Chapter 23

CHAPTER 23

"Wala siyang alam kaya niya nasasabi ang bagay na 'yon. Hindi siya ang nagdusa sa mga panahong halos hagupitin ako nang katotohanan ni Mateo. Hindi siya ang nakasaksi sa kapangahasan ng apo niya. All this time, hindi ko inaakalang mas matindi ang pagnanasa ni Don Madeo para sa amin. Hindi na ako magtataka kung bakit ayaw niya kaming bitiwan. Kailangan niyo ang pamilya ko para sa mas mabilis na pag-unlad ng mga proyekto niyo."

"F-Fayra---"

"Paano niya nalaman na nagdadalang tao ako? Ibinalita mo?" Matiim ang titig na ipinukol ko kay Morgan.

Mabilis siyang umiling. "I did not. Nangako ako sa 'yo, Fayra. Hindi ko magagawang baliin 'yon." Puno ng kaseryosohan niyang saad.

Napahilot ako sa sintido ko. "Ano'ng gagawin ko, Morgan? Kahit pa sabihin ko ang lahat sa lolo mo, mukhang hindi niya ako naiintindihan."

"Mukha ring desidido si lolo sa sinabi niya Fayra. But look, hindi ako papayag doon." Abot niya sa kamay ko at pinisil pisil 'yon. "Sa ngayon all we have to do ay sakyan ang sinasabi ni lolo. Alam ko rin namang hindi niya ipapaalam kay Mateo ang nalalaman niya. As far as I know, hindi hahayaan ni lolo na hindi dumaan sa butas ng karayom si Mateo."

"Wala akong pakialam do'n, Morgan. Ang sa akin lang ay ayaw ko na. Hindi ko na kayang bumalik pa sa pagiging Vejar dahil ngayon pa lang ay alam kong mauulit lang ang nakaraan kung ipipilit niya sa amin ni Mateo ang isa't isa! Do you get me?" Bahagyang tumaas ang boses ko, inagaw ko rin ang kamay ko sa kaniya at napahilamos sa aking mukha.

"Ilalayo kita dito, Fayra. Ngunit hindi ngayon." Saad niya.

"Bakit hindi pa ngayon?"

"Dahil alam kong binabantayan na tayo ng Don. Sa hula ko rin ay mas nauna pa nga ata niyang nalaman na nagdadalang tao ka kaysa sa amin ni Sébastien."

Nangunot naman ang noo ko.

"No'ng unang araw na nakita ko si lolo. No'ng nasa kompanya ka ni Gio. Nalaman niyang nag-a-apply ka, katakot takot n sermon ang natanggap ko sa kaniya dahil bakit daw ako pumayag gayong nagdadalang tao ka. Hindi ako naniwala dahil alam kong maparaan lang itong si lolo, ngunit totoo pala. That's why I went to Gio after after your interview. Na-curious ako sa sinabi ni lolo, and Gio confirmed it to me by giving your medical certificate."

"How come na alam niya? Pinapasundan niya ba ako?" Taka kong tanong. Ngunit ako na rin mismo nag sumagot sa aking sarili. Hindi naman kataka taka kung gagawin niya 'yon lalo na kung dumating ang balita sa kaniya ang nangyayari sa amin sa pagitan ng kaniyang apo.

"Huwag ka nang masyadong mag-isip pa, Fayra. All you have to do is relax and don't mind my grandfather. Ako na ang bahala sa kaniya."

Hindi na ako sumagot. Wala naman na rin akong magagawa gayong hindi rin naman magpapa-awat ang Don Madeo sa kaniyang pasya. Sana nga lang ay huwag niya akong pangunahan ng husto, dahil makalimutan kong kailangan ko siyang galangin.

DUMATING ang araw nang graduation ni Mira. Lahat ata nang pwedeng maramdaman ay nasa akin na. Pinaghalo halo lahat sa loob ko. Kanina lang ay tumawag pa siya sa akin, tinatanong kung makaka-uwi ba daw ako para masaksihan ang pagmamartsa niya. Napagkasunduan naming biruin si Mira, halata sa itsura niyang dismayado siya sa naging sagot ko. Gusto ko mang bawiin ay pinigilan ko ni Morgan. Masisira daw ang plano at surpresa namin kung pangungunahan ko nang damdamin. Sumang-ayon ako at ilang beses na humingi ng tawad sa kaniya.

Kinausap na rin namin sila mommy about sa plano, no'ng una ay katulad ko hindi rin sila sang-ayon dahil baka nakabusangot daw si Mira kapag umakyat sa entablado. 'Yon din ang naisip ko no'ng una, ngunit may sinabi si Morgan sa kaniya na sila lamang ang nakakaalam.

"Sila Manang Celly pala ay nasa bahay niyo na. Bukas ay sabay sabay silang aalis at doon na lang tayo magkikita sa venue ng graduation ni Mira."

"Si Morgan?" Naitanong ko kay Sébastien pagkatapos niyang magsalita.

