Chapter 8


Naging Awkward na sa bahay nila Julia after.

hindi na natingin si DJ sakin, tamang trip lang? Tss. Totoo ba yun?

Hindi niya ba ako niloloko? Alam niya na narinig ko.

Eh bat niya sinabi yun? Masama magbiro ng ganon ano ba! T.T

"Uyy, Di nagpapansinan ang Kathniel oh!" Sabi ni kuya Diego.

whut. ano nanamang kathniel yan?

Trip nanaman ako? Bat ba ako nalang lagi? Aiish? tumingin ako kay Diegs tapos nang-irap. sama kong sister no?

"Sorry na baby sis! di na mauulit!" tapos niyakap niya ako habang nakaupo kami.

syempre i hugged him back.

"What's the problem ba?" tanong ni Julia. umiling naman ako. tapos sakto, napahikab.

"Inaantok." tapos pumikit, kunwari patulog na. biglang natumba ulo ko sideways, tumama sa balikat ng isang tao.

"AYIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIE!" Sigaw nilang lahat, napadilat ako tapos nanlaki mata.

Si DJ pala yun, akala ko si Neil katabi ko kanina eh? kailan pa pumunta yan dito?

"Nasarapan ka naman?" tanong ni DJ. aba, tignan mo, pagkakapal kapal ng mukha.

"Asa ka DJ, A-S-A." sabi ko sabay cross ng arms. napangiti siya tapos tumingin sakin.

"Aba, DJ na tawag mo sakin ah. Ginaganyan mo boyfriend mo?" WAIT. ANODAW?

"Anong? May nililihim kayong dalawa no?" Sabi ni Kiray.

OHMYGOSH! YOU GET IT WRONG KIRAAY!

"NOOO! DJ este Daniel naman! Mangarap ka!" sabi ko tapos inirapan. napa-chuckle naman siya.

"Tss.." sabay akbay sakin.

"Ako? Mangangarap? Baka ikaw nga mangarap jan eh. sa Gwapo kong to?" napatingin ako sa kamay niyang umakbay, tapos inalis ko.

"Tigilan mo nga ako. Ang Panget mo." Asar ko sa kanya.

HAHAHA. Ewan , natatawa ako. parang back to normal kami eh.

wala na yung awkwardness kanina.

"Sino mas panget satin? tignan mo naman, Napaka-plain mo. Mahilig magbasa, Magkulong sa kwarto. in short, BORING."

anu yun? Compliment? Nakakadown naman. sakit naman ng biro niya.

"Kung Compliment yan, Salamat ha." sabay kuha ng susi kuya Diego.

"Kuya, Masakit pakirandam ko eh, NAKAKASUKA kasi yung mukha ng isa jan. Uwi na ako ha?

Wala kasing tao sa bahay, nasa office si mommy." of course, maiintindihan naman ng kuya ko yun. nagbeso muna ako kay bes and kiray at nagbye kina Neil at EJ.

tumingin uli ako kay DJ. naka smirk siya, syempre, inirapan ko. What a Day..

Sinabi sakin ni DJ na kasi mahal niya ako, tapos biglang balik sa pangaasar niya.

Trip lang yun kath, don't assume.

Asa kang mahal ka nun? Ginawa ka ngang laruan ng ugok na yun eh.

Gabi na pala, naka uniform pa ako. brrr. ang lamig ano ba yaaaan.

Nagiiba klima ng pilipinas ngayon ha? tapos biglang may pumatak.

Umulan na bigla! Tumakbo ako ng mabilis sa Gate, pinasok yung susi. Aiisssh.. >///< Maling susi ata to. tinignan ko ng maiigi, medyo malabo mata ko dahil sa tubig eh.

"HALA! SUSI to sa kwarto niya eh!" sa kamamadali ko, di ko natignan yung susi.

Ano ba yan kath! napaka careless mo! Umupo nalang ako sa Pavement sa harap ng bahay. basang basa na ako ng ulan.

Parang naalala ko lang yung nabasa ako ng pool ha. yung tinulak ako ni neil, yung pinagtripan ako ni DJ?

