I can do everything, maging maganda lang ang takbo ng buhay niya.

Pero hindi kasama doon ang pagkakaroon niya ng ama. Not anyone, not even Mateo his self. Ngayon ko lang bubuksan para sa kaniya ang anak ko. At pagkatapos nito, babalik kami sa dati. Sa pinaka-una na panahong hindi ko pa siya kilala.

"Ako lang ang kailangan ni Ace, Ly. Hindi mo kailangang pabanguhin si Mateo sa akin. Isa pa, hindi ka ba kinakapa ng konsensiya mo sa anak nila ni Rose? Nanjan lang ang anak nila."

Aaminin kong may pagkabigla sa akin nang malaman kong anak pala nilang dalawa ang paslit na iyon. Hindi ko sukat akalain na magbubunga ang samahan nilang dalawa. At sa parteng 'yon, gusto kong tawanan ang sarili ko. Bakit nga ba nagtataka pa ako?

"Hindi naman sa kinakampihan ko si Mateo, Fayra. Hindi rin naman sa gusto kong magkabalikan kayo, ang sa akin lang naman ay ang bata. Ang anak niyo---"

"Anak ko Lyden. Anak ko lang." Paglilinaw ko sa kaniya.

Napabuntong hininga ito na siyang waksi ko ng paningin ko sa kaniya.

"Wala kang dapat ipag-alala kay Ace. Hindi ko naman siya bubusugin ng kasinungalingan tungkol sa ama niya. Kapag kaya niya na akong maintindihan, ipapaliwanag ko sa kaniya ng maayos."

"Pero paano si Mateo?"

Napangisi ako. "Hindi ko na siya problema. Tama na 'yong isang beses na mayakap at makasama niya ang anak na agad niyang inayawan noon. Ibibigay ko sa kaniya ang araw na 'to para manahimik ka at maging kayong lahat." Sarkastikong saad ko.

"Grabe naman 'to." Aniyang humaba pa ang nguso sa akin. "Pero ha, mukhang ramdam agad ng anak mo na tatay niya si Mateo. Katulad nga ng sabi mo, Ace immediately called Mateo as his dad."

"Hindi ko alam. Wala naman akong ipinakilala sa kaniya na ama niya. Tingin ko ay nakuha niya lang 'yan simula nang dumating kami dito sa resort ng mas maaga sa inyo. Puro may anak kasi ang ilang benefactors, and mostly of those kids laging bukambibig ang pagtawag sa ama nila."

"Ang haba naman ng paliwanag mo." Puna niya na may palabi labi pa.

Napairap lang ako at ngumiwi, dahil alam kong binibigyan niya na naman ako ng kahulugan na malayo naman gusto kong iparating. Wala na akong balak na magsalita pa. Gusto ko na rin namang tapusin ang usapan dahil hindi ako kampante na ang bukambibig ng sarili kong kaibigan ay ang kinasusuklaman niya noon.

Talagang bumaliktad na ang mundo.

Kung kailan ako tuluyang natauhan at tanggap na ang nangyari sa nakaraan, ngayon naman ay para bang nagpalit kami ni Lyden. Parang hindi niya alam ang paghihirap long emosyonal noon para ipilit ang kapatid ng asawa niya sa akin.

Alam ko namang naiipit lang siya, dahil sa ugali ni Morgan. Hindi niya kayang pabayaan ang kapatid niya.

"Siya nga pala, kumusta sila dad?"

May nasasaganap naman akong balita kahit papaano sa kanila sa loob ng ilang taon kong hindi pagpaparamdam. Wala rin naman akong palya kung magpadala ng mensahe sa kanila kaya kahit papaano ay alam ko namang kampante sila sa kalagayan ko kahit papaano.

"Si Tito Francis masyadong busy sa negosyo niyo. Si Tita Meg, naman ay nagtayo ng panibago niyang cupcake shop, at ang kapatid mo, sinusugod na ang mga pagsubok sa buhay kolehiyo niya. But after all, ikaw pa rin naman ang bukambibig nila. Sabi ni Tita sa akin ay may sulat ka naman daw kahit papaano, kaya maging akong ay napanatag din." Paliwanag niya.

Sandali ko siyang pinakatitigan at agad naman siyang napanganga.

"Sinarili ko lang ang balita ni Tita Meg sa akin noh." Mabilis niyang dagdag. "Hindi naman makati ang dila ko para sabihin ko sa iba na nag-u-update ka, kung ginawa ko 'yon, tingin mo kailangan mo pang mag-kuwento?"

"Hindi naman 'yon ang ibig kong sabihin---"

"Wag kang mag-deny, kilala kita." Putol niya sa akin.

Hindi rin nagtagal si Lyden sa puwesto niya. Nang umahon ang mag-ama niya sa dagat ay kaagad na siyang tumayo para salubingin ang mga ito na may dala dalang tuwalya.

