Chapter 1
Mahirap, Mahirap pala ang pinasok ko. Hindi ko akalaing sinetup nila ako. bakit ba galit na galit ang mga tao sa akin?
wala naman akong ginagawa ah. bakit parang wala ring gustong makipagkaibigan saakin? Bakit lagi nalang nila
akong pinapa hirapan?
Etong school na to. CBE Montesorri. napaka ganda. pero kung titignan mo ang mga estudyante, napaka-panget ng ugali.
"Ano ba, Bitiwan niyo ko!" sigaw ko sa mga lalaking nangtitrip nanaman sa akin.
*SPOOOOSH*
"HAHAHA. Poor Baby, got dipped in the pool." with matching sad faces pa. tapos tawa.
napapaiyak na ako, bakit ba all of these guys hates me? napahiya nanaman ako. andaming tao sa palagid namin,
nakita nila ang whole scene! wala manlang tumulong saakin.
Umalis na sila, hindi parin ako tumitigil sa kakaiyak. Mga barkada kasi yun ng Famous player ng school. Siya ang
nagsetup sakin, Paanong set up ?
*Flashback*
"Hoy, Babaeng Mangkukulam" sigaw ni Daniel John Ford Estacio. alam ko full name no? Syempre, yan lang naman
ang captain ng BASKETBALL na gustong gusto ng mga tao. Favorite ng lahat ng teachers pati ng Principal.
"A-Ako?" sabay turo ko sa sarili ko, malamang ako. ako lang naman tao dito eh.
"Oo, Ikaw. Pinapatawag ka sa Pool ni Ms. Santiago. Be there as soon as possible. DALIAN MO." napasigaw siya
bigla. syempre, ako tanga. gaya ni budoy, pumunta naman.
Pagkadating ko. ayon.
Pagtitripan na.
*End of Flashback*
Tumayo na ako at piniga ang palda ko, buhok ko para mabilis matuyo. iyak parin ako ng iyak. hindi ma tahan. sana
may kaibigan ako dito. ewan ko, dahil jan sa Daniel na yan, lahat ng taong nalapit sakin eh lumalayo dahil sa kanya.
Eh bakit ba? Kaano ano ko ba siya?
Hindi ko rin masabi to sa mga parents ko kasi, napaka martyr ko. ewan ko ba kung bakit.
"Psst. Bat ka naiyak?" narinig ko sabi ng isang Babae.
napataas ang ulo ko, may nakita akong isang babaeng mestisa, mag pagkabrown yung buhok. parang amerikana na
ewan?
"Lumayo ka, bago ka pa ilayo sakin ni Daniel." sabi ko sabay takip ng mukha.
"Ano ka ba, I won't go away until you tell me what's your problem." sabi niya.
napaharap ako sa kanya and niyakap siya ng mahigpit. kahit na basa ako eh, niyakap niya rin ako. "Sakal na sakal
na ako sa Daniel Estacio na yan eh. lagi nalang, wala na akong freedom! Wala akong Friends, hindi makapag focus
sa studies. hindi makakain ng maayos dito sa school. lagi nalang pinipintasan, sinisiraan. kaya wala akong mga
kaibigan." iyak ko sa kanya. pinatpat niya naman ang likod ko. "Tahan na, pagpasensyahan mo nalang yan. Siraulo
talaga yun, patay yun sa akin ." sabi niya.
kumalas ako sa yakap niya. "Kaano ano mo ba siya?" mahina kong tanong. "Kapatid ko yun, Ako nga pala si Julia
Gabrielle Estacio. Senior din. Stepbrother ko yun, pero kahit siraulo yun. mahal ko yun." sabi niya.
Bakit ganon? ang layo naman ng ugali nilang dalawa. Si Julia, ang bait bait. Si Daniel? Anak ata ng demonyo yun
eh.
- End of school -
As usual, wala. walang kumausap sa akin. wala nga akong katabi sa upuan eh. si Julia lang ata magiging kaibigan
ko ngayon. naglalakad kami pauwi. sabi niya, friends na daw kami eh. happy naman ako. kaya ayon, pumayag. pero
sana, hindi to set-up. nagka phobia na ako eh.
"Kath, gusto mo saamin ka muna? pambawi lang sa ginawa ni Daniel." aya niya. tumigil kami saglit tapos sinabi niya
iyon. nag sign ako na hindi at umiling. "Salamat nalang, pero okay na yung nagkaroon ako ng friend." tapos ngiti ko
sakanya.
