Chapter 06

CHAPTER 06

"Hindi ko nga akalaing makikita ko ang ngiti sa labi ng batang 'yan, kung hindi dahil sa 'yo baka hanggang ngayon ay nangangapa pa rin sa nakaraan niya si Mira."

Isang magiliw na pagkakangiti ang iginawad ko kay Sister Arlet. Tuwa at labis na kasabikan kay Mira ang isinalubong niya sa amin kanina sa bakuna pa lamang ng bahay ampunan. Agad niyang iginaya si Mira sa mga bata na nakasama nito noon na magpahanggang ngayon ay wala pa ring pamilyang gusto silang kupkupin.

"Ako rin naman po, Sister Arlet. Kung hindi dahil kay Mira ay baka nangungulila pa rin ako na magkaroon ng nakababatang kapatid, maging sila mommy ay gano'n din ang nararamdaman. Laking pasasalamat ko na lang po talaga at hinayaan niyo kaming alagaan si Mira."

Inabot ni sister ang kamay ko't mahina iyong pinisil. Muli akong napangiti kay Sister Arlet at sinuyod ng tingin ang bagong ayos na bahay ampunan. Kung noon ay halos lilingunin mo lang ang buong pasilyo ay makikita mo na lahat ng bata, ngunit ngayon, napakalaki na nito, kailangan mo pang imikot sa nakaharang na pader para makita ang kabuuan nila. Mas lumawak ang aking pagkakangiti nang mapadako ang paningin ko kay Mira na nahihiya pa rin sa mga kaedaran niya't kasabayang nagkamuwang dito. Panay ang pangungulit nila dito ngunit wala naman silang makuhang sagot kung hindi ang tanging pagtango nito't pag-iling.

Nang maglandas ang paningin niya sa akin ay tinanguan ko siya. Tumango ito pabalik at nakangiti nang ibinubuka ang kaniyang bibig.

"Mahiyain pa rin siya." Ani ni Sister Arlet.

"Ngayon lang po 'yan, sa susunod kung masasanay siya ay siya na mismo ang mangungulit sa kanila." Saad ko.

Sandali kaming nagka-kwentuhan ni sister bago siya nagpaalam na paghahandaan muna ang mga bata at tutulong para sa pananghalian ng mga ito. Nag-presinta pa ako ngunit mabilis akong tinutulan ni sister. Wala na akong nagawa kung hindi ang tanging maghintay na lamang at panoorin sila Mira.

"Karga."

Napukaw ang atensyon ko nang may kumalabit sa aking bata. Nang pasadahan ko ito ng tingin ay nakamasid ito sa akin at nakataas ang dalawang kamay.

"Karga po." Pag-uulit nito't napangiti ako.

Inilapag ko muna ang bag ko at inabot ang bata. Ikinalong ko siya sa kandungan ko.

"Anong name mo?" Magiliw kong tanong.

Ngumuso ito at ibinuka ang kaniyang bibig. "Cheche." Tipid nitong sagot sabay ini-ugoy-ugoy ang paa niya, habang ang mga mata'y nasa akin pa rin nakapako.

"Ilang taon ka na, Cheche?" Tanong ko ulit. Nagtaas ito ng limang daliri at inilapit ng kaunti sa akin.

"Five po." Sabay ngisi nito na kita ang bungi bungin niyang ipin sa ibaba ng kaniyang gilagid. Natawa ako.

"Nagugutom ka na ba, Cheche?"

"Medyo po," anito sabay himas sa tiyan niya, magtatanong pa sana ulit ako nang malakas na tinawag ni sister ang mga bata para sa kanilang pananghalian.

"Oh, ayan na pala, Cheche. Eat ka muna tapos balik ka sa akin ha?"

"Opo." Ngiti nito sabay baba sa akin. Sinundan ko ito ng tingin hanggang si Sister Arlet na ang sumalubong sa akin.

"Kakain muna sila Fayra, pagkatapos ay kailangan nilang matulog. Makakapaghintay pa ba kayo?"

Sandali akong napatitig kay Sister Arlet, sasagot na sana ako nang makaramdam naman ako ng pag-vibrate ng aking phone.

"Excuse po muna, sister." Paalam ko't sinagot ang tawag. Hindi ko na nakita kung sino pa ang caller, basta't inislide ko na lamang sa received.

"Where are you?"

Nangunot ang noo ko't inalayo ang phone sa akin, doon ko nabasa ang pangalan ni Mateo.

"Somewhere you don't know, why?" Sarkastiko kong sagot dahil nabuhay ang inis ko sa kaniya.

"Don't shit me, Fayra. Where the hell are you?!"

