Chapter 38: Quincy vs. Chloe

"Quincy..."

May halong inis na banggit ni Chloe sa pangalan ng binata na mabilis din namang napangisi matapos mahimigan ang ibig sabihin ng kaniyang tono. Hindi nakaalpas sa mata ng dalaga kung paano ito labis na nagbago matapos tamaan nitong virus. Hindi rin siya bobo para hindi malaman na magkapareho sila ng kaso ng binata. Bagay na bahagya niyang ikinainis dahil kahit napunta na sila sa sitwasyong 'to, pilit pa ring gumagawa ng paraan ang tadhana para pagbanggain silang dalawa.

Kitang-kita niya rin kung paano kumulubot ang gawing kaliwa ng mukha nito na tila ba tinupok ng apoy, lalo na ang mata ng kaharap na siyang pinakanapuruhan talaga lalo. Purong puti  na lamang ang kaniyang nakikita at nahalata niya rin na hindi nito magawang maigalaw ng kaklase.

Nang mapansin nga ni Quincy na napatitig si Chloe sa tinamo ng kaniyang mukha ay doon na siya nakaramdam ng bahagyang pagkainis.

"Tutal, hindi naman nalalayo iyong sarili mo sa'kin. Silaban ko na lang din kaya 'yang mukha mo, ano sa tingin mo, Chloe?" Hamon ng binata sa kaniya. "The best iyong suggestion ko di'ba?" Dagdag  niya na siyang lihim na ikinailing ng dalaga. Sa isip niya ay mas lalo pa itong naging agresibo dala na rin ng panibago nitong anyo.

"If you are thinking that you can still step your foot on me, then you are just fooling yourself." Direktang sagot ni Chloe nang hindi man lang kababakasan ng kahit anong pagbibiro. Kung dati ay nauutal pa siya sa harap nito ngunit hindi na ngayon. Bakas at nag-uumapaw na sa dalaga ang matinding galit at lakas ng loob na siyang nagtutulak sa kaniya para tumayo at lumaban.

Gumuhit ang sarkastikong ngisi sa labi ni Quincy nang marinig ang isinagot ng kaharap. Hindi niya inaasahan na magkakaroon ng ganitong klaseng tapang ang kaharap sa maikli lamang na panahon.

"Ang lakas na ng loob mo ah," puri niya rito at hindi mapigilan ang sarili na manghang mapatawa. Dahil sa kaniyang  nakikita ay tila ba sumusubok itong pantayan siya. Hindi niya maiwasang lihim na mapailing lalo na nang mag-umpisa siyang magbagong-anyo ay wala siyang ibang nakakadaupang-palad kundi purong mga babae na nagtatangka siyang pabagsakin. Mga babae na hindi naman nagtagumpay na mahila siya paibaba. 

"Bakit, akala mo ba matatalo mo na ako sa pagkakataong 'to, Chloe?" Ang matalim niyang mga mata ay diretso niyang ipinukol sa nagbabanta ring tingin ng kaharap. "Hindi por que pumalya 'tong  virus na 'to na gawin kang purong halimaw ay may karapatan ka ng hamun-hamunin ako."

"Pwes para sabihin ko sa'yo, kahit ilang beses ka pa kamong magbago ng anyo. Hindi ka pa rin mag-iiba sa paningin ko. You are still the old Chloe Montemayor who never hesitates to bow her head the moment she faced the true king inside this school." Dahan-dahang inihakbang ng binata ang kaniyang paa papasok at si Willow na ngayon ay nasa sahig pa rin ay walang ibang nagawa kundi ang pahirapang gumapang pagilid nang sagayon ay hindi siya mapagbuntungan ng galit ni Quincy.

"You are supposed to act like a slave not a queen, so might as well step your foot back to where it really belongs," mapang-asar nitong dugtong saka dumura sa gilid. "Hindi mo deserve na magreyna-reynahan dito dahil wala naman sa lahi niyong mga Montemayor ang may otoridad na mamuno."

Puna niya na siyang ikinasira ng ekspresyon ng kaharap.

"Baka nakakalimutan mo kung sino talaga ako, Chloe?" Hirit na naman nito at hindi na nagulat pa ang dalaga dahil base sa inaakto ng kaharap ay halata masyadong muli na naman nitong ipapalandakan kung gaano kataas at karespe-respeto ang pamilyang pinagmulan nito. "That I am Quincy Corpuz— ang nag-iisang anak ng Mayor nitong siyudad na kinalalagyan mo. The one and only son of Mayor Nimuel Corpuz, the man  which you claimed as your biological father." May halong pait nitong sabi.

