Chapter 33
CHAPTER 33
"We don't need to bring that much things, Sébastien. At ikaw naman, Morgan, bakit salpak ka nang salpak sa bag? Pati damit niyong dalawa nanjan!" Inis kong sigaw nang bulatlatin ko ang laman no'ng isang bag na hawak hawak niya.
Ang mga lalaking 'to, mas maraming damit na naipasok kaysa sa anak ko. Sabi na nga ba't hindi talaga magiging matiwasay kung sila ang katulong ko sa gawain 'to. Dapat talaga ay nakinig na lamang ako kay Lyden na hintayin sila mamaya para sila na lang ang tumulong sa akin.
Kanina pa nasakit ang mata ko dahil sa mga pinaggagagawa nila. Kung hindi damit nila ang ilalagay ay mga supot naman ng mga candy na hindi ko alam kung para saan ba 'yon!
Manganganak ako. Hindi magtre-treat or trick! Jusko, kung hindi ko siguro kontrolado ang sarili ko baka napa-aga na ang panganganak ko dahil sa kanilang dalawa.
Napahilot ako sa sintido ko at tumalikod muna para makahinga ako sa mga pinaggagawa nila.
"Alisin niyo lahat ng mga naipasok niyo jan ngayon mismo, dali." Mahinahong utos ko naa ikinakunot ng noo nilang dalawa.
"Bakit?" Takang tanong ni Morgan na ikinataas ng kilay ko. Talagang sa kanilang dalawa ay siya pa ang may lakas ng loob na magtanong no'n sa akin.
"Ilalabas mo ngayon din o ikaw ang palalabasin ko sa bahay na 'to?"
Walang nagawa si Morgan kung hindi sundin ang pinapagawa ko sa kaniya. Isa isa niyang inilabas sa isang bag ang mga ipinaglalagay niya do'n at kagaya ng inaasahan ko ay dinaig pa namin ang mag-be-beach.
May mga dilata at mga cup noodles at kung ano ano pa! Jusko, kailangan ko na talaga sila Lyden dito. Hindi ko na kayang makita ang mga gamit at mga pagkain na isinasalpak nila sa bag ko!
"You need this, Fayra---"
"Aanhin ko 'yang de lata, Morgan? May pagkain naman sa hospital, at isa pa, makakasigurado ka bang kakainin ko 'yan kung sakali mang gutumin ako?" Asik ko sa kaniya.
Imbes na sagutin ang tanong ko ay iniikot ikot niya pa ang lata sa kamay niya atsaka nagkibit balikat.
Nagawi naman ang paningin ko kay Sébastien. Napapikit na lang ako sa inis at nagmartsa paalis sa kuwarto ko. Sakto naman at nakasalubong ko si Mira na may hawak hawak na mga paper bag. Sinuyod ko siya ng tingin at maging sa relong pambisig ko ay napatingin ako. Ala singko trenta. Ang tagal naman ata nitong nakauwi?
"Ang dami mo namang atang pagkain na ini-uwi Mira?" Takang tanong ko. May iba't ibang supot kasi siyang dala dala.
Ngumisi sa akin si Mira at inabot ang isang supot.
"Mangga 'yan Ate Fayra. Tapos ito naman," aniya't 'yong isang supot naman ang ibinigay sa akin. "Ito naman ay donuts. Bavarian 'yan, favorite mo."
Binuksan ko ang mga ito isa isa at awtomatikong napawi ang inis ko sa aking sistema.
"Salamat dito, Mira. Siya nga pala, tapos ka na bang kumain? Nagluto si Morgan, sabay sabay na tayo." Aniya ko't tumango naman siya.
Matiwasay na nairaos namin ang buong hapag. Kapwa tahimik kami ni Mira na kabaliktaran naman ng dalawa na halos mag-agawan pa sa natirang ulam. Hindi ko na lang sila pinansin at itinuon ko na lang ang sarili ko sa pagkain. Pagkatapos ay tumambay ako sa sala para manood ng telenovela na paborito ko.
Inaabang abangan ko talaga 'to.
Ang galing umarte ng babae na bida. Halos sa pag-iyak niya ay dalang dala din ako. Paano ba naman din kasi. Super relatable nang mga scenes. Parang sa naging buhay ko lang. Ang pinag-kaiba lang namin ay kaya niyang makipagsapalaran para lang mapaghigantihan ang asawa niya. She's strong and independent on her own.
Samantalang ako wala pa ring character development.
Hindi ko pa rin kayang tumayo sa sarili kong mga paa, dahil nakadepende pa rin ako kay nila Seb at Morgan.
Ilang araw ko na ring iniisip kung dapat ko na bang putulin ang ugnayan naming lahat. Maybe I should, para naman mahanap ko ang sarili ko. Dad will surely help me.
Sa kalagitnaan ng aking paghuhuna huna ay gayon na lamang ang pagkakagawi ng paningin ko sa mga yabag na bumasag sa sistema ko. Agaran akong napaayos ng pagkakaupo at madaling napatayo.
"Don Madeo." I uttered the old man name who's smiling directly at me.
"It's been a long time since we saw each other, hija." Pagak niya.
"Umupo po muna kayo." Saad ko't nagsenyas sa kasambahay na magtimpla ng maiinom. Ako naman ay umupo rin sa isang couch at pinakatitigan ang aking biglaang bisita. "Ano pong sadya niyo?"
