SCOPE | V
SA MAY tapat ng Angeles Fried Chicken na bungad lang ng subdivision namin kami nagkita nina Howell. Actually, si Papa na ang nag-offer na ihatid kami gamit ang kotse papunta sa may venue. Dahil araw ng contest ay hindi na rin kami pumasok sa klase namin for the whole day. Ito ang perks ng pagsali ng contests-'yong exemption. Except doon, makatatanggap kami ng bonus sa performance sa subject namin kay Miss Gomez. Except pa roon, kung sakaling manalo kami ay may bonus pa kami sa paparating na exam.
Nasa tabi ako ni Papa sa may driver's seat habang nasa likod naman si Howell. Papa ko na nga ang nag-volunteer na ihatid kami sa may venue. Si Miss Gomez naman ay nag-text na nauna na siya sa amin sa school kung saan gaganapin ang quiz bee dahil malapit lang daw sila roon. Medyo kinakabahan pa nga ako sa mga mangyayari mamaya habang nakadungaw sa bintana at pinagmamasdan 'yong dinaraanan namin.
"Kapampangan ka ba, 'Tong, o Tagalog?" tanong ni Papa kay Howell na ang gamit ay hindi Tagalog.
"Kapampangan pu," sagot naman ni Howell na nakatingin sa direksiyon namin. At doon ay nagsimula na silang mag-usap na gamit ang Kapampangan language.
Hindi naman ako hirap makaintindi ng Kapampangan, lalo na at madalas na nakakausap ni Papa 'yong mga kamag-anak namin, pero nakaka-culture shock kasi halos lahat ng nakakasalamuha ko rito, sinasalita ang lengguwahe na iisang tao lang sa bahay namin ang gumagamit.
Pero mukhang mao-OP ako sa usapan nila kaya nanahimik na lang ako.
"Kumusta naman i Lyra? E naka naman panasakitan?" Naubo ako sa tanong ni Papa kay Howell. Wow, sinasaktan ko ba siya?
Natawa naman itong si Howell sa tanong at saka ko naman siya sinamaan ng tingin. Siguraduhin lang niyang matino ang isasagot niya kay Papa. "Ay, a...ali pu. Maganaka ya pu i Lyra, Sir Contreras."
"Tito Larry na mu. Ika naman, Tong. Paka-formal mu pa."
"Sigi pu, Tito Larry."
Nakaabot na ang sinasakyan namin sa may rotonda ng Angeles City kung saan maraming mga establisiyiemento ang nakatayo. Habang busy ako sa sightseeing, patuloy naman sa pa-uusap sina Papa at Howell.
"Matalino naman po 'yong anak n'yo." Finally, nag-shft din sila sa pagsasalita ng Tagalog.
"Medyo pasaway nga lang." Halos mamula ako sainis sa narinig mula kay Howell. Bakit? Bakit ganoon? Napatampal na lang ako ng noo sa ibinunyag ni Howell. Ilaglag ba naman ako?
"E, kanino pa ba magmamana ang anak ko? Siyempre, sa akin." Napangisip pa ako sa sinabing iyon ni Papa.
"Wow, proud na proud, a?" komento ko tuloy kay Papa.
"Of course. Pero 'yong ganda, malamang sa mama mo." Nagawi naman ulit ang atensiyon niya kay Howell.
"Kumusta studies? May girlfriend ka na ba?" pa-showbiz pa niyang tanong kay Papa. Lakas talaga niyang maka-Boy Abunda.
"Naku po, wala pa po. Wala pa po sa isip ko 'yan." Siyempre, nahihiya pang sumagot si Howell
"Ay, buti?" Napangiti si Papa habang napapaindak sa kantang pinatutugtog sa radio. "How Deep Is Your Love?" by Bee Gees kasi ang nagpe-play ngayon. "Parehas kayo ni Lyra na pina-prioritize ang pag-aaral."
Napatingin ako ulit kay Howell sa may bandang likod, at mukhang may ilalaglag na naman siya base sa mga nakaloloko niyang tingin sa akin. Oh, please.
"Actually po-" pinutol ko ang sasabihin niya at saka ko siya sinapawan. Utang na loob, huwag na huwag niyang ibubulgar ang tungkol kay Daryl.
"Ay, Pa, ang ganda po ng music. Lakasan po kaya natin volume ng speakers?" pagsabat ko sabay adjust ng volume.
