Chapter 37
Mahigit isang oras ang naging byahe namin. Nangangalay na ako sa kinauupuan ko pero nilabanan ko iyon dahil sa takot na malaman nina Orly na nasa loob ako ng sasakyan nila. Paniguradong iuuwi ako nito sa bahay kung malamang kasama nila ako ngayon.
Napabuga na lamang ako ng hangin noong tumigil na iyong sasakyang sinasakyan ko at walang ingay na bumaba ang dalawang lalaki. Para akong nabunutan ng tinik noong naiwan akong mag-isa sa sasakyan. Napatingin ako sa suot na relos at hinintay ko munang lumipas ang ilang minuto bago kumilos at bumaba sa sasakyan.
Noong makababa na ako ay napakunot ang noo ko noong makita ang isang pamilyar na lugar. Nasa isang parking lot ako ngayon. Pamilyar sa akin ang lugar na ito ngunit hindi ko lang matandaan kung saan ba ito.
Mabilis akong kumilos at naglakad patungo sa entrance na nasa gawing kanan ng parking lot. I titled my head on the right side, trying to remember this place. At noong nakapasok na ako sa entrance ng building kinaroroonan, natigilan ako dahil sa mahabang pasilyong bumungad sa akin.
"This is..." hindi ko na natapos ang dapat sasabihin ko dahil tinakbo ko na ang mahabang pasilyo. I wanted to confirm it! God! Bakit dito tumigil ang sasakyan nila Orly?
Kusang napaawang ang labi ko noong bumungad sa akin ang mga maraming taong palakad-lakad sa buong lugar.
"All this time, nandito lang pala sila?" hindi makapaniwalang tanong ko sa sarili habang pinagmamasdan ang iilang mga doktor at narses na pakalat-kalat sa buong building.
This is a freaking hospital! At kaya pamilyar sa akin ito ay dahil dito ako nag-enrol at pumasok ng internship ko bago umuwi ng Sta. Barbara!
Nagpalinga-linga ako. Nagbabaka sakaling mamataan sila Orly pero bigo ako. Sa dami ng taong narito ay tiyak na hindi ko sila basta-bastang makikita. Damn! I need to know the reason why they are here! In this freaking place!
"Belle Del Monte?"
Mabilis akong lumingon noong may pamilyar na boses akong narinig sa gawing kanan. Nanlaki ang mga mata ko noong makita ang isang babaeng nakaunipormi ng isang doktor at isa sa mga matagal na na resident ng ospital na ito!
"Doc. Ramirez!" sigaw ko at nilapitan ang doktor na kakilala. Agad niya akong niyakap at nakangiting tiningnan ang kabuuan.
"How are you, Belle? Mabuti't napadalaw ka dito," she said then pinched my right cheek. "You don't looked well, hija. Nagkasakit ka ba?"
Mabilis akong umiling dito. Gusto ko pa sanang makipagkwentuhan sa kanya ngunit wala akong sapat na oras para gawin iyon. I need to find Orly. Siguradong nasa loob lang ito ng ospital na ito.
"Nandito ako para sa kaibigan, Doc Ramirez. I've heard na dito siya naka-confine po," magalang na sambit ko dito. White lies. Damn, hindi ko akalaing makakapagsinungaling ako sa isang taong itinuring akong parang anak noong nandito pa ako sa ospital na to.
"Is that so? Nakita mo na ba siya?" aniya at nagsimula itong maglakad papunta sa information desk.
"Hindi pa po. I was about to ask pa lang po dito," ani ko noong tumigil kami sa tapat ng isang staff ng ospital na nakaassign sa information desk.
"What's your friend's name, Belle?" Doc Ramirez asked while typing something on the laptop infront of her. Natigilan ako sa naging tanong nito. Mukhang naramdaman ito ng doktora kaya naman ay tiningnan niya ako.
Napakagat ako ng labi at mabilis na dinampot ang isang papel at ballpen sa tabi ng laptop at isinulat doon ang buong pangalan ni Adam. I don't know. Hindi ako komportableng sabihin ang pangalan ni Adam sa ganitong lugar. Maraming tao. Maraming maaaring makarinig sa akin.
