SCOPE | XI

ALAM KO na rin naman kung saan ako nakapuwesto sa buhay ni Howell. Ako 'yong nandito at nakikinig sa mga kuwento niya⁠-ako 'yong buhay ang presensiya pero wala naman ang puso ko sa kaniya.

Nagre-review kami para sa isang quiz sa next subject sa may learning commons ng kabilang building. Para itong hall na may mga table at upuan kung saan puwedeng tumambay, mag-aral ng lessons, o kaya ay matulog. E, hindi maiwasang mag-blurt out sa akin ni Howell habang seryoso kong binabasa 'yong notes para sa Understanding Society, Culture, and Politics subject namin.

"Umiiyak pa rin si Celine." May lungkot sa boses ni Howell habang binanggit sa akin iyon. Tuwing naririnig ko ang pangalang iyon ay hindi na maiiwasan ang makaramdam ng kakaibang feeling.

Confirmed, nagseselos na nga ako nang walang dahilan. But wait, hindi naman sila. Hindi rin naman kami, pero bakit? Ang gulo lang.

Alam kong may possibility, lalo na kung titingnan ang closeness ng dalawa. May certainty naman na kapag bibigay na ang isa ay pareho din silang babagsak. Mas naunang nakilala ni Marcie si Howell. Mas tried and tested na ang samahan nila. Ano ba ang karapatan ko na bagong salta lang dito?

"E, kasalanan kasi ng gagong ex-boyfriend niya kung bakit nagkakaganito siya." May bitterness sa way ng pagsasalita niya, at hindi ko tuloy alam kung papaano ang gagawin ko, kung iko-comfort ko ba o ano?

"Lokohin at paasahin ba naman siya? Paano, nakita niya 'yong ex niya na nilalandi ang kaibigan niya."

"Kilala ko naman 'yong kaibigan kong iyon. Wagas 'yon magmahal, pero palagi na lang inaabuso ng ibang tao ang pagmamahal niyang 'yon." Napabuga pa siya ng hangin sa kaniyang frustrations. Hindi ko maiwasan ang mag-alala kay Howell habang nagkukuwento sa akin. Naiintindihan ko rin naman ang concern niya kay Marcie.

"I don't want to see Celine get hurt by other people. She's too precious to break. And all of these years na palagi siyang nasasaktan, deserve niya ang magkaroon ng taong magmamahal sa kaniya unconditionally." May meaning ang paraan ng pagsasalita niya. At talagang kinukurot ako nito sa puso ko.

"Deserve niya ang sumaya sa ibang tao."

"So, sa tingin mo, ikaw ang deserving?" tanong ko naman kay Howell. Although alam ko naman na napaka-sincere niya. Wala, masokista talaga ako kahit kailan.

"I don't know, but I'm trying, too. I'm not that perfect, but I want to be the shoulder for her to carry her on. I want to be the one by her side." Namayani ang katahimikan sa buong learning commons.

"Anyway, may naiisip ka na bang concept para sa short film natin?" After noon ay na-divert naman ang usapan namin. Ang galing lang ng shifting from sad and serious, tapos naging formal na sa isang iglap.

"Mayroon na... pero hindi ko pa nama-materialize," pagsisinungaling ko. Sa totoo niyan ay wala pa akong naiisip na concept. Ang hirap naman kasi na ako pa ang in-assign ni Howell para gawin ang short film para sa magiging Finals requirement namin. Siyempre, ang mahangin ang magdi-direct.

"Sige, okay lang iyan, Hobbitsky. I'm not rushing you naman." Hobbitsky naman ang tawag sa akin ng unggoy.

"Pero need ko na this Saturday ang concept para ma-brainstorm na natin." Nagsimula pa siyang mag-demand sa akin.

"Ayaw mo iyon, magagawa mo agad ang script?" pagdadaldal pa niya.

"Oo na, oo na po. Nate-tense ako sa iyo." Ewan ko lang kung bakit pine-pressure ako ng lalaking ito?

"You're making me breathless," bulong ko sa kaniya na sana, hindi niya marinig.

"Pardon?" tanong naman niya nang may pagtataka.

"A, wala." Sarkastiko na lang akong ngumiti sa kaniya. "Ang sabi ko, I'll inform you na lang."

Hay, Howell. Bakit ang hirap mong maabot?

Pero sa conversation naming iyon, doon unti-unting nag-spark ang ideas ko para sa gagawing script.

