Chapter 35
CHAPTER 35
Lyden's POV:
Halos hindi ko na alam ang gagawin ko. Kung papaano ko ipapaliwanag kay Morgan ang buong nangyari kanina. Ni hindi ko na nga maproseso sa utak ko ang sunod sunod niyang mga tanong. Ang nasa isip ko lang ngayon ay ang kaibigan ko. Ang kaibigan kong daladala ang anak niya na malapit na niyang mailabas. Sukdulan ang sama ng loob na nararamdaman ko ngayon. Kung sino man ang nasa loob ng sasakyang 'yon ay sana makarma siya nang masahol.
"T-Tell me, Lyden. B-Bakit ba ayaw mong mag-kwento!" Asik ni Morgan na niyugyog pa ako nang ilang beses.
Pinakatitigan ko siya. Mugto ang kaniyang mga mata habang nakatutok ang paningin sa akin. Punong puno nang tanong ang kaniyang mga mata. Punong puno rin nang samo't saring emosyon na hindi ko na nga mahulaan.
"H-Hindi ko alam, M-Morgan. Hindi ko alam kung papaano ko ipapaliwanag sa 'yo." Aniya ko na pilit ipinapaintindi sa kaniya.
"Paanong hindi mo alam? Nandoon ka! Nandoon ka!" Asik nitong muli at nagyuko at impit na naglabas ng sama ng loob.
Muli na naman akong napahagulhol. Hindi dahil sa kaniya, kung hindi dahil sa salitang nandoon ako. Nandoon ako pero hindi ko man lang nagawang tulungan na makatawid si Fayra. Dapat ay inalalayan ko siya. Dapat hindi ko siya pinakinggan. Ako ang kasama niya. Responsibolidad ko siya.
"I-I'm sorry. I-I'm s-sorry..." Hingi ko nang tawad habang ipinagdidikit ang dalawang palad ko.
Panay ang paghagulhol ko at paulit ulit na paghingi nang tawad. Natagilan lamang ako nang yakapin niya ako nang mahigpit at siya naman ang humingi ng tawad sa akin.
"Don't cry. I'm sorry. Hindi ko sinasadyang saktan ka. Huwag ka nang umiyak, please." Pagpapatahan nito sa akin ngunit hindi iyon nakapagpagaan sa damdamin ko.
"T-Tama ka naman. Ako 'yong nandoon. Dapat inalalayan ko siya. Dapat hindi nangyari 'to---"
"Listen to me, love." Hawak nito sa magkabila kong pisngi. "I'm sorry, ok. I know I'm a jerk for making you feel that way. But I don't blame you; I'm just carried away by my emotions. Hindi ako nakapag-isip. I'm sorry." Aniya at ipinagdikit ang noo naming dalawa. "Please, baby. Don't blame yourself, I know it's hard for you... but please don't blame yourself. We'll get through this, huh. I will make sure na makakapagbayad ang sinumang nasa loob ng sasakyang 'yon."
Tumango tango ako sa kaniya. Pinanghawakan ko ang sinabi niya, dahil gusto ko na rin kaagad na maghimas ng rehas ang gagong bumangga sa kaibigan ko.
Nasa gano'n kaming eksena nang marinig ko ang boses ng mommy ni Fayra. Kaagad akong napatayo at ayon na naman ang pagkalabog ng dibdib ko. Kaagad namang umalalay si Morgan sa akin. Pinasadahan ko siya ng tingin. Nagbigay naman siya nang makahulugang tingin na nagsasabing I'm just here. Muli kong pinakatitigan ang mommy ni Fayra. Humahangos itong papalapit sa akin, kasunod sila Mira.
"A-Ang anak ko, Lyden? Na-Nasaan ang anak ko? Wha-what happened?!" Sunod sunod na tanong niya pagkalapit sa akin.
"T-Tita Meg..." Ayon na naman ang pagpiyok ko.
Agad kong naramdaman ang paghimas ni Morgan sa magkabilang braso ko.
"How about my grandson, hija? Kumusta silang dalawa?" Mabilis na tanong ni Tita na ikinailing ko naman.
