Chapter 14


Maghihintay daw si Quen.

Wala na siyang pagasa talaga eh.

kahit nasaktan ko siya, wala na talaga. di naman pwedeng pagsiksikan ko sarili ko sa kanya atpagsisiksik niya rin

sarili niya. walang mangyayari. tsk.

Umaga nanaman, ang aga kong nagising, wala ako sa mood. naman kasi eh, bakit ko siya niyakap nun? kahit alam

kong yun yung kailangan niya. hindi eh... parang may mali.

Baka Umasa siya.

"Kath!! Bumaba ka na! 5 minutes nalang oh! Di ka pa nakain!" Hay nako Mama, wala po ako sa mood kumain. kung

alam niyo lang.

Bumaba na ako ng Kwarto, nang nakasimangot. >:(

"Oh, Anong ginawa sayo ng Araw at nakasimangot ka?" sabi ni kuya.. Umupo agad ako tapos pinatong yung baba

ko sa kamay ko. "Antok pa kaya ako." tapos nag yawn ako. palabas lang, ayoko namang sabihin na 'Si Quen,

Umaasa saken.' hay nakoo.

"Nako, Lalaki nanaman ba? Si Daniel ba? ano nag away kayo?" sabi ni Mama habang nainom ng Kape, umiling ako.

"Ma naman, hindi naman dahil malungkot ako eh si DJ na agad." sabay yuko.

"Kung di ka kakain, umalis na kayo. late na kayo oh? nasaan ba sundo mo?" sabi ni Mama, tumingin ako kay kuya

tapos nag shrug siya. "Ewan ko nga eh..." tumayo na kami tapos nagbabye kay mama. "Sige ma, Alis na kami. Love

you!" sabi ko tapos umalis na.

Tsk, wala si DJ.

Si kuya, nagjeep na. kahit ang lapet lapet. hay.

Maglalakad ako magisa ngayon, ano kayang nangyari kay DJ? pinagsisipa ko yung bato, kada lakad, bato.

"Uy!! Pre! Tumakbo kana! Late na tayo!" may narinig akong sumigaw sa bandang harap ko, tss. wala akong

pakialam nun. pero ..

"ARAAAAY!" napadapa ako sa pavement ng sidewalk, may nakabangga saking lalake. Araay, may sugat tuhod ko.

huhuhu

Tinayo ako nung lalake, bwiset. napakatanga naman nito. "Ano ba naman kasi! Pwede namang di ako banggain

diba? ang laki laki ng daanan oh!" reklamo ko, yung lalaking to eh, maputi.. matangkad. pero nakangiti parin siya.

PANGASAR?

"Sorry! hindi kasi ako nakatingin eh, nakatingin ako sa likod ko kasi may kausap ako. Nako, Late na tayo! Taga CEB

ka rin diba?" sabi niya habang inaalalayan akong maglakad.

"Hindi! Taga UST ako. Tss. Magkapareho tayo ng ID lace oh. tapos tatanungin mo kung taga CEB ako? " eh tanga

kasi nito eh.

Nasa harap na kami ng school, nagbebell na. tapos ayun, nagtatakbuhan mga tao. "Sige, Alis na ako! Sorry ha!"

tapos yun, bigla akong iniwan.

Bwiset. walang modo.

Ang laki ng sugat ko sa tuhod oh. naman eh. =((

Naglakad ako ng paika ika sa classroom. Ayun si Julia, naggugupit na ng mga kartolina, si Kiray may sinusulat sa

blackboard, si Neil. kausap ni EJ. wala si kuya eh, kabilang section. pero si DJ? Wala.

San kaya yon? Nakakapagtampo na ha.

"Oy! Witch!" sigaw ni Neil. Aba, tinatawag narin akong witch? Napatingin siya sa tuhod ko tapos nagtaas ng kilay.

"Ano yan? Nadapa? Kay talaga Kath, tanga kahit kailan." Wow. thank you. nakaka flattered naman.

lumapit ako sa kanila tapos umupo, tinignan ko yung sugat ko, Shhhh. Ang Hapde!

"Nga pala kath, bat daw di mo tinitignan cellphone mo. Tawag ng tawag si DJ. di nakasabay sayo kasi may

Basketball practice." Oo nga no, may cellphone ako. tss.

