SCOPE | VII

ALAM N'YO 'yong feeling na kahit napaka-mundane at typical ng mga nangyayari sa bawat araw ay may bagay ka pa ring ina-anticipate na mangyari. Hindi naman ito 'yong may UFO na lilitaw at saka ka i-a-abduct at dadalhin ka ng aliens sa ibang planeta, o kaya may matutuklasan kang cabinet at pagbukas mo ay dadalhin ka sa ibang dimension.

Sa araw-araw na pagpasok ko sa school ay para bang mayroon akong ina-anticipate. 'Yong bagong lessons ba na pag-aaralan namin? 'Yong panibagong kuwento ba sa akin nina Jeannie? Hindi ko alam.

Pumasok ako sa classroom na para bang naninibago. Para bang nawalan ng ingay? Of course, maingay pa rin ang buong klase habang paupo na ako sa upuan ko.

"Buti, wala pa ang mokong na iyon?" bulong ko sa sarili ko na dinig ko pa rin sa kabila ng ingay. Pero nakakapanibago lang... Usually naman ay nauuna lagi si Howell na pumasok kaysa sa akin. Oh, baka nauna lang ako sa kaniya.

Pero paglipas lang ng ilang minuto, wala pang Howell na nagpapakita. Papunta na kaya iyon dito? Baka na-traffic lang. As usual ay tuloy pa rin sa mga ginagawa nila ang classmates ko hanggang sa dumating si Miss Gomez.

"Howell," pag-a-announce ni Miss Gomez sa klase. Halos lahat ay nagbubulong-bulungan at nagtataka. Hanggang ngayon din ay may espasyo pa rin sa upuan ni Howell. Nasaan na ba kasi siya? Wow, kailan pa ako nagging concerned sa lalaking iyon?

Nagawi ang attention ko sa pagtaas ng kamay ni Gino.

"Miss, absent daw po siya ngayon. Nilalagnat daw po."

Oh, may sakit pala. Kaya pala ni anino, hindi ko maramdaman.

Tila humaba nga ang takbo ng oras habang umuusad ang klase-naging stationary-ayaw gumalaw at para bang nakababagot.

"Uy, miss mo na, 'no?" Sumabay pa itong pang-aasar ng katabi ko kaya ko siya sinimangutan.

Kay-aga-aga ba naman ay bina-badtrip niya ako.

"Ay, sus. Deny pa! Huwag mo akong madaan-daan diyan," pabulong pa niyang hirit sa akin habang nakikinig sa klase na naging dahilan pa para pagalitan kami ng teacher namin.

Sa paglipas pa ng mga oras ay mas naramdaman ko ang kawalan ng motivation. 'Yon bang robot na naubusan ng baterya? Bakit nga ba kasi ako nagkakaganito ngayon?

Doon ko lang na-realize na nakaka-miss pala ang kakulitan ni Howell. Nakaka-miss ang presensiya niya, sa totoo lang. Ang nakakainis pa ay kahit sa isipan ko ay ayaw niya akong lubayan. May pagkakataon ngang may isa akong napagkamalang Howell sa campus. Ganito na ba talaga ang nararamdaman ko para sa kaniya?

---

Mag-isa na lang din akong kumakain ng lunch sa canteen na nayayamot. Kung kailan naman kasi wala si Howell, sumabay pa sina Jeannie at Claire na hindi available dahil may training sila for the press con. Napaka-lonely ng set-up ko tuloy ngayon.

"Hey, puwedeng makitabi?" Napatingala ako sa narinig at nadatnan si Laine na lumapit sa akin na may dala-dalang tray. Maaliwalas ang mga ngiti niya dahil siguro ang ganda ng love life niya ngayon. Naging conscious tuloy ako sa sarili ko ay napangiti rin sa kaniya nang napaka-awkward. E, sa ganda rin niya, nagmukha tuloy akong alikabok. Iba rin ang nagagawa ng love sa ibang tao.

Kahit hindi sure sa puwedeng mangyari ay sumagot pa rin ako, "Sure." At saka ko naman inalok ang katabing upuan ko.

"Bakit parang malungkot ka?" komento niya sa akin habang iniikot-ikot ko ang iniinom kong chocolate drink.

"Ay, bakit?" Napangiti akong nang kay-awkward.

"A, wala kasi si Howell." Inirapan ko na lang si Laine. Aba, may pagka-chismosa rin pala ang isang 'to.

"Huwag mon ang i-deny, Lyra." Ayaw ko na lang sumagot. Ay, wow. Denial ka, girl?

Magsasalita na sana ako nang sumingit itong si Daryl sa gitna ng aming pag-uusap. Kumaway ang girlfriend nito sa kaniya at ganoon din ang ginawa ni Daryl na para bang ilang years ang inabot bago sila nagkita.

"Hey, Lyra!" pagbati niya sa akin saka ngumiti. Kita pa rin ang dimple niya, 'yong nunal niya sa ialim ng right eye, at ang mga ngipin niyang ubod nang puti na siyang pandagdag ng kaniyang pogi points.