"M-Magsalita ka, anak. Ano ba talagang nangyari?" Si Tito Francis naman.
Ilang segundo kong pinakatitigan sila Tita. Wala akong makapang salita na makakapag-paliwanag sa nangyari.
"Lyden probably get trumatize, Meg. Hayaan muna na'tin siya." Aniya ni Tito at bumaling kay Morgan. "Naasikaso mo na ba kung may cctv sa area, Morgan?"
"Pinaasikaso ko na kaagad Tito. Wala pang update 'yong tao na inutusan ko. Pero sure akong maibibigay po kaagad sa akin 'yong info this time." Pagsisiguro niya.
Tinanguan naman siya ni Tito. "Pakalmahin mo muna si Lyden, Morgan. Kami na munang bahala dito." Aniya at inalalayan kaagad nito si Tita na ngumiti pa ng payak sa akin na hindi ko naman masuklian.
I felt so much guilt. Nahihiya ako sa kanila.
"Tahan ka na Ate Lyden. Here po, I brought you some food. Please eat it, so your stomach won't crawl." Abot ni Mira sa supot na kinuha naman ni Lyden.
"Thank you, Mira. Kay nila Tito Francis ka muna, I'll take care of her for a while. " Ani Morgan.
Ilang minuto pa ang pinalipas namin na naka-upo. Hindi niya ako kinausap at ako naman ay panay pa rin ang pagtulo ng luha na para bang ayaw na talaga niyang tumigil.
"Let's go for a walk, Love. Tara." Yaya nito na ikinatango ko.
"Paano sila Tita Meg?"
"They alright, tara na."
Hindi na ako tumanggi. Tumayo na lang din ako at nagpadala sa paghila niya. Ngunit gayon na lamang ang pagkatigil ko nang makaramdam ako ng mainit na likido sa pagitan ng hita ko. Unti unting kong ibinaba ang paningin ko at sa isang iglap ay para akong kinain ng dilim nang karimlan.
***
Morgan's POV:
"Ano bang nangyayari, Morgan? Si Fayra nasa ICU pa at hindi pa na'tin alam kung ayos lang ba sila ng anak niya, tapos heto naman si Lyden ay muntikan pang makunan. Jusko, ano ba 'to?"
Nasapo ko ang noo ko nang marinig si Tita Meg. Halata sa mukha niya na hindi pa rin siya makapaniwala sa sunod sunod na nangyayari ngayon. Maging ako ay gano'n din naman.
Kung kanina ay doble doble ang pag-aalala ko para kay Fayra at sa pamangkin ko... ngayon naman ay trumiple pa dahil kay Lyden at sa anak namin.
For God's sake! Ngayon ko lang nalaman that she's pregnant. Wala siyang sinasabi sa akin. At ang tanga ko rin para hindi ko mahalata lahat ng kakaibang kilos niya lately. Hindi rin naman kasi masyadong umusbong ang tiyan niya.
Tatlong buwan. Tatlong buwan akong walang kaalam alam na may anak na pala akong nabubuo sa sinapupunan niya. Pasalamat na lang talaga ako at hindi tuluyang nakunan si Lyden, kung nagkataon ay baka makapatay ako. Mapapatay ko talaga ang hayop na nakasakay sa sasakyang iyon.
"Pare!"
Napalingon ako sa boses ng kaibigan ko na tumawag sa akin. Tanaw ko si Gio at kasunod naman nito si Mateo na blangko lang ang reaksyon sa kaniyang mukha ngunit ramdam ko ang kakaibang aura niya. Iwinaksi ko ang paningin ko sa kaniya.
"May balita ka na ba?" Tanong kaagad ni Gio at nagpalinga linga sa paligid. Binati niya sila Tito Francis na tinanguan siya at pinasadahan ng tingin.
Kapwa kami napasunod ni Gio sa gawi ni Mateo nang magsalita si Tito Francis.
"What are you doing here, Vejar?" Bruskong tanong ni Tito sa kapatid ko.
Bumati muna siya sa mga ito na hindi naman nila pinansin.