Nilabas ko cellphone ko.

O.O

20 missed calls from Mr. Epal >:|

MYGOOSSH.

"Kakausapin ko nalang siya mamaya, Neil, Samahan mo ko sa Clinic. ang sakit ng sugat ko eh." sabi ko, tapos

tumayo na siya. pero, nakakapagtaka, umupo siya sa harap ko. "Sakay ka, Piggy back." Abaaa. ang bait naman!

Ayun, Sumakay na ako. tapos pinagtitinginan kami ng mga tao sa hallway.

'Uy, Ang landi talaga. tsk.'

SAPAKIN KO KAYA KAYO?

Buhay nga naman. huhuhu.

"May i help you?" sabi ng nurse, binaba na ako ni Neil. "May sugat siya mam, maki lagyan nalang po ng bandaid."

tapos pinaupo na ako sa upuan.

Kumuha yung nurse ng betadine at Bandaid.

"HAAAAAAAALA! MASAKIT YAN!" sigaw ko. napatawa sakin yung nurse. "Ganyan talaga, iha." tapos sinimulan

nang lagyan ng betadine.

"OUUUCHH." napatakip ako ng mukha. tapos narinig kong tumatawa si Neil. "Para kang bata!" HAHAHA NICE

JOKE.

Ayun, natapos na. hindi muna ako pinaglakad, bumalik na si Neil sa room, magagalit daw si bes eh. nako, 3 days

nalang, intrams na! tsk. pagod mode nanaman! sarapo sanang mag volleyball oh. pero, hindi ako varsity eh. XD

"Iha, baka gutom ka na. pwede ka nang umalis." sabi ng nurse, dahan dahan akong tumayo. tapos yun, nagbyebye

at nagthank you ako.

Gutom na talaga ako eh. haha

Recess na rin pala. sakto lang, ayun, pagdating ko sa cefeteria, ang daming babae, anong meron?

"Ayun si Joshua oh!" sabi nung babae tapos nagtilian sila.

"Si Daniel! OMG. Pawis! Baby punasan kita!" sigaw nung isa.

AHEM.... NANDITO AKO.

"Si Albie! KYAAAAAAAA~" sabay turo..

DUN SA LALAKING NAGBANGGA SAKIN! SI ALBIE KA PALA HA. LETCHE.

Dumaan nalang ako sa gitna ng mga babae deretso sa bilihan. nakita ako ni Daniel pero inisnab niya ako. Oh?

Anung meron?

Galit siguro, di ko nasagot mga calls niya. huhuhu.

"Ate, Ice tea nga at Cheesecake." sabi ko. tapos yun, inabot na sakin.

pagkatalikod ko.

*BOOOGSH.

May natapunan ako ng Iced Tea.

"Ano ba yan! Napaka clumsy mo naman!" sigaw niya, hindi ako tumingin sa kanya, tapos nagsorry nalang ako.

"Teka.." napataas ako ng ulo. tapos. O.O

"IKAW NANAMAN?" Sabay naming sigaw.

seriously, nagkakabangga na kami madalas.

"Na karma kana! Tignan mo ginawa mo sa tuhod ko." sabay turo sa tuhod, napatawa siya. "Eh baliw ka kasi eh."

Aba?

"Ako pa naging baliw? bat hindi ka kasi tumitingin sa mga dinadaanan mo?" Sigaw ko sa kanya. tinakpan niya bibig

ko. "Ano ba, Ang laki ng bunganga mo. wag ka ngang sumigaw!"

Nilayasan ko nalang siya. tapos nakasalubong ko si DJ.

"Kath? Bat di mo sinasagot mga tawag ko?" sabi niya. nagbuntong hininga ako. "Hindi ko namalayan eh. late ako

nagising kanina, at akala ko susunduin mo ko, kaya ayun. hindi ko talaga namalayan. sorry!" sabi ko sa kanya.

tumungo siya tapos kiniss ako sa noo. "Sorry di ko nasabi sayo kahapon na may practice ha." nagsmile nalang ako

tapos umupo sa tabi niya. "Okay lang yun."

tapos in any moment, dumating mga kabarkada niya.

