SCOPE | VI
MEETING PROPER at tahimik lang akong nakikinig sa agenda na dini-discuss ngayon ni Howell sa may classroom kasama ng ibang officers.
Actually, ako pa nga 'yong gumawa ng agenda namin at since kagabi pa ay ginugulo na ako ni Howell at todo remind pa sa akin para i-send sa kaniya 'yong files through email.
"'Yon nga, magkakaroon tayo ng mini-Science Fair sa loob ng classroom. May nakausap na rin ako sa classmates natin na gagawa ng mini inventions gamit ang recyclable materials, at saka naman natin iyon idi-display sa loob ng classroom for the celebration." Palakad-lakad siya habang nag-e-explain sa harapan na para bang kiti-kiti na hindi mapakali sa kinatatayuan niya. Ewan ko lang ba kung mannerisms niya ba ito o ano.
"Required din tayong sumali sa Most Decorative Classroom, kaya tulong-tulong tayo sa pag-decorate ng classroom together with our classmates. The awarding will also happen at the Science Month Celebration."
Ngayon ko lang napansin ang pagiging attentive at enthusiastic ni Howell habang ino-observe ko ang way niya ng pagsasalita at sa pag-handle din ng mga tanong ng mga kaklase ko. Ang smart din ng way ng kaniyang leadership.
Magaling siyang magbigay ng matalinong advice hindi lang sa aming officers kung hindi pati na sa mga kaklase kong humihingi rin ng tulong.
Na-amaze ako sa matalinong paghawak niya sa mga problema at sa pag-iisip ng mga magagandang solusyon. I wonder, deserve niya ang nasa ganitong posisyon. Hindi niya ginagamit ang position niya para lang magpa-impress.
Sa mga ipinakita niya, masasabi kong na-impress ako sa kaniya at in-admire ko ang bawat effort na ginagawa niya.
---
Thursday ng gabi at katatapos ko lang gawin 'yong ibang projects na ginagawa ko nang i-open ko ang aking cellphone at bumungad sa akin ang sandamukal na messages. As usual ay maingay ang GC ng Newtoniums na sayaw nang sayaw sa aking Messenger. Pero involuntarily na napindot ko ay 'yong kay Howell na nasa 5th na chat list ko.
Howell:
Uy Hobbit
Hobbit!
HOBBBBBBBIIIITTTTTTTTTTTTTTTT
Lyra:
Bakit po, Mahangin?
Nag-send pa siya ng GIF ni Puss in Boots na nagpapa-cute ang mga mata.
Howell:
Favor please
Sabi ko na, e. May gusting ipagawa itong si Howell. Hindi niya ako madadaan sa pagpapa-cute niyang iyan.
Howell:
Patulong naman ako sige na
Lyra:
Ano na naman iyan? Gabing-gabi na po. Bukas na lang, please?
Howell:
😊
Lyra:
Bahala ka sa buhay mo!
Gabing-gabi na, inuubos pa rin niya ang pasensiya ko.
Howell:
Birthday kasi ni Mama sa Saturday
Isu-surprise ko sana kaya ipagluluto ko siya hehe
Lyra:
Aww, so sweet naman
Howell:
Patulong naman diyang magluto o
Wow, so chef na pala ako sa lagay kong ito? Ayos din, a?
Howell:
Alam mo namang pogi ako pero pabu lang ang alam kong gawin
Lyra:
Pabu?
Howell:
Edi pabu, PABUkas-bukas lang ng delata
Napauntog na lang ako ng ulo sa sagot niyang iyon. Buwiset talaga ang isang ito.
Lyra:
Jusko naman. E 'di, ipagluto mo siya ng favorite niya.
Aralin mo, ganern.
Howell:
Mama loves pasta eh
Lyra:
Ipagluto mo siyang carbonara. Madali lang iyon.
Howell:
Oh so Carbonara nalang?
Lyra:
Na lang*
Howell:
Ewan ko sayo
Pero thank you very much
Sana masarap lagi ulam mo
Pero iba pala ang nais ng mahangin. Kitang nagpasama pa sa akin na mamili ng ingredients pagka-dismiss sa may supermarket sa loob ng Robinsons na katapat lang ng aming school. Wala, e. Nagpatangay ang marupok dahil manlilibre naman daw siya.
Siya ang may hawak ng listahan ng ingredients na bibilhin at ng basket habang gina-guide ko siya sa paghahanap ng ingredients habang naglalakad-lakad din kami sa loob ng supermarket.
