Chapter 17

Kath's POV :

Uwaaaah! Napa-aga ata gising ko ngayong araw! eh kasi naman eh, alam niyo bang hindi ako makatulog kagabi sa

sobrang kilig? Kalurkeeey. Kung nakakamatay ang kilig, siguro invited kayo sa burol ko. Hahahaha!

Naligo na ako, tapos ayun, nagbihis na nang uniform. Ewan ko kung susunduin ako ni DJ, kasi may practice siya ng

basketball. naman, ang galing kaya niyan ni DJ kaya dapat nasa school varsity talaga.

"Inay, Asan yung Peanut Butter?" tanong ko habang kinukuha yung Tinapay sa ibabaw ng Ref. "Wala na ata eh, May

Nutella naman ah? Ayaw mo?" Umupo siya sa Upuan at nagsimula nang inumin ang kanyang Mahiwagang Kape.

Sweet n' Mild yan! ;))

Pero dahil ayoko ng Nutella, Umiling ako. "Nay, Laking Peanut Butter ako." That's a Fact. Ayoko ng Cheese or

others. Peanut Butter talaga.

"Di mo ba alam na anytime maalergy ka?" Nga pala, Allergy ako sa Mani. Naalala niyo ba yung palusot ko sa

lovebites na ginawa nung DJ na yon? Tsk.

Lumayo ako papalis, Tindahan deretso ko dito. "Ma naman, Once lang!" sigaw ko habang papalabas, kasi matigas

talaga ulo ko. kaya lagi akong napapagaltan nung bata pa ako.

Naglalakad ako, malapit lang naman tindahan dito eh, kaso bandang park pa. maarte kasi tong subdivision namen

eh.

Naka Uniform pa ako oh, halatang atat pumasok. :))

"Ah! Aling Martha! May Peanut butter?" sabi ko sa tinderang si Aling Martha, matagal tagal na rin siya dito sa

Subdivision, pero sayang, hindi kami masyadong close katulad ng ibang tao dito kasi Diba, halos 1 year ago lang ako

pumunta dito.. Galing Nueva Ecija ?

"Eto oh." Sabay abot niya ng pack ng peanut butter. Nagabot na ako ng Pera sa kanya. "Salamat!" sabi ko. ngumiti

lang siya.

Pagkatalikod ko, may nakabunggo akong lalaki, malay ko bang napaka lapit niya?

"Ay! Anak ka ng Pating!" sa gulat ko, natawa nalang ako. si DJ pala yun. naka uniform narin.

Pinisil niya ako sa ilong tapos inakbayan ako. "Kung anak ako ng pating, maswerte ka, Na inlove ang pating sayo."

Aysus, Nakakalaglag naman ng Panty. :))) KINIKILIG KASI AKO EYY. :"""">

"Uy, Namumula. Kilig ka Baby nooh?" pinipisil pisil niya yung pisngi ko. Todo Deny naman ako! Nakakahiya kayang

aminin!

"Ano ko, hindi noh. Mainit lang talaga." sabi ko tapos kunwari pinapaypay ko sakin yung sachet ng peanut butter.

kinuha niya naman yun saken. "At sinong may sabing kakain ka neto?"

pilit kong kinukuha sa kanya yung peanut butter, pero ayaw niyang ibigay. Uwaaaah! :(

"Akin na yan!" Dahil matangkad siya sakin, kailangan ko pang abutin. pero tinataas niya talaga yung point na hindi ko

talaga maabot.

Ayaw mo ha!

"Ha, Patpatin ka kasi kaya di mo maabo-"

*Tsup.

Nakuha ko na rin yung peanut butter, para syang statwa dun oh. Eh kasi ang kulit eh. nangasar pa. :""3 kiniss ko

tuloy.

Pumasok na ako sa bahay, pero susunod yon. Kumain na ako pati siya, di parin siya umiimik eh.

Nagpaalam na ako kay Mommy, Nag beso sa kanya tapos lumabas na kami. Ayaw parin akong pansinin ah. parang

first time namang makiss nito.

"Uy, Para kang bato jan?" sabi ko, tumingin lang siya sakin tapos nangirap. KDOT. Sama nanaman ng Mood.

"Binigla mo kasi ako eh, yan tuloy. parang nagwawala kaluluwa ko." Bigla niyang hinila kamay ko tapos hinawakan

niya.

