Chapter 07

CHAPTER 07

"Fayra! Open this fucking door! Fayra!"

Bumalikwas ako sa pagkakatihaya ko nang marinig ang sunod sunod na malakas na pagkatok mula sa labas ng kwarto ko. Galit na galit ang bawat tunog na ibinibigay ng lakas ni Mateo sa pinto ko. Napalabi ako sa isipang nasa akin man ang susi ng silid ko ay alam kong makakagawa pa rin siya nang paraan para makapasok at tuluyan akong makompronta.

Kinuha ko ang phone ko at dali daling nagpadala ng mensahe kay Sister Arlet na huwag na munang ihatid si Mira dito sa bahay. Ayaw kong masaksihan niya ang pagsigaw at ang galit ni Mateo. Itinabi ko kalaunan ang aking phone at ilang beses na bumuntong hininga habang nakatunghay sa pinto ko na para bang nakikita ko doon ang asawa kong nagrurumagudo na sa kaniyang galit.

Galit dahil isinama ni Don Madeo ang mahal niyang si Rose dahil sa aking sinabi. Pagkainis at labis na pagkaselos ang nag-udlot sa akin upang gawin 'yon sa kanila. Kailangan kong gawin 'yon dahil asawa ako at kabit lang naman siya. Kung ako kay Mateo ay magpapaalamat na lang ako. Ayaw niyo ba no'n, hindi na kami magkakalapit ni Rose. Hindi ko na rin siya masasabunutan just incase na umabot sa puntong hindi ko na naman magustuhan ang inaasal niya.

Sadyang naka-ayon lang sa akin ang panahon ngayon, hindi pa man nagtatagal ang pag-apak niya dito sa bahay ay agad ko naman siyang napaalis sa tulong na din ni Don Madeo.

"Mateo, hijo. Pahupain mo muna ang iyong galit, hindi makakabuti sa inyong dalawa kung galit ka't galit din si Fayra." Dinig kong pangangaral ni Manang Celly.

Nahinto ang ilang pagkatok.

"Wala akong pakialam Manang Celly. Kasalanan ng babaeng 'yan kung bakit wala na si Rose ngayon sa bahay na ito. Ilang pangungumbinsi ang ginawa ko kay Morgan para lamang masolo ko si Rose, pero dahil sa lintik na babaeng 'yan, nasira na ang mga plano ko! Ang mga plano namin ni Rose!" Galit na wika niya.

Napalunok ako. Ramdam na ramdam ko ang galit ni Mateo. Kung may ibabagsik pa ang aura niya kanina habang nagpapaalam sila Don Madeo sa amin ay talagang kailangan ko na sigurong isalba ang sarili ko.

Napailing ako. Kaya nga ba akong saktan ni Mateo dahil lamang sa isang babae?

"Open this fucking door, Fayra, before I'll do it. Kamumuhian mo talaga ako ng labis kapag hindi mo 'to binuksan!"

Muli akong humiga at nagsalpak ng earphone sa aking magkabilang tainga. Itinudo ko ang volume para hindi ko siya marinig at para na rin maibsan ang kabang unti unting binubuhay ni Mateo sa aking sistema.

Pumikit ako habang kinakalikot ang aking mga daliri. Kahit may tugtuging nakapaslak sa akin ay buhay pa rin ang isipan ko sa senaryo ni Mateo sa labas. Ramdam ko ang pagtulo ng aking mainit na luha, halos kapusin na rin ako sa paghinga dahil sa pagkakaiyak. Kung may sakit lamang ako sa puso, siguro ay matagal na akong nalagutan ng hininga dahil sa asawa ko. Pero sa sitwasyon ko ngayon, daig ko pa siguro ay mga mga sakit sa puso, ilang beses nang nasaksak ang puso ko, pakiramdam ko ay gutay gutay na ito't hindi na kayang mabuo pang muli.