"I am not claiming him as my own. Sarili mo lang ang pumupuna niyan, Quincy. Hindi ko kainlanman inangkin ang p—"

"Tss. Iba talaga ang nagagawa ng mga sampid sa buhay ng iba ano? Nagkakaroon ng lakas ng loob at ang kakapal pa ng mukha. Sino ka ba sa inaakala mo para tawagin siyang tatay gayong hindi ka naman talaga galing sa kaniya? I did a background check on you, Chloe and there I found out that you are also an adopted child of Mr. and Mrs. Montemayor. I also conducted a DNA test for me to check kung anak ka rin ba ni Papa, but no. It was not a perfect match kaya na-confirm kong hindi ka rin isang Corpuz," sandali siyang huminto bago inayos ang kaniyang necktie. "Kaya sabihin mo nga sa'kin Chloe kung ano bang ritual iyong ginawa mo para makuha mo iyong atensyon ni Papa?
Nakakaputangina lang kasing isipin na dugo't laman niya ako pero mas may time pa siya sa'yo kaysa sa'kin na mismong anak niya."

Nang hindi sumagot ang kausap ay doon siya muling nagsalita.

"Hindi ko talaga alam kung anong meron sa'yong putangina ka at nagawa ka pang kaawaan no'ng damuhong kong tatay," iritado niyang sabi bago itinukod ang magkabilang kamay sa lababo. "Ang ayos-ayos na sana ng pamilya namin eh, pero magmula no'ng  dumating ka, kayo ng nanay mo? Nagkanda-letche-letche na lahat."

"Kayo iyong pamilya sa labas oh, pero bakit parang kami pa ni Mama iyong nakikihati sa atensyon ni Papa? Mas kami pa iyong na etsapwera, Chloe. You fucking ruined the family that I onced dream of having of." Mariin niyang dugtong na siyang palihim na tinutulan ng kaklase.

"Tingin mo ba ginusto ko 'to?" Sabat ng dalaga. "Sa tingin mo ba ginusto ko na lapitan kami ng Papa mo? Hindi Quincy, hindi ko kasalanan o kahit ni Mommy na tinrato niya rin kaming pamilya. Right in the first place, he's the one who chose to go with us."

Matapos iyong marinig ng binata ay doon siya nito hindi makapaniwalang tinignan. Halata ang labis na pagkadisgusto nito mula sa kaniyang nasabi na siyang naging dahilan kung bakit halos magkasalubong ang kilay nitong tumingin sa pwesto ni Chloe.

"Alam ng buong San Juanico na arrange marriage iyong nangyari sa parents mo, hindi ginusto ni Daddy na maikasal siya sa Mama mo. He was forced by your grandparents to hold your mother's hand for the sake of your family's political legacy."

Nang dahil sa kaniyang isinagot ay doon nablangko ang mukha ng kaharap.

"So are you saying that that's why my father fucking search for another woman because he never loved my mother?" Tila napupunong hinuha ng katunggali. "Na napilitan lang siyang pakisamahan si Mama sa iisang bubong nang dahil sa letcheng kapangyarihan na 'yan? Na napilitan lang ang Papa ko na hawakan ang kamay ni Mama para lang magkaroon ng alyansa ang pamilya namin? Iyon ba ang gusto mong ipunto ha, Chloe?" Buong pait niyang mutawi nang hindi man lang inaalis ang titig sa kaharap.

"Sinasabi ko 'to sa'yo para maliwanagan ka na hindi ko kasalanan kung ba—"

"So what do you want me to do? Blame my mother for not having the physical traits or what kind of shit my father wants for a woman?" Sarkastikong tanong ni Quincy. "Or should I blame your Mom for being a leech who successfully stuck herself on him?"

"Hindi naman siguro adik 'yang Mommy mo para hindi malaman na kasado ang Mayor sa Mama ko di'ba? Kaya ano bang pumasok sa kokote niyang Nanay mo at pati pamilyadong tao, kinirengkeng niya pa?" Bumakas ang umaapaw na emosyon sa awra ng binata na para bang tuluyan na siyang nabigyan ng pagkakataon na mailabas ang mga bagay-bagay na kay tagal niya na ring kinikimkim.

"If you cannot respect me as a person, then will you please at least respect my mother? Sumusobra ka na sa pananalita mo, Quincy..." sita ni Chloe nang pati ito ay hindi na rin nakapagpigil. "Hindi matutuwa si Daddy sa oras na malaman niyang binabastos mo si Mommy nang ganito at sa mismong harap ko pa."