Akeey naaa kamee. .

///

School :

HAAAY! NAKAKAMATAY! JUSKO. Simula na nang labanan ng basketball! Todo Cheer kame ni Bes kay kuya at DJ!

And may bago na nga pala kaming tropa.

"Ang ganda naman ng katabi ni Biyotipul Julia! Sino yun?"

"Sino yung kasama nila kath at Julia?"

"Shet. Ang Ganda!"

Maka mura eh noh, ngayon lang nakakita nang mukhang mestisa? Nga pala. Si Coleen yun, Dito na kasi siya

magaaral eh. Laking tuwa ko at magkasama pa sila nang bestfriend ko ngayon.

"Kath, Juls. Sino yung lalaking yun?" sabay turo kay Albie.

Bakit? Crush niya? HAHA.

"Si Albie, Bakit Crush mo?" sabi ni Julia tapos siniko kunware ni Julia si Coleen.

Umiling naman tong si Coleen. "Hindi no! Kanina pa kasi tumitingin dito eh!"

"Baka may crush sayo!" sabi kong pabiro, Ayiiie. Lumalablife kagad? HAHAHA.

Napalingon ako at tinignan si Albie, Sakto nakatingin din siya, Kumindat siya tapos Shinoot yung bola. PASOK.

"Huy, Kath! Nakatingin sayo eh!" HINDI! IMPOSSIBLE!

Tingin tingin kay DJ! Nakangiti siya sakin tapos shinoot yung Bola.

SHOOT.

Ang Galing naman ng Bebe ko. :">

Pero nadidistract ako kay Albie eh.

End of First Quarter, 15 minutes Break.

Lumapit na sila DJ at kuya samin, nag apir silang dalawa tapos si DJ, ninakawan ako ng halik, Lutang kasi ako eh,

bwiset si Albie.

"Nakatulala ka jan, Lalo kang naiinlove saken no?" hechus. date pa ko inlove sayo. pinisil ko tenga niya, napaaray

naman siya sakin. "ARAAAY! KATH MASAKIT!" napapasigaw na siya pero gigil na gigil talaga ako.

Bwisit ka Albie.

IMPAKTO.

DEMONYO.

WALANG MOD-

"ARAAAAAAAAAAY!" Ay! "Nako Sorry Sorry! Sorry na Baby! Di ko sinasadya!" hinimas himas niya yung tenga niya,

bakit ganun, di ko namalayan hawak hawak at pisil na pisil ko talaga tenga niya.

"Kawawa naman Kath, Ang Brutal mo!" sabi ni kuya habang nainom ng tubig. Napatawa lang silang lahat pero si DJ

naka Pout Face parin.

"Uyy, Sorry na. Eto naman eh." Actually, kasalanan ko talaga eh. namumula tenga niya oh. kulang nalang magdugo.

sobrang gigil ko kasi kay Albie. Sa Kanya ko pa nabuhos.

"Oo na, pinapatawad na kita. Bat mo ba kasi ginawa yun? Gigil na gigil ka masyado. Pwede namang lips ko pang-

gigilan mo!" Aba, Nagpout pa siya na parang gusto niyang ipahalik sakin.

Eto kaharap mo!

Ang Palad ko!

"Kath naman Eeeeeh!" HANGKYUT LANG! kiniss ko nalang noo niya. tapos backhug. "Ikaw, ang sarap mo talagang

asarin."

"GUYS TAMA NA NANGANGATI NA KAME!" sabi ni Julia, eto naman si coleen naki join, nagkatikati effect sila.

Ayun balik basketball na sila. Senior vs Sophomore kasi eh.

//

Lunch :

Nakakalurkey, Nanalo nanaman ang Seniors! Ayun, nasa iisang table lahat ng players, kaming mga babae ang laki

ng distansya. Naku, Grabe. nakakainis kas yang coach na yan eh. Imbis na kasama ko 'ULIT' Si DJ kumain, eh

umalis pa.

"Nakasimangot ka jan?" sabi ni coleen hang pinopoke yung noo ko. "Kasi hindi niya kasabay kumain yung labidabs

niya." napangiiti naman ako nun, at least nandito sina Julia diba?

'OHMYGASS. ANG GWAPO TALAGA NI DJ!'

'Papalapit ba sya sa table natin?'

'Ambisyosang frog ka! Lalapit kay Kath yan.'

