Chapter 6
"Naiinis ako sayo kath! Akala ko mabait ka! Bakit ganon? Sinira mo promise mo! Napaniwala mo ako! Bwisit ka!
Pumasok kalang sa buhay ko eh nagkaletche letche na! Can you please stay the fuck out of my life!? I don't need
you! DJ doesn't need you because he obviously still loves me!" nakaupo na ako sa ground dahil sa sobrang lakas ng
impact ng pagsampal sakin ni Ella. Ako? Umiiyak. diba? Alam mo namang mahina ako sa ganito? Iyak lang.
"I Trusted you kath! Pagsisisihan mo talaga tong ginagawa mo sakin. You're so gonna pay for this. kalimutan mo na
promise mo. PAGBABAYARAN MO TALAGA TO." sabay alis na siya.
bakit ba ganun? dahil sa demonyong to eh, pati isang mabait na babae nagalit sakin. napakasama mo kath. Ang
malas mo! you're making your life miserable. hindi sila ang gumagawa ng kasamaan. ikaw, kasi napakatanga mo.
Sa Bahay
pagpasok ko sa bahay, nandun si kuya, nanunuod ng TV. Kuya Diego ha. kasi 1 year siyang matanda, maaga lang
talaga akong nagaral kaya ganun. dapat nga eh 3rd year palang ako. eh mama ko atat eh.
"Kath?? bat namumula pisngi mo? Bat ka umiiyak?" Tanong ni kuya sabay lapit sakin.
napasmile ako tapos yumuko. "Wala to kuya, nakabangga ako ng poste habang nagtetext. syempre masakit. pero
okay na ko. akyat na ko ha." sabay akyat sa taas.
Hay, pahinga lang to. at promise ko bukas, i'll never answer DJ's text or call. even na ikamatay niya yon. Ikakamatay
ko din paglapit sa kanya no? duuh.
Sleep.Sleep.Sleep. Zzzzz
Diego's POV
Why's my baby sister like that? Dahil ba kay DJ? hindi naman siguro, because Neil told me that he likes Kath. i don't
know if it's true. but i can see it in his eyes. marahil di niya magawang aminin, pero alam kong mahal niya si baby sis
ko.
Tawagan ko nalang siguro si DJ. i know may alam siya dito.
Calling DJ Batman.
DJ - Hello? Napatawag ka pre?
D - Yeah, there's something wrong with kath.
DJ - bakit? okay naman kami kanina ah.
D - no, kasi nung umuwi sya she's crying and her cheeks are wounded. namamaga.
DJ - HA? tss. Eh ano naman?
bitter naman.
D - Tell me it's not your fault. para paniwalaan ko siya sa reason niya. don't tell me you hurt her, or ako
makakasakit sayo.
DJ - Hindi ako yun bro! promise. kasi naman nanghihina ako eh. inalagaan niya ako. nothing else. i didn't
hurt her. i swear.
D - Okay. naniniwala na ko. sige pahinga ka na.
DJ - sure.
Toot Toot.
So, totoo parang wala talagang ginawa si DJ. i trust him naman eh. kahit maloko yan, i know he wouldn't hurt kath..
and ella.. ewan, si DJ dalawang tao minamahal kasi niyan eh. di natin alam kung sino ang mas matimbang. he only
knows who's the best one.
Kath's POV
Yaaay! Sunday! :3 Early to Rise today! going to church! Naligo na ako, nagsuot ng dress. simple lang siya. tapos
kumain na ako. masakit pa rin yung sampal sakin ni Ella. pero di na obvious yung pagka-maga niya.
Cereal? tss. Pambata. -____- andito na pala si mommy. Sunday na eh. YAYYY.
"Papasama ka pa ba sa Pencil of Promise? (Charity para sa mga bata. :3 ) " tanong ni kuya.
hmm.. hindi na muna siguro ngayon. gusto ko pag bibigyan ko sila eh, maraming maraming maraming damit at
laruan ang nandun. eh wala pang isang box yung nakuha ko.
"Hindi na muna ngayon kuya, siguro next week. magiipon pa ako eh." sabay subo ng pagkain.
"Eto talagang anak ko, napaka supportive! nako, pag uwi ng papa mo dadagdag pa yang charity needs mo. lalo na
pagdating ni Kuya Sam!" sabi ni mommy. ayun, abot tenga ang ngiti.
tinignan ko yung oras, 6:45 na! magsastart na yung simba!
"Tara na Kuya!" hila ko sakanya tapos nagb-bye kay mommy.
Fast Forward : Tapos na ang simba.
blessed! yay! Thank you lord! God is Good! All the time! :) [naks, makadiyos si kath! HAHA] naman! dapat yun! ayon,
pauwi na kami ni kuya. si kuya aalis daw eh. ewan ko kung san, secret daw. nga pala, liligawan na ni kuya si Julia!!
ayiiiieee :"> pero di ko muna sasabihin kay bes. :D
nasa bahay na ako, wala naman masyadong gagawin eh.
Nagsosoundtrip lang ako, nang may nagtext.
From : Mr. Epal >:|
Mangkukulam, buksan mo yung pintuan ng balcony mo.
bakit naman? gusto niya ko pag piyestahan ng mga lamok? baka pumasok. shoo. wag na. hayaan mo siya. kunwari
deadma.
*tok*
napatigil ako sa pagkakanta, ano yun? O.o
*tok*
Parang may... something?