Nailayo ko ang phone sa akin sa lakas nang pagkakasigaw nito, napalabi ako at huminga ng malalim. Ang bilis niyang mapikon at ang lakas ng loob niyang sigawan ako, samantalanag akong pikang pika na sa kanila ay hindi ko man lang sila magawang masigawan kabilang na lang kung hindi ko na mapigil ang sarili ko. Sinabi ko kung nasaan ako at gano'n na lamang ang pagtataka ko nang sabihin niyang hintayin ko daw siya dito.

Hindi na ako nakapagtanong nang kusa niya ibinaba ang kabilang linya. Pagtataka ang namutawi sa aking kaibuturan habang nabalik sa puwesto ko kanina.

"Sister mukhang hindi na kami magtatagal, mamaya ho ay dadating dito ang asawa ko. Babawi na lang po kami ni Mira sa susunod."

"Ikaw ang bahala, Fayra. Basta't laging bukas ang bahay na ito para sa inyo at lalo na sa 'yo, kung may balak kang takasan o may balak na magpahinga muna sa sitwasyon mo, huwag kang magdalawang isip na pumunta dito."

Natigilan ako kay Sister Arlet. Pilit akong ngumisi sa kaniya. "Sister---"

"Nagsabi sa akin si Mira kanina. Huwag kang mag-alala at hindi ko naman ipagsasabi. Ngunit Fayra, sana ay huwag mong uubusin ang iyong sarili sa gano'ng tao, marami pa namang mas deserving sa 'yo, ngunit kung siya ang itinitibok nito," duro niya sa aking dibdib kung saan nakasentro ang aking puso. "matuto kang magpahinga. At sa susunod na muling lumaban pa."

Nangilid ang luha sa aking mga mata. "Hindi naman po gano'n kadaling magpahinga, sister. Kasi kung gagawin ko 'yon ngayon at iintindihin ang sarili ko, ako ang tuluyang mawawalan."

Iling ang isinagot ni Sister Arlet sa akin at nagsign of the cross kasabay nang paghawak niya sa aking magkabilang palad at pumikit. Napayuko ako nang mag-umpisang magdasal si sister. Taimtim ko ring sinasabayan ng panalangin ang kaniyang dinadasal, na kahit papaanoy nakakapagpaluwag sa aking dibdib.

"Kaawaan ka nawa ng puong maykapal, Fayra. Kay buti buti mo, huwag ka sana niyang pabayaan sa iyong nararanasan. May awa siya Fayra, may awa siya, manalig ka." Yakap niya't napatango ako.

"Lagi naman po, sister. Lagi naman po akong tumatakbo sa kaniya, at hanggang ngayon ay naghihintay pa rin ako na ako naman sana ang kaniyang dinggin."

Wala na akong ibang laging dasal kung hindi ang ikakabuti ng relasyon namin ng asawa ko. Sabi nila, kung nakasentro ang panginoon sa kasal ay titibay ito. Kahit naman ako lamang ang mag-isang ipinagdarasal ang aming kasal ay siguro effective pa rin 'yon basta't bukal sa puso, hindi ba?

Hindi ako kailanman nawawalan ng pag-asa na ako naman ang diringgin ng panginoon. Hindi ako hihintong manalangin at tawagin siya hangga't hindi kami nagiging ayos ni Mateo.

"Ayaw ko pang umuwi, gusto ko pang manatili kahit saglit para makapag-paalam naman ako sa mga bata."

Napahilamos sa kaniyang mukha si Mateo at pagbagsak na naupo sa tabi ko. Kanina pa kami iniwan ni sister simula nang makapasok si Mateo ilang minuto pa lang ang nakalilipas.

"Nasa bahay ang lolo ko, Fayra. Ano, paghihintayin na'tin siya doon?!" Asik nito sabay hapit sa braso ko.

Pinanlisikan ko siya ng tingin at malakas na ikinalas ang braso ko sa kaniya. Hinimas himas ko pa ang parteng hinigpitan niya ng kapit dahil masakit iyon at pakiramdam ko ay mamasa na naman ito mamaya.

"Edi tawagan mo tapos sabihin mong may importante pa akong ginagawa dito kaya mamaya pa tayo makaka-uwi, for sure naman, kakagatin 'yon ng lolo mo." Pabalang kong saad.

Kitang kita ko ang nagbabagang tingin niya sa akin, umigting ang panga nito't nagsalubong na ang mga kilay tanda na galit na ito't unting salungat ko pa'y sasabog na siya.

Napairap ako sa kawalan at akmang tatayo para malubayan siya ngunit pabagsak ako nitong pinigilan. Napabalik ako sa kinauupuan ko't sumalubong ang pagpupuyos ni Mateo. Napatingin ako sa paligid, natatakot na baka may makakita sa kaniyang ginagawa, ngunit walang katao-tao sa aming puwesto. Ibinalik ko ang tingin kay Mateo at napahalukipkip ako nang hawakan niya ang pagkabila kong pisngi't inilapit ang sarili sa akin.