Hindi ko maialis ang paningin ko sa kanilang mag-anak. Habang karga karga ni Morgan si Maui ay siyang punas naman sa kaniya ni Lyden. Sinunod naman niya ang anak at masayang nagkukulitan. Larawan ng isang perpektong pamilya kung titingnan sila. Akala ko noon ay puro bangayan lang ang mangyayari sa kanila, pero heto. Sa isa't isa nila natagpuan ang pagmamahal na parehas nilang inaasam.

Lubos ang pagsisisi ko tuwing makikita ko si Maui. No'ng mga panahong pinili kong umalis, ay siyang pagdadalang tao na pala ni Lyden. Ni hindi ko man lang napansin iyon, at gusto kong bumawi nang lubos dahil sa emosyong binuo ko sa kaniya. Pasalamat na lang talaga ako at ligtas ang anak nila.

"Hindi ko ba maliligo?"

Nawala ang ngiti sa labi ko nang pumukaw sa akin ang bulto ni Mateo na siyang kakaahon lang rin mula sa dagat. Nasa bisig nito ang dalawang bata na nakangiti sa akin. Pa-simple akong lumunok at kinuha ang towel para sa mga ito.

Kinuha ko si Ace sa bisig ni Mateo at inilapag para mapunasan. Pagkatapos ay ipinulupot ko ang towel sa katawan niya't binalingan naman anak nila ni Rose na pinupunasan niya ang buhok nito.

"Ako na jan." Pukaw ko sa kanila. "Paliguan mo na si Ace, ako na ang magpapaligo kay Rian." Dugtong ko na hindi na siya binigyan ng tingin.

Kinuha ko si Rian sa kaniya at kinarga. Nang tingnan ko naman ang anak ko ay inalalayan ko siya papalapit kay Mateo.

"Be good, Ace. Mama will be back, alright?" Saad ko at hinalikan siya sa pisngi. Malawak namang ngumiti sa akin si Ace at nag-thumbs up pa.

"Yes, Mama. I love you."

Pagka-iwan ko sa kanila ay kaagad ko namang inasikaso si Rian. Habang nakatingin ako sa kaniya ay hindi man lang ako nakaramdam ng awkwardness. Mayro'n sa akin na tuwang tuwa pa lalo na nang magtabi kami no'ng nakaraan sa kuwarto. Hindi rin naman siya nahihiya sa akin, kaya't siguro kampante rin ako sa kaniya.

"Mommy can't cook my favorite. But Manang Celly can." Sagot nito sa akin sa pagitan ng pagtanong ko sa kung ano ang paborito niyang pagkain para maikuha ko siya mamaya.

Ngunit natigilan naman ako sa naging sagot niya. Tinapos ko muna ang pagkuskos ng tuwalya sa basa niyang buhok at pagkatapos ay ibinalabal sa katawan niya 'yon. Hinawakan ko siya sa kamay at inalalayan na makabalik sa cottage namin. Hindi na ako nagtanong pa kung bakit, dahil impossible namang masagot ako ng bata gayong magkasing-edad lang naman sila ni Ace, ayon sa pagkakaalam ko sa edad niya na si Lyden ang nagsabi.

Naabutan ko ang anak ko doon. Naka-kalong ito kay Mateo habang parehas silang ngumunguya ng watermelon. Nang matanaw kami ng dalawa ay humayo si Mateo at kinarga si Rian papakyat sa may upuan habang nasa bisig niya pa rin si Ace.

"Ibaba mo na si Ace, Mateo. Aakyat kami sa taas para mabihisan ko na sila." Aniya ko sa kaniya at isinukbit ang ilan sa mga bag na dala ko.

"Sasama ako." Untag niya naman na ikinalingon ko.

"Bakit?" Takang tanong ko.

"I'll help you---"

"Hindi ako baldado."

"I didn't say your are. I just want to help you with this two kids. Wala naman sigurong masama doon." Pagtataas niya sa kaniyang kilay.

Ngumiwi ako at napairap. Pinili ko na lang na manahimik at nagpauna na sa paglalakad. Nakasalubong pa nga namin sila Sébastien na kakaiba ang ibinigay na tingin sa amin. Hindi ko sila pinansin at nagtuloy tuloy na lang.

Pagka-akyat namin sa kuwarto ay ipinasok kong una sa banyo si Rian. Nagkalkal ako sa bag niya at humanap nang trip kong ipasuot sa kaniya.

"Kung bibigyan lang ako ng pagkakataon na magkaroon ng isa pang anak at maging babae pa, baka ganitong mga damit din ang maipasuot ko." Sambit ko sa aking sarili ngunit gayon na lamang ang pagkagulat ko nang maramdaman ko ang mainit na paghinga sa aking likod kasabay ng mahinang boses na tumugon sa iwinika ko.

"I volunteer."

Mabilis akong napa-ikot at napalayo kay Mateo. Nanlalaki ang mga mata ko sa kaniya.

"What the hell are you doing, Mateo? Tsaka, anong ginagawa mo dito? Can't you wait outside?" Inis kong tanong. Nagtaas siya ng dalawang kamay habang unti unting nangisi sa akin.