'Ano ba kasing meron kay kath na wala tayo?'

LANDI LANG TEH? tss. nakakawalang mood.

Umupo sa Tabi ko si DJ, tapos walang imik. ang tamlay niya lang. "Bakit? Anong problema?" sabi ko, pero umiling

siya tapos yumuko, binaon yung mukha niya. anyare dito?

"Uyy." Inuga-uga ko siya. pero walang imik. "Gurl, Iwan muna namen kayo. Ayaw nameng maging Audience lang

eh." sabi ni julia. Tapos umalis na.

Isa pa yon.

Napahawak ako sa Ulo niya, tapos nagulat ako, ANG INIT?

Tinaas ko yung ulo niya tapos hinawakan sa Noo. Oo nga.

MAY LAGNAT SIYA.

"Nagpatuyo ka ng Pawis no? Nilalagnat ka DJ!" sabi ko sa kanya, ngumiti lang siya sakin, nanghihina lang siya.

pasalamat siya tapos na yung game, kundi balik nanamn siya sa laro, nang may lagnat.

"Halika nga, punta tayo sa Clinic." tumayo na ako pero hinila nya ako ulit pababa. "Ayoko, dito ka lang." sabi niya

sakin.

Ang tigas naman talaga ng ulo. "Walang mangyayari kung dito lang tayo. Tara na!" sabi ko sa kanya, pilit ko siyang

tinatayo pero ayaw niya.

"Ayoko! Kasi pag nandun na tayo mga nurse na malalandi nalang magaalaga sakin, papauwiin ka nila. Uwi nalang

tayo."

Sabagay. pero bakit malalandi? HAHA. Kasi mga dalaga pa yung mga nurse dun eh, i got his point. *thumbs up

*RRRRIIIIIIIIIIIIIIIIIING

Ayan, Nagbell na. nakayuko parin siya, inisnab niya nalang yung bell. pero ako? I know what i'm going to do.

"Juls. May sakit nanaman lilbro mo, pilitin mo naman si kuya guard na paalisin kami oh!" lumapit ako sa table nila,

kasama na ang mga varsities. "Kaya pala wala sa mood manakay ng trip yan eh. May lagnat. NILALAGNAT PALA

ANG CHICKBOY." sabi ni Joshua. Sama naman ng ugali netong kulot nato. "Wag ka nga Joshua, pakainin kita ng

Daga jan eh." sabi ko sa kanya tapos tumawa naman sya. "Joke lang yun Kath."

Ayun, Nagawa ngang paalisin ni Juls kami, buti nandun na yung driver ni DJ, nagpatulong akong ipasok sya. naka

jersey parin siya pero hindi ko na siya pinagpalit. sa bahay nalang nila.

//

Sa Bahay Nila DJ :

Hiniga ko na siya sa kama nya, Kumuha ako ng thermometer. Grabe! 39 degree siya! Ang taas na rin! :| Kumuha na

ako ng bimpo at pinunas sa kanya..

"Kath, nasan na tayo?" nagising na siya, nanghihina yung boses niya. parang kanina nagaasaran lang kami neto.

ngayon may lagnat na. "Nasa Bahay niyo na." sabi ko sa kanya. bigla niyang hinawakan yung kamay ko. "Dito ka

lang ha, wag kang aalis." Nakaupo ako sa upuang nasa tabi ng kama niya, ngalay na ngalay na ako sa pwesto kasi

nakawak kamay niya sakin, tapos nakatulog naman siya.

Dahan dahan kong inalis yung kamay ko, kukuha na rin sana ng gamot.

"KATH! WAG MO KONG IWAN!" sumigaw siya, nanlaki mata ko. HALAEH. Whyyyy? hindi naman ako aalis eh! :/

"Kukuha lang ako ng Gamot! Di naman kita iiwan eh!" sabi ko sa kanya, tinakpan niya yung mata nya gamit yung

mga braso, tapos tumungo nalang. "dalian mo ha."

bumaba na ako ng bahay nila, buti naka salubong ko si Yaya Andeng. "Ah, Yaya. Nasaan po yung Mga gamot? May

lagnat po kasi si Daniel eh." sabi ko sa kanya, sabi niya sumunod daw ako sa kanya. sumunod naman ako.