---

Sa sinabi ba namang 9:30 AM magkikita, 10:30 AM na, wala pa rin Howell. Ang usapan ba naman kasi ay magkikita kami rito sa MiniStop sa tapat ng Holy Rosary Parish Church. Gusto ko pa sanang i-appreciate ang aesthetic view ng lugar kahit inip na inip na ako, lalo na at ang vintage ng dating ng buong lugar na para bang na-transport ako sa Spanish pre-colonial era. Ni-restore din ang mga antique na building dito at naging mga establishment katulad ng bangko at fast food restaurants.

Lyra:
Nasa MiniStop na ako. 🙂
Ano oras ka ba darating? 🙂

Pero kanina pa talaga nag-iinit ang ulo dahil wala pang lumilitaw na Howard Amiell Jimenez, ni kaniyang anino. E, kanina pa nagme-message sa akin 'yong mga kagrupo namin kung kailan daw kami makararating sa meeting place.

Howell:
Hang in there

Ano'ng hang in there-hang in there? E, kung bilisan kaya ng mahangin. Nasaan na ba ang mahangin na 'yon?

"Hey!" Speaking of the devil... Isang figure ng lalaking may katangkaran ang lumapit sa akin. Napatingala ako at nakita si Howell. Inaamin kong temporarily nawala ang inis ko nang makita siya ngayon na may suot pang red hoodie jacket at black na baseball cap na nakapatalikod ang beak.

Pero siyempre, hindi na nagpatinag ang inis ko sa pagiging late niya. Excuse me, pinaghintay niya ako nang matagal dito, kaya hindi uubra ang porma niya ngayon sa akin.

"Howell. Ano'ng petsa na?" pag-aalboroto kong tanong sa kaniya sabay krus ng mga braso ko habang nakaupo sa isa sa mga table sa labas ng convenience store. "'Di ba, ang sabi, 9:30 PM ang meeting? E, mag-i-11 AM na po, ano?"

"Halos mamuti na mata ko sa kahihintay, tapos 'yong mga kagrupo pa natin. Alam mo bang ayaw ko ang naghihintay?" Wala tuloy preno ang bibig ko sa kakadakdak sa lalaking ito napabusangot na lang.

"Sorry na kasi. May pinalakad lang saglit si Mommy." Napakamot pa siya ng ulo sabay alis ng cap.

"Ewan ko sa 'yo. Iwan kaya kita diyan." Inirapan ko na lang siya. Huwag niya akong guguluhin dahil wala ako sa mood.

Naupo naman siya sa upuan sa harap at saka naman niya ako binigyan ng nakalolokong ngiti, "Sus, iiwan, pero babalikan mo rin ako."


Ano raw?

Wow, parang hindi tinatablan ng charms, a? Iniwasan ko pa rin siya at baka mahalata pa niyang kinikilig ako sa sinabi niya.

"Asa!"

Pa-cool pa ngang nagsalita ang mahangin, "Aba, siyempre, kaya ka nagpapasabay, 'di ba? Hindi mo alam ang pupuntahan natin."

"Bahala ka nga! Napipikon na 'ko sa iyo." Napatunganga na lang ang unggoy kaya napapitik na lang ako ng daliri.

"O, ano pang hinihintay mo?" utos ko sabay tayo at saka dinala ang shoulder bag ko. Nai-i-stress na talaga ako sa lalaking ito. Hindi ko alam kung ano ang trip niya sa buhay.

Pagkayaya ay sinundan ko siya sa may lipat na malapit sa Evangelion University para doon mag-abang ng mga yellow na jeepney na paderetso sa pupuntahan namin.

Sa harap kami pumuwesto ni Howell at hindi mapigilan ang pagkabog ng puso dahil magkakadikit kami. May hindi ako maipaliwanag na nadarama habang magkakatabi kami.

Napansin kong kinuha pa niya ang kaniyang headphones at saka nakinig sa music mula sa kaniyang cellphone.

"Pakisuyo po, dalawang SM Telabastagan." Nakangiti pa siya noong inaabot 'yong pambayad namin sa may lagayan ng barya ni Manong Tsuper. Iniwasan ko na lang ulit 'yong tingin ko habang nakayuko.

Sa buong biyahe ay hindi ako makaimik at hindi ko malingon ang ulo ko sa direksiyon niya habang nakatingin lang ako sa dinaraanan ng jeep. Hindi ko na lang siya kinausap lalo na at busy siya sa pakikinig ng music.