"Sige na, minsan lang eh." tapos hinila niya ako bigla. hindi naman ako makatanggi eh, nandito na kami sa harap ng
bahay nila. grabe ang laki, ang ganda pa. simple lang. may grade, balcony, may aso din sila. ang cute nga eh.
pinapasok niya ako sa sala nila at pinaupo. "Wait mo ako ha, magpapalit lang ako." sabi niya. nag-oo ako tapos nag
smile. ang yaman pala nila.
after a minutes, naka rinig ako kumalabog ang gate nila. nagulat ako at titignan ko sana. bubuksan ko sana yung
pinto nila , nakahawak na ako sa doorknob ng biglang bumakas.
*BLAAAG*
Aray naman. -_____- napahawak ako sa ulo ko tapos hinahaplos yung ulo ko. "Araaaaaaay."
"Bat nandito ka?" dahan dahan akong tumingin. O.O SI DANIEL?
OO nga pala, magkapatid sila. ano ba yan. >.<
"Daniel? Anong ginawa mo sa bisita ko?" biglang sulyap ni Julia. tinulungan niya akong tumayo. hilong hilo ako,
lakas ng impact. ano ba iyan. >.<
"Eh bat nandito yang mangkukulam na yan? Palayasin mo nga yan. hindi ako nagpapapasok ng hayop." sabi niya.
Ouch. Hard mo naman.
"Daniel, why are you treating her like this? aren't you going to apologize?" sabi niya. kaso dinedma niya lang si Julia.
umakyat agad siya ng stairs tapos mag malakas na kalabog ng pinto.
napa buntong hininga si Julia. "Wait lang ha, kuha lang ako ng yelo. Sorry ha." sabi niya. ngumiti ako tapos nag lean
back sa sofa. "Okay lang yon, sanay na ako." sabi ko.
Bumalik na siya ng may dalang yelo moments ago. dahandahan niyang nilagay sa ulo ko. "Araaay." ansakit grabe,
do i really deserve this? "Kath, sorry talaga ha. imbis na bumawi ako sayo nadagdagan pa." sabi niya. okay lang
naman talaga eh. sobrang sanay nako. dahil hindi ako marunong lumaban, ayan ang nangyayari saakin.
*DingDong*
"Yaya! Paki tignan naman kung sino oh." sigaw ni Julia. patuloy niya paring pinupunasan yung sugat ko. ang bait
talaga ni Julia.
"Mam Julia. Para kay Sir Daniel po eh. Papasukin ko na po?" tanong ng yaya nila. Nag yes si Julia. tapos bigla
kaming napatingin sa Babae.
O.O --> Reaksyon naming dalawa.
Grabe, ang Ikli ng Palda mo teh, Yung Uniform niya, 2 butones naka open. kita clevage? ano to? Prostitute? Red
Lips pa ha. pero infairness maganda. nagmukha lang pokers. >_______<
"Ayan ka na pala, Marianne. Halika sa taas." Sabi ni Daniel. Napatingin ako sa kanya pero nag smirk lang siya sakin.
Ano raw?
Grabe naman pala to si daniel.
"Nako, Lagi yang ganyan. Different girls everyday." sabi ni Julia. may nilapag na miryenda yung isa pa nilang yaya
saamin. Cookies and Juice. Wooow. ^3^
Kumuha agad ako tapos tumingin sa kanya. "Nasaan ba parents mo?" sabay kagat sa cookies.
"Wala eh, nasa ibang bansa. Si Yaya Andeng lang nagaalaga sa amin." sabi niya. Ah kaya pala malaki ulo ni Daniel.
Ang Yaman nila ano ba yan.
napatingin ako sa orasan. 5pm na pala. Hala, malapit na ang curfew ko.
"Hala, Julia. Sorry ha. Gusto ko sanang makipagkwentuhan pa, kaso late na eh. pagagalitan ako ni Mommy." sabi
ko. "Ganun? Sorry talaga sa kapatid ko ha. punta ako sa inyo bukas, pwede? sabay nalang tayo pumasok. iisa lang
naman school nateneh." sabi niya. pumayag naman ako. siyempre kaibigan ko to eh.
Hinatid niya ako sa gate. "Ingat ka ha." sabi niya. nag wave ako tapos umuwi na.Hay nako, kapag may lakas talaga
ako ng loob, Papatayin ko yang Daniel Estacio na yan. kahit kapatid pa yan ni Julia. hindi yan makakalagpas saakin.
