Chapter 34

CHAPTER 34

How will things be when I finally give birth to my child one of these months? Will I make a better mother? Since yesterday, the question has been on my thoughts constantly. I'm not sure how I feel anymore. In essence, I'm beaming hesitant because my mind is constantly pondering what-if scenarios.

Sa lahat ng mga pangyayaring dumating sa buhay ko. Ito na ata ang pinakanakakakabang karanasan. Kung nitong nagdaang mga buwan ay para bang nasasalamin ko na ang buhay naming mag-ina... ngayon naman ay para bang bumabalik ako sa simula. Sa simula na para bang nakalimutan ko na ang mga bilin nila mommy sa akin at ang mga lesson na in-applyan ko para naman hindi ako mahirapan sa pagbabagong lulukob sa akin ng habang buhay.

Puno na ang ako ng kaba.

I let out a deep breath and caressed my big belly.

Sana lang ay maging mabuti akong ina. Sana hindi ko siya ma-dissapoint. Lalo na sa unang pagkakataon pa man din ay wala na akong balak na ipakilala pa siya kay Mateo. Doon pa lang ay palpak na ako... pero ito naman ang makakabuti para sa aming lahat at lalong lalo na sa anak ko.

"Wouldn't it be better if you choose this one Fayra? Kaysa sa crib na 'yan?" Turo ni Lyden sa isang crib na abot hanggang balakang ang taas pero ang harang ay pagkaliit liit na metro lang ang haba mula sa mismong higaan.

"I don't think so, Ly. Hindi siya safe para sa mga baby. Baka malingat lang ako sandali ay nasa lapag na ang anak ko." Naiiling kong sabi at nag-umpisa nang lumakad lakad para makita ang iba pang mga gamit.

Libre si Lyden ngayon kaya naman inaya ko na siya na mamili na kami ng mga kailangan ni baby. Dapat ay hihintayin pa namin si mommy at Isabella para naman makapag-bonding na rin kami kahit papaano. Ang kaso lang ay naiinip naman na ako sa bahay. Ngayon lang ako nakalabas dahil nandito si Lyden.

Bihira na ring mamalagi Si Sébastien sa bahay. Maigi na rin 'yon dahil unti unti na rin silang nagiging maayos ni Isabella. Si Morgan naman ay masyado nang busy dahil panay na ang pasok ng mga investor sa kompanya niya, ngunit kahit na gano'n ay hindi pa rin naman nila ako nakakalimutan. Walang palya akong nakakatanggap ng mga mensahe sa kanila, mga prutas na gustong gusto kong kainin at mga cravings na pa-minsan minsan ay dinadalaw pa rin ako. Si Sir, Gio naman ay panay rin ang kumusta sa akin at binabalitaan din ako tungkol kay Mateo na hindi na daw umaalis sa kompanya niya. Pakiramdam niya daw ay may hinihintay ito. Hindi ko na lamang 'yon pinansin at nagpasalamat na lang tuwing mangangamusta siya. Samantalang si Don Madeo naman ay gano'n din. Panay rin ang pagtawag niya sa akin at pangangamusta. Halata rin sa tinig niya na excited siyang makita ang apo, ngunit may usapan naman kami na litrato lang ang ibibigay ko sa kaniya. Alam kong dismayado siya, ako rin naman ay dismayado rin sa naging desisyon ko. Ngunit ina ako, mas maigi nang gawin ko 'to. Sila Massimo naman ay minsan na rin akong kinumusta. May pahabol pa silang request na gawin ko daw silang mga ninong na sinang-ayunan ko na lang dahil alam kong hahaba lang ang usapan namin kung hindi ako papayag. Paniguradong ku-kuwestiyunin ako ng lalaking 'yon.

"Ito ma'am, maganda 'to para kay baby. Comfy siyang tulugan and at the same time ay makakamura ka rin po since this item is on sale po."

