Chapter 26

CHAPTER 26

"Siya nga 'yan. Siya 'yong kasabay ko sa pag-a-apply kina Sir, Gio. Isabella ang pangalan na ipinakilala niya sa 'kin, hindi ko alam ang full name pero mukha talaga siyang pamilyar sa akin. Kanina ko lang rin naisip na siya pala 'yong babae na naka-dress na pula noon sa Palawan." Patangu-tangong saad ko kay Sébastien habang parehas naming tinititigan ang mga litratong inabot sa kaniya ng hindi ko kilalang tao ilang minuto na rin ang nakalilipas mula kanina.

Habang nagmamaneho si Sébastien palayo sa venue ng graduation ni Mira ay ikinuwento niya na sa akin ang lahat. Ngayon lang din daw ibinigay ang tip sa kaniya. No'ng una ay hindi niya pa alam kung bakit dahil matagal niya naman nang ipinatigil ang pag-i-imbestiga dahil baka magalit ito sa kaniya, kaya laking pagtataka niya nang may magbigay ng impormasyon sa kaniya.

Maging sa mga ipinadalang larawan ay nandoon ako. Nakatalikod ngunit halatang halatang ako ang kausap ni Isabella. Maging sa linya ng mga applicant ay may kuha. Napakagaling, samantalang wala naman akong napansin na mayro'n na pa lang imbestigador sa loob ng opisina.

"Anong plano mo ngayon Seb?"

"Hindi ko alam, sa totoo lang. Wala akong maiisip na maaari kong gawin. Masaya ako dahil sa wakas, kaunti na lang ay puwede ko na siyang puntahan. Ngunit andoon pa rin ang takot. Takot na baka ipagtabuyan niya na naman ako katulad na lang noon." Mabigat niyang usal at itinago ang mga larawan.

"Tutulungan kita Seb. Ipapadala naman siya ni Sir, Gio dito. Siguro next week dahil uuwi na rin naman si Sir. Gagawa ako ng paraan para makapag-usap kayo or anything para makatulong ako, Seb." Pagsisiguro ko.

Isang payak na ngiti ang iginawad niya sa akin at mahabang bumuntong hininga. "Don't stress yourself because of this, Fayra. Maybe I can continue pursuing her, kapag nasa maayos ka ng state."

"Kaya ko naman ang sarili ko. And you know, magiging masaya pa ata ako lalo kung makakatulong ako para sa love life mo." Ngising saad ko.

Nilingon ako ni Sébastien at napailing. "I'll think about it. Kapag nandito na siya doon siguro ako gagawa ng paraan."

Wala sa oras akong napapalakpak. Excited sa magiging ganap sa kanilang dalawa at sa magiging tulong na gagawin ko para kay Sébastien. Marami na siyang naitulong sa akin. Gusto ko rin namang bumawi. At kung itong si Isabella ang magiging dahilan, ay handa kong pabanguhin pa lalo ang pangalan niya para sa babae.

Wala akong kaalam alam sa kaniya, pero pakiramdam ko naman ay madali lamang mapakisamahan si Isabella. Base na rin sa kilos at sa pananalita at pati na rin sa ekspresyon niya ay halatang masiyahin siyang tao.

"Siya nga pala Seb. How about our hiring? Bakit wala pa akong copy tungkol sa kaso? It's been what... three months? Halos mag-aapat na buwan na nga. Ang sabi ni Morgan ay two months lang ay makukuha ko na ang kopya."

"Fayra, mahabang proseso ang hinaharap niyo. Kahit pa kakilala ni Mateo ang judge na may hawak sa inyo, susunod pa rin 'yon sa proseso. Ni si Mateo nga ay dininig ang kaso kahit na ayaw niyang humarap sa korte, ikaw lang talaga ang hindi dahil inako niya naman ang mali niya. Your lawyer even did a great job facing him in court, so you just need to chill. Pasasaan din ba't mapapawalang visa na rin naman ang kasal niyo and after that, Fabian ka na ulit."

