Chapter 9: Delikado

Viruses rely on the cells of other organisms to survive and reproduce because they can't capture and store energy themselves. That's why they are called "non living"

***

"Meeting adjourned," anunsiyo ng principal saka naman nagsitayuan ang lahat ng teachers mula sa iba't-ibang levels at departments. Halos magkakasabay lang din ang mga guro na nagligpit ng kani-kanilang gamit bago lumabas sa doble at malaking pinto ng session room.

"Mr. Winston and Ms. Garcia, pwede ko ba kayong makausap sandali?" sambit ng principal na siyang naging rason kung bakit napahinto ang dalawa sa pagliligpit ng kanilang gamit. Agad namang bumaling ang atensyon nila sa Ginang na inaantay ang kanilang magiging sagot.

"Tungkol saan po ito, Ma'am?" tanong ng dalagang guro at muling naupo nang senyasan siya nito.

"I've received a report tungkol sa estudyante mong si Chloe, how is she?" panimula nito na siyang nakapagpaayos ng upo sa maestra.

"She's doing fine. Nasa clinic siya ngayon at inaasikaso ni Nurse Gwendyl " magalang niyang sagot at doon lang natuon ang tingin ng principal sa gurong si Winston na tahimik at nakatingin ang mata sa labas ng bintana.

"I've checked the CCTV footage sa control room the day na lumabas si Chloe sa room ng Aries. And I've found out na sa science office─or should I say─ sa science lab ko siya huling nakita," mulit nitong banggit gamit ang kalmado niyang boses.

Nakatingin pa rin siya sa maestro na ngayon ay hindi pa rin umiimik at nanatili lang na tahimik. "Yet wala man lang makikitang bakas na lumabas siya ng lab mo for almost twenty hours. Care to explain about what just happened?" gatong nito bago inayos ang papeles sa kaniyang mesa. Kababakasan talaga ng pagdududa ang boses ng Ginang. Subalit sa kabila ng kaniyang sinabi ay hindi man lang iyon nagdala ng pagkabahala sa mukha ng lalaking guro. Bagkus ay kalmado niya lamang na inayos ang pagkakasuot ng kaniyang salamin.

"Oh, it seems like the air that lurking inside started to move in reverse. Ano bang meron at bigla ka nalang nag-alala sa 'estudyante' mo, Madame?" sarkastikong tanong ng gurong si Winston na siyang nagpaseryoso sa mukha ng kaharap.

"She's still my student. Kargo ko pa rin ang bata dahil nasa premises natin siya," diretso nitong sagot na siyang ikinangiti lamang ng guro.

"Naging kargo mo na lang siya bigla because you're scared to be criticize dahil sa kapabayaan mo, right?" walang takot nitong tanong dahilan kung bakit umiba ang timpla ng mukha ng Ginang. "Sa lahat ng ginawa ng school na 'to sa bata, pamamahiya at pangungutya lang ang natatandaan ko. And where are you at that time?" banggit pa ng maestro bago niya ito binalingan ng tingin.

Sa sinabi niyang iyon ay tuluyan niyang napatahimik ang kaharap. Hindi ito nakasagot waring labis na nainsulto sa kaniyang sinabi.


"Nagbubulag-bulagan ka lang sa mga nangyayari dahil pinagtatakpan mo ang maton na anak ng major shareholder ng school mo. And here you are right now asking about her condition? Madam principal, don't make me laugh," pagpapatuloy ng lalaki.

Ilang sandali pa ay tuluyan niyang hinawi ang kurtina sa glass window at doon malayang nakapasok ang sinag ng araw. Natuon ang kaniyang atensyon diretso sa malawak na field ng eskwelahan kung saan makikita at klarong maririnig ang sigawan ng mga estudyante sa labas. Sumunod namang napatayo ang principal bago lumapit sa glass window para tignan ang nangyayari.