---- Kinabukasan ----
"Anak! Gising na! Aalis na ako! Umalis na kuya mo!" Grabe naman sigaw ni mommy. sakit sa tenga. >.<
"Opo ma! Gising na po!" sigaw ko pabalik. Ginawa ko na yung Morning rituals ko. tapos bumaba na. mamayang
10am pa pasok ko, eh 7 palang. makakapag muni muni pa ako. nakita ko sa mommy palabas na ng pinto. "Sige
anak, Mamaya pa balik ko kasi andami ko pang pupuntahan,maagang umalis ang kuya Diego mo. may school
project daw? ewan. Ipasyal mo sa Park si Brownie ha. (yung aso namin." kiniss niya ko sa cheeks tapos nagsmile
ako. "Opo mommy, makakaasa ka saakin." tapos yun. Umalis na siya.
kumain na ako ng breakfast tapos nilabas na si brownie.
naglalakad ako, ang lamig naman pag umaga, kaya siguro laging nilalabas ni mommy tong si brownie tuwing
weekdays. kasi masarap pag may kasamang aso. :)
palingon lingon ako, wala masyadong tao eh. kaya yun, nagtakbo narin ako. Nagjojoging ng naka tsinelas. HAHAHA.
Okay na Umaga ko, nang may makita ako.
Si Daniel yun ah?
Hinila ko pabalik si brownie, binuhat ko nalang siya tapos naglakad pabalik. "Hoy, Mangkukulam." napapikit ako.
shhh nakita niya ako. anong gagawin ko?
Humarap ako at ngumiti. "Anong ginagawa mo dito?" tanong niya.binitawang niya yung bola ng basketball. naka
jersey shorts siya tapos..... SHIRTLESS. tsk.
iniwasan kong tumingin sa katawan niya, ano ba yan. magiging awkward kasi eh.
"Aah- Ehh. Nilalakad ko lang tong si Brownie." sabay alog sa aso kong buhat buhat ko.
Palapit siya ng palapit sa akin. ako naman umaatras, hanggang mapaumpog ang likod ko sa puno ng narra dito sa
park. kinulong niya ako sa dalawang arms niya. malapit na rin ang mukha niya, almost.. there.
>.<
"Aminin mo, Nandito ka dahil sa akin." sabi niya. umiling ako. "H-Hindi ahh. P-Pinapasyal k-ko lang talaga yung A-
aso ko." sabi ko.
Bigla niyang hinalikan yung part sa leeg ko, O.O anong nangyayari dito. DI PWEDE. tinulak ko siya, tapos tumakbo
na agad ako. buhat buhat parin yung tuta. Ano bang nangyayari sa kanya? Umuwi na ako. DugDugDugDug kabado
ako dun ah. anong nanyayari dun? baka trip niya nanaman ako? ANO BA? NAGUGULUHAN AKO! ~_____~
Naghanda na ako sa school. maka ligo na nga. Letcheng buhay na yan oh
Julia's POV
okay na, sumakay na ako sa kotse namin. papunta na ako sa bahay nila kath, malapit lang bahay nila kasi iisang
subdivision lang kami eh. Sinabihan ako ni Daniel na layuan si Kath. or else daw? Eh ayoko nga. edi pinaglaban ko.
wala siyang nagawa.
nag busina na kami sa tapat nila. at ayun, lumabas si kath. mukhang matamlay?
pinapasok ko na siya tapos tinignan ko siya. "Okay ka lang?" tanong ko. hindi parin siya nasagot. "Uyy." tapos inalog
ko siya. "Ha? Ano? anong sabi mo?" sabi niya. bakit ganun siya?
"Sabi ko okay ka lang ba?" tuloy ko. Nag oo siya. sign nga lang. hay, bigyan ko nalang ng space.
Eto, nasa school na kami. bumaba na kami tapos ayon. sabi ko kita nalang mamayang lunch. ang tamlay niya parin.
ano kayang nangyari sa kanya? :|
Kath's POV
Grabe, ano bang nangyayari sa akin? ang tamlay tamlay ko. Si Daniel kasi eh, ano bang nangyari dun?
Physics lesson na first subject namin. nakita kong pumasok si Daniel. napatingin siya sakin tapos nag smirk. yumuko
na agad ako.
"Class, Meron tayong Investigatory project. by pairs. By Twos. Pumili na kayo ng partner niyo. Sisimulan ko sa
Unahan. " nagsimula nang itanong ni Mam Santos si Jane. tapos yun. it goes on and on.
"Ikaw? DJ? Sweetie, sinong gusto mong partner." andaming naghiyawan na classmate kong babae. grabe, landi lang
teh? tsk.
lumingon lingon siya, tapos napatingin siya sakin tapos nagsmile.
WAG AKO WAG AKO WAG AKO
"Si Kathryn po." HUWAAAT?
"WHAAAAAAAAAAAAAAT?" sigaw ng mga babae, tinignan nila akong lahat tapos ako? Shocked.
"Okay. Everybody have their own partners na.Pass your project in August 16. Means may 3 weeks kayong gagawin
yan. Kapag maaga niyong pinasa exempted kayo sa exam." explain ni mam.
DugDugDugDug HALAEH. partner ko siya? NO. AYOKO. WHY? Anong Gagawin ko? 3 weeks akong stuck kay
Estacio. :(
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top