"Nasa opisina ni Don Madeo, may presentation lang na tinatapos at sa venue na lang din makikipagkita. Tayo naman sa hotel namin. And by the way kailangan mo ring magpa-check up." Taas baba ang kilay na saad ni Sébastien.

Napangiti ako at idinako ang paningin ko sa labas ng sasakyan. Ilang oras rin ang naging byahe namin ni Sébastien mula sa Barcelona hanggang dito sa Pinas. Hindi pa kami sumakatutal nakakapag-pahinga ng maayos, nahihirapan akong humiga o ni gumalaw sa private plane nila kahit pa nga may sariling kama 'yon. Siguro dahil alam kong nagalaw ang sinasakyan ko at sa himpapawid pa. Nakakaumay ang mga senaryong nasa isipan ko kanina kaya siguro nakakadagdag 'yon sa pagiging uncomfortable ko.

"Tawagin mo lang ako if ever na may kailangan ka. 'Yong mga snack mo ay nasa baggage, magpapakuha rin ako ng hilaw na mangga para mangata mo mamaya." Saad ni Sébastien habang ipinapasok ang mga maleta sa loob ng hotel room ko.

Isang room lang ang kinuha niya at para lang sa akin 'yon dahil sa lobby daw siya maglalagi at magpapa-kuha na lang ng room kapag hindi niya na kaya. Napatango na lang ako, alam ko naman na marami pa siyang naiwan na trabaho ngunit pinili niyang samahan ako pa-uwi dahil wala si Morgan.

"Magpahinga ka saglit, tapos maligo ka, mas hot and cold shower sa banyo. Mamaya ay aalis tayo para makapag-pacheck ka."

Umupo ako sa dulo ng kama at pinanood si Sébastien na kumuha ng kaniyang mga damit. Naningkit ang mata ko nang makita ang cologne niya.

"Pahingi niyang pabango mo." Wala sa sariling saad ko.

Natigilan ito at taka akong pinag-masdan.

"Bakit?" Aniya sabay tayo at lahad sa akin ng pabango niya. Binuksan ko iyon at ini-spray sa kama at pagkatapos ay binalik sa kaniya.

"Gusto ko 'tong amoy." Ngiti ko sa kaniya.

Sumilay ang nakakalokong ngisi sa labi ni Sébastien. Ako naman ay napanguso dahil tiyak na ipu-punto niya na naman sa akin ang paglilihi ko.

"Dapat na ba kitang pakasalan niyan? Ako na nag-aalaga sa 'yo, ako pa pinaglilihian mo. Aba'y sagad sagarin na na'tin!"

Napangiwi ako. Sabi na eh, tama talaga ako. Hindi ko naman itinatanggi 'yon. Si Sébastien talaga ang isa sa mga pinaglilihian ko. Hindi ko alam kung bakit, ang sabi naman ni mommy sa akin ay hindi ko naman mapipigilan 'yon.

"Joke lang, woman. Alam ko namang hindi ka papayag kasi hindi naman ako ang daddy ni baby." Ngisi pa niya.

Inirapan ko siya at kumuha ng unan para mabato sa kaniya. Ngunit nasalo niya 'yon at pabagsak na nahiga sa kama habang ang mga mata'y nakapako sa akin.

"Pero kung gusto mo, pwede ko namang akuin 'yan, Fayra. Sabihin mo lang, handa naman akong magpaka-tatay."

Hindi na bago sa akin ang mga patutsada niyang ito. Halos inaraw-araw niya na nga akong sinasbaihan nito sa Barcelona. Naririnig 'yon ni Morgan at napapailing na lang ito sa kaniya, minsan pa ay nababatukan siya nito na ikinahahalakhak niya lang.

"Ang dami mong alam, Seb. Baka pag-pinatulan ko 'yan ikaw pa umayaw." Biro ko at ayon na naman ang halakhak niya. Natigil din siya at ini-unan ang braso niya.

"Tayo na lang, gusto mo?"

"Ano bang nakain mo at laging ganiyan ang tanong mo sa akin? Nasisiraan ka na ba? O tinamaan ka sa 'kin?" Natatawang tanong ko. Nagkibit balikat naman siya.

"Hindi ka naman mahirap mahalin, Fayra. Lalakad ka pa nga lang ay puwede nang umikot ang mundo ko sa 'yo." Kindat niya.

"Ayos sa banat, Seb. Niloloko mo na naman ako ah."

"Sino nagsabing niloloko kita? Wala naman sa dugo namin 'yon eh. You know, pinalaki ako ni dad na huwag magpapa-iyak ng babae kung ayaw kong dumating ang karma ko. Takot ako sa karma at lalong takot ako na makitang may umiiyak nang dahil sa akin." Biglang seryosong sambit niya.

Nakatitig lamang ako sa kaniya habang prino-proseso ang kaniyang sinabi. Ma-swerte pa sa mananalo sa lotto ang babaeng iibigin ni Sébastien. Kung kaya ko lang ibaling sa kaniya ang nararamdaman ko, baka... Baka ako ang ma-swerte ngayon.