"Class hours ngayon yet halos lahat nasa labas?" kunot-noo niyang tanong at mahahalata ang pagka-irita sa kaniyang boses.

Naliyaban na ng apoy ang kaniyang dibdib dulot ng presensiya ng maestrong si Winston at mas lalo lang na nadagdagan ang inis niya nang makita ang nangyayaring gulo ngayon sa labas.

"Ms. Garcia,"

"Yes, Ma'am?" dagliang tugon ng maestra sa pagtawag ng principal.

"Let's head our way to control room. Hindi pwede 'tong ginagawa nila ngayon, malaking sampal ang pagsuway ng mga batang 'to sa rules na ginawa ng administration ng school," paanyaya nito na siyang hindi na tinutulan ng guro.

Daglian siyang sumunod at doon nila binaybay ang daan patungong pinto. Saktong pagtulak ni Ms. Blaire sa doble nitong pinto ay doon bumungad sa kaniyang harap ang hindi inaasahang pangyayari. Sa mismong harapan niya ay may isang estudyante na pasarampay na kung maglakad. Nakayuko ito at halata ang labis na pamumutla, idagdag pa ang naglilitawan nitong itim na ugat na nagkalat sa balat nito. Hindi rin nakatakas sa kaniyang mapag-obserbang tingin ang bahid ng dugo na halos pumuno sa suot nitong puting uniporme.

"Anong nangyari sa'yo nak, ba─" hindi na natapos pa ng maestra ang kaniyang sasabihin nang marahan itong napalingon sa kanilang pwesto. Nagitla si Ms. Garcia sa kaniyang nakita lalo na at kahindik-hindik talaga ang itsura nito. Hindi pa man lumipas ang segundo at agaran iyong tumakbo patungo sa kanilang pwesto waring nagbalak na umatake.

Mabuti na lamang at maagap na naisara ng guro ang dobleng pinto at daglian iyong naikandado. Kung hindi lang siya nagmadali ay paniguradong nasakmal na sila nito. Saktong pagsara ng pinto ay ang siya ring pag-umpisa ng ingay sa labas waring kinakalampag ng babae kanina ang pinto. Nag-umpisa iyon sa tila isang kamay hanggang sa namalayan na lang nila na parami iyon nang parami. Ngunit dahil nga sa matibay ang pinto ay kampante sila na hindi ito basta-bastang magbubukas.

"W-What was that?" halos hindi makapaniwalang tanong ng principal at wala sa wisyong napaupo sa upuang malapit sa kaniya.

"That's how 'evolution' works, Madame," madaliang sagot ni Winston na siyang naging dahilan kung bakit sila napalingon sa pwesto nito. Kalmado pa rin ang itsura ng maestro at mapaghahalataang hindi ito nababahala sa nangyayari.

"Don't tell me that you're the one who did this?" halos hindi maprosesong tanong ng maestrang si Blaire.

Sa itinanong niya ring iyon ay doon sumilay ang tipid na ngiti sa labi ng kaharap. Isang uri ng reaksyon na mas lalong nagdala ng ibayong klaseng kaba at pagkabahala sa kaniyang sistema.

"Does it mean na mas marami pang gano'n sa labas ng building na 'to?" muling tanong ng guro pero hindi sumagot ang maestro bagkus ay itinukod lamang nito ang kaniyang dalawang kamay sa glass window na para bang pinapanood nito ang matagumpay na bunga ng kaniyang ginawa.

"T-This is not right. Hindi pwede 'tong ginagawa mo!" singhal sa kaniya ng principal bago marahang napatayo at lumapit sa pwesto niya. Ang nang-iintimidang tingin ng Ginang ang mabilisang sumalubong sa kaniya ngunit hindi man lang siya naaapektuhan.

"And ehat are you trying to imply?" diretsang banggit ni Winston, "na mas tama ang pamamalakad mo sa impyernong eskwelahan na 'to kaysa sa eksperimento ko?"