Nakisabay siyang umupo sa amin at siyempre, sa girlfriend niya siya tumabi at saka naman niya ito inakbayan. Ang down ko na nga, sumabay pa itong dalawa. Aba, nakakaampalaya na, a?

Nagpatuloy ang kwentuhan namin at saka nagsalita naman itong si Daryl, "Naku, kawawa ka naman, Lyra. Hindi mo na kasi ako crush kaya siya na ngayon ang puntirya mo." Muntik ko nang ibuga ang iniinom kong tubig sa sinabi niyang iyon. Naistatuwa ako sa sinabi niya. So, ang ibig sabihin, alam na rin niyang may gusto ako sa kaniya noon?

"Ay, wow! Ang kapal mo rin, ano?"'Natawa na lang itong si Laine sa sinabi ng boyfriend. Ang sarap kutusan ng dalawang ito, promise. Masiyado na akong naro-roast ako sa kanila.

Nag-peace sign na lang siya sabay sabing, "Joke lang!" May jowa man o wala, loko-loko pa rin ang isang 'to.

"We...wait. Bakit sa amin napunta ang usapan?" kuryoso kong tanong sa kanila. Napatingin naman sila sabay ngisi sa akin. Teka lang, wala akong idea.

"Wala lang naman. Bagong ship na raw kayo ngayon ng section natin." Kulang na lang at ibalibag ko ang mesa sa narinig ko sa kanila. Ano raw? Ship?

"Oo nga." Sumang-ayon naman itong si Daryl sabay tango. "Bagay nga kayo, sa totoo lang." Napailing na lang ako sa sinabi niyang iyon. Joke ba iyon?

"Ay, wow! Por que may girlfriend ka na at gumaganiyan ka na ngayon?" Tinaasan ko ng kilay itong si Daryl. Mukhang roasted ako sa lovebirds na ito.

Kainis! Nagmukha akong third wheel sa dalawang ito. E 'di, sila nang may love life.

Pero bakit ba affected ako nang ganito? May namamagitan ba sa amin ni Howell? Hindi ko lang alam. Ayaw ko namang umasa ulit at baka matulad na naman sa nangyari dati.

Mukhang simpleng paghanga lang naman ang nararamdaman ko kay Howell. Come think of it, matalino siya, malakas ang sense of humor, mahusay ang leadership skills. Marunong siyang magpasaya ng tao, masayang kausap. Para bang may hatid na positive vibes ang presensiya niya.

He may look cute... Pero mas nangingibabaw 'yong pagiging jolly ng aura niya. Doon mas lumalakas ang charms niya. Hindi naman siya intimidating kahit noon pa; napakakomportable niyang kasama.

Good thing naman at tuluyan nang nawala ang nararamdaman ko para kay Daryl. No more saltiness and bitterness na kapag nakikita sila. Natutuwa nga ako tuwing nakikita ko ang dalawang ito na magkasama dahil nakikita ko ang natural na chemistry nila sa isa't isa. Bagay nga sila for each other.

Sa pakikiepal naman ngayon ni Howell, if this is only admiration, hanggang doon lang dapat iyon; dapat kong malaman ang aking scope kung baka sa huli ay lamunin na naman ako ng aking assumptions.

Habang naglalakad papauwi ay bumuhos ang malakas na ulan at the worst thing is, wala akong dalang payong kaya sumilong muna ako sa waiting shed for the second time around. Hindi naman kasi ako na-inform na uulan. Kaasar lang ang pagiging moody ng panahon. Mukhang kailangang suyuin at padalhan ng fries, milk tea, at chocolates para hindi na magtampo.

In-open ko muna ang cellphone ko at binuksan ang Messenger Bumulaga rin sa akin ang isang chat message. Ngayon ko lang na-experience na mag-tap nang ganito kabilis para lang sa isang message.

Howell:

Harro

Halos mapilas ang mukha ko sa lapad ng aking ngiti. Na kahit gaano pa ka-gloomy at kalamlam ang panahon ay para bang sumikat ang araw at umaliwalas ang atmosphere.

Howell:

Missed me? 😏

Lyra:

Wow, asa ka naman.

Weh? Talaga ba? Palibhasa, diyan ka naman magaling, Lyra-sa pagtago ng nararamdaman, career-in mo na iyan.

Lyra:

Kumusta ka na? Kumusta na nafi-feel mo?

Howell:

Yieeee concern siya sa akin

Concerned* o yan na

Pero thank you

Lyra:

Sira! Parang nagtatanong lang.

Howell:

Kaya nga joke lang eh

I'm still not feeling well

Inom pa kong gamot pero hopefully makapasok na ako the day after bukas hehe

'Yong mga paganito ni Howell ang nagsisilbing sunshine sa maulang panahon. Sino ba kasing hindi magiging marupok sa taong may ganitong personality?