Ibinigay ko kay Doc Ramirez ang papel na sinulatan ko. Kumunot ang noo nito at tinanggap iyong papel. Mabilis na natigilan si Doc Ramirez at napabaling ng tingin sa akin. Agad niyang inilukot ang ibinigay kong papel at ibinulsa iyon.
"Let's not talk here," mahinang sambit nito at mabilis na hinila ako patungo sa opisina nito. Pagkapasok namin sa isang silid ay agad nitong isinara at inilocked.
Napayuko ako habang sinusuri ako ng mga mata nito.
"How come you knew this man, Belle?" unang tanong nito sa akin. Napaangat ako nang tingin kay Doc Ramirez at nabuhayan nang pag-asa.
"You knew him, too?"
"Answer me first, hija. Paano mo nakilala ang isang ito? He's not that friendly kaya imposibleng kaibigan mo ang kagaya niya."
"Doc, Adam is not a bad guy," depensa ko dito. But I can't blame her. I know where she's coming from. Maybe she knew the illegal deed of Adam. That's all. Iyon lang ang alam nito. "He's my friend. Really. Ilang araw ko na itong hinahanap. Looks like na tinatago nila sa akin ang totoong kalagayan nito," nilapitan ko ito at mabilis na hinawakan sa kamay. "He's here right? Please, I'm begging you, Doc. Tell me honestly. Nandito ba siya? Anong nangyari sa kanya? Is he okay? Tell me, please."
"He's my patient," she said that makes my heart in pain. Patient. Nandito siya dahil may nangyaring masama sa kanya! "Pero iyon lang ang kaya kong sabihin sayo, Belle. Pareho tayong mapapahamak kong may impormasyon pa akong ibigay sayo. Hindi isang simpleng tao itong kaibigan mo. Alam kong maiintindihan mo ako sa bagay na ito."
"I just wanted to know the why he's here," nanghihina kong sambit. "What happened to him, Doc?"
"I'm sorry, Belle."
"Please," ani ko at napaluhod na sa harapan nito. At sa hindi malamang dahilan, biglang pumatak ang mga luha ko. Akala ko'y naubos ko na ang mga luhang ito sa lumipas na tatlong araw. But I guess, I was wrong. Kahit anong mangyari, bibigay at bibigay pa rin pala ang mga luha ko kapag si Adam na ang pinag-uusapan. Weakness. Adam is surely my weakness.
"Don't do this, Belle," lumuhod na rin si Doc Ramirez at iniharap ako sa kanya. "I can see that this man is not just your friend. Tell me something worth to risk my job as a doctor."
Natigilan ako dito. Napailing ako at umiyak na lamang. Naiintindihan ko si Doc Ramirez. I'm a future doctor, too. Hindi basta-basta ang hinihingi ko dito. It will surely ruined her.
"Belle..."
"He's someone I forgot for ten long years, Doc," wala sa sariling nasambit ko na siyang pareho naming ikinagulat.
Stupid, Belle!
"That man?" maingat na tanong ni Doc Ramirez.
Wala na akong nagawa. Pinunasan ko ang mga luha sa mata at pisngi at tumango dito. Tell her something worth to risk her job as a doctor. Well, Adam Zamora's worth it! He's worth everything. I'll risked this one. Bahala na sa mga susunod na mangyayari! I'll pay for the consequences later. Alone.
Basta ang mahalaga ay makita ko ngayon si Adam!
"He's someone I knew since I was seven. He left then and when I had my car accident ten years ago, hindi kinaya ng utak ko ang lahat nang nangyari sa akin, sa pamilya. Namatay ang mama ko at kasama doon ang alaalang mayroong ako kay Adam," napakagat ako ng labi habang nilalabanan ang panginginig ng mga labi ko.
"Is this man's worth it, Belle? To risk?" tanong nito na siyang mabilis kong ikinatango.
"He's Adam Zamora, Doc. Definitely, he's worth it."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top