At isa na dun si Albie.

"Oh, bat nandito yang clumsy na yan?" Sabi niya habang tinuturo ako.

Tinarayan ko siya tapos kumagat ng cheesecake. "Bat merong malaki ang ilong dito?" sabi ko bigla. napa- OHHH

yung mga tao. yung sound na parang, natalo si albie? haha

"Magkakilala kayo?" seryosong tanong ni DJ. umiling ako. "Wala akong kakilalang bwiset." sabay tayo at hila kay DJ.

"Halika, samahan mo muna ako sa classroom" sabi ko. sumunod nalang siya.

nung bandang nasa walang tao na kami ni DJ, bigla niyang tinanggal yung kamay niya sakin. "Kath, Deretchahin mo

nga ako. Anong meron sa inyo ni Albie?"

Oh, Wala. Isang impakto sa buhay ko.

"Wala yun, Pangasar lang yon, nakabunggo ko kasi siya kaninang umaga." sabi ko, maglalakad na sana ako

papaalis, pero hinigit niya braso ko.

"Ano ba DJ, bitiwan mo ako, nasasaktan ako." sabi ko, pero mahigpit talaga eh. ano bang nangyayari? "Ano ba kath,

Iniisip ko lang ang pakakanan mo, Iba si Albie! Mas malala pa yun sakin!" pasigaw niya, pero pasalamat siya, walang

estudyante sa paligid.

"DJ, tigilan na nga natin to! Magaaway nanaman ba tayo sa iisang tao?" sagot ko sa kanya, binitiwan niya na ako

tapos nag-sigh siya. "Ewan ko sayo, Bahala ka sa buhay mo." Sabay umalis na siya.

Edi magalit siya.

Wala namang namamagitan samin ni Albie diba?

Maiwan na nga, bumalik na ako sa classroom. Nakita ko dun si Bes, magisa.. nakatulala.

Lapitan ko nga, kawawa naman eh.

"Uyy, bat di ka pa kumain? Bat ka nakatulala?" sabi niya. pero walang sagot. anong nangyayari dito? "Bes!" inuga ko

siya tapos ayun, napatingin siya sakin. "Ay! Sorry! Stress lang talaga ako ngayon. Kailangan ko ng tulog." sabi niya,

kawawa naman si Bes, ang hirap kasing maging President ng SSG eh. Tsk.

Yumuko na siya tapos ako, wala. nakatanga lang.

Maglalaro nalang ako sa iPhone.

"Hoy, Babae!" may biglang sumigaw dun sa pinto. Ah. si DJ.

hindi ko siya pinansin, tinignan ko nga siya saglit, pero hindi. binalik ko kaagad yung tingin ko sa nilalaro ko.

"Edi wag mokong pansinin, paki ko ba sayo?" tapos alis na agad. nu ba kailangan nun?

Tsss. Papansin much?

Daniel's POV

Kanina, Naiinis ako kasi kausap ni Kath si Albie.

Alam niyo ba kung bakit? May gusto kasi si Albie kay Kath.

Simula nung pinagtitripan ko siya, sinubukan niya tong lapitan, pero pinigilan ko, ano siya? AKIN LANG SI KATH.

Selfish na kung Selfish

Ayun, galit kami sa isa't isa ngayon, kinampihan niya pa talaga si Albie ha. nakakabwiset lang.

Pumunta ako sa classroom namin, nakita ko dun si Kath, katabi si Juls. pero tulog si Juls eh, si kath nag-iiphone.

"Hoy, Babae!" sigaw ko, tumingin lang siya sakin, tapos lumihis agad.

Aba, sasabihin ko lang naman na kung kumain na siya ah? iniwan niya kasi pagkain niya dun.

tss. korni ko. Pabayaan ko na to. AWAY pala talaga gusto niya ha. Edi pagbigyan.

"Edi wag mokong pansinin, paki ko ba sayo?" tapos umalis na ako. Ako na nga concern eh. tsk.

dumeretso na ako sa GYM, may practice pa kasi eh. "Done for the break na guys! Let's Practice na!" sigaw ko,

bumalik na silang lahat sa gitna, tapos nagstart na kami ng practice.

