SCOPE | X

HOW TO uncrush someone? Papaano ba alisin ang feelings sa isang taong may iba nang gusto, tapos may probability pa na maging sila ng taong iyon?

As if parang magic lang na puwedeng mabura ang feelings mo sa taong iyon? Kung puwede lang na i-control ang feelings na ito, e. Aside sa palaging sumusulpot si Howell sa tuwing pumapasok sa school, sumusulpot din siya sa isipan ko every now and then. Akala ba nila, madali lang sa akin ito?

Busy namang nakikipagkuwentuhan ang Kuya ko at 'yong dalawa naming bisita sa may sala⁠-sina Kuya Gil na kapitbahay namin at si Kuya Ezra na classmate ni Kuya Gil habang kumakain ng chips. Medyo nao-OP lang ako sa usapan ng tatlo, especially na college life nila ang pinag-uusapan nila.

Sana all talaga, chill lang sa buhay.

Napairap na lang ako sa sofa habang nagchichikahan sila sa may lapag. Makapag-cellphone na nga lang. Kainis.

Nag-browse na lang ako sa FB para ilabas ang stress na mayroon ako, kahit napaka-toxic din kung minsan ng mga lumalabas na news feed ko. Oo, kailangan man ng positivity sa buhay pero lumilingon din dapat tayo sa mga nangyayari sa society natin.

Habang tumitingin ay bumungad din sa akin 'yong isang picture na pinost ni Howell na may caption pa na: "Long message ahead, please take time to read."

Parang sinaksak naman ng kutsilyo ang puso ko pagkakita sa picture, siyempre picture iyon nina Marcie na kasayaw ni Howell na kinuhanan noong 18th birthday niya. They looked dazzling, lalo na at bagay kay Marcie ang sparkling blue gown niya. Habang si Howell naman ay napakaguwapo sa suot niyang gray na coat at naka-laid back din ang pagkakaayos ng kaniyang buhok.

Talagang kita sa mata ni Howell ang sincerity habang isinasayaw niya siya.

Siyempre, dahil masokista ako at gusto ko ang nasasaktan, binasa ko ang pagkahaba-habang caption ni Howell sa post niya.

"To my dearest Celine,

I will never forget that day-the day I witness your transition to adulthood. I would say I am a dire spectator of all of the trials, tribulations, joys, and success as you progress in this roller-coaster ride they called life. I am very proud of what you achieved right now, and it is a greatest honor to be part of your journey. All I can see in your astral eyes as we shared that dance on that night are dreams, aspirations, and beauty that lies underneath...

As a new chapter unfolds in your life, just remember that no matter how many people you will meet along the way, I will still be here by your side, as a companio⁠n-an all⁠y-a friend."

Ang hirap talaga kapag 'yong taong gusto mo, umaasa rin sa iba. Ang hirap ng unrequited feelings, lalo na at isisiksik ko ang sarili ko sa puso ng taong alam kong never naman akong mapapansin at magugustuhan.

Bakit ba kasi ganito?

---

Ilang months na pala since lumipat kami rito sa Angeles, at nasanay na rin ako sa atmosphere ng lugar na ito, kahit nami-miss ko rin 'yong sariwang hangin, 'yong mga halaman, at ang mga familiar na face sa lugar namin sa Cavite. Pero kahit ganoon, naiibsan din ang homesickness ko sa mga taong nakilala ko rito at pinaramdam na welcome ako sa lugar na ito.

Dismissal, pero nag-decide muna akong tumambay sa library para dito tapusin ang isang assignment na pinagagawa sa amin. Maaga rin kaming na-dismiss dahil nagkaroon ng emergency. Kaya instead na umuwi muna ay mabuti nang dito ko na tapusin ang ibang assignments ko. Makapaghihintay naman ang K-dramas.

Siyempre, kasama ko si Howell na tinutulungan akong mag-solve kahit medyo magulo nga lang mag-explain ang isang 'to. Ewan, baka kasi nagmamadali. May lalakarin yata sila, ang sabi pa niya.

Aside doon ay hindi ako makapag-focus dahil nadi-distract ako sa napakaguwapo niyang mukha na mahirap titigan habang nag-e-explain pa siya sa akin. Tiningan pa nga niya ako nang seryoso at hindi ko alam na ina-analyze ko na pala 'yong facial features-'yong magandang kurba ng kaniyang ilong, mapupungay na mga pilik-mata, mapupula niyang labi, at ang makinis niyang kutis. Bakit ba may mga taong bukod na pinagpala?