"You think this is helpful? Ginawa mo lang silang halimaw!" singhal ng principal sa kaniya na siyang ikinailing na lamang ng lalaki. Humarap ito sa kaniya bago mapaklang natawa.

"Kung halimaw lang din naman ang pag-uusapan natin, mas hayop ka pa kaysa sakin," diretsa nitong sambit na siyang muling ikinatahimik ng kaharap. "I've witnessed several students inside your school who committed suicide almost every month because of bullying. Pero anong ginawa mo? Itinatak mo sa utak ng mga magulang nila na ang anak nila ang may problema kaya sila nagpakamatay. How can you blame someone who've been a victim?" panunumbat niya gamit ang seryosong boses.

"Bakit, tama naman iyong ginawa ko, a? Totoo naman talaga na sila ang may kasalanan kung bakit sila nabubully. Dahil hindi ka naman pag-iinitin ng isang tao kung walang problema sa pagkatao mo!" pasigaw na ganti ng Ginang.

"That's it. You just proved my thoughts right, mas masahol ka pa nga kaysa sa inaakala ko."

Samantala, hindi naman halos makaimik si Ms. Garcia dahil sa narinig niya sa principal. Hindi siya bingi para hindi marinig ang mga pinaggagawa ni Quincy at ng iba pa nitong mga kasama. Pero hindi siya makaalma dahil ang mga magulang ng mga batang iyon ay isa sa mga major shareholders ng school at baka mawalan pa siya ng trabaho kung sisitain niya ito.

Bumakas ang ngisi sa mukha ng principal bago tumuloy sa pagsasalita. "That's what you call business, Mr. Winston. Binayaran nila ako para lang tanggapin sa Juanico High ang mga anak nilang halos iluwa na ng ibang school at kapalit naman no'n ang pagiging tanyag ng eskwelahan natin. Grasya na iyong lumapit so who am I to complain? Kaya nga hindi ako nakikialam hangga't hindi lumalala ang sitwasyon. In short, if sacrificing my not so valuable students in Juanico High will make my school to be known and be a top university inside this city, Then I am glad to do it," huli nitong banggit na siyang naging rason kung bakit hinila siya ng maestro at pinalapit sa bintana.

"Now look outside. Look how satisfying the scenery is. Tignan mo kung anong naging epekto ng kahayupang pinaggagawa mo sa mga estudyante mo." Turo nito sa labas at iminuwestra pa nito ang kamay at hinayaang makita ng kasama kung ano ang kasalukuyang nangyayari. "They all look like a monster, right? From being a bondman na inaapi-api lang ng mga pinagmamalaki mong estudyante, now they are all a potentate na gumaganti sa mga kalapastanganang nakukuha nila dahil sa pamamalakad mo," pagpapatuloy nito.

"W-Why are you doing all of these?" K
kabadong tanong ni Ms. Garcia na siyang ikinalingon ng maestro.

Hindi kaagad sumagot ang lalaki waring ponag-iisang mabuti ang kaniyang sasabihin. Huminga muna siya nang malalim saka dahan-dahang humakbang palayo sa pwesto ng katabing principal.

"If the world always favour the upper one's, gusto mo pa bang mabuhay sa isang mundo na halos hindi mo na makita kung saan ka pa lulugar?" paunang tanong nito na siyang hindi sinagot ng maestra.

Nag-antay pa siya ng ilang sandali para sana marinig ang isasagot nito, ngunit nang wala talaga siyang narinig ay mas pinili niya na lamang na sagutin ang sariling tanong.


"This society feels like a peril than haven. Ina ka rin ng mga estudyante mo, Ms. Garcia. Isipin mo si Chloe at ang lahat ng biktima ng impyernong 'to. Maaatim mo bang sikmurain na patuloy lang silang pinaghaharian ng mga nagtataas-taasang tao rito?" sagot niya na siyang ikinayuko ng kausap. "You witnessed the pain that twinkling in their eyes and the fake smiles that plastered on their face. Ayos lang ba sayo na magpatuloy ang ganitong klaseng buhay sa mga bata? Kasi sa totoo lang, I'm so tired seeing those expressions who aren't real."