"Ano ayaw mo pa rin? Kilala mo naman ako. Kilala ka rin ng mga magulang ko at ako rin naman kilala ng pamilya mo, kaso..." Bumangon siya at bagsak ang balikat na tumingin sa akin. "Hindi sila pabor sa akin."

Napangisi ako. "Paano papabor sa 'yo kung may hinihintay ka, sige nga?" Mahinang hampas ko sa kaniya.

"Gusto mo huwag ko nang hintayin?"

"Bigwas gusto mo?"

Sandali siyang natigilan muli na namang ibinagsak ang sarili niya sa kama. Nakatingin na siya sa kesame at ako naman ay gjnaya rin siya.

"Do you find her, Seb? Ang sabi mo sa akin ay ginawa niya lang 'yon dahil inaalala niya ang reputasyon mo. Ibig sabihin hindi siya totoong ikinasal."

"Ayw niyang magpakita, Fayra. Gusto ko man siyang ipahanap ay hindi ko magawa dahil alam kong kasusuklaman niya lang ako kapag-nalaman niya. Ang hirap mag-hintay---"

"Pero 'yon pa rin ang ginagawa mo." Putol ko sa kaniya. Ramdam ko ang titig niya sa akin. "Ginagawa mo kasi mahal mo, Seb. Kahit nahihirapan ka basta mahal mo, gagawin mo. Normal 'yan."

Mahina siyang tumawa. "Normal talaga, napagdaanan mo na eh."

Hindi ko alam kung dapat ko ba siyang bigwasan ngayon o iipunin ko muna para naman mas malakas na bigwas ang maramdaman niya sa akin. Napailing na lang ako at maya maya ay katahimikan ang lumukob sa amin. Nang tingnan ko si Seb ay napanguso na lang ako nang makitang tulog na ito. Bumangon ako at kumuha ng damit sa maleta ko. Sandali lang akong naligo at nag-ayos sa aking sarili.

Pagkatapos ay nag-iwan ako ng sticky notes sa pintuan para naman alam ni Sébastien kung nasaan ako.

Hindi naman ako makakatulog, para kasing may hinahanap ang tiyan ko. Gusto kong kumain. Parang gutom si baby kahit kakakain ko lang kanina.

Sandali ko pang tinitigan si Sébastien at nang makampante ako ay lumabas na ako ng room. Pagkababa ko sa lobby ay ilang mga trabahante ang binati ako at tinanong kung saan ako pupunta. Sinabi ko naman na kakain lang ako sa labas. In-assist nila ako sa sasakyan ni Sébastien kung saan andoon din ang driver niya. Nagpahatid lang ako sa mall.

Hindi ko alam kung saan ako pupunta ngunit nagawi ang paningin ko sa isang baby section na mga gamit. Ramdam ko ang pagsilay ng ngiti sa aking labi. Walang ano-ano'y pumasok ako doon. Hindi ko pa alam ang gender ni baby, gusto ko kasi na-surprise kaya ngayon tuloy ay hindi ko alam ang kukunin kung gamit although malayo pa naman ang due date ko.

Habang natingin tingin ako ng mga gamit ay  nag-vibrate ang phone ko. Nang silipin ko ang pangalan ay si Sir, Gio pala.

Sinagot ko 'yon. Sa kaniya na ako nagtratrabaho. Ilang araw pa lang ay tumawag na siya sa akin para sabihing tanggap daw ako at ang iba pa na nasa kompanya ng mga kaibigan niya. Kaso ang ipinagtataka ko ay hindi pa rin ako nag-uumpisa ngayon.

"Bakit hindi na lang ngayon Sir? Andito naman na ho ako sa Pinas." Nakangusong sagot ko nang sabihin niyang sa susunod na linggo pa daw ako magtratrabaho at dito ako naka-assign sa Pilipinas tutal ay baka matagalan daw ako dito dahil may mga inaasikaso si Morgan.

"Sa susunod na linggo pa ang uwi ko. Wala kang gagawin doon dahil nandito naman sa akin ang mga trabaho ko. Just relax for the meantime and I'll call you once i land there."

Nagtagal pa ang usapan namin at sa huli ay sumang-ayon na lang din ako. Mas maigi rin 'to dahil mag-a-adjust pa ako sa sitwasyon ko. Hindi naman gano'n kalaki ang baby bump ko, ang sabi ng OB ko sa Barcelona ay baka gano'n daw talaga ako magbuntis, kaya hindi rin halata kabilang na lang kung sasabihin kong buntis ako.

Pagkatapos niyang putulin ang tawag ay  nag-text muna ako kay Sébastien, baka gising na rin kasi siya.

Nagdiretso ako sa pagtitingin nang manlaki ang mata ko nang may biglang humigit sa braso ko. Hindi 'yon gaanong malakas ngunit mabilis na nangunot ang noo ko.

"You're back,"

...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top