Malapit na yata akong maniwala na God created men equally, but there are creations that are more equal than others. Joke!

Sa gitna naman ng pag-e-explain ay nag-ring tuloy ang cellphone niya. Kasabay rin noon ay ang pag-"ting" ng bell sa counter noong librarian.

Mas lalo pa ngang naging aligaga si Howell habang nagsimulang mag-ayos ng gamit at ipinasok iyon sa bag niyang nakalagay sa table namin.

"Ay, hala, nandiyan na mommy ko. I'll gotta go na, a?" nagmamadi niya pang sabi sabay kuha ng bag niya.

"Sige, mag-iingat ka," sagot ko naman bago siya umalis palabas ng library.

Pero sa pag-alis niya ay nagpatuloy na lang ako sa pagsagot ko sa activity na mula sa textbook namin sa aking notebook. Sa kalagitnaan naman ng pagso-solve ko ay parang may nakapa ako sa tabi ko na inupuan kanina ni Howell. Pagkakita ko ay wallet pala ito.

Binuksan ko at naglalaman ito ng pera, ID, at noong bumunot ako ng isang card ay isa pala itong Laking National card ni Howell.

"Howell naman kasi, bakit ka nang-iiwan ng gamit?" Nag-aalala na ako dahil baka hinahanap na ito ni Howell for sure. Hindi ko naman alam kung papaano ito maisasauli. Nakauwi na rin si Gino niyan at hindi ko alam kung kanino ko ito ipagkakatiwala.

Nag-chat ako sa account niya sa FB para sabihing nasa akin ang wallet niya para mabawasan na ang pag-aalala niya.

Lyra:
Uy, nasa akin 'yong wallet mo, naiwan mo sa library.
Nagmamadali ka kasi.

Pero mga isang oras pa ang lumipas noong sumagot siya. Noong nag-reply na si Howell, nakauwi na ako sa bahay.

Howell:
Ay weh?
Oh shoot ahuhu
Hinahanap ko kasi noong pag-uwi
Okay lang if isoli mo na lang sa amin tomorrow?
Thank you talaga, friend!
Thank you thank you thank you very much

That's what friends are for, 'di ba?

Friend...

Kaibigan naman pala ang turing niya sa akin.

---

Umabot ng almost a century ang pagbiyahe ko papunta mula Balibago hanggang sa bahay nina Howell sa may Pandan. E, sa hindi pa ako familiar sa buong Angeles City kaya kung saan-saan pa ako napunta at nagkanda-ligaw-ligaw para lang maisauli ang wallet niya.

Kahit nagbigay na ng directions si Howell ay hindi ko pa rin alam ang gagawin ko, kaya umasa na lang ako sa pagtatanong. Kamuntikan pa nga akong mahabol ng mga gumagalang aso sa village nila. Adventure talaga itong pagpunta ko sa kanila.

Mabuti na lang at fresh pa rin akong nakarating sa gate ng bahay nilang mayroong second floor. Sa exterior pa lang ay makikita nang may-kaya rin ang family nila.

"Sino po sila?" pagtatanong ng isang babae na lumabas sa pinto pagka-ring ko ng doorbell. Tantiya kong mas bata siya sa akin nang ilang taon.

Medyo awkward akong napangiti sa babaeng naka-Chun-Li ang ayos ng buhok na lumapit sa kabilang side ng gate, "Hello, ako 'yong classmate ni Howell. Isosoli ko lang 'yong wallet niya."

Bigla namang nag-brighten ang mukha noong babae at saka binuksan ang gate, "Ay, ikaw si Ate Lyra? Pasok ka po."

"Uy, ikaw pala, hija. Tuloy ka!" Lumabas din ang babaeng tantiya kong nasa mid-40s. Nabigla pa nga ako dahil may pagkakapareho sila sa built ng katawan. Ngumiti pa siya sa akin para papasukin ako sa bahay nila.