*tok*
nilapitan ko ng dahan dahan yung pintuan. tapos binuksan ko agad yung pintuan.
"ARAY!" napasigaw ako. may bumato kasi ng bato eh, sakto sa ulo ko. letche, sino ba tong hinayupak na to?
umakyat si DJ sa balcony ko, weh. kaya niya yun? At bakit di nalang siya sa front door dumaan? O.o
"Anong ginagawa mo dito?" mataray kong pagsasabi, habang hawak hawak pa yung ulo ko. masakit eh. eto naman,
sama ng tingin, ano kakainin mo ako? tsk
wala.. feel at home siya oh. umubo sa maliit kong upuan, katapat ng TV tapos nanuod ang loko. letseeee. "Feel at
home? Ano pang gusto mo master?" paasar kong tanong. bakit ba kasi nandito yan?
"Ikaw." O.O loadinnggg......... WHAT? dameng satsat. sapakin ko kaya to.
sasabihin ko na talaga siguro. ayoko na kasing makitang may nahihirapan na tao dahil sa akin. or ako ang
nahihirapan. hindi man lang akong naging perfect P.A or Fake Girlfriend. imbis naging LARUAN niya lang talaga.
"DJ, ayoko nang maging Fake Girlfriend mo."
napatingin siya sakin tapos parang iniisip yung sinabi ko.
"I mean it." dagdag ko. ayoko na talaga, gusto ko na siyang umalis sa buhay ko. nasasaktan ako eh. Ayoko na
talaga.
tumayo siya tapos lumapit sakin. "Deal natin to kath, wala naman atrasan." reklamo niya. Sorry, pero gusto ko
talagang umatras eh. Ganito na kung ganito.
"Sorry..." nakastandby lang siya sa harap ko. tapos parang nalulungkot, nagagalit na ewan? Tsk.
tapos tinulak niya ako, hindi naman malakas, tapos umalis na. sa balcony nanaman siya dumaan. Ganun? lakas
talaga ng galit? Edi lumayas ka.
Finally. I'm Freee.
Simula ng moment na yan, di ako ginulo ni DJ for the rest of the day. Thanks. :D
Kinabukasan, sa School.
"Uy, Girl. Nakatulala ka jan?" sabi ni kiray, kasama ko siya ngayon papunta ng tambayan. eh kasi naman eh, may
nangtrip sakin, di ko alam kung sino. pagbukas ko ng locker ko andaming papel. basura lahat! napahiya ako sa
katabi kong lockermates. sino kaya gumawa?
"A- Wala. Naantok lang ako." sabi ko sabay ngiti. nandito na pala kami.
nagtatawanan sila, nung nakita nila kaming dumating, nagsmile silang lahat. maliban kay DJ.
"BEEEEEEEEEEEEEEEEEES. Miss youuu! Super fun ng shopping natin!" sabi ni Julia sabay hug sakin.
"Kayo, nag ma-mall. di niyo ko sinasama." sabay pouty lips si Kiray. niyakap naman namin siya. "Next time, hindi
kami aalis ng di ka kasama." sabay Smile. ayun, back to normal siya. :D
biglang nag walk out si DJ. tinignan ko siyang umalis, at na fefeel ko pati yung kasama ko.
"Anyareeh dun?" sabi ni Neil. Ewan, magulo ata utak. kailangan iparepair.
umupo na ako sa tabi nila, ayun.. nagkwentuhan. :)
"Guys, School Newspaper oh." turo ni Julia. lumapit kaming lahat at kumuha.
O.O
nanlaki mga mata namin.
Why?
"Daniel Estacio's New toy, Kathryn Santos is turning into a new school slut!"
Ouch. <//3 Ansakit naman magsalita. bakit? anong patunay niyo? "Girl, dahil daw sa lovebite... diba allergy lang
yun?" Double Ouch. napaka kissing addict kasi eh. ayoko naman magsinungaling . pero bakit ganun? sino ba
nagsulat.
tinignan ko sa ilalim.
WHUT?
Article Written by : Ella Cantillana & co written : Marianne Manio
HA? ELLA? MARIANNE? etong dalawa to eh babae sa buhay ni DJ eh. why did they do that to me? O.o
siguro galit talaga sakin si Ella, hays. kakausapin ko siya pagnakita ko na siya. tsk, nasaan kaya siya? umalis na ako
sa barkada, di nga nila alam na umalis ako eh. pinagbubulungan ako ng mga tao. pero isnab lang. sasabihin ko na
talaga kay Ella na tapos na yung deal namin at lahat yun ay Deal lang.
pumunta ako sa Cafeteria, room namin, hallway and other place na pwedeng pagtambayan. maliban nga lang sa
rooftop.
paakyat na ako sa rooftop, nang may narinig ako.
"i love you so much babe." boses babae, tapos familiar. wow ha. PDA narin pala sa school haha. pero binuksan ko
na yung pinto.
SHIT.
Si Ella at DJ pala. O.o ang they're making out. Nasa loob ng damit ni Ella yung kamay ni DJ. tapos naka pulupot
yung arms ni Ella dun kay DJ. tapos di pa sila tumitigil.
Pero..
Bakit ganun? Parang nasasaktan ako sa ginagawa nila?
para bang naipit ng malaking building yung puso ko at nahulog ako sa Mt. Everest.
Ang sakit. <//3
bakit ganun feelings ko..
Di kaya..
mahal ko na si DJ?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top