Ginutay gutay nilang dalawa. Bakit ganito gumanti ang tadhana? Bakit rin ako ginagantihan kung sa una pa lamang ay wala namang pinanghahawakan si Rose sa asawa ko? Kabilang na lamang sa manliligaw niya ito't hindi naman niya sinagot. Bago kami ikasal ni Mateo ay may nobyo na siya na hindi Vejar. Tapos ngayon, ang kapal ng mukha niya, nila, na ganituhin ako.

"H-Hijo! Baka matamaan mo si Fayra sa loob!"

Napamulat ako nang saktong pagkahinto ng tugtugin ay ang pagsigaw ni Manang Celly. Ilang beses akong napakurap at napakahalukipkip sa aking sarili nang makarinig ng ingay mula sa bala ng baril. Napalunok ako at ipinako ang aking paningin sa doorknob na unti unti nang lumalaylay.

"Huwag ka nang mangialam manang. Away mag-asawa ito, kaya't labas kayo dito---"

"Mateo! Nahihibang ka na ba?! Paano kung magdilim ang iyong paningin at matutok mo ang baril na 'yan kay Fayra?!"

Ilang beses akong napakurap sa narinig. Baril. Tanda kong nag-aral si Mateo nang paggamit no'n. Lisensiyado din ang hawak niya at isa rin ang side business niya sa ganitong uri ng mga negosyo. Makailang ulit akong napalunok at napasandal sa headboard ng kama ko at hinihintay ang sagot ni Mateo kay Manang Celly.

"Hindi ako mamatay tao manang. Kahit galit ako sa kaniya ay hinding hindi ko magagawang magamitan siya ng ganitong dahas. Hindi pa ako baliw, pero isang pagkakamali pa ni Fayra, tuluyan na akong masisiraan."

Kasabay nang pagsagot niya kay manang ay ang tuluyang pagkasira ng doorknob ko. Bumilang ako hanggang tatlo at kasabay rin no'n ang tuluyang pagbukas ng pinto ko't iniluwa ang nagpupuyos sa galit na si Mateo. Kaagad siyang dumiretso sa aking gawi, ako naman ay hindi pinutol ang aking paningin ka kaniya hanggang sa daklutin niya ang aking braso upang makatayo ako.

"B-Bakit?" Gigil niyang tanong.

Ngumiwi ako sa sakit na natatanggap ko sa pagkakapisil niya sa akin.

"Why did you do that, ha?! Ayaw mo ba talaga akong makitang masaya kahit ngayon lang Fayra, ha?!" Nangingilid ang luhang dagdag niya.

Nagtiim bagang ako. "Kung dahil sa kaniyang ang ngiting isinusukbit mo sa iyong labi, ay ayaw ko Mateo. Hanggat si Rose ang dahilan ng iyong ngiti, ay hindi ako papayag na maging masaya ka." Lakas loob kong sagot.

Natigilan ito. Ang galit niyang ekspresyon ay mas lalong nag-alab.

"Nagagalit ka dahil dinala ni lolo si Rose? Bakit hindi mo sundan doon at doon kayo magtukaan, Mateo. Bakit hindi doon at bakit lagi na lang dito sa bahay kung saan nandito rin ako na asawa mo ha?! Hindi ko alam kung nanadya ka ba para pasakitan ako, pero ito lang ang tandaan mo," bahagya akong lumapit sa kaniya. "Kahit anong pagtataboy ang gawin mo sa akin, kahit anong sakit ang pinipilit mong maiparamdam sa akin ay hinding hindi ako aalis bilang asawa mo, hindi kayo magiging masaya hanggat dala dala ko pa rin ang apelyido mo!" Usal ko.

"Ano bang  gusto mo Fayra? Ano bang gusto mo para malubayan mo na kami." Payak niyang tanong.

Pilit akong natawa. "Ikaw ang gusto ko, Mateo. Ang buo mong atensyon at ang sistema mo. 'Yon ang gusto ko, kaya mo bang ibigay 'yon?"

Napailing siya't binitiwan ako. "Hinding hindi mo ako makukuha, Fayra. Hinding hindi." Pagdidiin niya.

Napaupo ako sa kama at tinunghayan siya.