Naalala niyo pa ba yun? Any minutes ago, dumating si kuya. "SIS! ANO GINAGAWA MO SA LABAS? MALING SUSI YUNG NABIGAY KO KAYA UMUWI AGAD AKO! SORRY! THIS IS ALL MY FAULT!" pagkababa ni kuya sa tricycle takbo agad siya sakin.

eh ako, nahihimatay na halos.

End of the worldd~

Julia's POV:

Umuwi na rin ang barkada!

Guys!

Kami na ni Diego! OMG.

Ang Sweet niya grabe! Kasi last night, we went to this fancy restaurant. pambawi daw kasi medyo busy siya, tapos may mga waiter, isaisa silang may hawak na illustration board.

tapos sabi, Julia, Will you be my girlfriend?

Tapos nasa dulo siya may hawak na bouquet ng flowers.

KYAAAAAAHHHHHHH ANG SWEEEEEET <3

So, eto namang si Lilbro, kakauwi lang nang barkada eh may nilalandi nanaman sa taas.

Aiish. dapat matuto nato ng leksyon eh.

Wait, i have an idea! Calling Diegs <3

"Oh? Napatawag ka?" sabi ni diego, parang busy? Well...

"Kasi may plano ako tungkol sa kathniel." nilock ko yung room ng door ko. para hindi marinig ni DJ.

"Eto..."

Kath's POV :

Sakit ng Ulo ko, buti hindi nilagnat! hays, naligo agad ako pagkapasok.

basang basa sa ulan! tsk.

Nga pala,

Musta naman yung investigatory namin ni DJ? tsk

. nakakainis lang oh. wala na pala kaming pasok bukas ano ?

Kaya pala walang klase kanina.

1 week break kasi namin, ganyan lagi kapag may occasion ang school.

siguro katulad last year, aayusin yung school kasi may bibisitang taga DepEd.

eh ganyan eh. HAHA. So, Ano? Ang Boring naman dito.

*toktoktok*

binuksan ko yung pinto tapos nakita ko si Kuya Diegs, may dalang maleta?

O.o

"Kath.. Uhm.. Sorry kung biglaan ha. kasi nagplano kami nu Julia na pumunta ng tagaytay.. wala,get to know each other lang."

nagsmile siya. pero okay lang, andyan naman si Yaya eh.

"Sige, basta mag ingat ka kuya ha. Nako, wag munang magmadali. alam mo na meaning ko ! Mahal ko yan si Bes!"

sabi ko sakanya tapos kinurot sa ilong.

"Kaso may problem ako." hmm. anong problem? baka walang pera. wala din akong pera eh.

HAHAHAHA.

"Sis, Dito muna si DJ."

WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAT? AYOKO AYOKOOOO! NONONO!

"NO! Kuya! He's making my life miserable if you did! Please! Wag!"

sabi ko sa kanya. pero nagsmile lang siya.

Pangasar?

"Nope, too late. Nandito na kasi Gamit niya eh. Ayaw din niya. pero gumawa ng paraan si Julia. Sana Pag balik namin eh, okay na kayo."

O.O So Planado to?

"Kuya naman ehhh!" sabi ko sa kanya sabay hampas sa braso.

"Be good ha, Aalis na kasi kami agad eh. LabYou sis!"

bumaba na kami, tapos ang ingay ng Gate, parang may kinakaladkad. tumingin ako sa bintana, then.. i'm right. O.o

"Juls naman! Ayoko nga sabi eh!" Sigaw ni DJ habang hawak ni Julia yung shirt niya.

"Sige na! Minsan lang naman ako magfavor sayo eh. Please Please!"

Nako, si bes talaga, si DJ toda hawak sa Gate namin eh, hinihila na ni Julia ayaw bumitaw.

"Ayoko nga sabi diba! sa bahay nalang ako!" Sabi niya.

binitawan ni Julia yung shirt ni DJ.

"Sige, Kung mabuhay ka mag-isa dun. Wala mga Yaya. pinagout ni mom ng one week. kasi akala niya kasama kita."