Ako naman 'yong inuutos-utusan niya sa paghahanap ng mga sangkap.
"Uy, Lyra, kuha ka noong Ne-sel Cream," ang sabi ni Howell habang nagawi kami sa pasta and noodles section ng supermarket at saka niya binabasa ang nasa kasulatan. Pero biglang nagpintig ang tainga ko sa narinig. Wait... ano 'yong sinabi niya?
Biglang napalabas ang autocorrection skills ko nang wala sa oras.
"All-purpose cream 'yon, Howell. All-purpose cream!" bulalas ko na lang sa kaniya. May pahabol pa ako, "At isa pa, nes-ley ang pronunciation noon. My goodness!"
Nagmaktol pa siya at napanguso sa sinabi kong iyon. "E 'di, all-purpose. Ganoon na rin iyon, mas madaling ma-identify kasi may brand."
"Naka-trademark po kasi iyon," pangangatuwiran ko naman sa kaniya. E, napatingin pa ang mga tao sa aming argumento habang dumaraan. "E, bakit, sasabihin mong Colgate kung Close-Up naman pala ang bibilhin mo?"
"As if mababago noon ang composition?" Humirit pa itong si Howell. "Basta, same lang iyon."
"Ang dami mong dada, Lyra. Ikaw na lang kaya maging manufacturer." Sinimangutan ko na lang ang mahangin at saka padabog na maglakad papuntang dairy section.
Ewan ko lang talaga sa lalaking ito. E, kung iwan ko kaya siya? Mag-grocery siyang mag-isa niya.
---
Pagkatapos ng stressful na pamimili ay kumain na kami sa may Jollibee. Daig pa ang batang hindi pinakain nang ilang buwan kung makakain itong si Howell, pero kung titingnan, ako pa ang na-stress sa kaniya.
"Lyra naman kasi, don't stress yourself kung nakakarinig ka ng grammar lapses sa ibang tao. Just let them be," may paga-seryoso pa niyang banggit sa akin sa gitna ng pag-twirl ko ng spaghetti gamit ang tinidor.
"E, they do not sound right kasi," pangangatuwiran ko naman. Sa totoo lang ay may mga naiinis na rin pala sa akin kapa kino-correct ko sila.
"Yes, they do not nga. Alam ko rin naman ang proper usage of words and whatsoever, pero I didn't bother to use them correctly. As long as you convey your message, e 'di, okay..." He just shrugged habang ngumunguya sa kinakaing fries.
Sandali akong natahimik at saka siya seryosong tiningnan. Bakit nga ba kasi ganito ang mind set ng isang 'to?
"Alam mo, naalala ko 'yong friends ko sa Cavite. Ganiyan na ganiyan din sila maka-react sa akin." Napakuwento pa tuloy ako nang wala sa oras.
"Miss mo na, 'no?" kuryoso niyang tanong kasabay ng pagpunas ng bibig gamit ang napkin.
Naging sentimental tuloy ako at saka sila naisip.
"Of course. E, halos nakasabayan ko na silang lumaki, tapos iiwan ko sila in an instant." Napabitiw ako ng buntong-hininga. Noong unang linggo pa nga lang namin sa bagong bahay, nagiging emotional pa ako. Siyempre, malaking parte ng pagkatao ko ang iiwan sa lugar na iyon at saka kami lilipat sa isang lugar na wala akong gaanong memories.
"Well... ganiyan naman talaga. Pero hindi naman ibig sabihin, kalilimutan na lang natin sila." pagdaldal talaga ni Howell. "No matter how far you are from them, kung malakas ang bond n'yo sa isa't-isa, walang distance-distance. And besides, thank you, Lord for the social media. Para saan pa ang purpose nila?" Sa pagtatapos ng mga sinabi niyang iyon ay para bang naging guilty siya, kaya napayuko si Howell, pinagdikit ang mga palad, at saka nag-pray.
"Wait... sorry po, Lord for using your name in vain." Ngumuso siya ulit at saka bumulong.
"Ay, grabe siya. Lakas makahugot, a?" Nagsimula ko na tuloy siyang asarin. Akala niya, siya lang ang may karapatang mabuwisit? "May inspiration lang?"
"W...wala... bakit ba?" pagdepensa pa nitong si Howell kasabay ng pagbungisngis.
---
Nag-insist pa si Howell na ihatid ako sa amin. Siya pa talaga itong nag-effort para dito kahit na ako 'yong sumama sa kaniya.