"I came to see her po." Magalang niyang sagot na nakapagpataas noo pang pinakatitigan sila Tito.
Bahagya akong tumikhim para maagaw ang atensyon nila na napagtagumpayan ko naman. Nagkatinginan kami ni Tito Francis at alam kong naiintindihan niya ang tingin na ipinukol ko sa kaniya. Kaya naman hinila muna nito so Tito Meg paalis. Nagpaalam siyang kakain muna sila at kukuha ng damit sa bahay. Napatango naman ako at nagsabing ako na ang bahala at agad ko na lang silang tatawagan kapag lumabas na ang doctor.
"Kukuha muna ako ng kape, brad." Paalam naman ni Gio, sabay tapik sa akin.
Pinanood ko siyang makaalis at muling ibinaling kay Mateo ang paningin ko.
"Hindi ka na dapat pumunta pa dito." Saad ko sa kaniya.
"Alam ko." Agaran niyang sagot. "Pero hindi ako mapakali nang marinig ko mula sa secretary ni Gio na nasa hospital kayo... si Fayra." Aniya sabay yuko.
Umismid ako at naupo.
"Umalis ka na bago pa makabalik sila Tito Francis. Hindi ka kailangan dito, Mateo---"
"Kuya..."
Natigilan ako.
Naikuyom ko ang kamao ko at nag-alis ng tingin sa kaniya. Alam na alam niya talaga kung paano kunin ang loob ko. Kaya lagi ko siyang napagbibigyan dahil sa salitang 'yan na lagi kong hinihiling sa kaniya.
Pero nangako ako kay Fayra. Hindi na makakalapit pa si Mateo sa kaniya lalo na't wala naman na sila.
"P-Please, gusto ko lang siyang makita. N-Nag-aalala ako." Saad niya na unti unting nagbabago ang tinig.
"Umuwi ka na, Mateo. Ilang araw ka nang hindi umuuwi sa bahay mo. Ang sabi ni Lolo, palagi daw siyang pinupuntahan ni Rose para itanong kung nasaan ka. Hindi ka ba naaawa sa tao? May naghihintay sa 'yo, kaya umuwi ka na."
Sandali katahimikan ang lumukob sa aming dalawa. Kapwa kami nakaharap sa isa't isa at mataman na nagtititigan.
Nasa gano'n kaming sitwasyon nang sabay kaming na patingin sa malakas na sigaw ni Lolo. Agad akong napatayo sa kinauupuan ko at tinakbo ang pagitan namin.
Galit na galit nag reaksyon ng mukha niya. Namumula at alam kong katakot takot na sermon na naman ang matatamo ko mula sa kaniya dahil sa kapabayaan ko.
Tanggap ko 'yon, lalo na't si Lyden ang ipinasama ko kay Fayra dahil may business meeting ako. Ipinadala ko na lang din ang credit card ko, just incase na may gusto silang bilhing dalawa. Naging kampante ako, dahil sa tapang naman ni Lyden. Alam kong hindi niya pababayaan si Fayra. Pero ako ang mali. Parehas silang nasa hospital ngayon nang dahil sa pagiging kampante ko na sila lang ang umalis.
"I TOLD YOU TO LOOK AFTER HER, MORGAN! LOOK AT WHAT YOU DID?! HINDI LANG ISANG BATA ANG NASA PELIGRO KUNG HINDI DALAWA!" Sigaw ni Lolo sa akin at kinuwelyuhan pa ako.
"I-I'm sorry, Lo---"
"Sorry?" He interrupts sarcastically. "Ti sei sentito, Morgan? Spiacente? Le tue scuse faranno stare bene Fayra e il suo bambino? E anche il tuo?"
(Did you hear yourself, Morgan? Sorry? Does your apology will make Fayra and her baby fine? And also yours?)
Hearing my grandfather's loud voice made me immediately gag. Without being cautious, he let go of me. I then look down right away not wanting to see his reaction anymore.
"And you."
Pasimple kong pinakatitigan si Lolo na nakatingin na kay Mateo. Agad na nabuhay ang kaba sa dibdib ko. He's out of control. Kinakabahan ako sa puwedeng lumabas sa bibig niya.