"Anong bang mayroon ang Rose na 'yon nang wala ako? Bakit ba gano'n ka na lamang kabaliw sa kaniya na handa kang makagawa ng kasalanan, Mateo. Sabihin mo nga, bakit ba hindi mo mabaling sa akin ang atensyon mo ha?"

"Dahil hindi ikaw si Rose. Si Rose na noon ko pa hinahangad ngunit dahil sa lintik mong pagpayag sa kasal ay naudlot ang plano kong siya ang pakasalan."

Napangiti ako at matalim siyang tinitigan.

"Hindi lang ako ang pumayag sa kasal na ito Mateo. Maaari kang umatras ano mang oras sa altar noon ngunit pinili mong makipagpalitan ng I do sa akin, ngayon, bakit ako lamang ang sinisisi mo? Hindi ba't dapat maging ang sarili mo ay damay dito?"

Natigilan siya.

"Sakim ka kasi, Mateo. Hangad mo ang mana mo na nakaligtaan mong pagpinasok mo ang relasyong ito ay mahihirapan kang gawin ang mga ninanais mo. Suman-ayon ako sa kasal dahil pabor na pabor ito sa akin dahil mahal kita, kahit pa nga malinaw na magiging miserable ako sa 'yo ay kita mong nandito ako ngayon."

"Parehas lamang tayong sakim, Fayra."

"Hindi Mateo, hindi ako sakim kagaya niyo. Magkaiba tayo, kahit kailan ay hindi tayo nagkakapareho." Ganti ko.

Nagtitigan kami bago ito napahilamos sa kaniyang mukha at pinagsisipa ang mga kabinet ko. Naitakip ko ang palad ko sa aking magkabilang tainga at sinisikap na hindi maluha.

"Ahh!" Galit niyang pagsigaw at lapit sa akin.

Hawak ang aking panga ay matalim niya akong tinitigan.

"Kinasusuklaman talaga kita, Fayra. Hanggang sa huling hininga ko ay kasusuklaman kita!"

"Mahal kita Mateo, mahal na mahal kita." Pagsusukli ko sa kaniyang iwinika. Wala akong pakialam sa kaniyang sinasabi. Basta't gusto kong marinig niyang mahal ko siya.

"Hinding hindi ko susuklian 'yan, Fayra. Para lamang ako kay Rose at si Rose ay para lang sa akin."

"Subukan mo naman ako, M-Mateo." Piyok kong saad. Nagsalubong ang kilay nito. "Subukan mong mahalin ako, kung ayaw talaga at hindi mo kaya, tsaka pa lamang ako susuko. Subukan mo ako."

Sunod sunod siyang napailing at mas lalong humigpit ang pagkakahawak sa panga ko. Tumindi ang sakit no'n ngunit hindi na ako nag-abalang makiramdam pa. Malikot ang kaniyang nanlalaking mga mata habang nakatitig sa akin.

Luha ang gustong kumawala sa bawat segundong napatak para sa aming eksena ngayon.

"Listen to me, Fayra. Malabo. Malabong masubukan kita, kahit ikaw na lamang ang babaeng natitira sa mundo ay mas gugustuhin ko na lamang magpakamatay kaysa ang mahalin ka."

Hindi ako umimik, nalaglag ang balikat ko't kasabay ang malakas na pagtulak ni Mateo sa akin. I was now facing the ceiling of my room. My tears finally fell down again. I can't breathe normally. My heart beats so fast that I don't even know how to calm it in an instant.

"Marunong rin naman akong umungol, Mateo." Wala sa sariling bukambibig ko habang ang paningin ay nasa kisame pa rin.

"What the fuck!" Gilalas nito.

Mas lalong nanubig ang aking mga mata. Humugot ako ng malalim na buntong hininga at ipinilig ang ulo ko upang maaninag siya.

Salubong ang makakapal niyang kilay. Lukot ang noo at nanlalaki ang mga matang hindi makapaniwalang nakatitig sa akin. Bumangon ako.

"Kaya ko rin namang makipagsabayan sa 'yo sa kama. Alam ko rin that I can do better than Rose, Mateo, kung anong gusto mong posisyon ay susundin ko---"

"Stop!" Pigil nito sa akin. "Nakakadiri ka." He hissed.

