Rain 2

MAY ibang lalaki ang nanay niya. Ayan ang paulit-ulit niyang naririnig kapag nasa school siya at kapag nasa bahay siya. Kung saan na lang siya pumunta ay parang lahat nakatingin sa kaniya at sinisisi siya sa mga nangyayari.

Ever since na iwan sila ng ina niya. Hindi na nawala sa kaniyang tainga ang suot na headset. The voices inside her head were fucking noisy and to minimize the noise, she wore headset.

Mas lalo siya hindi nakikipagusap sa iba. Kung hindi tinatanong sa kaniya kung anong nangyari sa kaniyang ina, ang mga mata naman ng mga ito ay puro pang huhusga.

Napagod na lang siya.

Nasa kusina siya sa mga araw na iyon. Pinagsabihan siya ni Nana huwag pakialaman ang hinihiwa nito. Lumabas kasi ito saglit para bumili ng tuyo dahil naubusan sila. Nakaupo siya sa high-chair habang kanina pa pumipitas ng ubas sa gilid nang dumako ang mata niya sa matulis na kutsilyo nasa harapan niya.

She was about to reach it nang makarinig siya ng boses. "Pahingi ako ng isa, ha?" Agad siyang lumingon sa right side niya kung saan nang galing ang mahinang boses ngunit walang tao ang nasa gilid niya.

Binalewala niya ito at kumuha ulit siya ng ubas. "Ok, thanks." Napabalik ulit ang tingin niya sa kanan. Wala. She sighed. Kinuha niya ang headset at sinalpak sa tainga niya.

"Bleh, ang asim naman nito." She heard something but mas malabo na ito dahil sa suot niyang headset. She must be imagining things. More like nag sisimula na naman mag ingay ang utak niya. "Sorry, ako na nga lang ng hihingi. Ako pa nag rereklamo, no?"

Mas nilakasan niya ang volume sa cellphone at nag patuloy sa pag kain ng ubas. Nawala na rin ang atensyon niya sa kutsilyo nasa harapan niya.

IT was her birthday. Gumising siya sa pagkanta ni Nana ng birthday song sa kaniya. Binigyan siya nito ng cake at niyakap siya nito ng mahigpit. It was Friday. Wala siyang balak pumasok kung hindi lang siya pinilit ni Nana.

"Rainbow, ipagluluto kita ng ulam mamayang gabihan. Anong gusto mo?"

"Kahit ano na lang po. Ikaw na po ang bahala."

"Sigurado ka?"

"Yes po—si Dad po ba uuwi?" she asked but she saw how Nana avoided her gaze. Hindi na naman ito uuwi. Alam kaya nito na kaarawan niya?

Simula nang iwan sila ng ina. Hindi na rin nila na-ci-celebrate ang kaarawan niya na kasama ang ama. Kundi palagi na lang ang kasama niya ay si Nana.

Nana rito at Nana roon. Hindi naman siya nag rereklamo dahil ito ang isang tao na hindi siya iniwan. Inasikaso siya nito at pinaramdam ang pagmamahal nakalimutan na niya.

Katulad ng kagawian niya. Sinabi niya lang na papasok siya pero wala talaga siyang balak pumasok. Tumambay siya sa comics house at nagbasa nang nagbasa. Natulog din siya saglit sa mahabang sofa naroroon.

Wala naman magawa ang may-ari ng comics house dahil alam nito ang nangyari sa pamilya nila. Alam niyang naawa ito sa kaniya na sobra niyang kinaiinisan but at same time, kinukuha niya iyong pagkakataon para tumambay sa comics house.

"Rainbow, kailan ka magigising?"

Napabangon siya nang makarinig na naman ng boses ngunit katulad ng dati ay wala na naman tao ang naroroon. Bumalik siya sa pagkakahiga. Lumipas ang ilang minuto na wala siyang narinig pero saglit lang din iyon dahil "Gising ka na Rainbow tapos ibili mo ako ng milkshake. Libre ko pero shempre ikaw ang bibili."

Bumangon ulit siya. Inis niyang kinuha ang bag sa gilid ng sofa. Kinuha niya sa loob ang headset at sinalpak sa kaniyang tainga pagkatapos ay nilisan niya ang comics house. Napansin niya pa na tinawag siya ng may-ari ngunit tuloy-tuloy lang siya sa pag lalakad patungo sa paglabas.

GROWING up. Marami siyang pinagsisihan na ginawa na for the first place, she should have not done it at isa ang mga araw na iyon today.