"N-No. You just have done something else. Pinalala mo lang iyong sitwasyon, you've turn them into a mons─" hindi na natuloy pa ng guro ang kaniyang sasabihin nang unahan na siya ng maestro.

"That's it. If the kids can't survive as a human, then I'll make sure that they survive as a monster."

***

"C-Collins?" hindi siguradong tanong ni Mills sa sarili. Gustuhin man niyang isipin na ibang tao iyon pero hindi na niya maitatanggi pa ang katotohanang pinapakita sa kaniya ng panahon. Nakatayo na mismo sa kaniyang harapan ang kaklaseng minsan niya na ring naging kasama. Nanlilisik ang mga nitong nakatingin sa kaniya at base lamang sa inaakto nito, hindi na nga siya kilala pa ng kaharap.

"Kailangan na nating umalis," usal ni Yohan bago hinawakan ang palapulsuhan ng dalaga para sana hilahin ito. Subalit hindi ito nagpatinag at pinanatili lang ang mata sa harap kung saan papalapit na sa kanilang pwesto ang naturang kaklase.

Bumakas ang awa sa mata ni Mills nang matignan ang itsura ng seatmate niya. Hindi man sila masyadong malapit sa isa't-isa dahil mailap ito, pero kahit papaano ay tinuring din ito ni Mills na kaibigan. Gustuhin man niyang lumapit, pero pinipigilan na niya lamang ang sarili  dahil alam niyang hindi na niya nga ito maililigtas pa.

Marahan niyang iniwas ang kaniyang tingin kay Collins nang makita niya na parami na nang parami ang mga zombies na papalapit sa kanila. Kaagad siyang tumalikod saka nakipagsabayan sa pagtakbo nina Yohan at Corbin. Kung saan-saang pasilyo lang sila lumulusot at hindi na nila inintindi pa kung saang parte na sila ng junior building napupunta.

"Putangina, balik!" wala sa wisyong naisigaw ni Corbin nang saktong pagliko nila ay mga zombies ang sumalubong. Kamuntikan pang mahablot ang binata nang masagi niya ang basurahan pero maagap siyang nahila ni Yohan kaya napaayos na siya nang tayo. Naghahabol man sila ng hininga pero hindi sila pwedeng tumigil. Patuloy lang silang silang tumatakbo hanggang sa abot ng kanilang makakaya.

"Bwisit," mariing naikuyom ni Mills ang kaniyang kamay dahil sa pagkataranta nang sa magkabilang gilid ay may nagtatakbuhan ding mga zombies. Kapwa sila marahang napaatras at dagliang nagpalingon-lingon.

Madaliang nilibot ni Yohan ang kaniyang mata upang makahanap ng pagtataguan. Wala silang madaanan lalo na at pinaliligiran ng mga halimaw ang parteng ito kaya mas angkop kung maghahanap muna sila ng mapapasukan. Ngunit tila umayon sa binata ang siwasyon lalo na nang magawi ang tingin niya sa kanilang mismong likuran. Doon niya nakita ang covered court na madalas nilang tambayan ni Cody no'ng dati kaya naman ay agad niyang hinila ang dalawang kasama saka niya ito kinaladkad papasok doon.

Dala ng labis na pagkataranta ay mabilis nilang naitulak ang pinto at gamit ang liwanag sa labas ay unti-unti nilang naaninag ang loob ng gym. Buong akala nila ay ligtas itong pasukan ngunit sadyang may mga pagkakataon lang talaga na mas lalo silang sinusubok ng tadhana. Halos murahin na ni Corbin si Yohan nang makitang humigit kumulang bente ang bilang ng mga zombies na nandito ngayon sa loob. Nagkalat ang mga iyon sa court waring naghahanap lamang ng tiyempo na umatake.