Mapaklang tumawa ang binata nang marinig ang isinagot niya. Asar nitong hinagod ang kaniyang buhok bago nagpasyang magsalita.

"Putangina ka talaga 'no?" Tila napupuno niyang sabad. "Sino bang gunggong na anak ang rerespetuhin iyong kabit ng tatay niya? Sige nga, paki-enlighten nga ako kung saan ka nakakita ng legal family na tinanggap at nirespeto iyong pamilya sa labas?"

"You're throwing sh─"

"Wala akong pakialam kung masaktan ka o ano kako sa sasabihin ko dahil deserve mo iyon. Hindi mo makukuha iyong respeto ko para sa mama mo Chloe dahil unang-una, siya ang naging rason kung bakit nagkahiwalay iyong mga magulang ko," sandali siyang tumigil sa pagsasalita at  doon nagpasyang humarap sa kausap. "I only give my respect to certain persons who knows how to respect relationships and has an extensive knowledge about how important the spirit of being contented."

"And based on how that lady acts. She's not included," maotoridad niyang sabi. "Tsaka, ano? Magagalit iyong gagong iyon sa oras na malaman niya na pinagsasalitaan ko nang masama iyong putanginang ipinalit niya sa Mama ko? HAHA patawa ka? Bakit, akala mo ba may pakialam pa iyong DADDY mo sa iyo sa ganitong sitwasyon ha, Chloe?" Puna  niya na siyang   nakapagpatahimik sa kausap.

"Kung totoong itinuring ka nga talaga niyang anak, he should have lay his foot inside this school and look for you. But where is he?" Mapangkutya  niyang bigkas saka idinipa sa ere ang mga kamay na para bang idinideklara na wala nga sa loob ng eskwelahang 'to ang taong tinutukoy. 

"Nasaan na nga ba iyong pinagmamalaki mong DADDY?" May diing sabi ng binata bago nakapamulsang naglakad patungo sa direksyon ng katunggali. "He might love your Mom but not you, Chloe." Taas-noo niyang wika at kakikitaan talaga ang kaniyang ekspresyon  ng nag-uumapaw na pagkadisgusto at pagkamuhi sa dalaga.

Sa halip na muling magpadala sa takot ay ginantihan ni Chloe nang matalim na tingin ang kaharap. Taas-noo niya ring sinalubong ang nagbabantang mata ni Quincy nang hindi man lang kakikitaan ng kahit katiting na pag-aalinlangan. Husto na para sa kaniya ang magpatalo rito, binigyan na siya ng panahon ng panibagong tiyansa na baguhin iyong buhay niya kaya hindi na niya ito sasayangin pa. Alam niya sa sarili niya kung kailan siya susuko sa isang labanan, ngunit sa  nakikita niya ay hindi ito iyon.

"Well at least, he treats me like his own blood, sweat, and tears. Unlike you." Taas-kilay niyang ganti na siyang naging rason kung bakit nag-alburuto sa inis ang katunggali. Walang pasa-pasabing umatake si Quincy at nagpakawala ng kaliwa't kanang suntok para patumbahin si Chloe ngunit maagap na nakakailag ang dalaga. Dala na rin sa liit ng pwesto ay nahihirapan siyang makakilos kaya may mga pagkakataon din na natatamaan siya. Gustuhin niya mang gumanti sa pag-atake subalit sa bilis ng galaw ng binata na halatang batak na batak sa ganitong klase ng labanan ay nahihirapan talaga siyang makasabay.

Saktong pag-ilag ni Chloe sa sipa ng katunggali ay aksidenteng napunta ang kaniyang paa sa madulas na parte ng sahig at huli na para sa kaniya ang maghanap ng makakapitan dahil tuloy-tuloy na bumagsak ang sarili niya sa ibaba. Ramdam niya ang sakit nang maunang tumama ang likuran ng kaniyang ulo sa baldosa at kung nasa normal pang kondisyon ang kaniyang katawan ay tiyak na mawawalan siya ng malay. Sa kaniyang estado ngayon ay nakakaaninag pa rin siya nang maayos senyales na ayos lang ang kaniyang lagay.