"Edi sama mo nalang ako! Magiging invisible ako dun promise!" sabi niya, nag cross arms naman si Julia.

"Date namin? Mangiistorbo ka? sige, it's either you stay here or leave." nagkatitigan silang dalawa tapos ayun, umalis si DJ.

THANK YOU LORDDDD! Pumasok na si Julia tapos nakita niya pala ako sa bintana. then she smiled.

"Kath, Favor naman oh." Sabi ni bes. Hmm

. "Sure. Ano yun?" sana hindi masama. haha.

"Dun ka nalang samin, hindi ko trust yun si DJ eh. walang kasama. please! be there!"

nag pouty lips siya tapos yung kamay niya parang nagp-pray? nagmamakaawa.

Hmm.

Hindi ko matangihan ko si Bes eh. Pano yan?

:( Pasalamat siya walang pasok!

"Sige na nga, para tumigil na kayo ni kuya sa kaka- pilit sakin." tapos nagulat ako kay kuya.

Inimpake na din pala damit ko?

WOW HA.

Planado talaga to! I Swear!

"Tara na sa kotse!" hinila ako ni Julia tapos hinatid ako sa kanila.

Wow, One Week with DJ

. :( Please be nice! Bahala ka na lord sa akin!

Daniel's POV

: Ano ba! Si Julia naman eh, akala ko kung san ako dadalhin, saglit lang daw.

un pala kina kath!

anong pakana to? Ayoko kaya ma stock dun.

nahihiya ako na ewan.

ah basta, ayoko dun.
tsk.

umuwi ako sa bahay, wala ngang tao.

kahit sino wala. badvibes naman oh. <//3 ayun,

nagkulong sa kwarto. sino kayang pwedeng tawagan?

Hmm. Ayoko kay Marianne, Sinaktan niya si kath eh.

Aissh. ano ba? Time out muna ako ngayon siguro!

tsktsk Narinig kong may bumukas sa baba, ang ingay pa nga eh. tapos biglang nawala.

Sino kaya yun? Hmm. Nevermind.

Tulog muna ako.

ZZzzz.

Kath's POV :

Ayan, dito ako matutulog kina DJ? For One Week? AAAAH.

Sabi ni Julia dun daw muna ako sa Room niya.

well, okay lang. Sister ko yun eh. Kaya yun, nilapag ko na yung bag ko sa Bed niya then napahiga.

Kasalukyang nagluluksa si Kathryn Santos dahil sa nangyayari sa buhay niya. AAH!

Nakakainiss! Anong oras na ba? Hmm

. 8:20pm

palang.

. Luto kaya muna ako? Bumaba ako sa Kitchen, Wala ngang pagkain kaya pwede magluto.

Kaya yun, nagsaing muna ako. tapos nilabas yung ingredients para sa Adobo.

Marunong kayang magluto ang isang Kathryn! :3

*Proud of myself! hihi*

after 1 hour.

Aish! Late na dinner ko! huhuhu.

Hays, Hinahanda ko na mga pagkain.

Kakain na ako. Yayayayay <3

"Ya, Gutom na ako Ano bang ula-" Napahinto yung nagsalita. at kilala niyo na yun.

Si DJ. Umupo siya agad sa Dining Table at nagbuntong hininga.

"Set up nila to, diba?" bigla niyang tanong.

Napa-nod ako.

"Sa kasamaang palad. Oo." sabi ko tapos nilagay ko na yung ulam sa isang bowl.

"Kain ka na kung gusto mo." nagsandok ako ng kanin sa plato ko. pero wow,

Nakatitig lang siya.

"Hindi kasi ako nakain ng hindi gawa ni Yaya. Kaya, Wag na."

Tss.

Kornikels mo. dami mo pang alam, ano ka? sosyal?

"Bahala kaa." pangasar ko sa kanya. at may narinig akong kulo ng tiyan. nagkatitigan kami.

"HAHAHAHAHA." tawa ko.

Hindi pala ha! Edi wag kang kumain! XD

"Tss." tapos nag cross arms siya.

binigay ko nalang sa kanya yung platong pinagsandukan ko kanina. don't worry, wala pang bawas yan. XD

"Oh, eto na. kain ka na. walang lason yan."