Galit ba talaga sakin ng sobra si Kath? Kasi pinoprotektahan ko lang talaga siya, ayaw ko talagang maagaw siya ng

kahit na sino. Kahit Ni ALBIE o ni QUEN. ang dami ko talagang kaagaw kay kath. pano kung ayaw niya sakin?

napipilitan lang siya? Teka, hindi naman kami ah. MU lang kame. MU lang DJ. MU.

"DJ! BOLA!"

*BOOM

Shet.

Ang sakit. Tsss. Natamaan lang naman ako sa ulo. "Ano bang pinagiisip mo bro?" sabi ni Diego. umiling ako. "Wala,

inaantok pa ako eh. pero pasensya, ayan na." kinuha ko yung bola tapos nag dribble, shoot. sapul.

Napalalim isip ko kanina ah.

Si kath kasi eh.

Kathryn's POV

Uwaaaah! Kapagod! >.< Assistant ako ni Bes ngayon! Wala si Kuya nasa practice ng Basketball eh! Haaaay,

Huggard muchy.

"Kath, Sasabay ka sakin umuwi?" sabi ni Julia habang inaayos yung bag niya.

Uwian na pala ano?

Hahatid pa ba ako ni DJ?

"Ah, Oo. Maaga ako pinapauwi ni Mommy eh." Kahit di naman. Inayos ko narin yung bag ko. tapos ayun, umalis na

kami papuntang Carpark.

"Aba, Sinusundan mo ba talaga ako?" Napaka walang hiya talaga neto oh, Magkatabi pang naka park yung kotse ni

Julia at Albie? "Magkakilala kayo?" sabi ni Julia. umiling ako. "Wala akong kakilalang Baliw." sabi ko, tapos bubuksan

na sana yung pinto ng kotse ni Julia nang..

"Kath, Sakin ka sumabay." sabi ni DJ. hawak niya kamay ko pero tinangal ko. "Galit ka sakin diba? baka saktan mo

nanaman ako." reffering sa ginawa niya kanina, masakit parin yung braso ko.

Sobra.

Sumakay na ako, tapos ayun, nakatingin sakin ng curious si Julia. Umandar na yung kotse tapos si DJ padabog na

binuksan kotse niya. "Sis, Nagaway kayo?" tanong niya.

"Eh kasi yang si DJ. Seloso, Ayaw ko naman talaga kay Albie eh. tapos nagalit sakin bat ko daw siya nilalapitan. Ang

OA lang." tumawa si Julia tapos tinapik yung balikat ko. "Baliw talaga si DJ eh noh? hayaan mo na yun, ikaw lang

yung unang babaeng may pinagselosan siya, trust me." sabi niya.

Talaga? Ako lang?

Di naman ata.

"Oh yan na Bes, Nandito na pala tayo sa compound niyo, di muna ako uuwi eh. pupunta pa ako sa bussiness ni

Dad." sabi niya tapos nag sad face. "Napapadalas ata yang bussiness ng Dad mo?" sabi ko tapos binuksan na yung

Pintuan. "Mister Perfect kasi yun eh. Haynako. Sige! Bye Bes! Love you!" tapos nag flying kiss siya.

Teka, kaninong kotse tong nasa labas?

Familiar ha.

Pumasok na ako sa Gate, tapos sinalubong ako ni Brownie. Yaaay! Magaling na ulit siya! Binuhat ko siya tapos

pumasok na ako sa bahay.

O.O

Pag MINAMALAS NGA NAMAN OH!

"Oh? Sinusundan mo nga talaga ako!" si Albie, kasama niya si Kuya. Uwaaah!!!

"Excuse me! Bahay ko to! At anong ginagawa mo dito?" pinakita niya yung bola, tapos biglang bumaba si Kuya. "Oh,

Jan ka na pala baby sis! Tara na Albie!" sabay takbo ni Kuya sa labas ng pinto.

"Oh, Paalam na kath." sabay kindat sakin.

EWWW. NAKAKAIRITA!

bwiset na araw to oh!

Galit pa rin ata sa kin si DJ.

Anong gagawin ko? :(

:




A/N: hi guyss naisipan ko lang mag UD ng marami para maganahan naman kayo magbas ..LOVE LOTS.muwah muwah

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top