"Sinasabi ko sa'yo, Chloe." Nang akmang gagapang ang dalaga para sana magkaroon silang dalawa ng sapat na distansya pero kaagad na nahuli ng katunggali ang kaniyang paa at pwersahan iyong hinila paatras at doon siya inihagis sa mga nagkukumpulang kyubikel. Dala ng malakas na impact ay isa-isang nagsitumbahan ang mga kubikulo na natatamaan ni Chloe. May iilang tubo rin na nasira na siyang naging mitsa kung bakit nawalan ng kontrol ang daloy ng tubig. Hindi pa lumilipas ang segundo ay rumaragasa na sa kahit saan ang tubig dahilan kung bakit paunti-unti na rin silang nababasa.

"Wala pang taong tumarantado sa'kin na binuhay ko." Matigas nitong bigkas bago nilapitan ang dalaga na nagpagulong-gulong sa sahig. Ramdam ni Chloe ang pagdugo ng kaniyang ilong kaya marahan niya iyong pinunasan nang hindi man lang nag-abalang sumagot. Sa isip niya ay hindi niya talaga matatalo ang kaklase sa pisikal na laban dahil aminado siyang wala siyang karanasan sa usaping 'to. Kaya kinakailangan niyang gumawa ng plano ngayon para makahanap siya ng ideya na patumbahin ang binata.

"At ikaw na lang ang natitira sa 'target list' ko, Chloe."  Nakangisi nitong wika saka mariing binaon ang mga daliri sa magkabilang pisnge ng dalaga. Bumaon ang may kahabaang kuko ng binata sa makinis at manipis na balat ng kaharap na tila ba nag-umpisa na siyang panggigilan ito.

"Wala na kasi sila Yohan eh, ubos na iyong Aries na pinagmamalaki mo no'ng araw." Nang idugtong ni Quincy ang mga katagang iyon ay doon niya muling nakuha ang atensyon ni Willow na bagama't nawawalan na ng lakas na tumayo ngunit nananatili pa ring buhay ang diwa. Dahan-dahan itong lumingon sa pwesto ng dalawa bago dinura ang panibagong dugo na muling namuo sa kaniyang bibig.

"W-what did you do?" Nahihirapan niyang tanong at doon naghabol ng hininga.

"Uy! Buhay ka pa pala?" Mapangkutya  saad ni Quincy saka sarkastikong tumawa. "Tangina, dahil sa mga nangyari nawala na sa isip ko na matibay ka rin pala, Willow. Damn, I almost forgot that Aries raised us so well. Tignan mo nga naman, halos lahat ng tao rito patay na, tayo na lang iyong natitira."

"Tutal malapit ka na rin namang mamatay, i-she-share ko na lang 'to sa'yo para naman may mabaon kang chismis kay Satanas o 'di kaya kay San Pedro o kahit sinong putanginang nilalang man ang susundo sa'yo papuntang kabilang-buhay," pansamantala siyang huminto para kamutin ang kaniyang ulo bago muling nagpatuloy sa pagsasalita. "Galing ako sa rooftop kanina at gaya nga ng inaasahan ko, nandoon sila. They are hiding there like a coward cockroaches. Nagkaroon pa nga kami ng mini reunion doon sa itaas pero naantala lang iyon dahil may putanginang chopper na umepal," tila nalulungkot niyang dugtong.

"May chopper na d-dumating?" Gulat niyang tanong na siyang hindi naman pinansin ng binata.

"Hindi ko talaga alam kung sino sa inyo ang nakatawag ng tulong dahil alam naman nating lahat na wala ng cellular networks na gumagana, hindi ba? Kaya hindi ko alam kung paano nakagawa ng paraan ang mga dagang iyon para makatawag ng rescue team." Sandaling nanaig ang kaginhawaan sa mukha ni Willow nang marinig ang sinalaysay ng kaklase. Siyang tunay nga na nagbunga ang inaasam-asam nilang tulong at umayon din sa kanila ang planong binuo ng grupo sa pangunguna ni Wren. Ngunit nang mapansin ni Quincy ang kaniyang ekspresyon ay doon na siya nito nilapitan.

"Siguro ikaw iyong nagpapunta ano?" Biglaan nitong paratang na siyang kaniya rin namang ikinagulat.

"What? I d-didn't  call an─"

"Chill, tinatanong ko lang eh. Defensive mo naman masyado. Pero wala na rin naman akong pakialam kahit pa nandito ang mga lintik na mga sundalong iyon dahil unang-una, wala na silang maaabutan sa rooftop. It's too early to claim your victory, Willow..." madalian nitong sabad. "Have you ever forgot that in every story, there's always a plot twist that really ruins your expectations and fantasies?"