"Ha... hala, ibibigay ko lang po talaga 'yong wallet ni Howell," medyo nahihiya ko pang sabi sa nanay niya sabay hawi ng mahaba kong buhok. Nanliit tuloy ako dahil mukhang nasa dugo na nila ang pagiging matangkad.

"Hindi, okay lang iyon. Pumasok ka na." Wala na akong ibang choice kung hindi pumasok sa loob ng bahay nila.

"Howell, nandito na 'yong classmate mo," pagtatawag ng nanay ni Howell sa kaniya na mukhang nasa kuwarto niya sa second floor.

"Yani, pakitawag nga Kuya Howell mo," pag-utos pa niya sa... kapatid ni Howell para umakyat.

"Si Yani iyon, pinsan ni Howell." Oh, pinsan pala, I stand corrected.

"Hija, maupo ka," magiliw pa niyang sabi sa akin kaya napaupo ako sa isa sa mga sofa nila sa may sala. Sa totoo lang ay parang naging limited pa nga ang galaw ko lalo na at baka makabasag ako ng mga mamahalin nilang muwebles.

"Okay ka lang ba? Gusto mong tubig?" may concern pang pagtatanong sa akin noong nanay ni Howell.

"Sige po, thank you, Tita..." Hindi ko tuloy alam kung papaano ko i-a-address si Tita.

"Tita Willa," ang sabi pa niya. "Okay, stay put ka lang diyan, a? Babalik ako." At pagkatapos ay nagpunta na siya sa kusina. Napatingin-tingin na lang ako sa buong sala habang tina-tap ang daliri ko gamit ang tuhod.

Pero biglang nagsitayuan ang balahibo ko nang makarinig ng tahol at saka ako biglang kinabahan nang biglang lumapit sa akin ang isang malaking golden retriever at kamuntikan ko na ngang mapasigaw nang bigla siyang lumapit at dinilaan ang paa ko.

Jusko lang, ayaw ko namang mapahiya sa bahay ng ibang tao.

"Lyra, hey! Ikaw pala." Nakangising pagbati sa akin ni Howell. Buwisit 'to. Mabuti na lang at nasa bahay nila ako kaya nakapagtitimpi pa ako.

"Bakit parang naubusan ka ng dugo?" tanong pa niya habang hinihimas ang ulo noong aso niya. Aba, iyon pa talaga ang napansin niya?

"Ito kasing aso mo, e!" paghuhuramentado ko tuloy. "Alam mo bang kamuntikan na akong habulin ng mga aso papunta rito?"

"Oh, favorite ka yata ng mga aso," natatawa pa niyang saad.

"Gusto raw makipag-friend sa iyo ni Choco," paningit naman ni Yani sa amin at saka ako napatingin sa aso. "Ganiyan talaga iyan, malambing. Hindi naman siya nangangagat, don't worry."

"Heto na tubig." Dumating naman si Tita Willa na may hawak na tray na may pitsel ng tubig. Sa sobrang uhaw tuloy ay naalala kong may wallet pa akong ibibigay.

"Heto pala wallet mo." Inilabas ko ang wallet sa maliit kong bag at ibinigay kay Howell.

"Uy, thank you talaga. Akala ko, kung napa'no na 'to. Halos may important documents pa naman sa loob." Nakangiti pa si Howell habang hawak na ang pitaka niya.

"Pagpasensiyahan mo na si Howell May pagka-aligaga kasi kung minsan," paghirit pa ni Tita Willa na tumabi pa sa akin.

"Mommy!" Napanguso naman si Howell bilang reaction. "Bakit mo naman ako nilalaglag?" Kahit kailan talaga ay ang galing na gumawa ng cute expressions ang lalaking ito.

Napahawak pa ng balikat sa akin si Tita Willa, "Dito ka na rin pala mag-lunch, a? Paluto na rin ang ni-ready kong Kare-Kare."

"Hala, nakakahiya naman po." Napayuko pa ako. E, nandito lang naman ako para ibalik ang pitaka.

"Hindi, okay lang iyon, Lyra. Sobra pa nga 'yong honesty na ginawa mo. Buti nga, kaibigan ni Howell ang nakakuha." Napangiti pa siya sa akin, 'yong ngiting pang-Beauty Queen.

"Howell, Yani, kayo munang bahala sa bisita natin," paalala pa niya sa dalawa. "Balik na muna ako sa kitchen para mai-ready na ang lunch natin."