---

Break time kaya nag-decide muna akong maglakad-lakad sa may corridor ng aming school building. Dederetso sana ako sa may library para doon ko gawin 'yong isa kong assignment na ipapasa sa last period. Mamayang lunch na lang ako kakain para matapos ko itong pinagagawa ko ngayon din

Habang naglalakad ay mayroon isang nag-approach sa akin. "Miss, bili ka na ng cupcakes namin. 100 pesos lang per box," nakangiti niyang sabi sa akin sabay alok ng babaeng nagbebenta. May nakasabit sa kaniya na box na naglalaman pa ng isang red na box na may lamang four pieces na nakatatakam na cupcakes.

"Ay, hala, thank you na lang." Napangiti na lang ako sabay tanggi. Gusto ko pa naman sanang bumili, pero nagmamadali na akong pumunta sa may library para gawin na ang assignment ko.

"Sige na, last box na namin ito, kaya ibibigay na namin sa 'yo nang 75," pagpupumilit pa niya sa akin. Mukhang na-corner tuloy ako ni Ate.

Napabuntong-hininga tuloy ako. "O, sige na nga. Bilhin ko na."

"Yehey! Thank you, buena mano ka namin ngayon." Kita ang galak ni Ate (I bet, senior namin siya) nang iabot niya sa akin ang box na may nakatali pang ribbon.

"Masarap iyan!" komento pa niya pagkabayad ko.

"Gawa n'yo?"

At saka siya sumagot, "Yup, for our Entrep subject." Bigla pa siyang natigil. "Wait, ABM ka rin pala? Maggaganito rin kayo next year."

"Naku, enjoy pa naman ang baking. Thank you rito, a?" Iyon na ang sinabi ko bago umalis.

"Thank you, too," may energy pa niyang sagot. Ang kalog naman pala nitong si Ate.

Dahil bawal ang food and drinks sa library, sa may campus shed na lang ako dumiretso para kainin itong cupcakes. Mukhang may pang-hanggang lunch na rin ako nito. Kung sa bagay, kaya ko namang ubusin ang apat na ito. Masiba lang? Napakain tuloy ako nang wala sa oras.

Habang inilabas ko ang mga gamit ko sa purple na Ruffles na bag, binuksan ko na rin ang box ng cupckaes at kumuha ako ng isa. Pero habang pagkakuha ay may kamay na lumapit at saka ba naman kumupit ng isang piraso. Nayamot akong tingnan kung sino 'yong kumuha, at sino pa ba siya-e 'di, walang iba kung hindi si Howell.

"Uy, cupcakes ko iyan!" pagmamaktol ko sa kaniya. "Ibalik mo."

"Cupcakes natin," may pagkapilyo niyang sagot nang may emphasis sa salitang "natin". Kasabay noon ay umupo siya sa tabi ko, at saka ako binelatan, at saka kinagat ang isa sa precious cupcakes KO. Tiningnan ko na lang siya nang may panghihinayang nang unti-unti niyang inuubos ang binili ko. Hindi nga siya nagpaalam, e. Wala bas a vocabulary niya ang salitang consent?

"Ay, wow, Marxist lang?" Inirapan ko na lang siya kasabay ng pagbalik noong cupcake na kinuha ko sa box. Nawalan tuloy ako ng gana. Kainis! "Ako po kasi ang bumili niyan. Ako po ang nag-effort para makuha ang product kaya sa akin po ang sole proprietorship."

"For your information, walang tangible mark na makapagsasabing sa 'yo 'to. Ikaw nga ang bumili, pero naka-expose siya sa maraming tao, kaya kahit sino, puwedeng makahawak diyan sa binili mo," sagot pa niya habang parang bata kung ngumuya ng chocolate cupcake. Minsan talaga ay naloloka ako sa pangangatuwiran ng isang 'to.

"Ewan ko sa 'yo." Nagmaktol na lang ako at wala nang tinapos sa ginagawa ko. Sumapaw pa kasi si Howell. "Dumaan po kasi ito sa process bago ko makuha. At isa pa, nasa teritoryo ko na 'to, tapos bigla ka na lang darating at mang-aagaw. Very wrong po iyon."

"Ang sungit mo naman." Nginusuan pa ako ng loko. Paiba-iba talaga trip nitong si Howell. Napa-click na lang ako ng dila at saka nag-roll ng eyes. E, may magagawa pa ba ako?

"Hmm... hmmm... tastes like first love." Nagkomento pa siya sa huling kagat na para bang judge sa MasterChef.

"Ano raw?"

"Wala, ang sarap kasi nitong cupcake." Napangisi pa itong si Howell. "Gusto ko pa. Pahingi pa ako."

Tinaasan ko na lang siya ng kilay at saka inilayo na sa kaniya ang box. Baka dumagit pa kasi siya.

Paiba-iba talaga ang mood notong si Howell. May pagkaseryoso, tapos ang childish niya rin na ewan. Ang gulo lang. Kaya ang gulo rin ng puso kong unti-unti nang tumitibok para sa kaniya.

-30-

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top