SCOPE | VIII

WALA TALAGANG time na hindi humihingi ng favor itong si Howell sa akin. Kung kailan busy ako sa pagre-review para sa midterms, doon naman nanggugulo itong si Howell sa akin habang nakikinig ng compilation ng mga lo-fi music sa YouTube. Mai-silent na nga itong phone ko.

Howell:
Lyra
Pssttt
May alam kang magandang birthday gift?

Wow, from food specialist sa birthday, ngayon, gift specialist na ang peg ko ngayon kay Howell. 'Yong totoo, may balak kaya niya akong sahuran?

Lyra:
Oo. Pero anong klase ba? Be specific.

Howell:
Book sana e
Ano magandang book?

Lyra:
Wow, so ano, magpapasama ka na naman ba sa 'kin niyang bumili sa book store?

Howell:
Hindi na
Bili na lang ako sa Shopee

Lyra:
Okay...
Anong genre ba?
YA? John Green? Colleen Hoover?
What if inspirational?
Maganda 'yong Paulo Coelho books, lalo na 'yong The Alchemist niya..

Howell:
Paulo Coelho? O sige-sige hanap ako
Wait lang

Mga ilang saglit lang ay nag-send siya ng screenshot ng item mula sa Shopee. 'Yon ngang Paulo Coelho bookset na worth 1,500 pesos.

Howell:
Itong bookset na lang bibilhin ko hehehe

Naks, iyon talaga bibilhin. Yayamanin talaga ang mahangin.

Lyra:
Wow, galante natin, a?
Special ba pagbibigyan mo niyan?

Howell:
Of course
Special siya para sa akin

Kung sino man ang pagbibigyan niya, napakasuwerte niya dahil ang special ng pagtrato ni Howell para sa kaniya. Soft spot ko rin kasi 'yong ganitong mga tao, 'yong mga marunong magpahalaga sa ibang taong nakapaligid sa kaniya.

Howell:
Anyway thank you sa help mo
Nacheckout kona ☺️

Lyra:
No problemo. Basta ikaw. 😊

Masaya naman ako na ganito ang ginagawa ko. Masarap sa feeling na natutulungan si ko Howell.

---

Ang hirap i-explain nitong feeling ko tuwing nagkakaroon ng presensiya ni Howell, 'yong feeling ba na mas nakikilala ko siya tuwing lagi kaming magkasama?

Pakiramdam ko pa na mas nagiging palagay na ako sa kaniya dahil naise-share ko na rin ang mga kadramahan ko, mga sentimiyento ko sa buhay tuwing nagkukwentuhan sa library saka kapag nagcha-chat sa FB, late night talks, ganoon. At handa naman siyang makinig sa akin at nagbibigay pa siya ng mga magagandang advice.

Mahirap alisin sa isipan ko ang mga ngiti niya at ang mga halakhak niya. Kahit waley lagi ang mga birada at jokes niya ay pinagagaan pa rin niya ang aking loob.

Ang buong akala ko ay simpleng infatuation lang itong nararamdaman ko. Pero mukhang mas umusbong pa ito.

"Ang bagal mo naman! Male-late na tayo, uy," paghuhuramentado ko habang kumukuha ng bottled juice itong si Howell sa may vending machine. Nagmamadali na nga kami dahil male-late na kami sa meeting ng lahat ng class president ng JHS at SHS department sa may AVR, tapos nagawa pang sumegue ng lalaking ito.

"Heto na nga!" pagmamaktol pa niya habang naghulog ng pera sa vending machine. "Wala ba sa vocabulary mo ang maghintay?" Napa-roll na lang ako ng mga mga mata habang nakatayo sa tabi niya.

"Nauuhaw na po kasi ang tao." aniya sabay nagpa-cute na para bang isang tuta.

Gah, the same old Howell. Pero hindi muna gagana ang charms mo sa akin ngayon.

"Okay," tipid kong sagot saka ipinagkrus ang aking mga braso. Ilang taon pa ang inabot bago niya nakuha ang maiinom at para magpunta na kami sa may auditorium.

Hindi ko maiwasang yumuko o hindi tumingin nang direkta sa kaniya habang kinakausap at kinukulit niya ako. Napahawi na lang ako sa mahaba kong buhok habang naglalakad kami. Nanliliit pa tuloy ako sa sarili ko, lalo na at napakahaba talaga ng legs ng kasama kong ito.

Kahit nakakairita na siya sa sobrang kakulitan, walang akward moments sa aming dalawa, walang pagkakataon na hindi niya ako pinangiti. Basta, iba ang pakiramdam na kasama siya.

Ganito na ba ang pakiramdam na mahulog ang loob nang todo?

Pagkarating sa auditorium sa may third floor ng isa sa mga building ng college department ay umupo kami sa bandang gitna. Sa sobrang lamig sa loob ay para bang nalimutan kong magdala ng jacket. Itong kasama ko naman ay abala sa pagbabasa ng kung ano-ano sa phone; parang hindi niya mapigilan ang pagngiti.

