Chapter 2
"Kumusta ang biyahe ninyo?" Agad na salubong ni Mr. Lucio Sutta sa kanyang anak, nakakababa na si Lumira sa sasakyan, "Okay lang po, Papa. Medyo may hindi lang ako nagustuhan sa islang iyon." Pagsusumbong sa Ama.
"Alam ko na 'yan. Huwag na mo na sabihin." Seryoso ang kanyang Ama pero nasa mukha nito ang galak ng makita si Lumira.
"Sige na, Renan magpahinga ka na muna. Lumira pumasok kana na sa loob dahil kahapon pa naghihintay si Jerrox sa iyo," balita ng kanyang Ama na medyo ikinagulat ng dalaga, siguradong nagseselos na naman ito kay Renan.
"Sige po, Papa." Si Lumira habang bitbit ang palagi niyang dala-dalang maliit na maleta at backpack na lagayan ng laptop at mga gadgets niya.
"Napaaga ang uwi mo?" Salubong ni Lumira sa fiancee.
"Sinadya ko talaga iyon dahil baka maiwanan mo ako sa biyahe," saad ni Jerrox na mukhang good mood.
"Anong biyahe?" takang-tanong ni Lumira.
"Diba matagal ka ng nagpapaalam na may pupuntahan kang kakaibang isla doon sa kabilang dulo ng Camarines Sur. Siruma? Doon sa may magandang mga talahib," paalala ni Jerrox.
"Ay oo akala ko anong biyahe ang sinasabi mo." Halatang-halata ang pagod sa mukha ni Lumira kaya nagpaalam agad si Jerrox, bibisitahin raw ang pinapatayong building sa lupang nabili nila. Hands-on talaga ang mga Hapon sa mga negosyo nila simula sa simula. Nangako rin ang binata na babalik agad kapag smooth ang construction.
"I love this place!" palatak ni Lumira ng masilayan ang lugar ng Siruma. Medyo malapit na sila sa pupuntahang misteryosong isla ngunit kanina niya pa nahahalata na bagit na ang fiancee niya dahil mahina ang internet sa lugar na iyon.
'Room Enough Island' the famous mystery island that made Lumira excited, this island located in the Siruma, Camarines Sur. The island is known for being the smallest inhabited island which appears to be around 3,300 square feet, the island has a house, a tree, shrubs and a small beach.
'One misstep and you're swimming,' funny yet very amazing. Maganda ang pagkakagawa ng bahay, konkreto ito, yero ang bubing na halos natatakoan na ng malalapad na solar dahil walang kuryente sa isla na iyon. White and brown ang pintura ng kabahayan, mayroong apat na kuwartong magkakatabi, mahabang pasilyo at hindi kalakihang sala na ang karugtong ay kusina at banyo.
"Gusto mo bilhin ko na lang para sa'yo?" walang emosyong saad ni Jerrox pero alam ni Lumira na kung gugustuhin nito ay mabibili nila 'yon.
"Ano ka ba.. hindi mo kailangang gawin 'yan, isang linggo lang ako mamamalagi sa lugar na ito, lilipat naman ako sa iba." Nahihiyang saad ni Lumira dahil naririnig sila ng katiwala sa islang iyon na si Aling Matilda at si Renan ay kasama rin dahil marami silang bitbit.
"Sige, ikaw ang bahala." Si Jerrox na abala sa cellphone habang papalapit sila sa nasabing bahay sa maliit na isla, ang Room Enough Island.
Sa totoo lang nagdadalawang-isip si Jerrox na sumama sa fiancee dahil mas importante ang inaasikaso niyang negosyo, subalit masama ang kutob niya sa biyaheng ito ni Lumira at lalo pa si Renan na naman ang maghahatid, baka samahan na naman ang fiancee niya na silang dalawa lang sa malayong lugar. Umandar na naman ang pagkaseloso ni Jerrox at alam naman iyon ni Lumira.
"Siya nga pala, sabado at linggo lang ako nagagawi sa islang ito dahil may malaking grocery akong inaasikaso sa bayan. pero kung may kaialangan kayo ay puwede ninyo akong tawagan, iyon nga lang mahina ang signal ng telepono kailangan pang umakyat sa bubong para makatawag sa akin, meron namang hagdan papunta sa bubong." Mahabang paalala ng matanda, siguro nasa 50's na ito dahil medyo namumuti na ang mga buhok, laging kunot ang noo kaya medyo nakakaalangan makipagbiruan sa kanya.
"Maraming salamat po, Aling Matilda. Matanong ko lang po kung walang ibang tao sa bahay na ito? Ayon po dito sa pamphlets na binigay ninyo ay apat ang kuwarto at isang room lang ang okupado ko," tanong ni Lumira sa matanda na sakto naman pagdaong ng maliit na de-makinang bangka.