Kung hindi siguro siya pinanganak. Hindi siguro mangyayari ang lahat ng kamalasan natatamo niya at hindi rin siguro madadamay ang mga mahal niya sa buhay.

It was her birthday and she's supposed to be happy ngunit iba ang kaniyang naramdaman. Bumagsak ang kaniyang balikat at nang hina ang kaniyang mga tuhod sa kaniyang nasaksihan.

PAUWI siya sa bahay nila nang makita niya si Nana sa kabilang kalsada. Kumaway siya rito. Nakita niya na kumaway din ito sa kaniya. May bitbit pa itong paper bags from grocery.

Nagulat na lang siya. The next thing she saw was a track coming to her Nana's way. Bumubulusok ito kung saan ang tanging narinig na lang niya ang malakas na pagtama at sigawan ng mga tao nakasaksi sa buong nangyari.

Tulala siyang pinagmasdan ang pinagyarihan ng aksidente. Sumasakit ang ulo niya at sumasakit ang puso niya. Everything was hurting. Mabilis siyang lumapit kay Nana.

Huminto siya at napa-atras sa nakikita. Pula. Puro pula ang paligid. "N-nana?" she called her out. Wala siyang nakuhang sagot dito. Nakita niya ang pinamili nito nagkalat sa buong paligid.

Unti-unti bumuhos ang kaniyang luha. Ang hikbi ay napalitan ng pagsusumamo. Why everything is hurting?

Bumagsak siya paupo sa harapan nito. Nanginginig ang kamay niya na inabot ito. For the second time, she called her name again. May ilang tao na rin ang lumapit sa kanila. Nakarinig na rin siya na may tumatawag ng ambulansiya.

Mas lalo siya umiyak nang makita niya ang kamay na puro dugo. Kahit ang suot niyang uniporme ay may matsa na rin ng dugo. She cried and cried.

That day, she lost someone who truly cares about her. She lost Nana.

UNTI-UNTI namulat ang kaniyang mata kung saan may bahid pa ito ng luha. Masakit ang ulo niya. Pilit niya rin inaalala kung nasaan siya.

Hindi familiar sa kaniya ang lugar. Hindi niya ito silid. Nahihirapan man ay inangat niya ang kamay kung saan may nakatusok sa kaniyang IV.

Masakit ito. Ramdam na ramdam niya ang pagtulo ng likido sa kaniyang katawan. May naririnig din siyang maingay na aparato.

Napagtanto niya na wala siya sa silid niya dahil nasa silid siya ng hospital. Bigla niya naalala ang lahat nangyari. Hindi niya mapigilan umiyak nang umiyak.

Nag papanic siya. Bumangon siya sa pagkakahiga at pilit inalis ang IV sa kaniyang kamay. She wanted to get away from where she was.

Mas lumalakas ang tunog at namalayan na lang niya na may pumasok na nurse sa loob ng silid. Gulat na gulat itong nakatingin sa kaniya.

Nang mapagtanto nito ang nangyayari ay agad itong lumapit sa kaniya at may pinindot sa kaniyang ulonan pagkatapos ay dinaluhan siya nito.

Pilit siya nito pinapakalma habang chinecheck ang monitor. Wala pang saglit ay may pumasok na doctor at nurse sa loob ng silid. Lumapit ito sa kaniya hanggang namalayan na lang niya ang sariling unti-unti pumipikit.

NAGISING siya sa familiar na boses. Nang mag mulat ang mata niya ay natagpuan niya ang ama, step-mother at step-brother niya nasa loob ng silid.

Sabay-sabay na lumingon ito sa kaniya. Agad naman na lumapit ang ama niya sa kaniya at hinagkan siya. "Anak, mahal ka namin. Please, 'wag mo nang uulitin ang ginawa mo. Sobra kaming nag aalala para sa 'yo," may luha nitong pag sasamamo sa kaniya.

Umiwas siya ng tingin dito. Nasasaktan siya sa kaniyang nasasaksihan. Naaawa rin siya sa sarili but everything is her fault. Tama lang ang ginawa niya. Sana natuluyan na siya.

"Sweetheart, what do you want? Do you like something to eat? Bibilhan ka namin ng tita Rachel mo."

Inalis niya ang pagkakahawak nito sa kaniya. Tumingin din siya saglit sa step mother and brother niya.

"Ayos lang po ako. 'Wag na po kayo mag abala pa," sa mahina niyang boses na saad. Nahihirapan pa rin kasi siya mag salita. Ilang araw kaya siya nakatulog? Base kasi sa mga mukha nito ay mukhang matagal siyang nakahimlay sa higaan.

