Chapter 23
Isang linggo na ang nakalipas at balik normal na ulit ang klase.Lahat kami kinakabahan dahil inannounce na ang mga naging grades namin , nakita ko pa si kelly napapakagat sa kanyang kuko at kinakabahan din sa resulta....
Im not really confident at my grades,lalo nat noong nagkaproblema ako kay Daniel.Noong first day ay sobrang buhol buhol ang utak ko,at lalo naman noong second day...Hindi ko ma wala sa isipan ka ang mga sinabi nya saakin...
He wants me to trust him and it scares the hell out of me.Sa pagpupumilit niyang pagkatiwalaan ko siya parang merong something siyang pinapahiwatig. I tried to shrug it off, pero minsan parang linta siya sa utak ko, minsan parang iniisip ko pa na maghanda baka sakaling may mangyari nanamang hindi ko inaasahan.
Is this what love feels like? Yung parang mas nangingibabaw yung pagkatakot mo? Minsan nararamdaman kong komportable at safe ako lalo na kapag kasama siya, pero lately natatakot akong baka may Lauren na sumulpot or worst, another girl.
Is this what love feels like? Yung parang mas nangingibabaw yung pagkatakot mo? Minsan nararamdaman kong komportable at safe ako lalo na kapag kasama siya, pero lately natatakot akong baka may Lauren na sumulpot or worst, another girl. + Naputol na lamang ang aking iniisip ng biglang pumasok ang aming Guro sa English. Tahimik kaming lahat at parang naanxious ding malaman yung marka namin. Saglit itong umupo at tinitignan ang mga exam papers namin.
Kinalabit naman ako ni Kelly, "Kinakabahan talaga ako."
I don't know why she's afraid, though. Kahit na loka loka itong babaeng ito ay pursigido siya sa pagaaral. "Bakit ka naman natatakot?"
"You know her," nginusuan niya yung aming guro na tahimik na nakaupo sa harapan. "Kapag mainit dugo niya sa estudyante, talagang ibabagsak niya."
Napairap naman ako don. Pwedeng ireklamo ang ganyang mga guro "Sigurado naman akong hindi nila magagawa yon, Bakit naman siya magagalit sayo?"
Magsasalita na sana si Kelly ng biglang tumayo ang aming Guro.
"Abuella, Francheska. 83%"
Nagsimula na siyang magannounce ng aming grade, Isa isa namang tumayo ang mga kaklase ko para kunin ang kanilang papel. Yung iba natutuwa sa kanilang nakuha, habang yung ilan naman ay medyo nalungkot. Mahirap na kasing humabol kapag hindi namin naipasa yung term na ito, siguro naging grade conscious ang mga kaklase ko dahil malapit na nga kaming mag college
Lumabas na kami ng aming classroom para mag Lunch. Si Kelly at malungkot na nakatingin sa kanyang test paper, ngumiti na lamang ako at hinawakan ang kanyang braso. "Cheer up, Kels! 87% is not too bad."
Tinago nito ang kanyang exam paper sa kanyang shoulder bag. "Naiinis lang ako, dati kay Sir Buenaventura laging nasa 90 grades ko. Simula ng si Hag Monster ang naging teacher natin sa English bumababa ako." Nakabusangot nitong paliwanag, "Wala kang mahahanap na grade sa bunganga mo, Kelly." ginaya niya ang boses at ekspresyon nito, natawa lamang ako.
"Di bale, Inggit lang yon. Paano siya walang kausap kasi sobrang sungit, Ikaw sobrang daldal kasi masayahin at palakaibigan."
Tumawa kami papuntang Canteen. Naabutan naming nakaupo doon si Daniel sa kabilang table namin na may gitara at may kasamang tatlong lalaki, hindi ko ito kilala sa pangalan pero sa mukha kilala ko. Umupo kami doon at napabaling ako kay Julia na nakikipagtawanan kay Benj.
"Anong meron?" tanong ko, Napabaling ako sandali kay Kelly para kompirmahin ang pinasabay kong order at bumalik ang tingin ko kay Julia. "Ah, Sasali yata sa Battle of the bands."
Wow, Sasali siya? Akala ko nahihiya siyang kumanta sa maraming tao kaya lagi siyang sa Music Room tumatambay, ngayon parang napagtagpi tagpi ko na ang lahat, siguro nagpapraktis siya doon. And no wonder why these guys looks familiar, nakasalubong ko siya noon kasama sila na may mga dalang gitara.
Mukhang nasenyasan si Daniel na naroon na ako at napatingin siya sakin. Tumayo siya sa kanyang upuan para lumapit at halikan ako sa pisngi, "Nagorder ka na?"
"Sinabay na ni Kelly yung akin," sabay turo ko kay Kelly na napila.
Napabaling ito sa kanyang mga kaibigan na kumaway pa sakin, nginitian ko ito. "Ah Kath, Bandmates. Ryo, RJ at si Cyrus."
Kumaway ako sa kanila. Lumapit naman si Cyrus sakin para makipagkamay pero tinampal ito ni Daniel, "Bati lang, walang hawak hawak."
Natawa naman si Cyrus, "Napaka neto, Shake hands lang!"
"You look so Beautiful, Kath." Bati naman sakin ni RJ. Tumawa ang dalawa niyang kaibigan at kunot noo namang nakatitig sa kanila ni DJ, he looks pissed. "Tama na, Brad. Baka lamunin tayo ni Daniel at mahampas pa satin yung Gitara."