Nagiging mabait lang ho ako.

Kahit ganyan si DJ hindi naman ako masamang taong selfish.

kahit na siya ganun sakin, iba naman ako sa kanya eh. ayun, ngumiti.

tapos kumain na. haha. di ako natiis.

kain lang siya ng kain, hanggang maubos niya yung adobo. wow ha, Ang Takaw kumain tapos hindi nataba? XD

"Anyare sayo? nasarapan ka sa luto ko no! Aminin!" sinisiko ko siya tapos tawa lang ako.

"Tss. Gutom lang ako, pipilitin ko sarili kong kumain ng kung ano man yan." Taray, nangirap pa siya. :3

"Hay nako, oh sha. Hugas na ako ng pinggan. " kinuha ko yung plato niya tapos yun, inayos ko at nilagay sa sink.

"A-ako nalang maghuhugas." alok niya. TAMA BA NARINIG KO? O.O teka? marunong ba siya?

Sige, hinayaan ko nalang siya. bahala na si batman sa mangyayari sa mga plato.

ang ganda pa naman.

HAHA. makapanlait eh noh?

*DingDong*

Sino naman kaya ayun? tinabi ko muna yung walis, magwawalis na sana ako eh. binuksan ko yung pinto. "Goodeven-"

QUEN? ANONG GINAGAWA NIYA DITO?

"Chandy? i mean.. Kath? Anong ginagawa mo dito?" tanong niya, may dala siyang flowers. Para kanino?

"Ah, wala.. Sige, Tuloy ka. Sino nga pala hanap mo?" tanong ko sa kanya, medyo naiilang ako kausap siya eh.

"Wala ata si Julia eh, p-pabigay nalang to pwede?" Ouch. bakit ganun? May gusto ba siya kay Julia?

:( Ang Sakit <//3 Eh kasi diba, alam ko.

Mahal ko na si DJ. pero First Love ko si Quen. diba hindi ko rin yun makakalimutan ?

Nakipagbreak ako sa kanya ng mahal ko pa siya. bakit ganun?

Naiiyak ako sa sakit. Umalis na siya. pinapanood ko siyang umalis. hawag hawak ko yung single rose, may nakita akong note dun.

'I Love You. ' hindi niya pa ata alam na sila na ni kuya ano? :( pagkatalikod ko nandun si DJ, lalo tuloy ako naiyak nung nakita ko siya. sa halip, dinaanan ko siya. nalaglag yung flowers. dumeretso ako sa Garden.

Grabe, hindi ako galit kay Julia. Cause i know she loves Kuya more.

Pero, Quen? Naalala niya pa kaya yung word na 'walang iwanan?'

anong nangyari dun?

:( "Kath..." Si DJ.. pinunasan ko yung luha ko tapos tumigil na sa kakaiyak. lumuhod siya sa harap ko habang nakaupo ako.

"Kath.. wag ka nang umiyak." traydor na luha, umiyak pa sa harap ni DJ.

"Kath, wag ka nang umiyak. Papanget ka lalo. magiging Monster ka na niyan eh."

Ganun? May pangasar? </3 binatukan ko nga,

Naiyak ako na nakangiti. weird noh?

"Nakuha mo pang mangbiro. ang sakit kaya!" sabi ko sakanya habang kinukurot kurot yung pisngi niya.

"Saan masakit? Natapilok ka ba?" hindi niya siguro nakita yung nangyari..

tinuro ko yung part ng puso ko. tapos tumingin siya sakin.

"Bakit?" hindi ko na mapigilan.. Niyakap ko siya. Oo, Niyakap.

i don't care if mag mukhang tanga kami.

nakaluhod parin siya at nakaupo ako. nasa balikat niya yung ulo ko at umiiyak ako dun.

"Tapatin mo nga ako, mahal mo pa ba si Quen?" ...

"H-Hindi na." matipid kong sagot. deep inside, oo.

hinimas himas niya likod ko na parang pinapatahan.

"May nagawa ba siyang mali sayo?" nagtanong siya ulit. Umiling ako at naintindihan niya naman.