"Sa ngayon, kayo pa lang ang tao rito. Karamihan naman kase ay hindi tumutuloy ang iba dahil maliit ang espasyo ng isla, pero huwag kayong mag-alala dahil safe naman ang bahay na iyan." Nakababa na si Aling Matilda sa maliit na daungan ng bangka sa gilid ng bahay at inalalayan niya si Lumira na makababa. Biitbit naman ni Renan ang maleta ni Lumira at si Jerrox ay dalawang ecobag ng grocery ang bitbit papasok sa balkonahe ng bahay.
"Ang ganda rito..." hindi napigilang sambit ni Lumira, mayroon pang 'welcome home' na nakasabit sa nakasarang pinto.
"Siya nga pala, may estudyanteng pabalik-balik sa islang ito, okupado niya ang pinakadulong kuwarto pero bibihira lang siya mag-stay dahil may pinag-aaralan daw siya sa ilalalim ng tubig, geologist ata ang kurso niya kung hindi ako nagkakamali, huwag kayong mag-alala dahil masiyadong private ang buhay niya, isang beses ko pa lang siya nakita at mailap siya sa tao. Halos hindi ninyo mararamdaman na may kasama kayo sa bahay na ito," mahabang saysay ni Aling Matilda.
"Hindi naman po multo?" sinusubukang magpatawa ni Lumira ngunit hindi man lang natinag ang matanda. Naiintindihan ng dalaga ang nais ipahiwatig nito, katulad niya rin na pinili ng estudyante ang tahimik na lugar.
"Matanong ko, honeymoon ba kayo?" usisa ni Matilda sa dalawa na ikinangisi naman ni Renan ngunit hindi nagpahalata.
"Ay hindi po, bakasyon lang po, writer po kase ako kaya mas gusto ko magsulat sa mga lugar na ganito," paliwanag ng dalaga.
"Ay ganoon ba. Sakto ang lugar na napuntahan ninyo, mag-eenjoy kayo rito. Bahala na muna kayo dahil kailangan na naming bumalik sa mainland, bibisita na lang ako sa sabado," pagpapaalam ni Aling Matilda.
"Renan, okay na kami, salamat. Sumama ka na kina Aling Matilda pabalik sa mainland," utos ni Lumira at nauunawaan naman ni Renan.
"Wala palang kuryente, paano ako makakacharge ng laptop ko, lobat pa naman ito ng umalis tayo sa Albay," walang emosyong sambit ni Jerrox.
"Mayroon naman akong powerbank, puwede mo iyong hiramin," suhestiyon ni Lumira sa binata para huwag ng mag-alala.
"Hindi na, mas kailangan mo 'yon dahil magsusulat ka sa laptop mo. Renan dalhin na natin ang mga dala sa kuwarto ni Lumira, pagkatapos mauna kana sa bangka at sabihin mong sasabay tayo pabalik sa mainland," utos ni Jerrox kay Renan, hindi man lang pinag-isipan ang sasabihin. Nagulat si Lumira sa desisyon ng binata na iiwanan siya at babalik na sa Albay. Nadismaya siya sa bigla-biglang desisyon nito pero wala na siyang magagawa dahil kapag ginusto nito ay gagawin talaga.
"Sige," maiksing sagot ni Renan, nagpatiuna na siyang hinatid ang maliit na maleta ni Lumira sa kuwarto. Naiwan si Jerrox na nahihirapan sa dalawang malaking bag ng grocery.
"Mag-iingat ka dito, halos walang mga kabahayan ang nakikita mula sa islang ito.." paalala ni Renan, nagmasid pala siya habang papunta sa isla samantalang hindi niya man lang naisip ang bagay na iyon.
"Oo naman, ako pa. Ingat din kayo sa biyahe, tatawag na lang ako kapag naisipan ko ng umuwi." Hindi na sumagot si Renan sa sinabi ng dalaga at tuluyan na itong lumabas sa kuwarto at nagpatiuna na sa kinaroroonan ng bangka.
"Ang bigat nitong tote bag mo," reklamo ni Jerrox ng makarating na sa loob ng kuwarto ni Lumira.
"May ilang libro kase akong dinala at tingnan mo! bagay na bagay sa bookshelf na 'yan!" excited na sambit ng dalaga ngunit wala man lang bahid ng kagalakan sa mukha ni Jerrox. Halatang hindi ito sang-ayon sa pinaggagawa ng dalaga.
"Sige na, mag-iingat ka dito, tawagan mo ako kapag may problema. Magsarado ka palagi ng pinto," bilin ni Jerrox sa dalaga at dinampihan ito ng halik sa labi bago tuluyang lumabas ng pinto. 'Siguradong plano niya lang talaga ihatid ako para makasama niya si Renan pabalik ng Albay' nasa isip ni Lumira.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top