Ganito ba ang feeling kapag nako-conscious ka dahil kasama mo 'yong crush mo?

Isa raw sa way to uncrush someone ay isipin ang mga annoying trait ng taong iyon. May times na naiirita ako kay Howell. May term sa Kapampangan na saligoso⁠-'yong taong laging aligaga at parang may hinahabol kaya atat na atat. Ganoon si Howell. May pagka-hyper din siya na hindi ko alam kung nasobrahan ba siya sa vitamins o ano?

Pero never ko namang tiningnan iyon as flaws. Hindi ko alam... parang personality trait na iyon ni Howell, trademark, ganoon.

Bakit ba ang gulo? Bakit ba mas nahuhulog ako sa kaniya?

Sa may NBS na kami nagkita ng tatlo ko pang kagrupo: sina Laine, Topher, at Joji pagkarating ng SM. Sinalubong nila kami sa may international novels section kung saan nagtitingin din sila ng mga book. Kita naman kay Howell ang apologetic look lalo na at higit isang oras na rin silang naghihintay roon.

"Hey, guys, sorry kung na-late ako, may pinalakad lang talaga si Mommy," paghihingi pa niya ng paumanhin.

"Nah, it's okay, dude." Tinapik na lang ni Joji ang balikat ni Howell.

"O, bago tayo mag-start, gutom na talaga ako," paningit naman ni Laine sabay hawak sa sikmura niya.

"Oo nga, hindi pa ba tayo lalafang?" pagyayaya na ni Tophe sa amin. Siyempre, bago mapag-usapan ang mga gagawin, kailangan nga naman muna naming kumain para may energy for our brainstorming.

Sa may Mang Inasal na kami nag-decide kumain. Sina Joji at Howell na ang nagpunta at pumila sa cashier. Lunch time na rin kaya marami na ang taong kumakain sa loob.

Pagkalapag ng order namin ay nagsimula na sila sa kanilang eating contest. Ako lang yata 'yong nag-iisang may white na pinggan, habang itong mga kasama ko ay G sa pa-unli-rice.

Sorry naman kasi mahina talaga akong kumain.

"Paabot nga noong moisturizer," utos sa akin ni Howell. Napakunot naman ako ng noo sa sinabi niya.

"Shunga, ano'ng moisturizer?" tanong ko habang hinihiwa 'yong piraso ng chicken sa pinggan.

"'Yong chicken oil kasi." Napakamot pa siya ng ulo. Nasa tapat ko kasi ang bote ng chicken oil.

Nagtanong pa ako habang inabot sa kaniya ang maliit na bote, "Kailan pa naging moisturizer ang chicken oil?"

"E, ang dry naman kasing kainin ng chicken at rice, kaya kailangan ng chicken."

Pinanliitan ko na lang siya ng tingin. "Alam mo, 'yong joke mo, pang 1800s pa." Mga ilang saglit lang ay napatingin pa kami sa mga kasamahan namin na na-out-of-place bigla sa bangayan namin. Kaya ang ginawa ko ay nginitian na lang sila kahit napaka-awkward na ng sitwasyon. Kasalanan kasi ito ni Howell!

"Pero aminin mo, witty ang joke ko!" Napahalakhak na lang itong si Howell. "'Di ba, guys?" pagtatanong pa niya sa tatlo. Oo na, inaamin ko, witty na ang kaniyang joke.

"O, dahan-dahan naman kayo. Baka kayo ang magka-develop-an niyan." Nag-comment na tuloy itong si Tophe sa amin at saka ko na lang sila inirapan. Bahala sila, makakain na nga.

"Quiet na lang ako diyan, Pres." Humagikhik naman itong si Laine. Kailan ba titigil ang mga ito?

Wow, pero gusto mo naman, Lyra. Huwag ka nang plastic.

Habang nag-e-enjoy pa nga sa pagkain ang mga kasama ko ay unaware namang natabig nitong si Joji na kaharap ko ang platito ko ng toyo at sa kamalas-malasan ay nagkaroon pa ng disaster. Natapunan ang puti kong t-shirt. Ang galing lang. Ang ganda ng pagkaka-paint ng brownish-black spots sa t-shirt ko.

Ang galing lang ng mga pangyayari sa araw na ito.