"Tangina mo, Yohan! Tangina mo talaga! Mamamatay na tayo nito!" sunod-sunod na mura ng kaibigan pero hindi na iyon pinatulan pa ng binata.

Dagliang natuon ang atensyon ng mga halimaw sa kanilang tatlo at agaran din iyong nagsitakbuhan waring binabalak na talaga ng mga zombies na atakehin sila. Akmang aatras na sana ang tatlo para lumabas pero saktong paglingon nila sa likuran ay doon nila napagtanto na huli na para umalis, lalo na at papasok na rin dito ang mga zombies na humahabol sa kanila kanina.

Halos maubusan na ng ideya si Yohan kung papaano na sila makakatakas dahil sa bilis ng pangyayari kaya pinapa sa Diyos niya na lamang ang kahihinatnan nila rito.

"Sa taas!" sigaw ni Mills bago tinuro ang upper level section ng covered court kung saan umuupo ang mga tao sa tuwing may ligang nagaganap.

Wala na silang sinayang pang oras bagkus ay kaagad nila iyong tinakbo bago nagpasyang sumampa sa mala hagdan nitong upuan. Hindi na nila pa halos ininda ang pagod sa ilang baitang na kanilang inaakyat at patuloy lamang na humahakbang.

Sa huling baitang na kanilang tinuntungan ay tanging pader na lamang ang sumalubong. Muling natuod ang grupo lalo na at wala na talaga silang mapuntahan pa.

"Oh, tangina. Ang galing niyo rin kasi talaga magplano, e. Kung saan pa iyong dead end, iyon pa talaga iyong pinili niyong pasukan," reklamo ni Corbin at salubong ang kilay na nilingon ang dalawa niyang kasama, ngunit sa halip na makipagtalo ang mga iyon sa ay hindi man lang siya nito inimikan.

Wala na lamang pang nagawa ang binata bagkus ay pagod na nagkamot ng batok. Saktong paglingon niya sa ibaba ay doon siya halos dumugin ng kaba nang makitang may mga zombies na rin na nakasunod at nagawang makaakyat. Hindi niya tuloy maiwasang kabahan lalo na at hindi niya halos matanggap na kaya pala talagang makaakyat ng mga iyon. Parehong-pareho sa mga napapanood niyang mga series noong dati.

Naunahan siya ng pagkataranta kaya muli niyang nilingon ang dalawa na kapwa nakatingin sa itaas. Hindi rin siya nagpatalo at iniangat din ang kaniyang tingin, doon niya nakita ang sementadong pader na halos lumebel lang sa kaniyang balikat. Sa itaas ng pader ay may nakalagay doon na cyclone na ginawang harang. Sa pinakagawing dulo naman nito ay mayroong sementong hinugis na tabla na siyang tinukuran ng mahabang bakal upang magsilbing haligi ng may kataasan at malapad nitong bubong.

"Mukhang mahahabol nga nila tayo rito. Wala tayong ibang choice kundi ang sumampa roon sa itaas," usal ni Yohan na siyang sinang-ayunan nila kaagad. Miski si Corbin ay wala nang nagawa pa kundi ang pumayag lalo na at ilang hakbang na lang din ang layo ng mga zombies mula rito sa kanilang kasalukuyang pwesto.

"Kaya mo bang umakyat sa cyclone, Mills?" Nalipat lang ang tingin ni Mills sa katabi nang biglaan siya nitong tanungin. Alanganin siyang napatango sa tinanong ng kaibigan bago muling binaling ang tingin sa itaas.

Buong buhay niya ay ito na ang pangalawang beses na susuong siya sa isang gawain na hindi niya pa nagagawa noon. Hindi niya pa magawang makalimutan ang pinakauna niyang kahibangan na ginawa kanina kung saan siya tumalon mula sa bintana noong nasa stock room pa lang sila ng luncheon. At ngayon naman ay aakyat siya sa cyclone kahit ang totoo niyan ay hindi siya marunong.