"Whether you like it or not, you'll follow me, Fayra. Uuwi tayo ngayon mismo at haharapin mo si lolo."

"B-Bakit ako? Bakit ba kasi nagmamadali kang makauwi? Dapat hindi ka na pumunta pa dito kung ikaw naman pala ang masusunod!" Asik kong muli.

Napapikit ito at pinakawalan ako. Tumayo siya kinalaunan at malakas na sinipa ang mesang nasa aming harapan. Nanlaki ang aking mga mata at agad na napatayo.

"Nahihibang ka na ba?!" Hila ko sa kaniya palabas ng ampunan. "Are you crazy, Mateo, huh?! Nasisiraan ka na ba---"

"Talagang masisiraan na ako, Fayra kapag hindi pa tayo umuwi ngayon mismo! Kailangan mong kausapin ang lolo ko at pagkatapos no'n hindi na kita kukulitin pa!" Namumula niyang sigaw.

"Bakit ba kasi ha? Bakit ba nagmamadali ka?!" Sigaw ko na rin dahil nakaka-inis na.

Napatalikod ito sabay suklay sa kaniyang buhok. Nang muli siyang humarap ay malalim niya akong tiningnan.

"Gusto ni lolo na paalisin ko si Rose sa bahay---"

"Edi sundin mo, anong problema do'n?"

"Putangina naman Fayra. Putangina naman!" Talagang malakas niya nang sigaw. Ang mga litid niya sa leeg ay naglalabasan na't napaigik ako nang hawakan ako nito sa magkabila kong balikat at malakas na isinandal sa may pader. Napaiktad ako nang tumama ang likod ko sa magaspang na semento.

"Ginagalit mo ba talaga ako Fayra? Talaga bang sinasagad mo ang pasensiya ko, ha?" Mahinang tanong niya ngunit ramdam ang kakaibang galit.

Bumagsak ng tuluyan ang aking mga luha. Nakatitig ako sa mga mata ni Mateo na galit at hindi kakikitaan ng awa sa akin. Madilim man nang bahagya sa aming puwesto ay naaninag ko pa rin ang nakakaawa kong repleksyon sa mga mga mata niya. Napangisi ako nang wala sa oras at pinilit na makahawak sa kaniyang braso. Kumapit ako doon at bahagyang hinimas ang kaniyang balat.

"How I wish God would let me be Rose, even for just one day, Mateo," I sadly uttered between my tears. "How I wish God would let me be her. Tingin ko kung pahihintulutan niya ang kahilingan ko, makukuntento na ako't magiging masaya na lang kahit na alam kong ang pagmamahal na madadama ko sa 'yo ay para lamang kay Rose."

Napayuko ako kasabay nang unti-unting pagluwang nang kaniyang hawak sa akin. Tuluyan akong bumagsak sa damuhan at humagulgol sa kaniyang harapan.

"B-Bakit ba ganiyan ka? Manhid ka ba talaga para sa akin, M-Mateo? Talaga bang ginagawa mo akong tanga sa mismong sarili ko, ha?"

Wala akong narinig na sagot mula sa kaniya, nagtaas ako ng tingin at kitang kita kong nakatunghay lamang siya sa akin, galit pa rin ang ekspresyon ng kaniyang mukha. Payak akong napatawa.

"Hindi na ako kumibo ng dalhin mo si Rose sa bahay, tapos ngayon gusto mong kumbinsihin ko ang lolo mo para ja'n sa kabit mo?!"

"Hindi ko kabit si Rose, Fayra! You know who she is to me, kung tutuusin ay mas may karapatan siya kaysa sa 'yo---"

"Gago!" Umiiyak kong mura sabay tayo at sugod sa kaniya. Pinagpapalo ko ang kaniyang dibdib na mabilis niyang sinasangga, mula sa di kalayuan ay narinig ko ang boses ni Mira at si Sister Arlet, natigil ako at humarap sa kanila.

"A-Ate Fayra!" Nanginginig ang boses niyang tawag sa akin.

Lumunok muna ako bago ko siya sinenyasang pumasok, umiling ito at napapikit ako.

"Go inside Mira, huwag kang lalabas hanggat hindi kita tinatawag!"

Muli kong binalingan si Mateo. Naningkit ang aking mga mata at kuyom ang aking mga kamao.

"Pagbaliktad baliktarin man ang mundo, Mateo. Mapadpad man tayo sa iba't ibang korte ng bawat bansa, iisa lang ang hatol ng lahat. Ako ang asawa mo't ako lamang ang may karapatan sa 'yo. Huwag mong ipamukha sa aking si Rose ang nasa pusisyong 'yon dahil nagkakamali ka. Matalino ka naman, bakit ginagawa mong bobo ang sarili mo."