"Ay, sorry, Lyra." Kita ang pag-aalala kay Joji sa nagawa. pero ayaw ko talagang magalit sa kaniya kasi aksidente lang naman ang lahat. "Sorry talaga."

"No, it's okay."

"Wait, ito wipes." Naglabas naman si Laine ng baby wipes sa kaniyang bag na ipinahid ko sa namantsahan kong damit. Mukhang mapabibili ako ng panibagong white t-shirt nang wala sa oras.

"Thank you, Laine," pagpapasalamat ko sa girl scout ng grupo namin.

"Joji naman, bakit ka naglo-launch ng flying saucer?" pang-aasar naman nitong si Tophe sa kasana namin.

"O, suotin mo muna 'to." Inalok naman ni Howell 'yong kaniyang jacket sa akin at nakaramdam tuloy ako ng hiya. Bakit ba ginagawa nila ito sa akin?

"H-Hala... No, okay lang," pagtanggi ko pa sabay iling.

"Ang pangit namang tingnan kung makikitang may stains ang damit mo," pangungulit pa niya kaya wala na akong ibang option para kunin iyon at saka isinuot. Ang uncomfortable nga lang lalo na at sobrang laki nitong jacket sa akin. Para tuloy akong nakasuot ng lab gown.

Napaupo na lang ako at saka nagpatuloy sa pagkain habang nalalanghap ang pabangong kumakapit sa jacket ni Howell; ginu-goosebumps tuloy ako at hindi maiwasang mamula ng aking pisngi. Bahagya ko siyang tiningnan na suot ang loose niyang white t-shirt na naka-tuck-in. Kainis! Iba talaga ang epekto sa akin ni Howell.

---

Sa may food court na lang namin ginawa ang pag-uusap para sa gagawin naming short film. Dahil si Howell ang director, siya ang nagbibigay sa amin ng advice sa kung ano pa ang puwede naming gawin at sa task na in-assign sa amin. Makabili na rin ako ng white t-shirt na pamalit sa suot ko.

Si Joji ang videographer habang sina Tophe at Laine naman ang mga actor. Absent nga lang 'yong isa na gaganap pa dapat.

"May naiisip na akong plot, actually," pagshe-share ko habang busy silang nakikinig sa akin. "Tungkol ito sa isang babaeng ni-reject ang feelings ng kaniyang best friend, kaya lagi siyang nag-e-emote sa may waiting shed sa labas ng kanilang school," panimula ko.

"Then, matatagpuan din siya ng lalaking lagi ring naghihintay ng masasakyan sa waiting shed na 'yon. Doon, nag-start silang mag-usap at lagi na silang nagtatagpo doon araw-araw hanggang sa mag-grow pa ang feelings ni Girl."

Napabitiw muli ako ng malalim na pause bago magsalita muli, "Hanggang sa malaman na lang niya na may iba na palang mahal ang lalaking iyon." Na-realize kong ang awkward ng pagkakapaliwanag ko dahil inspired ang lahat ng iyon sa pagkakagusto ko kay Daryl, tapos nandito pa ang girlfriend niya. Pero okay lang naman. Maayos naman ang ugnayan namin noong dalawa.

"Actually, ang nice ng idea mo," nagkomento naman si Howell habang nakikinig pa 'yong iba naming kasama. "Kaso it lacks something."

"Hope. Bakit parang walang pag-asa ang female character mo right after the heartbreak that happened to her?"

"Hindi naman kasi natin made-determine kung may gusto rin pala si Guy kay Girl. Kung sanang alam natin, e 'di sana, wala nang nasasaktan dahil sa pag-ibig." Bigla tuloy akong napahugot kay Howell na para bang low-key nagpaparamdam sa kaniya.

Sana naman, makiramdam siya.

"Maganda sana kung bibigyan natin ng possibilities ang manonood. Hindi naman kailangan laging tragic ang nangyayari kapag nagmamahal ka," pagdepensa pa ni Howell. "Hindi naman laging talo ka kapag nagmahal."

"Why not make the ending open?" Napatango naman ang mga kasama ko sa suggestion niya. "Umamin si Girl sa feelings niya, pero ika-cut natin ang sagot ni Guy.

Minsan, ako na talaga naiinis sa sarili ko. Bakit ba ganito si Howell at lagi niya akong pinahuhulog sa bitag niya? Nakakaasar na talaga.

-30-

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top