"Gusto na kasing magbihis ni Ace. Bibihisan ko sana kaso, hindi ko makalkal 'yong bag niyo dahil puro undergarments mo ang nasa itaas." Napapalabing saad niya.

Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Pakiramdam ko ay namumula na ako dahil sa hiyang unti unti nang bumabalot sa buong pagkatao ko. At ang gagong 'to nakangisi pa sa akin na para bang big deal ang sinabi niya.

"Stop blushing, Fayra. I already saw your garments before, no need to worry." Saad nito bago ako iniwanan. Sumunod naman sa kaniya si Rian na hindi ko man lang napansin na, na nandito pa pala.

Nasapo ko ang noo ko at napailing. Calm down, Fayra. It's nothing. Pagpapakalma ko sa sarili ko at sumunod nang lumabas.

Hindi ko na sinubukan pang tumingin kay Mateo. Mas lalo lang akong naiinis sa kaniya kapag nakikita ko ang mukha niyang malapit lang sa akin. Nakakairita. Lalo na sa ginawa niya ngayon. Hindi na lang kasi maghintay!

Sa kalagitnaan nang pagbibihis ko kay Ace ay nakarinig ako ng katok mula sa labas ng pinto. Nakamasid lamang ako doon habang si Mateo ay ang siyang nagbukas at may kinausap pa. Hindi naman nagtagal ay isinira niya na rin ang pinto ngunit may dala na siya sa kaniyang kabilang kamay.

Kahon iyon na brown at nang mailapag niya sa mesa at buksan ay isang pabilog na cake na sakto lang sa laki.

Simpleng cake, pero ang tema ay panlalaki. Hindi ko na kailangan manghula pa, dahil paniguradong para kay Ace ito.

"Come here, Ace." Buhat ni Mateo at pinaupo sa nag-iisang upuan na malapit sa mesa ang anak.

Sinindihan niya na rin ang candle at nginitian si Ace, na nakamasid sa cake. Halata ang excitement sa mukha niya.

"Wow, daddy. It's a cake!" Palakpak pa nito at dumukwang sa mesa at kumuha ng icing.

Akala ko ay kakainin niya 'yon pero ang anak ko ay may iba pa lang balak. Sinenyasan nito si Rian na lumapit na sinunod naman nito.

"Mama." Tawag niya sa akin.

"Bakit anak?"

"Put Rian besides me, please." Aniya na si Mateo na ang gumawa. Tuwang tuwa naman ang anak ko at inangkala pa ang maliit niya braso sa balikat ni Rian habang ang isang kamay niya na may icing ay nakapatong sa lamesa.

"And Mama," muling tawag niya. "Camera please." Ngiting paki-usap nito na ikinatango ko naman.

Dali dali kong kinuha ang camera at pumewesto sa gitna. Nakangiti ko silang pinagmasdang dalawa habang iginigiya ni Ace ang daliri ni Rian na makakuha sa icing.

"Ready, one two three!" Bilang ko't sabay na nagpunasan ang dalawa sa kaniya kaniya nilang mukha.

Napuno nang malakas na tawanan ng dalawa ang buong silid. Ako naman ay napasabay dahil sa sitwasyon nilang dalawa.

"Okay, now it's time to make your wish... then blow your candle, Ace." Singit ni Mateo at lapit sa dalawa. Muli niyang inayos sa upuan niya si Ace at muling ibinalik din si Rian dahil gusto ng anak ko.

"Now look at me, Ace and Rian. Pagkatapos kong magbilang hanggang tatlo, blow it na." Pagbibigay ko ng instructions.

Nang pumikit si Ace ay inumpisahan ko na ang pagta-take ko and at the same time, nag-video na rin ako. Habang pinagmamasdan ko si Ace ay hindi walang katumbas na kasiyahan ang nasa puso ko.

Para nitong nakaraan lang ay hinuhulaan ko pa kung ano ang sinasabi niya. But looking at him now, he's growing. My baby.

"Yey!" Palakpak nilang dalawa nang matapos niyang ihipan ang kandila.

Bumuntong hininga ako. Itinabi ang camera sa lamesa.

"Daddy, can we eat this na. I want to try my cake and share it to Rian." Excited na turan ni Ace kay Mateo.

"Yes you can, but first, take a picture of me together with your mama. Come on." Utos nito na ikinalaki ng mata ko.

Iniabot din ni Mateo ang camera kay Ace at tinuruan pa kung papaano pipindot. Para naman akong nawalan ng boses dahil sa pinaggagawa niya.

Nang magtama ang paningin namin ay ngumiti siya sa akin. At nang makalapit ay walang ano anong hinapit ako nito papalapit sa kaniya at kasabay ng tunog ng flash ng camera ay siyang ramdam ko sa labi niyang dumampi sa sintido ko.

"Thank you... Thank you for letting me today."

...

Merry Christmas, everyone! Keep safe and enjoy!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top