"Mauna ka na, Corbin." Sa sinabing iyon ni Yohan ay doon agarang tumalon at sumampa sa pader ang binata, at dahil nga sa athlete ito ay hindi siya nahirapan na iangat ang sarili. Sumunod naman kaagad sa kaniya si Mills na ginamit ang likod ni Yohan upang maging apakan niya nang sagayon ay hindi siya mahirapang makasampa. Pahirapan ang pag-akyat ng dalaga ngunit matagumpay pa rin siyang nakasunod. Matapos makapwesto ang dalawa sa itaas ay doon na nagdesisyon si Yohan na sumunod.

Nang tuluyan na nga silang nakaabot sa itaas ay doon pa sila pabagsak na umupo at pagod na pagod na sumandal sa bakal. Tagaktak na ang pawis nilang tatlo at sunod-sunod din ang paghugot nila ng malalim na paghinga. Magmula pa kanina ay ito pa lang ang unang pagkakataon na nakaupo sila mula sa nakakapamatay nilang pakikipaghabulan.

"Tangina, u-ubos na lahat ng bilib ko s-sa'yo, Yohan," habol-hiningang komento ni Corbin saka itinukod ang kaniyang kaliwang paa sa semento at doon pinatong ang kaniyang kamay. Kinuha niya na rin mula sa kaniyang likod ang siniksik niyang patpat bago niya iyon mahigpit na hinawakan.

"Hindi ko naman kasi sinabing sumabay ka sa'kin," singit ni Yohan na siyang naging rason kung bakit pabiro siyang sinuntok ng kasama sa balikat.

"Dalawang beses mo na talaga akong muntik na pinahamak sa araw na 'to, aware ka ba roon? Una, iyong nasa stockroom tayo ng luncheon at tinulak mo 'ko sa bintana, tangina ka. Pangalawa, pinapasok mo kami rito sa loob ng gym na punong-puno ng mga zombies? Grabi ka tol! Kung gusto mo talagang mamatay, magsolo ka! Idadamay mo pa talaga ako, gago 'to," dagdag niya na siyang ikinatawa na lamang ng kasama. "Papaano na lang kung namatay nga ako? Yohan naman, ayaw kong mamatay nang single. Paabutin mo naman ako sa puntong makakahanap ako ng babae bago ko ipagkaloob sarili ko kay Lord. Bwisit ka talaga," reklamo pa nito saka naman siya nilingon ni Mills.

"Akala ko ba gusto mo ng mamatay? Sunod-sunod kaya sharedpost mo about suicide," singit ng dalaga na siyang ikinamaktol ng katabi.

"Oo na, gusto ko na ngang mamatay pero hindi ko naman sinabing gusto kong mauna," Sagot niya na siyang ikinailing na lamang ng dalaga.

"Sa dinami-raming babae sa mundo, baka zombie talaga para sa'yo, Corbin," pabirong sambit ni Yohan na siyang dahilan kung bakit pilit siyang hinahampas ng binata. Hindi kasi sila magkatabi at pinagigitnaan nilang dalawa si Mills. Idagdag pa na may kaliitan din ang kanilang inuupuan kaya kahit anong pilit niyang paghampas ay hindi niya talaga ito maabot. Kamuntik pa siyang mawalan ng balanse ngunit mabuti na lang at nahawakan siya ni Mills.

"Ulol, panget mo ka-bonding. Umalis na nga tayo rito, bukod sa napapangitan ako sa itsura ng mga zombies. Naaalibadbaran din ako sa inyong dalawa," komento na naman nito bago ginamit ang bakal upang suportahan ang kaniyang sarili na makatayo.

Nagkibit-balikat na lamang din si Mills at sumunod dito, miski si Yohan ay wala wala na ring nagawa kundi ang sundan ang dalawa.