Sandali kong pinakatitigan ang sales lady at ang crib na inaalok nito sa akin kanina pa. Sinuyod ko pa nang mabuti ang buong area kung nasaan kami para lang makita ko ang crib na gustong makita ng mga mata ko.

Hinarap kong muli ang sales lady at ngumiti.

"May ibang style pa ba ng crib, Ms? 'Yong modern sana." Payak kong saad na ikinatango niya.

"Yes, Ma'am. Maupo po muna kayo at i-inform ko lang po para mailabas at maipakita ko sa inyo."

Nakangiti kong tinanguan ang babae at bumaling naman ako kay Lyden na nag-iikot ang mga mata at hindi maitatago ang ningning sa kaniyang paningin.

Pinanood ko kung papaano niya himas-himasin ang bawat tela ng mga pambatang damit. Maging ang ilang nga kagamitan rin na nadadapuan ng kaniyang kamay.

Napukaw lamang ako nang mag-vibrate ang phone ko at rumihestro doon ang pangalan ni Mira. Akmang sasagutin ko na sana nang mawala naman ang linya niya na mabilis na sinundan ng mensahe mula rin sa kaniya.

From: Mira

"Sorry sa call ko Ate. Magpapadaan sana ako sa inyo dito sa may school kung tapos na kayo, pero nakita ko naman si Kuya Mateo. Sa kaniya na lang ako sasabay. Ingat kayo ni baby at ni Ate Ly :)"

Napailing ako sa nabasa ko. Lately ay napapadalas ang pagtatagpo nilang dalawa. Halos naging service na nga siya ni Mira tuwing nauwi ito galing sa school or even kahit may lakad si Mira at mga kaibigan niya. Out of the blue na lamang akong makakatanggap ng mensahe mula sa kapatid ko at ang laman no'n ay si Mateo. Minsan ay nakakairita na nga. Pinipigilan ko na lang ang sarili ko dahil alam ko naman kung gaano ka-close ang lalaking 'yon sa kapatid ko.

"Mga necessary lang ang kunin muna na'tin, Lyden. 'Yong mga pasok lang sa budget ko." Aniya ko na ikinangiwi niya.

"Titipirin mo ang una mong anak, Fayra?" Tanong niya sa akin sa hindi nakakapaniwalang reaksyon.

Napairap naman ako sa kawalan. "Nagiging praktikal lang ako, Ly. Alam mo naman na wala pa akong masyadong ipon. At alam na'ting pareho na magastos ang pagbubuntis---"

"Tutulungan ka naman namin, Fayra. Sila Tita... Kami nila Morgan."

"Thankful ako for that, Ly. Pero hindi 'yan ang gusto kong mangyari. Gusto ko galing mismo sa bulsa ko."

Naghabang nguso naman siya sabay tulak sa cart. "Ewan ko ba sa 'yong babae ka, nasobrahan ka naman sa pagiging praktikal, 'e pamilya mo naman kami. Kapag ako nainis, ipapa-kidnap ko 'yang ex-husband mo tapos hihingian ko ng malaking ransome para naman may dagdag siya tutal ay siya naman ang magkagagawan kung bakit ka may melon ngayon." Walang prenong saad niya na hindi ko na lang pinansin.

Nagpatuloy kami ni Lyden sa pag-iikot. Ang cart kanina na para lang sa mga necessary things na gusto kong bilhin ay hindi na natupad dahil panay ang lagay ni Lyden sa iba't ibang gamit na maski ako ay hindi ko alam kung papaano gagamitin ang mga iyon. Ang sabi niya sa akin ay may tutorial naman online at anjan naman sila mommy. Sinubukan kong isauli ang mga ipinaglalagay niya pero mahina niyang tinatapik ang kamay ko at pinandidilatan ako ng mata.

"Ako na nito. Libre ko na dahil unang inaanak ko 'yan." Kindat niya sa akin.

"Masyadong marami 'to, at siguradong pasok naman siya sa pera ko. Kaya ako na lang." Aniya ko at inilabas ang wallet ko.