Tinayo niya na ako, hawak hawak niya ang kamay ko tapos hinatid ako sa kwarto ko.

"Pahinga mo lang yan, Dali. ayokong makakita ng asong umiiyak. Naawa ako eh, wala pa naman akong dog food."

Nangasar pa?

Aish, wala akong ganang makipagtalo.

"Goodnight Kath." sabi niya, nagsmile lang ako tapos sinara na niya yung pinto.

Ako na ang tagapasan ng problema sa mundo.

Kailan ba to aayos?

Nilabas ko phone ko, tapos yun, nakita ko mga pictures namin ni Quen dati.

Saya namin noh? Grabe.

:( Pero bakit ganun?

Ang bait sakin ni DJ ngayong gabi. kahit na inaasar niya ko. concern ba siya?

Tss. Assuming ka.

itulog mo nalang yan. Goodnight.. Kinabukasan .

"Ano baa.. askldjlka" alam ko yan yung sabi ko.

kasi parang may makulit sa tabi ko eh. tapos nangingiliti pa sa bandang leeg. tsk, ano ba yaan.

"Uyy, Ano baaa laksjk" sabay medyo tulak. pero nakapikit pa rin ako, aba? parang bumigat. binuklat ko dahan dahan ang mata ko,

tapos nag blink ng konti. O.O

"DEEEEEEEEEEEEEJAAAAAAAAAAAAAAY!" sabay tulak ko sa kanya.

Tapos tumawa lang siya!

HAY BWISET!

Lam nyo ba ano ginagawa niya?

Tsk. yung Madalas niyang gawin sakin!

Tskkkk. tawa lang siya dun tapos tumayo.

"Tss. Gusto mo naman?" sabay ayos ng buhok.

Ako? tsk, binato ko siya ng Unan.

"Bwisit ka. Bwisittt!" Arrghh. Galit talaga ako sa kanya!

Bad Vibes ulit. tsk.

"Labas ka na nga sa kwarto ko!" sigaw ko. "

"Kwarto mo? O Kwarto ng Kapatid ko?" O.O oo nga pala,

nakina Julia pa ako.

"Tss. Sensya na. Alis ka na . Shoo Shoo!"

Tinutulak ko na siya palabas ng kwarto. tapos nakangiti lang siya. tapos nung nasa pinto na kami, pinigilan niya yung pagsara ng pinto.

"Kath, magbihis ka. Bibili tayo ng materials para sa Investigatory. dapat mga 12 tapos ka na ha." sabay alis niya. tinignan ko yung oras.

11:45 ? O.O Grabe!

Nagmadali akong nagbihis, syempre naligo noh. meron kasing CR yung kwarto ni Julia.

tapos nag toothbrush etc.

12:05pm na!

bumaba agad ako, tapos nakita ko sa labas, naka sandal si DJ sa kotse niya, may shades pa.

Ang Gwapo, Grabe! AIISH! ERASE ERASE!

Ano bang pinagiisip mo kath? tsk.

Nilock ko na yung Gate, tapos binuksan niya yung pinto sa Passenger Seat.

"Oh, bakit dito mo ako pauupuin?" tanong ko, tinaasan niya ako ng kilay.

"Kesa naman sa likod ka umupo, edi nag mukha akong driver mo."

Nga naman. bat di ko naisip yun?

Ayun, pumasok na ako at nag drive siya. Wala, panay asaran kami. tsk.

"Nga pala, Ang Ganda mo ngayon." sabi niya. Biro to? Papalakpakan ko na ba? tss. inirapan ko siya tapos tumingin sa bintana.

"Ang Gandang ilampaso?" sabi ko. dinugtungan ko na.

"Mali." sabi niya, napatingin ako sa kanya.

"Eh Ano?" naka tingin parin siya sa daan. tapos Ngumiti.

"Ang Gandang Ibasura." Sabi na nga ba eh.

Ayan, Tawa siya ng Tawa.

"Tse." Nag cross arms ako, at hindi tumingin sa kanya. ang sama sama talaga ng ugali niya! mamaya maging bad girl ako neto eh!