Maingat silang naglakad sa maliit na espasyo ng semento at matulin lang nilang binaybay iyon hanggang sa umabot sila sa bandang likod. Gamit ang kadena na nakabitin sa mgs bakal ay tuluyan nga silang nakababa.

"Nasa gawing likod na tayo ng covered court. Isang building na lang ang dadaanan natin bago tayo makabalik sa room," paliwanag ni Yohan gamit ang mahina niyang boses. Palingon-lingon din siya para masigurong walang halimaw na nakaabang sa kung saam.

"Wala ba kayong alam na shortcut?" tanong ni Mills.

"Meron, kaso malayo," sagot ni Corbin na siyang ikinailing ng dalaga.

"Gago, may shortcut bang malayo? Ang gulo mo kausap," sambit ng dalaga bago siniko ang kaibigan na mahina lang din siyang tinawanan.

Nag-umpisa silang lumakad sa mabatong daanan dito sa likuran. Sinsundan nilang dalawa si Yohan na siyang nangunguna sa ngayon. Nagdulot ng takot sa kanilang sistema ang nakakaalarmang katahimikan ng paligid. Ni kahit katiting na ingay ay wala talaga silang naririnig. Tila ba pinapahiwatig ng kapalaran na ito ang kalmadong panahon bago sumapit ang isang malagim na bagyo.

"Ako lang ba ang nakakaramdam ng hindi maganda rito?" pagbabasag ni Mills sa katahimikan. Ginusto niya talagang magsalita lalo na at hindi na niya talaga magawa pang tiisin at sikmurain ang nakakakilabot na enerhiyang binibigay sa kaniya.

"Mills naman, huwag ka namang ganiyan. Alam mo na ngang may pasmophobia ako tapos nananakot ka pa," sagot ni Corbin saka pinulupot ang nanlalamig niyang kamay sa braso ng dalaga. Kamuntik pang mapaigtad si Mills nang maramdaman ang kamay nitong tila pinasok sa freezer dahil sa lamig. Hindi na lamang siya komontra pa at hinayaan ang katabi na kumapit sa kaniya.

Nang saktong nasa kalagitnaan na sila ng building ay saka naman sumenyas si Yohan ng 'tigil.' Doon dinunggol ng kaba si Corbin lalo na at pakiramdam niya ay nangyayari na iyong pinakahindi niya gustong mangyari. Miski si Mills ay naging alerto lalo na at hindi naman magbibigay ng babala si Yohan kung wala itong nahahalatang mali.

Sabay-sabay silang napahinto at doon pinakiramdaman nang maigi ang paligid. Segundo ang lumipas at tanging paghinga lang nila ang maririnig, nalipat nang nalipat ang kamay ng orasan hanggang sa tuluyang dumaan ang isang minuto. Kasabay ng pagpatak ng oras ay ang siya ring pagkabasag ng salamin sa gawing itaas.

Agad silang napaatras nang makitang dinamba ng isang zombie ang isang estudyante. Tumagos ang mga iyon sa glass window at agaran ding bumagsak sa ibaba. Nagsunod-sunod din ang pagsibagsakan ng iilan pang estudyante na siyang dahilan kung bakit naalerto silang tatlo. Natuon ang kanilang pansin sa unang nahulog kung saan bumagsak at hindi na gumagalaw pa ang isang zombie, katabi ng halimaw ang biktima nito na unti-unti na ring mangisay.

Sunod na lang nilang namalayan na isa-isang nagsibasag ang salamin na dingding sa kanilang likuran na kanina pa pala kinakalampag at binabangga ng mga zombies. Kung susumahin ay napapaligiran na sila ng mga halimaw at muli na naman silang naipit sa delikadong sitwasyon sa hindi na mabilang pang pagkakataon.

Isa-isa silang dinunggol ng kaba nang halos sabay-sabay iyong tumakbo patungo mismo sa kanilang pwesto.

"Tangina, takbo!"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top