Lumamlam ang mga mata ko, pinilit kong itayo ang sarili ko at ilang ulit lumunok habang nakatitig ako sa kaniya. Kung ito lang ang paraan para mabaling ang atensyon niya sa akin, handa akong papelan ang isang bagay na dapat noon ko pa ginawa. Tutal ay masahol pa naman sa malandi ang tingin niya sa akin, kaya't papatulan ko na 'yon.

"What the fuck are you doing?" Lapit nito't kinuha ang comforter ko at mabilis na ibinalot sa aking katawan.

Hindi ko pa man tuluyang nahuhubad ang pang-itaas ko ay kaagad niya na akong naagapan. Naiwan sa kaninang puwesto niya ang aking paningin. Ang mga kamay ko ay kapwa nasa strap ng aking magkabilang balikat at naiipit dahil sa pagkakatakip niya sa akin.

"Don't do this shit, Fayra. Wala ka na ba talagang natitirang hiya para sa sarili mo?!"

Natawa ako. "Kailangan ko pa ba ng hiya na 'yon, Mateo? Kailangan pa ba 'yon? Kayo ngang dalawa ni Rose ay wala nang kahihiyan---"

"Don't try me, Fayra. Kahit ibalandra mo ang katawan mo sa akin ay hindi pa rin kita papatulan. Hinding hindi ako makikipagtalik sa 'yo."

"Bakit, Mateo? Asawa mo naman ako, may karapatan ako sa katawan mo higit na kay Rose!" Natatawang sigaw ko at itinulak siya, ngunit sayang matibay ang pagkakatindig niya sa kaniyang sarili.

"Never, Fayra. Hindi ako papayag na mangyari ang isang bagay na alam kong pagsisisihan ko sa huli. Hindi tayo mag-iisa dahil ginagawa ko lamang 'yon sa babaeng mahal ko. At si Rose 'yon, naintindihan mo ba? Si Rose. Si Rose ang mahal ko!"

Isang malakas na sampal ang sunod na ipinadama ko kay Mateo. Napaawang ang labi nito habang nakagilid ang mukha sa akin. Hawak niya pa rin ang compartment ko habang ang isang kamay ay inihihimas niya sa pisnging dinapuan ng aking palad.

"Huwag mo akong subukan, Mateo. Isa pang pagpapamukha mo sa 'kin na si Rose ang mahal mo, igigisa ko kayo sa sarili niyong mantika." Pagbabanta ko at nagpumiglas sa kaniya. Napabitaw din ito sa akin, kapwa kami nagtititigan ngunit hindi siya kumikibo.

Napaupo ako sa sahig at doon itinutok ang aking paningin. Hinalukipkip ko ang aking tuhod palapit sa akin nang tuluyan akong makawala sa compartment, pinalibot ko ang aking dalawang braso sa tuhod ko.
This is excessive. Too much anguish for me to bear, and far too much clowning for his own good. I had even become blind to his shady behavior toward our marriage, para lang maging masaya siya't ipinadurusa ko naman.

My face was dry, but he was still standing there, and I could feel his gaze on me. I don't want to be pitied by anyone anymore. I don't want them to look at me and think to themselves how pitiful I am. I am a Fabian. Nobody should feel sorry for me.

I could hear the weariness in my own voice as I said, "G-Get out of my room. I-I don't want to see your face." I kept my eyes on the floor, not wanting to see his face and his eyes that couldn't stare at me way they looked at Rose.

Manang Celly asked him about the gun as soon as he walked by. He just said he put it on my vanity, and nothing happened except that we fought again.

Hindi na ako nag-abalang tumayo to lock my door. Wala na akong lakas. Lahat na naubos. Nakakapagod. Nakakapagod makipagsisiksikan kahit ikaw ang may karapatan. Manang Cells was right, hindi tadhana ang kalaban ko dito, kung hindi si Mateo mismo. Ang nararamdaman niya. He made this decision a long time ago. He was in charge of himself, and no one could stop him... except from one person who knows how to handle him and knock him down.

...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top