Nakatutukso talaga ang hangin na mayroon sa loob ng auditorium. Parang mas okay pang matulog kaysa makinig sa mga oras na ito.

Habang nakikinig pa nga sa topic ng SSC president na pine-present namin ay tulala lang akong nakikinig. Bahala na talaga kung ano ang pumasok at ma-process ng utak ko.

Ngunit isang saglit lang hindi ko namalayan ang paglapit ng aming mga braso kaya nakaramdam kami ng sudden jolt.

Napatingin na lang kami sa isa't isa at nag-sorry. Kaagad naman akong napailing kay Howell dahil pakiramdam ko ay mas lalo na akong nako-conscious. Geez, Lyra, ilugar mo naman ang hiya mo!

Ngunit habang tumagal-tagal ang duration ng meeting ay tuluyan nang bumigay itong kasama ko. Hindi ko na nga lang siya pinagbawalan at ginising. Ang sabi pa nga, "Lokohin mo na lang ang lasing, huwag lang ang bagong gising".

Marahan ko na lang na inilingon ang sarili ko sa kaniya. Napakaamo ng hitsura niya at nagmukha siya tuloy na isang anghel lalo na at kita ang mapupungay niyang mga pilik-mata.

Pero sa ilang saglit lang ay naalimpungatan siya.

"Sorry. Napasarap yata ang tulog ko," pambungad pa niya sabay ngiti⁠-'yong ngiti niyang mas nagpalakas ng tibok ng puso ko...

---

Hindi ko maiwasang mapangiti tuwing nakikita ang pictures ni Howell. 'Yong halos ma-conscious ka na sa sarili tuwing makikita ang mukha niya sa bawat frame? 'Yong hindi mo na mapigilan na sumabog sa kilig? Iba na yata ang epekto sa akin ng buwiset na feelings na ito.

Aminin, sino'ng hindi maiiwasan ang pag-stalk nila sa taong ina-admire nila? Mapa-artista man iyan, sikat na personality, mga athlete. 'Yong tipong updated ka sa buhay nila.

Napangisi pa talaga ako na parang si Cheshire cat habang tinitingnan ang pictures ni Howell sa kaniyang FB account. Kung saan-saan na tuloy ako nakararating sa pinanggagagawa ko. Pero ang hindi ako maka-get over ay 'yong sa picture na posted pa noong mga one year ang nakalilipas.

Childhood photo niya ito na kinunan sa isang Halloween party. Tantiya kong nasa mga six to seven years old pa lang siya noon.

He really looked cute way back then habang suot ang Superman costume niya roon, at saka pa may bitbit na pumpkin bucket. Ever since, naroon pa rin ang bright bunny smile niyang bungi-bungi at ang nagniningning niyang mga mata.

Sa post pa niyang iyon ay mayroon pa siyang caption na, "You're my Kryptonite. You keep making me weak."

In fairness, may punctuation marks sa caption niya.

Pasimple kong sinave iyon sa aking phone, para may alas ako sa kaniya.

Ang cute talaga ni Howell sa picture na iyon. Parang ang sarap mag-time travel para panggigilan siya at kurutin ang pisngi. Ilang years na nga ang lumipas, parang wala mang ipinagbago sa kaniyang hitsura. Tumangkad nga lang.

"Lyra naman, nasa harap ng pagkain, puro ka cellphone. Stop mo muna iyan." Sa gitna ng pagtingin ko ay nasermunan pa tuloy ako ni Mama. Iba na yata ang nangyayari sa akin.

Am I starting to become Alice who is falling into the rabbit Howell? Jusko, Lyra, nagiging corny ka na. Ikain mo na lang ka iyan, ano?

Pagkatapos kumain ay bumalik ako sa post ni Howell. Napatingin naman ako roon sa comments. Kung hindi "Ang cute mo jan pamangkin" o kaya "Ang liit mo pa jan" comments sa kaniyang relatives, puro heart emojis at stickers naman ang nandoon sa comment section.

Pero may isang nag-comment na umagaw sa aking attention.

Marceline Juniper Canlas: Oh my God, that picture tho!!!! 😂

May kasunod pa nga siyang cinomment na picture. Picture din ni Howell na kapareho lang noong nasa post niya, pero may kasama siyang isang batang babae na naka-costume naman na kay Snow White. Magkaakbay rin sila sa picture na para bang ang closed nila sa isa't isa.

Howell Jimenez: Yung mga panahong nagkaubusan ng powder sa pagawaan ng espasol kasi inubos mo para sa face mo hahahaha

Marceline Juniper Canlas: Buset ka, Howell LOL 😂

Doon ko lang na-realize na familiar ang hitsura ng batang babae. Hindi ko lang maalala kung sino siya, pero alam kong nakita ko na siya somewhere.

Chineck ko 'yong profile nitong si Marceline Juniper Canlas at pagkatingin sa profile picture niya, doon ko nga na-confirm na siya pala iyon.

Siya nga. Siya nga 'yong babaeng nagbenta sa akin noon ng cupcakes na mula sa Grade 12-ABM.

-30-

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top