"Okay na ang volume, a?" pagtatakang tanong ni Papa at saka ko naman siya pinagngitngitan ng ngipin. Lumingon ako ulit kay Howell at pinanliitan ko siya ng mga mata. Pahamak talaga itong si Howell kahit kalian.
"Pagbutihin n'yo mamaya sa contest, a? Manalo, matalo, ang importante, nagawa n'yo ang best ninyo." Habang binabagtas pa ang daan papunta sa venue, nagpasabi na si Papa. Tiningnan ko rin 'yong nasa Waze at ilang minuto na lang pala at mararating na namin 'yong venue.
"Thank you po, Tito Larry. Yes po, gagawin namin ang best namin." May motivation pa nga sa mga sinabi niyang iyon.
Habang papalapit sa venue ay mas lalo pa nga akong kinabahan. First ever ko pa namang contest ito simula nang umalis kami sa Cavite, kaya nakakakaba talaga.
---
Mga 8:30 AM na noong nakarating kami sa Calevir High School na nasa boundary na ng City of San Fernando at Angeles City. Sinalubong kami ni Miss Gomez pagkarating sa lobby ng school. Pagkatapos ay dumeretso kami nina Howell sa may audio-visual room at doon nagpa-register sa may entrance.
Pagpasok sa loob ng AVR ay bumungad na sa amin ang 10 pairs ng mga upuan. May mga ibang estudyante na rin na makaka-compete namin ang nandoon na sa loob. Sine-set-up na rin ang mga equipment. Pagkaupo sa mga upuan na may nakadikit na papel at nakasulat doon ang SPIS, doon na ako mas nagkaroon ng tension sa kaloob-looban ko. Well, this is game time.
"O, lagi ninyong tatandaan ang sinabi ko sa inyo," may pahabol pang sinabi si Miss Gomez sa amin ni Howell. Malaking tulong din ang kaniyang motivation at encouragement para makayanan namin ang competition na ito. "Stay focused and calm. Manalo, matalo, ang mahalaga, nagawa n'yo ang inyong best. Aja!"
"Kakayanin po namin, Miss," may pagka-hyper na komento ni Howell. Kung ako, halos himatayin na sa kaba at ramdam na ang goosebumps lalo na at naka-aircon pa sa loob. Pero itong kasama ko, mukhang nakikipaglaro lang at kanina pa nagre-relax. Sana all ay katulad ni Howell.
Sa pagsisimula ng contest, kaming mga contestant, ang emcee, at ang mga nasa technical ang naiwan sa loob. Wala nang urungan ito, kaya i-push na ito.
Sa easy round, halos mga tanong na nasa questionnaire na mga sinagutan namin ang mga tanong kaya medyo madali-dali ito kahit papaano. Ang mahirap lang sa easy round, magkakadikit kaming lahat ng 10 schools na competitior namin sa quiz bee. Kung hindi one or two points ay magkaka-tie pa nga kami ng scores ng ibang team.
"For the average round, here is the first question," pag-a-announce ng emcee sa harap namin kasabay ng pag-flash ng question.
"Uy, seryosohin na natin ito," paghirit ko kay Howell na seryosong nakatingin sa screen, habang hawak ko naman 'yong maliit na white board at marker. E, kahit seryoso itong kasama ko ay mukhang minamani lang niya ang contest na ito; sana naman ay may silbi ang kahanginan nito sa contest.
"What do you call a mental condition where someone suffering from this may have difficulty to distinguish what is real and imaginary?" Iyon ang sumunod na tanong ng emcee. Teka, ano ito? Nasa questionnaires ba ito? Lyra, isip-isip naman diyan.
"Letter C, Schizophrenia!" bulong naman sa akin ni Howell (kahit na napalakas ang pagkakabulong niya), at saka ko naman isinulat ang sagot sa white board. Napakatalino talaga ng lalaking 'to. E 'di, siya na. Siya na talaga. Mukhang secretary na lang yata ang role ko rito hanggang matapos ang contest na ito. Pagkasulat at pagkasabi ng signal ay itinaas ko na ang maliit na whiteboard.
Nang mga sumunod pang mga tanong ay mas tumindi pa ang naging labanan dahil halos kadikit na namin ng score ang mga taga-Evangelion University na mukhang magagaling din. Manalig na ba ako sa sa strategy ni Howell?