Umiwas siya ng tingin sa mga ito at pinatitigan ang kamay niya at ang pulsuhan niya. Maraming peklat ito. Dumako ang mata niya sa bandage sa left pulse niya. Kumunot ang noo niya. May drawings ito. Iba't iba rin ang kulay na ginamit na pentel. Who did this?

Sinilip niya ang ama. Sinundan nito kung saan siya nakatingin. Nanlalaki ang mata nito nang makita ang bandage niya na puno ng drawings. Mahahalata rito ang pagtataka. Bumaling ito sa step-mom niya. Nag kibit balikat ito pagkatapos ay binalingan ang anak nitong lalaki na may suot na AirPods sa tainga.

"As if I did such things." Umikot ang mata niya. "I'm tired. Please, bumalik na lang kayo sa susunod," she said.

Hindi pa sana gusto ng ama niya na umalis ito pero sa huli ay sinang-ayunan siya nito. Hinalikan siya nito sa noo bago sabay na lumabas ang tatlo sa silid niya.

SHE was about to lay down nang may isang binata ang pumasok sa silid niya. He was happy while swaying his hand when suddenly he froze. Para itong nakakita ng multo o what sa nasaksihan nito.

"Who the fuck are you?!" sigaw na tanong niya rito. Rude na kung rude siya but she doesn't know him and bigla-bigla na lang ito pumapasok sa kaniyang silid.

Ngunit ang pinagtataka niya. Sinigawan na niya ito but nagawa pa rin nito ngumiti. 'Yong kita gilagid nito. Nainis siya. Ano ang kinakatuwa nito? Kasi siya, hindi siya natutuwa man lang.

Lumapit ito sa kaniya. "Hello, Rainbow!" bati nito. Lumingon-lingon siya sa paligid. Tangina. Silang dalawa lang ang nasa loob. Maniac ba 'to? Bakit alam nito ang pangalan niya? Stalker? Bakit may bitbit itong camera? What the fuck is happening?

"N-nurse!"

"Wait! Hindi ako masamang tao." Kumaway-kaway pa ang kamay nito na parang pinapatigil siya. Mahahalata rin dito ang pag pa-panic.

"Really? That's what everyone else says if they ask them if they're bad people," she said with duh sound. Pinag loloko ba siya nito? Mas lalo siya nainis nang mas ngumiti ito sa kaniya. "You're creepy dude!"

"Oh! Fuck—I know. I'm sorry, Rainbow."

"And you even know my name, ha? Sino ka ba?" Hindi pa rin siya natutuwa rito but for some reason, kumalma siya bigla. Umayos siya ng upo nang marinig niya mag salita ito.

"We're schoolmates." Mas nairita siya. The fuck? "You can get out now," she coldly said. Na-wi-weirduhan na kasi siya. Grabe kasi makatingin ito sa kaniya na para bang binabasa nito ang kaloob-looban niya.

"Kumain ka na ba?" Ano ba talaga ang gusto nito?

"Pake mo ba? Umalis ka na nga! Tatawag ako ng nurse—" hindi niya natuloy ang sasabihin dito nang bigla na naman ito nag salita. "Gusto mo mag laro?"

"The fuck you want?!" Naiirita na talaga siya rito. Hindi na siya natutuwa. Bakit ba masyado itong matanong at madaldal?

Sinundan niya ito ng tingin nang lumapit ito sa side table ng kama at binuksan ang cabinet sa ilalim. May kinuha ito sa loob pagkatapos ay nilapag nito ang iba't ibang kulay ng pentel sa ibabaw niya.

Tumaas ang kilay niya. "Let's jock and point. Ang matalo ay guguhitan sa mukha." Seriously? Mas kumunot ang noo niya. Naiinis na talaga siya.

"I don't want it and get the fuck out of my room!" inis niyang saad rito. Binagsak niya pa ang mga color pentels sa sahig. Nagulat siya sa sarili. Umiwas siya ng tingin dito. "Get out please," mahina niyang saad sa huli.

She was so tired. Pagod na pagod na siya.

Pabagsak na humiga siya at nag taklob ng kumot. May luhang bumabadya na rin sa kaniyang mga mata. When was the last time someone actually tried to talk to her? Hindi na niya matandaan.

"Sorry, I'll come back tomorrow," he said.

Kapag may taong nag sabi sa kaniya na babalik ito, hindi talaga bumabalik ang mga ito. Walang bumabalik sa kaniya. Sino ba naman siya para Balikan, hindi ba?

But that guy. Whoever he was. He came back for her. Ilang beses niya ito tinaboy but he never gets tired of coming back to her room.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top