Natigilan ako sa sinabi ni Sébastien. Fabian na ulit ako sa kaunting panahon, maging ang anak ko ay sa apelyido ng pamilya ko isusunod. Alam kong hindi papayag si Morgan, ngunit ako naman ang ina. Ako pa rin ang masusunod at nasa akin naman ang custody ng anak ko sa paglabas niya.

Kinalaunan ay napagpasyahan namin na bumalik na sa venue ngunit tumawag naman si Morgan at sinabing dumiretso daw kami sa pina-reserved niyang restaurant.

Gano'n nga ang ginawa ni Sébastien. Iniliko niya ang sasakyan upang baybayin ang kabilang daan kung nasaan sila Morgan. Hindi naging matagal ang pag-byahe namin, maya maya lang rin ay ang nakabusangot na mukha ni Mira ang natatanaw ko mula dito sa labas.

Inalalayan ako ni Sébastien habang papasok kami sa loob. Nakapaskil sa aking labi ang ngiti para sa kapatid ko na halos humakot ng sandamakmak na award ngayong graduation niya. Walang mapagsidlan ang kasiyahan ko para sa kaniya.

"Eh kuya, hindi ko naman kailangan niyan. Malaki na po ako, hindi na ako dapat naglalaro ng ganiyan." Ang kaninang mahabang pagkakanguso ni Mira ay mas lalo pang humaba habang tinitigan niya ang hawak hawak ni Morgan na laruan.

Gusto kong mapangiwi, akala ko pa naman ay pinaghandaan niya ang ireregalo niya kay Mira, 'yon pala ay katulad lamang noon na laruan. Ang pinagka-iba lang, gustong gusto ito ni Mira noon kaysa sa ngayon. May punto rin naman kasi siya. Malaki na siya at nagdadalaga na, hindi na bagay kung aatupagin niya pa ang ganiyang mga laruan.

Lumapit ako at sinenyasan si Morgan na tumahimik nang magtama ang aming paningin. Marahan akong yumabag sa likod ng upuan ni Mira upang takpan ang kaniyang mga mata at surpresahin siya sa aking presensya. Halos pigilin kong magsalita nang nasa likuran niya na ako. Mabilis kong inilapit ang aking palad sa kaniyang mga mata na mayroon pa ring pag-iingat na hindi ko siya masaktan.

"E-Eh?!" Tarantang saad ni Mira at napahawak sa aking palad. Kinapa kapa niya ito at at hinakawan pa na animo'y alam niya na kung sino ang kaniyang nasa likod.

Napangiti sila mommy sa akin habang salitan ang ibinibigay nilang sulyap sa amin.

"Wild guess, Mira." Aniya Morgan na umupo na sa tabi ni Lyden.

"Wild guess..." Saad naman ni Mira at bahagya pang huminto. Kumalma rin ang kamay niyang kanina ay kumakapa sa kamay ko. "Should I guess pa ba? I bet I know who's this." Halakhak niya't tinapik ng tatlong beses ang likod ng kamay ko. "Ate Fayra!"

Doon ko siya nakangusong pinakawalan at tumabi na rin agad sa kaniya. "Grabe, hindi man lang ako nangalay sa kinatatayuan ko. Nahulaan mo agad."

Ngumisi ito sa akin at yumakap. "Dapat kasi po hindi mo  ginamit 'yong perfume na bigay ko sa 'yo." Aniya at hiwalay sa akin.

"Kaya naman pala, may hint agad." Singit naman ni Lyden at abot kay Mira ng paper bag na may ribbon pa. "Congratulations, Mira. Gift ko 'to sa 'yo. Huwag kang mag-alala, hindi laruan 'yan." Sarkastikong pahabol ni Lyden sa huli na ikinangiwi ni Morgan.

"Ako rin may gift ako sa 'yo Mira. But after this lunch mo pa makikita kasi nasa bahay niyo na." Aniya Sébastien sa aking tabi.

"Your daddy and I too, anak. Nasa bahay ang gift namin sa 'yo, kaya umpisahan na na'ting kumain dahil maraming naghihintay na regalo sa 'yo sa bahay." Nakangiting saad ni mommy at nagtawag ng waiter.