"Hindi na ako magpapaligoy ligoy pa. One of this few months ay manganganak ka na, gusto ko sanang humingi ng pabor sa 'yo."
Nangunot ang noo ko at hindi ko naiwasang hindi mapailing. "Paano po kapag sinabi kong hindi ko bibigyang pansin ang pabor na gusto niyong ibigay ko Don Madeo?" Sarksatiko kong ani na ikinatango naman ng matanda.
Sandali kaming nanahimik at maya'y may inilabas siyang brown envelop.
Taka ko iyong pinakatitigan.
"Open it." Senyas niya na marahan kong inabot mula sa lamesa. "Trinabaho ko ang papel na 'yan bago mo man lang ma-isilang ang apo ko sa tuhod, hija. Legal at tunay ang nakalagay sa mga papel na nakalagay sa hawak mo ngayon." Saad niya.
"Sinikap kong maitawid ng maigi ang annulment niyo since alam ko naman din na ayaw mong umattend sa mga trial. Hindi rin naman lingid sa akin kung ano ang nangyayari sa inyo so I used my connection to deal with it. But don't worry. Ipinaako ko kay Mateo ang dapat niyang akuin."
Napakagat ako sa pang-ibabang labi ko habang patuloy na binabasa ang mga papel na nagpapatunay na tapos na ang ugnayan ko sa mga Vejar.
Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman at this point where i can read that our annulment are now finally fixed. I'm no longer a Vejar. Our ties are now legally separated.
"I'm afraid that your family will get mad at me too for wishing for the both of you to come back together like before." A stunned sound of disappointment. "This past few months, I realized how cruel my grandson was to you, Fayra, and for you to have a good life, I came across your annulment papers."
Napaangat ako ng tingin kay Don Madeo at makailang ulit na tumango sa kaniya.
"I've been waiting for these papers to come, Don Madeo. All I can say right now is that I wholeheartedly appreciate your effort, but I will not do the favor you're asking for. Sana maintindihan mo po." Pormal kong saad.
Napipilan naman ang matanda.
"Hear me out first, Fayra. "I'm not doing this just to be on the side of my grandson, but I want you to do me a favor for the last time because Mateo deserves to see his child even if he didn't know that it was his." There was a trace of begging in his voice.
"He doesn't deserve to see my child, Don Madeo; he ignored it much too readily and without even thinking," and tears well up in my eyes as I recall how he said those words to me at the time. "I'm sorry, but I don't want him to see even a shadow of my child," I murmured, wiping away my tears.
This is far too much. I can't give him a favor, even if he's been too nice to threaten me in the past. He prefers me over his grandchildren, but I'll never forget how my life has altered when I went blind to his surname.
"If that's your final decision, then I'll go now hija. I won't bother you anymore, but just please... Please take a good care of my grandson's child." Don Madeo have me a wide smile. "Mauna na ako at pakisabi na lang kay Morgan na magpakita naman siya sa akin kasama 'yong babaeng naka-print sa punda ng unan niya." Pahabol pa ng Don bago tuluyang naglakad.
Natulala ako sa kawalan ng marealized kung sino ang tinutukoy ni Don Madeo sa punda ni Morgan.
I knew who it was. But I'm not yet sure since I didn't confront or ask Morgan about that thing when I saw him holding a pillow that he doesn't want me to lay down with.
Hinatid ko pa ng tingin si Don Madeo. Nang hindi pa ako nakuntento ay humakbang pa ako palabas at wala sa sariling tinawag siya bago pa man siya makasakay sa kaniyang sasakyan.
"Padadalhan po kita ng litrato sa oras na mailabas ko na si baby. Pangako po." Aniya kong unti unting ngumiti sa kaniya.
"Salamat, hija. Aasahan ko 'yan, paano. Mauna na ako." Kaway niya sa akin at pumasok na sa kaniyang sasakyan.
Napabuntong hininga na lang ako at akmang papasok na nang makita ko naman sa tabi ko si Sébastien. Napahawak ako sa dibdib ko dala nang magkabigla at inis siyang hinampas sa kaniyang braso.
Ngumuso ito sa akin at naghimas ng braso.
"Mapanakit ka talagang buntis ka." Ungot nito sabay alalay sa akin. "Anong sadya ni Don Madeo? Huli no'ng nakababa ako." Pag-iiba naman nito.
"May ibinigay lang sa akin." Payak kong sagot na nagpabago sa reaksyon ng kaniyang mukha.
"Sa akin na lang muna 'yon, Seb. Ang mabuti pa ay tawagan mo na sila Lyden para naman maiayos na namin ng mabuti ang mga gamit. At kayo naman ni Morgan ay sumibat na kapag natapos na kayong mag-impake sa sarili niyang bag." Ngiwi ko at nagpatiuna na.
Bago pa man ako tuluyang makapasok ay natigilan ako. Muli kong hinarap si Sébastien at binigyan siya ng malawak na ngiti.
"Iyong pabango mo, iiwan mo 'yon ah." Taas baba ang kilay kong saad at kagat labing tumalikod. Napapikit na lang ako nang marinig ko na naman ang pag-ungot niya.
"Bago pa 'yon, Fayra!"
...
Btw guys, annulment lang po ang kinahantungan ng marriage nila Fayra and Mateo. Nakalimutan kong ayusin before ko mai-pub, baka magtaka kayo sa biglaang bagong pasok ng annulment keme. Yon lang, thankyou! :)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top