Tumigil na yung kotse kasi nasa Carpark na pala kami ng Trinoma.

"Tara, Baba na tayo." sabay smile.
inirapan ko lang siya. tsk. Ayun, binili nanamin yung materials. syempre ako taga buhat.

Ganun naman lagi diba? tsk.

P.A ang peg.=))))

"Gutom na ako..." bulong ko sa sarili ko. kumukulo na tyan ko oh, pwede nang magluto ng itlog. XD

"Oh, Sayo na to." Teka, di ko makita mukha ni DJ, nakatakip kasi yung mga kartolina sa mukha ko eh. tapos nung nakita ko siya, naka smile may hawak na Chocolate IceCream. Kinuha ko agad, Favorite ko Chocolate eh. :3 ayun, naglalakad na kami. kain lang ako ng kain. este, dila pala.

HAHA. Sarap ng isheem. :3 Teka, napatigil ako bigla.

"Ang cuteeee!" sabi ko ng parang bata. May malaki kasing pusa na parang Bear.

napasimangot ako kasi wala namang magbibigay sakin ng ganyan.

:< Tumabi sakin si DJ, nakasimangot parin ako eh. tumingin siya sakin at tumawa.

"Ano bayan! Kalat mong kumain!" sabi niya. tapos linapit niya mukha niya sakin,

"Linisan mo yan, or lilinisan ko yan gamit ang labi ko." tapos nag smirk siya. tinulak ko nga mukha niya tapos pinunasan ko ng wet wipes yung bibig ko. Napatingin ulit ako sa bear, Magkano kaya yan?

"Gusto mo ba niyan?" nagulat ako at napatingin kay DJ.

Umiling ako.

"Mahal yan." "As if namang may magbigay din sayo, tsk tsk. Pangarapin mo nalang."

SAMA NG UGALE.

"Ewan!" tapos walk out.

Hay, sa wakas. natapos na rin ang pagiikot sa mall. ang arte ni DJ eh.

'Wag yan!' 'Wag tayo jan!' 'Ang Dumi!' Arte naman nito. tsk. bakla ata to eh. HAHAHjk. pero kahit ganyan yan, ganyan na talaga yan!

XD Nandito kami sa Grams. Yung Kainan na panay burger. :)

Favorite ata ni DJ dito eh! Kasi Suking suki! Kilala na siya nung Cashier, pati Waiter!

"Oh, Sir Daniel! Magandang Hapon!" Tapos pinaupo kami sa table for two. kinuha na ni DJ yung menu tapos may lumapit na waiter samin.

"Sir, Girlfriend niyo po?" tanong ng waiter, napatingin ako kay DJ.

"Oo." HA? Nagnod lang yung waiter tapos sinabi na ni DJ yung order namin.

"Uy, DJ. Di kita boyfriend no." Sabi ko sakanya tapos pinalo sa braso.

"May discound yun! Promise! As if namang maging Girlfriend kita. Ni Fake Girlfriend nga tinangihan mo eh? asa pa ako sayo.

" Uy, anu yung binulong niya? "Ano sabi mo?" tinanong ko siya tapos cross arms. di ko talaga naintindihan yung sinabi ni DJ eh!

"Wala! Sabi ko Mas mabuti na yun. May Discount." Tapos tinaas niya kamay niya, nakuha nung waiter na.. Jessica? ang pangalan?

Nako, subukan niyong maglandian.

"Jess, Papicture naman kami oh." HA? HUHHH? BAKIT? nilabas niya cellphone niya. Nagnod si Jessica.

"Ngumiti ka nalang." sabi sakin ni DJ tapos yun, *Click* Anyareh dun? Dumating na order namin, Grabe. may part na masaya din pala tong kasama si DJ eh.

kahit palaasar ma kwela din. :) nakalimutan ko na halos yung nangyari kagabi.

yung kay Quen! pero medyo masakit pa rin. <//3 Hay DJ, Sana ganyan ka na lang lagi. May pag ka bad boy ka.. pero.. naganahan pa yung puso kong mainlove sayo.....

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top