Lumipas ang average round at good thing, sa tulong ng aking kasama ay lamang kami ng scores sa ibang school, but we have the competitor with the same tally as we have.
Mukhang pahirapan na talaga ito.
"Everything's under control, Lyra," pagtapik sa akin ni Howell na para bang nag-o-overflow na naman siya sa confident. Utang na loob lang at baka makasapak ako nang 'di oras. Waala akong oras para dito.
"Talaga lang, a? Kutusan kita diyan," iritable kong sabi sa kaniya.
Habang tumatagal ang duration ng competition ay pataas din nang pataas ang tally ng scores namin. Sa end ng average round ay kami pa nga ang nakakuha ng pinakamataas na scores. Correction, isa sa mga may pinakamataas na scores dahil ka-tie pa namin 'yong mga taga-Eastwood High.
Mas nagging mahirap ang hard round lalo na at dito ibinuhos ang lahat ng mathematical problems na dapat naming i-solve sa loob ng two minutes. Halos mapakamot na ako ng ulo sa kaso-solve. Alam mo rin na magiging screwed-up ang mga pangyayari kung pati ang alas ng team namin ay namomroblema na, kaya mukhang kailangan na naming magdasal sa lahat ng santo't santa. Bahala na talaga.
"Timer's up!" Sa pagtigil ng timer para sa last question ay para na ring tumigil ang ikot ng mundo. Mas lumakas ang kabog ko sa dibdib. Pero ang mahalaga, nagawa naman ang best namin ni Howell, kahit papaano. Nairaos din namin ang contest, at thankful kami roon.
Sa pag-announce ng tamang sagot ay napahigpit ang kamay ko. Halos mabingi na nga ako sa pagsasabi ng emcee. Mga ilang segundo lang ang itinagal bago ko i-open ang mga mata ko, kaya hindi ako makapaniwala sa nakita ko sa tally board.
Hindi! Totoo ba ito? Namamalik-mata lang ba ako?
"Congratulations, Sycamore Plains Integrated School!" Kamuntikan ko na ngang tumili; hindi na napigilan ang emosyon ko at parang anytime ay sasabog na ako.
"Nanalo tayo, Howell!" Hindi ko maiwasang mapatalon sa tuwa dahil nanalo nga kami. And I didn't expect to do that thing...
Unconsciously akong napadamba at iniyakap ang sarili ko nang mahigpit kay Howell. Pero mga ilang saglit lang ang lumipas nang mahimasmasan ako sa pinanggagagawa ko.
"Ay, sorry..." igla akong napaiwas sa kaniya pagkabitaw ko sa ginawa kong iyon. Bakit ko ba naman kasi ginawa iyon?
"Hala siya, okay lang iyon, uy." saad naman ni Howell saka humalakhak at nagkamot ng ulo.
Para akong kamatis sa sobrang pula ng aking mukha sa ginawa kong iyon habang nakikipagkamay sa ibang contestants. Minasdan ko itong si Howell na napakaaliwalas ng mukha. Na-conscious tuloy ako habang sinapo ng aking kamay ang aking pisngi.
"Ang galing-galing natin, Lyra!" sabi pa ni Howell sabay nakipag-apir sa akin. Himalang hindi niya ginamit ang first person possessive nouns ngayon, kaya napangiti ako roon.
"Oo nga. Good job... Howell." Sumakit na tuloy ag panga ko sa kangngiti.
"Congratulations po." Nakipagkamay pa sa amin 'yong mga kasamahan namin sa quiz bee.
"Salamat sa inyo," nakangiti ko ring sagot sa kanila bago kami lumabas ng AVR.
Si Miss Gomez pa nga ang unang bumati sa amin pagkalabas ng AVR. "Oh, my God, congratulations sa inyo!"
"Thank you rin po, ma'am. Salamat po sa lahat ng itinuro ninyo sa amin." Hindi rin naman namin ma-a-a-achieve ang ganito kung hindi dahil sa adviser namin. Siyempre, malaking tulong din ang mala-Einstein na utak ni Howell.
"Ano? Manlibre ka?" nakangiti pang saad ni Howell sa akin.
"Hoy, excuse me, wala akong pera," ang sabi ko naman. Besides, siya ang may maraming dalang pera sa amin. Nagpaalam muna kami kay ma'am para tumungo muna sa canteen para kumain.