"Hay naku, Fayra. Ako na sabi. Tsaka hindi lang naman ako ang magbabayad nito." Aniya at agaw sa wallet ko. Ipinasok niya iyon sa bag niya at inilabas ang kaniya. May kinuha siyang card doon at marahang iwinagayway sa harapan ko. "Kaming dalawa ni Morgan ang magbabayad." Ngisi niya.

Nanlaki naman ang mga mata ko at akmang magsasalita na nang pigilan niya ako.

"Unang inaanak ko at unang pamangkin niya 'yan. Tsaka kung iisipin mo, kapatid niya naman ang ama niyan. Ayaw mo namang hingian ng sustento si Mateo kaya si Morgan na lang ang maglalabas ng pera para sa anak ng kapatid niya."

"Lyden naman." Sukong tawag ko sa kaniya na ikinangiti niya lang.

"Shush ka lang jan. Hindi naman magagalit ang tukmol na 'yon."

"Pero, Ly---"

"Tapos na ang usapan, sis. Ako nang bahala dito." Aniya at hindi na nagpapigil pa.

Pasimple ko na lamang na kinuha ang phone ko at nagmessage kay Morgan na babayaran ko siya agad.

Matagal tagal din kaming naghintay bago ma-swipe lahat ng mga items sa counter. Habang nakaupo mula sa hindi kalayuan sa tapat kung nasaan naka-puwesto si Lyden ay tanaw na tanaw ko ang galak sa kaniyang paningin. Halatang enjoy na enjoy siya sa mga nakikita niya. Hindi ko naman maiwasang hindi siya suyurin ng tingin. Mukhang nagdagdagan ang timbang niya. Hindi naman masasabing payat o mataba si Lyden. Sakto ang katawan niya, kaso may dumoble lang ngayon na mas lalong nagpabagay sa kaniya. Mas nag-glow din ang kaibigan ko.

Inalis ko ang tingin ko sa kaniya at lumingon lingon na lang sa paligid. Maya maya pa ay nagbayad na rin si Lyden gamit ang card ni Morgan. Isinisang wagayway niya pa ito sa akin na ikinailing ko na lang. May escort kaming staff para maihatid hanggang sa parking ang ilang mga gamit. Samantalang ang iba naman ay ipapa-deliver na lang dahil masyadong malaki para sa sasakyan.

Nauna na sila Lyden, samantalang ako naman ay sumandali muna sa restroom.

Pagkalabas ko ng cubicle ay gano'n na lamang ang pagkatigil ko nang maaninagan ko ang isang pigura sa salamin na hindi ko na naisip na muli pang magtatagpo ang landas namin.

Dumako ang tingin niya sa akin at mukhang hindi na siya nagulat pa. Umarko ang kilay nito bago iwinaksi ang paningin sa akin at tinapos ang paghuhugas ng kamay niya. Natauhan naman ako at dumako sa kanilang estante.

"Pregnant." Saad niya na hindi ko sinagot.

Mula sa dulong panig ng paningin ko ay kita kong nakatingin siya sa akin. Nakasunod ang paningin sa gawi ko na hindi ko na pinansin. Nagmamadali kong tinapos ang ginagawa ko at akmang lalagpasan siya ng hawakan niya ako sa braso.

"Bakit hindi mo pinalaglag 'yang bata?" Pabulong ngunit punong puno nang gigil sa kaniyang boses.

"Let go of me, Rose." Madiing turan ko, ngunit mas lalo lamang niyang hinigpitan ang pagkakahawak sa braso ko.

"Sagutin mo ang tanong ko, Fayra. Bakit hindi mo ipinalaglag 'yang bata? Hah?!" Nanlalaki ang kaniyang mga mata habang nawawasiwas na ang braso ko.

Napaagik ako sa sakit na nadarama ko. Hindi ako masyadong makakilos dahil naglilikot na rin ang bata sa tiyan ko.