Nang magbaling siya si Mira sa akin ay kinindatan ko lang siya at alam ko namang nagets niya 'yon dahil pa-simple pa siyang pumalakpak.

Maayos naming naidaos ang celebration para kay Mira. Naunang umalis sila mommy at sumunod naman si Lyden na sinundan din ng sasakyan ni Morgan. Napailing na lang all sa dalawa nang kahit nasa hapag kami at kasama ang aking pamilya ay nagbabangayan sila. Kung hindi magpaparinig si Lyden, mananadya namang mang-asar si Morgan sa kaniya kaya wala sa oras siyang nababatukan.

"Sabi na nga ba at uuwi ka Ate Fayra. Ilang beses akong nagtanong kay nila mommy pero ang sabi nila sa akin ay hindi ka daw makakarating dahil busy ka. Hindi ako naniwala---"

"Hindi ka naniwala pero umiyak ka." Singit ko sa kaniya na ikinalabi niya naman.

Si Sébastien na nasa aking tabi at nakaalalay sa akin ay wala sa sariling natawa. Binalingan siya ni Mira at napanguso nang mapadako ang paningin niya sa braso ni Sébastien na naka-pulupot sa akin. Wala naman sa siyang imik ngunit halata ang pagkadismaya sa kaniyang itsura.

"Ayos ka lang?" Pukaw ko sa kaniya nang maka-alis si Sébastien para kunin lang sa dulo ng parking ang sasakyan.

"Wala na po ba kayo ni Kuya Mateo?"

Natigilan ako sa kaniya. Napalunok ako ng ilang beses. Alam ko naman na alam niya ang nangyari sa pahitan namin. Hindi man ang detalye ngunit alam kong may ideya siya. Bagamat kahit gano'n, alam ko naman kung gaano rin kalapit si Mateo kay Mira. Maging si Mateo rin naman ay gano'n sa kaniya, nitong huli lang talaga pumalpak.

"A-Ayaw niyo na po ba sa kaniya?" May pag-iingat sa tanong niya ngunit isang tipid na ngiti lamang ang iginawad ko at haplos sa kaniyang buhok. "Ate..."

"Mira---"

"Ayaw ko po kay Kuya Seb." Naiiling niya putol sa akin. Nangunot naman ang noo ko nang ma-realized ko kung ano ang gusto niyang ipunto. "Alam ko pong mabait siya, pero... Mas gusto ko pa rin po si Kuya Mateo." Aniya sabay yuko at kalikot sa kaniyang kuko.

Ako naman ay hindi halos makapagsalita dahil hindi ko alam kung paano ko ipapaintindi sa kaniya kung ano ang dapat niyang malaman.

"Mira, ipapaliwanag ko sa 'yo ang sitwasyon namin ha. Pero hindi muna sa ngayon, maliwanag?" Pagsusumamo ko. "Alam kong malapit ka sa kaniya, pero may mga panahon kasi na hindi puwedeng masunod kung sino o ano ang gusto na'tin, kagaya ng sa 'yo."

"Ate, puwede naman po 'yong masunod kung parehas niyong gusto ang isang pangyayari na gusto niyong mangyari para sa inyo, sadyang hindi niyo lang magawa dahil may sumisiksik sa pagitan niyo." Mas lalong humaba ang kaniyang pagkakanguso.

Napatanga ako sa kaniya. "Saan mo ba nakukuha 'yan Mira?" Takang tanong ko.

"Sa kaklase ko po."

Napaismid ako at napailing. Kasabay din no'n ang pagbusina ni Sébastien.

"Kalimutan mo na 'yan Mira. Halika na at marami pang naghihintay na regalo para sa 'yo sa bahay." Aniya ko at mauuna na sanang lumakad ngunit mabilis niya akong hinawakan sa damit.

"Kung aayusin ba niya ang sitwasyon niyo ngayon, babalik ka pa rin ba Ate Fayra?" Nakayuko niyang tanong.

"Mira, ano ba---"

"Paano kung may rason lahat at nalaman mo, handa ka bang.... Handa ka bang maging parte ulit ng nakaraan na gustong baguhin para maging maayos na at tama ang kasalukuyan?"

...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top