Nakitawa nalang din ako, It's true. He's so possesive, Makikipagkamay lang naman sila sakin pero grabe kung makapag-corner itong si Daniel sakin.
But it's a nice feeling, though. Ang sarap sa pakiramdam na merong gumaganito sa iyo.
Back to topic, So kelan tayo mag papractice? We have 4 days left, Siguro yung mga kapa na nating kanta yung gawin natin." Panimula ni RJ, Napatingin naman si Julia sa aming direksyon
"Korny ng mga kanta niyo, Pati Aso namin nauurat!"
Habang nagsasalita si Julia asar na ginagaya ito ni Ryo. Natawa kaming dalawa ni DJ. "Your music taste is so bad, Julia. Panay pop pinapakinggan mo, Hindi mo naapreciate ang alt rock musics."
Napatingin naman ako sa kanilang direksyon, "Alt Rock? Katulad ng Foo Fighters, Nirvana?"
"Yes!" Natutuwang napaturo sakin si RJ na parang gulat na gulat sa sinabi ko, "Kilala mo sila?" Tanong sakin ni Daniel. Napatango nalamang ako, "Oo, Mahilig kuya ko sa ganyang mga kanta."
"Wow, Astig naman ng kuya mo! Bihira nalang kami makakita ng taong into Alt-Rock music! Nasa banda ba siya?"
"Sinong Kuya? Si Diego?" Kuryosong tanong sakin ni Julia, Umiling naman ako. "Si Kuya Sam."
Natatawa akong isipin na nagbabanda si Kuya Sam, He can't sing, parang Luis Manzano kung kumanta iyon kaya minsan laging urat na pumapasok si Kuya Diego sa kwarto niya para patigilin lang siya.
Natatawa akong isipin na nagbabanda si Kuya Sam, He can't sing, parang Luis Manzano kung kumanta iyon kaya minsan laging urat na pumapasok si Kuya Diego sa kwarto niya para patigilin lang siya.
Pinagusapan nila ang mga kantang ipeperform nila, Gusto ni RJ at Ryo na OPM pero ayaw naman ni Cyrus at ni Daniel dahil hirap daw sila sa mga chords, Napakunot noo akong tumingin kay Daniel. Laging OPM ang tinutugtog niya sakin, Bakit niya sinasabing nahihirapan siya?
Maybe he's more confident singing English Songs kapag maraming tao. I don't know, that's just a conclusion.
Natapos nalang ang aming klase na wala masyadong ginawa, panay check o di kaya distribution lang ng exam papers, pinagpahinga din nila kami dahil alam nila kung gaano kami ka pressure dahil sa intrams at exam na magkasunod.
Napalingon-lingon ako para hanapin si Kuya Diego, Sasabihin ko sanang kay Daniel ako sasabay pauwi. Tinext ko ito pero hindi nagrereply, He usually replies agad agad, nagtataka lang ako.
Naramdaman ko ang paghawak ni Daniel sa aking beywang, "Tara?" tanong niya habang hawak hawak ang guitar bag sa kabilang kamay niya. Mukhang nabasa naman ni Daniel ang pagaalala ko. "Hahatid nalang kita, Maiintindihan naman ni Diego yon."
Tumango na lamang ako at tinext ng huling beses si Kuya, baka busy talaga sa SGov kaya hindi sya nakadaan para sunduin ako sa classroom, sa kanya kasi lagi ako nagpapahatid sundo noong galit ako kay Daniel.
Nakarating ka agad kami sa Bahay ni Daniel. Nagyaya kanina si Julia na sa kanila kami magdinner, Mukhang nauna na dito si Xander at Yen dahil nakaparada na ang honda ni Xander, Bumaba na ako para hanapin ang kotse ni Benj, Nauna silang umalis ha?
"Bumili sila sa Goldilocks, Nakita ko kotse ni Benj na magpapark kanina." bulong ni Daniel, pumasok nalang kami sa loob.
I'm right, I saw Yen and Xander sitting on their Dining Table, Binati naman kami ni Xander at halos mabingi sa kanyang sigaw. Napangiwi si Yen at hinapas ito sa kanyang braso, Nakakatuwa silang tignan dalawa.
"Hey, Come with me?" Ngumiti si Daniel at hinawakan ang aking kamay, Hinila niya ako paakyat ng kanyang kwarto at narinig ko na lamang ang pangaasar ni Xander, Daniel shouted Shut up at natawa din ako roon.
Binuksan niya ang kanyang kwarto at bumungad sakin ang nakakalat na damit sa sahig. "Andami mong dirty laundry, ba't hindi mo to ipalaba?" Pinulot ko ang ibang damit at inihagis sa tabi para magkumpol kumpol don.
"Hindi ako nagpapalaba, Ako ang naglalaba ng damit ko." Parang gulat akong bumaling kay Daniel na nilapag yung gitara sa kanyang tabi. Siya? Naglalaba? Parang joke time naman. I don't believe him.
"Wag mo kong lokohin, please." natatawa kong sabi
Naramdaman ko na lamang ang hinagis niyang powdered soap sakin. "Why would I keep that here then?"
Napatingin ako doon at kinuha sa sahig, "Malay ko, Baka sinisinghot na parang shabu."
"Ha ha. Funny."
Nag make face na lamang ako sa kanya at ilalagay na sana ang sabon sa kanyang bookshelf, Napansin kong marami siyang comics don, Pumulot ako ng Isa at nakitang Marvel Comics ito. "Whoa, You have tons of comics!" mangha kong sabi.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top