"O siya, oo na. Tara na, ako na lang magti-treat sa inyo ni Miss. Nakakagutom talaga ang contesr na ito." Napahawak pa siya sa kaniyang sikmura kaya inunahan na ako ng unggoy.
"Takaw mo!" kumento ko habang sinusundan siya papunta sa cafeteria. Mayamaya pa rin kasi magsisimula ang awarding ceremony.
Na-realize ko lang na ang cute palang ngumiti ni Howell. Biruin n'yo 'yon? Ibang anggulo niya ang nakita ko sa mga oras na iyon. Bakit ba ang gulo? Basta, napakagulo lang.
---
Siyempre, back to normal na ang lahat pagkatapos ng contest, as usual, balik ulit sa dating gawi bilang estudyante. Masasabi kong nagkakaroon na ako ng immunity tuwing nakikita sina Daryl at Laine. Baby steps na ba ito for moving on? Siyempre, hindi pa rin mawawala ang pagiging makulit ni Howell at ng iba pa niyang mga kasama na nakidagdag pa.
Kasalukuyan kaming kumakain nina Jeannie at Claire sa may canteen dahil lunch time. Medyo stressful ang quiz namin kanina sa FunAcc 1 kaya heto ako at todo lamon ng in-order na Pork Sisig, dalawang cup ng rice, isang saging, isang bote ng malamig na orange juice, at dalawang piraso ng Yema triangles.
"Alam mo, bes, may matagal na akong napapansin sa inyo ni Howell," sabi sa akin ni Claire na sumama na rin sa amin ni Jeannie habang hinihiwa ang piraso ng fried chicken.
"Oo nga," segunda naman nitong si Jeannie sabay inom ng juice.
Ako naman ang nagtanong sa kanila sabay kunot ng kulay, At ano na naman iyon?"
"You know, you have this sort-of... chemistry." Napangisi pa si Jeannie na pinagdikit pa ang dalawang daliri sabay inatake ng kilig. Wait, ano raw?
Kamuntikan ko na ngang mabuga ang iniinom kong juice.
"Ano'ng chemistry ang pinagsasabi n'yo diyan" sabi ko nang nanliliit ang mga mata ko.
"Totoo nga kasi," Claire blurted out.
"Alam mo ba 'yong feeling na kapag magkasama kayo ni Howell, para kayong partners-in-crime."
"Hello? Asa kayo," sabi kong muli na parang hindi matanggap ang narinig. Ewan ko ba sa dalawant bruha na ito?
"Bagay nga kayo, e... maging dynamic duo," satsat ni Jeannie.
"Noong nagging magkasama kayo sa contest, parang may something na namamagitan sa inyo," segunda nitong si Claire. "You know, para kayong may sparks." Sparks? Sparks nila ang mukha nila.
"Sheesh, kinikilabutan ako sa sinasabi ninyo. Masiyado kayong nagbibigay ng malisya, alam n'yo 'yon?" Nagsimula na tuloy akong magsabi-sabi at maglabas ng hinanaing sa kanila. "Kesyo magkasama lang kami, tapos babae ako at lalaki siya, may meaning na agad iyon?"
"E, bakit ang defensive mo?" komento pa ni Jeannie kaya sinamaan ko na lang ng tingin ang mga bruha.
Sa gitna naman ng pag-uusap namin ay dumating itong si Howell.
"Uy, Howell!" pagbati ni Jeannie. "May something po ba?" Napatingin pa sa akin si Jeannie at saka binigyan ng emphasis ang salitang "something". E, kung tadyakan ko ang paa niya? Kaasar lang.
"Hello, girls!" pagbati niya sa dalawa saka naman nagsalita muli, "I just want to talk to Lyra." Napainom na lang ako ng juice habang iniiwasan ang tingin sa kaniya.
"Uy, Lyra, may meeting tayo mamayang after dismissal, a? Na-inform ko na ang ibang officers," paalala niya sa akin. "At saka walang kaagad uuwi."
"Opo, Mr. President. Masusunod po."
"Okay, thank you, Lyra. Ang cute mo," Habang sinabi iyon ni Howell ay narinig ko ang pag-squeal ng dalawang bruhilda. Ayaw pa yata nilang tumigil at parang gusto ko nang manusok na gamit ang tinidor.
-30-
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top