---

Noong mag-lunch na ay marami kaming napagkuwentuhan sa harap ng hapag-kainan. Masasabi kong chill si Tita Willa na napakaraming kuwento sa amin.

Nalaman ko rin na nasa ibang bansa nagtatrabaho ang papa ni Howell at once a year siyang umuuwi rito sa Pilipinas.

Habang si Yani naman ay inaalagaan nina Tita Willa habang nasa abroad din ang parents niya.

"Vice president ka pala sa klase n'yo, hindi ka ba pinahihirapan ng anak ko?" I smiled awkwardly sa tanong na iyon ni Tita Willa sabay ng pag-inom ng pineapple juice mula sa baso. Napatingin naman ako kay Howell na napasimangot pa bilang reaction niya. Kaya sumagot ako sa tanong niyang iyon.

"Hindi naman po, actually... ang thoughtful nga po ni Howell, hindi lang po sa akin kung hindi pati sa classmates namin." Oo, ganito ko na-a-appreciate si Howell. Na kahit may pagka-loko-loko ang unggoy, nagagawa pa rin niya akong pasayahin. 'Yong kahit inaasar-asar niya ako, mabuti pa rin siyang kaibigan sa akin.

"Medyo mapang-asar lang po siya, pero nakikita ko po 'yong concern niya sa bawat isa sa amin." Iyong mga attribute na iyon ang dahilan kung bakit ko siya nagustuhan at iyon din ang dahilan kung bakit patuloy akong nahuhulog sa kaniya.

"Ay, very good naman, kung ganoon." Napatingin pa siya kay Howell na naghihiwa ng laman ng buto ng baka gamit ang kutsara. "Ikaw, Howell, kapag nalaman kong ginagawan mo ng kalokohan si Lyra, makukurot ka sa akin!"

"Mommy, mabait po ako, promise!" pagdepensa pa ni Howell kasabay ng pagdikit ng mga kamay niya at napatingin pa sa kisame. Hindi na talaga mawawala ang naughtiness niya.

Ngayon ko lang nakita si Howell na napaka-close sa pamilya niya, at hindi talaga magkasya sa puso ko ang tuwa. Hindi ko alam, pero nagiging dahilan muli ito para umusbong ang feelings ko para sa kaniya. Bakit ba kasi ang hirap maging marupok?

---

Inilibot ko pa nga ang sarili ko sa bahay nina Howell. Nagawi ako sa may lugar sa sala nila na puno ng mga picture na nakalagay sa frame. Mostly childhood pictures nina Howell, o 'di kaya ay family picture nila na habang namasyal sila abroad. May pictures nga rin si Tita Willa noong sumali siya noon sa isang national beauty pageant kung saan siya nag-first runner up.

Habang nagtitingin-tingin pa sa pictures ay napansin ko 'yong isang medium-sized teddy bear na nakaupo sa upuan sa tabi ng maliit na desk. Kulay brown ito at may red na bowtie. Intact pa rin ito kahit na may mga tahi-tahi na at napaglipasan ng panahon.

Pero mas napansin ko 'yong mga letter na "H" at "C" na naka-broider sa bandang tiyan nito.

"Uy, ang cute niya, 'no? Mana sa akin." Napangiwi ako nang tumingin kay Howell pagkatapos niyang sumingit.

"Weh, 'di nga?" sagot ko nang may disbelief. "Saan banda?"

Aminin mo na kasing cute siya, Lyra. Don't be shy.

"Siyempre, baby ko iyan. E, kanino pa ba siya magmamana, right, Humphrey Cole?"

Naks, may pangalan pala ang teddy bear ni Howell.

"May sentimental value sa akin iyang si Humphrey Cole, kaya ingat na ingat ako diyan," pasabi pa niya sa akin. I wonder bakit ganito na lang magpahahalaga sa mga bagay itong si Howell.

"Special din kasi ang nagbigay sa akin, kaya iniingatan ko siya." Naging seryoso ang tingin niya roon sa teddy bear na nakaupo.

"Siyempre, regalo kasi 'to sa akin ni Celine."

Bakit sa tuwing naririnig ko kay Howell ang pangalang iyon ay pinipisil nito ang puso ko?

Sige, Lyra. G ka namang masaktan, e.

-30-

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top