Fuck it! I can't think straight right now!
"Why are you standing here and doing nothing, huh?" Lolo again exclaimed and walked towards Mateo's front.
"L-Lo,..." Pabulong kong tawag pero hindi niya ako pinansin.
"Bakit hindi ka nakilos Mateo, huh? Bakit hindi mo hanapin kung sino mang demonyo ang sumagasa kay Fayra. Ganiyan ba talaga siya kababaw para sa 'yo?" Galit na tanong ni Lolo.
Napailing naman si Mateo. "Morgan's already doing what... should do to it, Lo. I don't think I need to run over there---"
"Lolo!"
"D-Don Madeo!"
"Merda!" Sampal ni Lolo sa kaniya na ikinagulat ko. Napaisang tingin pa ako sa kararating lang na sila Sébastien na halata rin ang gulat sa kanilang mga mukha.
"Excuse me, Sir. But we don't tolerate violence here. This is hospital, if you'll excuse me again... lumabas ho muna kayong lahat." Singit naman ng kararating lang ding doctor at may mga kasama pang nurse.
Natigilan ako at napaharap sa kaniya.
"H-How's Fayra, Doc?"
Pinasadahan niya kaming lahat ng tingin at huminga nang malalim.
"Husband?"
"A friend, Doc." I cleared out.
"She's alright." Diretsong sagot nito. Kaagad na nawala ang kabang daladala ko para sa kaniya. Sinulyapan ko pa ang ilan sa kanila na kapwa katulad din sa reaksyon ko. "But I'm sorry to say this... nakunan ang pasyente."
Parang gumuho ang mundo ko sa sunod na narinig ko sa doctor. Ilang beses akong napailing at napahawak pa sa magkabila niyang braso.
"You're joking doc, don't you?"
Inayos niya ang salamin sa kaniyang mata at umiling.
"Malakas ang impact ng katawan nang pasyente sa semento. That forces are too strong na kahit napakalakas nang kapit ng bata sa kaniyang ina ay hindi niya iyon makakayanan. I'm sorry, ginawa namin ang lahat para mailigtas ang kapit ng bata but we're too late. After a while, puwede niyo nang bisitahin ang pasyente." Aniya sabay tapik sa akin. "Mauna na ako."
"F-Fuck it!" I heard Sébastien on the other side. Napasuntok pa ito sa pader na agad namang dinaluhan ni Isabella.
Wala sa sariling nagawi ako kay Mateo na nakamasid sa dalawa.
Puno siya nang pagtataka. Sabagay, ang alam nga pala niya ay si Sébastien ang ama ng bata sa sinapupunan ng dati niyang asawa.
Naihilamos ko ang palad ko sa aking mukha.
Nakaligtas ang anak namin ni Lyden... pero ang pinsan niya... napagkaitan agad ng liwanag na malapit na niyang maaninag sana.
"This is not happening." Lolo hesterically said.
Agad akong tumayo at pinilit siyang pakalmahin ngunit ayaw niya namang magpatinag.
"L-Lolo please, don't make a scene here. Hindi matutuwa si Fayra---"
"I don't care!" Sigaw nito't itinulak ako. Unti unti siyang lumapit kay Mateo at dinuro ito.
"Kung hindi mo sana niloko si Fayra, makikita ko pa ang apo ko. This is all your fault, Mateo. This is your damn fault!" Asik ni Lolo at akmang susugurin na naman ang kapatid ko nang mamagitan na ako sa kanila.
"Lolo, enough. This is not the right time." Pagmamakaawa kong saad.
"Then when, Morgan?" He sarcastically asked. I didn't answer him; instead, I paid attention to Mateo and gestured for him to leave now. But he refused.
Napapikit na lang ako at napabuntong hininga. Hindi ko na talaga kaya pang mapigilan si Lolo. He's doing it. He's really doing it.
"May your son rest in peace after this, Mateo. May your conscience make your soul at peace after your son leaves his mother's womb... dead."
...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top