"R-Rose!" Tawag ko sa kaniya at sinubukang humapit sa may sink para makakuha ako ng suporta. Ang bigat ng tiyan ko, imposibleng makasabay ako sa galaw niyang ito.

"Look at me you witch!" Asik nito't hinila na naman ako. This time ay pabalang niya akong isinandal sa may pader. Hindi ko maiwasang hindi mapangiwi dahil tumama ang likod ko sa semento.

Pinakatitigan ko siya at pinanlisikan ng mga mata.

"Ano bang problema mo?! Nahihibang ka ba, Rose? Ngayon lang tayo ulit nagkita, ini-eskandalo mo na ako!" Hindi na mapigilang galit ko.

"Akala mo ba hindi ko alam kung anong gusto mong mangyari, Fayra? Tingin mo tanga ako para hindi ko ma-isip 'yang dahilan nang pagdadalang tao mo, hah?!"

"Ano bang pinagsasabi mo?! Nababaliw ka na!" Asik kong muli at sinubukang tumayo ng maayos.

Rose on the other hand gave me a devil smile. "Hindi ako papayag na makuha mo si Mateo sa akin this time, Fayra. Kung sa tingin mo ay 'yang bata na 'yan ang aayos sa nakaraan niyong dalawa ay nagkakamali ka. Hindi ako papayag!"

"You're crazy, Rose---"

"Baliw talaga ako, Fayra. At mas magiging baliw pa dahil may batang malapit nang mailabas ja'n sa sinapupunan mo! Kung maaga ko lang nalaman, edi sana wala na 'yan ngayon!"

Tila napipilan ako sa narinig ko sa kaniya. Nangatog ang tuhod ko at rumagudo ang kalabog sa aking dibdib.

Inayos niya ang sarili niya at muling humarap sa salamin.

"Kung hindi mo naipalaglag ang batang 'yan, pwes ako ang gagawa for you, Fayra."

"Hindi ito anak ni Mateo, Rose. The fuck with you." Aniya ko.

"Maloloko mo silang lahat, pero hindi ako Fayra. Kung sa tingin nila si Sébastien ang ama niyan, pwes ako hindi. Alam kong anak ni Mateo 'yan."

"Paniwalaan mo kung ano ang gusto mong paniwalaan, Rose. Wala na akong pakialam sa inyo, kaya puwede ba... tigilan mo ako dahil kapag hindi ako nakapagtimpi sa 'yo, makakatikim ka ng sampal sa akin." Asik ko't mabilis lumabas ng restroom.

Huminga ako ng malalim at umayos ng tayo. Napahimas ako sa tiyan ko at napaagik nang sumipa na naman ang anak ko.

"Don't worry baby, mommy won't let that happen to you. Iningatan kita, hindi ako makakapayag na may mangyari sa 'yo." Pagsisiguro ko sa anak ko na alam kong ramdam niya naman iyon, dahil kumalma ito bigla.

Napangiti ako at nag-umpisa nang maglakad patungo sa parking lot. Maingat ang bawat hakbang ko at nang makita ko si Lyden ay agad ko itong tinawag. Nasa kabilang parking space siya at kailangan pang tawirin. Para naman siyang nakahinga nang maluwag nang makita ako. Akmang tatawid na sana siya nang mag-umpisa na akong maglakad palapit.

Marahan lamang ang lumakad at magpapatulong na sana sa kaniya nang masilaw ako sa sasakyan padaan.

Napahinto ako sa paglalakad at sa isang iglap para akong nabingi.

"F-FAYRA!!!" Alingawngaw ng boses ni Lyden na tangi ko lamang narinig.

I feel nothing. Para akong namanhid. Sinikap kong mahawakan ang tiyan ko. Hinimas himas ko iyon bago ko muling dinilat ang mga mata ko. Naaninag ko ang umiiyak na mukha ni Lyden. Wala akong marinig sa kaniya. Ramdam ko ang sunod sunod na pag-agos ng luha sa gilid ng mata ko.

"S-Save... S-Save my baby."

---

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top