"Thank you sa time, Lyra," nakangiting sabi ni Howell habang karga ang mga ipinamili namin kanina pagkarating sa waiting shed.
"Sa 'yo rin, Howell," sagot ko naman sabay binigkis ang dalawa kong braso sa likod.
"So, quits na tayo?"
"Tse!"
"Okay..." pabiro pa niyang sabi sa akin, "O siya, mauuna na ako," Kumaway pa siya bago kami maghiwalay ng landas.
"Ingat sila sa iyo," tagubilin ko naman.
"I will," aniya at saka siya ngumiti. Ibang-iba nga ang mood ng Howell na ito na para bang naging isang maamong tuta. Bihira ko lang makita ang ganitong side niya. Ito na ba 'yong cute side niya?
Habang papalakad sa may daan ng subdivision ay hindi maalis sa aking isip ang mga maaliwalas na mga ngiti ni Howell. Para bang nakararamdam ako ng kakaibang feeling kapag kasama siya. 'Yon bang kahit na palagi niya akong inaasar at iniinis (medyo immune na rin naman ako roon), ang saya pa rin niyang kasama. Siya 'yong tipo ng tao na maraming baon na kuwento at maraming pinaghuhugutan sa buhay.
Howell:
Good morning Lyrang pandak the hobbit
Naging routine na rin ang pagbati niya sa akin ng good morning pati na ang pang-aasar niya sa akin via Messenger. Medyo nag-o-open-up na rin ako sa kaniya. May times na nagdrama ako sa kaniya pero handa naman siyang nakinig sa akin.
"Yong totoo, nahuhulog na ba ako sa kaniya? Hindi ko rin alam. Kung ano man ang mayroon sa amin ngayon, okay na ako roon.
Sa paglipas ng mga linggo ay mas nakilala ko pa nang higit si Howell lalo na kapag palagi kami sa bahay nila every may practice. Sa bawat pagbati sa Messenger, kapag kakwentuhan siya sa school at sa bawat meeting ng class officers. Every single day, nadidiskubre ko ang ibang side ni Howell.
Nagiging weird na ang mga pangyayari sa akin lately. Parang... iba na ang tingin ko para sa kaniya. Wala namang special sa amin pero nakararamdam ako ng attachment. Hindi naman kami totally magkaibigan pero iba 'yong feeling na ang gaan-gaan sa loob niyang kausap. May kakaiba na naman akong nararamdaman.
Hindi... Hindi ito maganda.
Heto na naman tayo. Lyra, natuto ka na sa mga nangyari sa iyo kay Daryl. Once is enough. Magtanda ka na.
---
"Hi, Lyra," pagbati sa akin ni Howell habang dumaraan ako sa may corridor papasok ng classroom. As usual, kasama niyang nakatambay sina Gino at Dennis na abalang nagkekwentuhan.
"Bakit?" iritable kong sabi. Kay aga-aga, nang-iistorbo ang mga ito!
"Wala lang," sagot niya kasabay ng ngiti.
Pero na-realize ko na may something sa ngiting iyon na ngayon ko lang nakita. Basta, hindi ko ma-explain. Ang hirap i-explain.
"Kumusta ang araw mo, Lyra?" tanong naman ni Dennis sa akin. Pero sa halip na tumugon ay sarcastic na lang akong tumawa.
"Diyan na nga kayo. Buwisit!" naiinis kong sagot dahil ayaw nila akong tigilan.
"Boom!" komento naman ng mga loko-loko. Mga engot talaga ang mga ito. "Na-stun si Koya Howell!"
Pero bago pa man ako nakapasok ay tinawag na naman niya ako, "Lyra." Kinamot ko na lang ang ulo ko.
"Ano nga kasi? Tawag ka nang tawag." Napalingon na lang ako nang medyo may katarayan. Ayaw talaga nila akong tantanan.
"Wala lang. Sige, Lyra, pasok ka na," sagot niya sabay halakhak. Iyan na naman tayo sa sagot niyang wala lang.
Loko-loko talaga ang lalaking ito. Inirapan ko na lang siya saka padabog na pumasok sa loob.
Pero pagkaupo sa may upuan sa classroom, pakiramdam ko ay roon nag-sink-in ang lahat. Biglang lumakas ang kabog ng puso ko na sinapawan ang tunog ng bell. At biglang nag-slomo ang lahat nang pumasok si Howell sa loob ng classroom.
It seems I've been hit by the Cupid's arrow once again.
-30-
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top