"Kung ano ano pa ang sinasabi mo. Drop the act, Fayra. I don't need it. You'll come with me now, at kakausapin mo ang lolo ko about kay Rose. Tapos." Sabay hatak niya sa akin papasok sa kaniyang sasakyan.

Wala sa sariling nagpadala ako habang patuloy pa rin ang paglandas ng aking luha sa aking pisngi. Hindi ako makapaniwala na kayang magawa ni Mateo sa akin ito. Labis labis na pagpapasakit na ngayon gusto ko nang gantihan.

Ilang minuto lang ang naging byahe namin nang pagbuksan ako ni Mateo at hatakin pababa. Hawak hawak niya ako sa braso at may inilabas na panyo sa kaniyang bulsa. Tumaas ang hawak niya sa aking panga at walang pasintabing pinagpupunasan ang aking mukha. Kasabay ng paghila niya muli sa akin papasok sa bahay.

"Fayra. Apo." Bungad ni Don Madeo at akmang yayakap nang matigilan ito. "Umiyak ka ba?" Takang tanong niya't lumipat ang tingin kay Mateo.

"Napuwing po siya lo---"

"Umiyak ho ako lolo." Putol ko sa magaling kong asawa, napaharap ito sa akin at si Rose naman na preteng naka-upo sa sala namin ay napalunok. Umirap ako sa kaniya at muling tinitigan si Don Madeo.

"Did you two just get into a fight? " Kunot noong tanong niya.

"Yes po." Ako ang sumagot.

Rinig ko ang mabigat na buntong hininga ni Mateo. Inalis nito ang pagkakahawak sa akin at tumungo sa aking likod. Mula sa puwesto niya ay inangkala niya ang kamay niya sa baywang ko at idinikit ang sarili niya sa akin.

Napa-iwas ng tingin si Rose na ikinangisi ko.

"It's normal lolo, don't think to much." Anito sabay halik sa pisngi ko.

Napatango ang matanda at binalingan si Rose.

"Ayaw ko nang magtagal pa dito kaya't gusto ko sanang itanong sa 'yo Fayra kung seryoso ka bang ayos lang sa 'yo na nasa iisang bubong kayo ni Rose, I mean, ayos na ba kayo?" Pagdududa ang tono niya.

Ramdam ko ang pisil ni Mateo sa aking baywang, sinabayan niya pa nang paghalik halik sa sintido ko.

"W-We're okay, lolo." Sagot ko't umayos nang tayo, inihakbang ko ang aking sarili palayo kay Mateo, bahagya ko rin siyang itinulak na ikinalaki ng mata nito. "Ayos lang ho sa akin na nandito siya, ngunit mukhang naiinip na ho si Rose dito lolo."

"No. I'm not!" Hindi mapigilang sabat nito sa amin. Don Madeo raised his brows at her and looked at me again.

"What are you trying to emphasize here, Fayra?"

"I think she misses Morgan." Payak kong sagot.

"Fayra." Puno nang pagbabatang tawag ni Mateo.

Tumikhim ako. "I saw her crying this morning, lolo, and I can't stand her for that. She needs her husband. I think you should call him and convince him to get back here and be by her side. Papayag naman agad si Morgan dahil mahal na mahal niya naman si Rose."

Nagpatay malisya akong tumingin kay Mateo nang hapitin ako nito. Tagis ang kaniyang mga bagang na nakamasid sa akin ay ngumisi ako.

"Isabay mo na po siya sa mansyon lolo. Doon mo na lamang papuntahin si Morgan, dahil mukhang pagod si Mateo at kailangan nang matulog."

Ngumiti si Don Madeo sa akin at napatango. "You should pack your things now Rose---"

"No need na po," Putol ko. "Manang Celly already did it a while ago."

Kapwa silang lahat natigilan. Habang nasa ampunan ako kanina at hinihintay si Mateo ay kaagad akong nangamusta kay Manang Celly tungkol sa ganap sa bahay. Duda ako kung bakit ako pagkakaabalahang puntahan ni Mateo gayong nasa bahay si Rose. 'Yon pala ay dahil kay Don Madeo. Alam ko na ang mangyayari, kaya naman agad kong ipinakilos kay manang ang gamit ni Rose.

I should stood up now. Kung magpapatuloy sila sa pag-ipot sa uluhan ko, gaganti din ako sa paraang alam kong hindi nila magugustuhan.

I turned to face Mateo, who was now staring at me intensily. I smirked at him and felt a surge of pleasure in my chest. Bulls eye.

...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top