"Nako, Si Daniel talaga masakiting bata." inabot na sakin ni Yaya yung Gamot. "Kahit nung bata yan, nako. Pag may

sakit yan mommy niya lang talaga ang gusto niyang magalaga sa kanya." patuloy nya. Naghuhugas na siya nang

pinggan. pero parang interesado ako sa mga sinasabi niya. "Asan na po ba mommy niya ngayon?" tanong ko.

Umiling siya tapos ngumiti.

"Nasa Langit na ang tunay niyang Mama. Namatay siya 2 years ago."

Nakakalungkot naman, It means mommy ni Julia etong present mother nila? So wala na talaga.

"I feel sorry for DJ.."

Napangiti naman si Yaya tapos nagpunas ng Kamay. "Kaya nga naging ganyan yan eh, naging Babaero, Maloko.

Ilang beses na rin na suspend yan. pero favorite ng mga teachers kaya pumapasa."

So, it means na.. Naging ganyan siya sa pagkawala ng mommy niya?

"Ganun po ba.. Kawawa naman." sabi ko. "Buti na nga lang iha eh, Nanjan ka para sa kanya. Alam mo bang ikaw

lang ang babaeng tumagal dito? Ikaw lang ang sineryoso nya. Pati si Ella."

I wanna know alot of Ella. Ano bang meron? Gusto kong malaman past nila.

"Pwede niyo po bang ikwento sakin tungkol kay Ella?" umupo na kami sa dining table, tumungo naman si Yaya

Means okay lang. "Alam mo Iha, Si Ella. Nakakatuwang Bata iyon.."

Pinaglalaruan ko yung pills na hawak ko pero tapos tumingin ulit kay yaya. "Magkababata sila ni DJ, sobrang mahal

ni DJ ayan noon. Clumsy yang si Ella kaya nanjan agad yang si DJ para umalalay. pero ewan ko, 2 years ago din

ata, nakita ni DJ na may Boyfriend pala si Ella. na mas matagal pa sa kanya."

Ouch. <//3

"Kaya kung ako sayo, seryosohin mo si DJ, kasi mabait yang batang yan. Kung magmahal naman, Sobra." Tumayo

na sya tapos kumuha ng walis tambo. "Oh sha, tama na chika. alagaan mo na si DJ dun." sabi niya tapos tumayo na

rin ako.

Hinawakan ko sa balikat si Yaya tapos ngumiti. "Salamat po."

Nag smile lang din siya, tapos umakyat na ako.

Dahil sa nalaman ko, Mas lalo pang lumapit loob ko kay DJ, kailangan niya nga talaga ng tao ngayon.

Napaka Unexpected nang pangyayari, pero ngayon alam ko na ang lahat.

Papakita ko talaga sa kanya, na maalaga ako.

Pag pasok ko sa kwarto nya, nakita kong bukas TV, nanunuod siya ng Spongebob. napangiti naman ako. "Ang Tagal

mo naman, Akala ko umalis ka na." sabi niya sakin, napaupo na siya. Tapos binigay ko na yung Gamot, buti may

tubig sa tabi. Uminom na siya.

Naghalungkat na rin ako sa cabinet niya, nilabas ko yung black shirts tapos shorts. "Palit ka na." sabi ko sa kanya.

Nag nod siya tapos nagpalit na sa CR.

Any moments, bumalik na siya.

"Halika nga, tignan ko ulit yung temperature mo." sabi ko sa kanya, nilagay ko na yung thermometer. 37, medyo

bumaba na.

"Wag ka ngang magpatuyo ng pawis, eto naman eh. papatayin mo ako sa pagaalala no?" niyakap niya ako tapos

napahiga kami sa Kama niya. "Sorry, di ko nasabi sayo na masakit din ulo ko kanina habang nagbabasketball eh."

ginulo ko yung buhok niya tapos kiniss sa ulo.

"Kaya ikaw, magpagaling ka nang mas maaga. para may reward ka."

Ano tong pinagsasabi ko?

"Hmm. Anong Reward?" tanong niya, lalo niya akong nilalapit sa kanya, pero nasasanay na ako, kaya okay lang.

"Kahit ano." sabi ko nalang, wala rin naman talaga akong maisip eh. pero know that medyo close na kami, i know

hindi masamang trip to.

Napa smirk siya nung sinabi ko yun, sabay hinalikan ako sa Noo, Mata, Ilong, Cheeks hanggang sa Lips. "Kapag

gumaling ako...

tayo na?" 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top