"Hindi ka rin naman siguro ulyanin para hindi maalala iyong sinabi ko sa inyo no'ng nasa labas pa tayo ng system soor, di'ba?" Kalmado pa nitong tanong at doon matiyagang inantay ang isasagot ng kaklase.

"T-that none of us here can leave this place alive." Nahihirapan sagot ni Willow na siyang ikinatuwa naman ng kaharap.

"But you're not the one who writes what kismet want, right? Hindi mo hawak iyong kapalaran ng grupo dahil hindi ka batas, Quincy," kontra niya sa binata. "Even if you became a humanbie. You can't still predict what would happen next because you are just a h-human who carry the basic features of a z-zombie. That's it and  n-nothing special."

"Ang hirap sa'yo, hindi mo ako pinapatapos mag-kwento. Singit ka kasi nang singit kaya ka nagkakaroon ng false hopes eh," umiiling na komento ng binata. "So how am I going to deal with you, hmm? Should I seal your mouth with my own bloody lips or you're going to shut your little  pinkish piehole for me to continue my ongoing  tale. You choose." Nang akmang ilalapit na sana ni Quincy ang  bibig niya sa labi ng dalaga pero madalian itong yumuko. Agarang nagsibagsakan ang buhok niya sa mismong harap ng kaniyang mukha dahilan kung bakit tuluyang natabunan ang kaniyang labi. 

Nang dahil sa kaniyang inasal ay tipid na lamang na napatawa ang binata bago bumuntong-hininga.

"Well I guess,  there are really things that doesn't change even if how many times destiny tries to rewrite our future," umiiling niyang sambit. "Hindi ka pa rin talaga nagbabago, Willow. Nagka-outbreak na nga at lahat-lahat pero pakipot ka pa rin.

"Okay, back to my very own anecdote." Sandaling humikab si Quincy bago tinapik-tapik ang kaniyang mukha waring ginigising ang sarili at inaalis ang nagbabantang antok. "When that copter is meters away from the rooftop, I pulled a not-so-hard fantastic move to prevent those rescuers from landing the surface. Alam mo ba kung ano iyong ginawa ko?" Tumatawa niyang banggit pero wala sa dalawa ang nagtangkang sumagot.

"Tumalon ako sa building at sinalubong ko iyong helicopter. Sinira ko iyong balance nila hanggang sa mag-crash iyon at bumagsak sa rooftop kung saan nakatayo ang Aries," nakangiti niyang sabi na mapaghahalataang ipinagmamalaki niya ang kaniyang ginawa. "I don't know if you guys felt that the ground shake a bit since hindi ko alam kung anong trip niyong dalawa rito sa loob kanina at sa sobrang seryoso no'ng usapan niyo, halata talagang wala na kayong pakialam kung ano na nga bang nangyayari sa labas."

"Considering the fact that this Comfort Room is impervious to sound, hindi niyo talaga narinig iyong pagsabog na medyo nakakapanghinayang nang kaunti sa part ko kasi hindi niyo man lang napansin iyong exciting part," segunda pa ng binata saka muling tumawa. "At dahil sa pagsabog na iyon, napakaimposible pa para sa kanila na mabuhay pagkatapos ng pangyayaring iyon."

"I am sorry for your lost, Willow..." malamyos ngunit tunog sarkastiko niyang wika bago nilapit ang kaniyang hintuturo sa baba ng dalaga para iangat ang ulo ng kaharap. "I am so sorry for taking away your chance to see those dimwits again alive."

"But isn't it sounds good? Kasi tignan mo oh, sila wala na pero ikaw buhay pa rin!" Pasigaw nitong banggit. "Kaya magpasalamat ka na lang na nag-decide kang bumaba  sa rooftop, Willow dahil kung nagkataon, sigurado akong patay ka rin."

Gumuhit ang mapang-inis niyang ngisi sa kaniyang labi at doon na ito tumawa na para bang nawawala na sa katinuan.

"Y-you're crazy!" Naiiyak na sigaw ng dalaga na siyang naging mitsa kung bakit mas humalakhak pa ito lalo.

Samantala, kanina pa pinapanatili ni Chloe ang kaniyang mata sa pwesto ni Quincy. Abala ang kaniyang mata sa paghahanap ng tamang pagkakataon para umatake. Hawak-hawak niya ngayon ang isang putol na tubo na may may kataliman ang gawing dulo. Sa sobrang abala ng binata sa pakikipagpalitan ng salita sa kaklase ay tila napabayaan na nito ang kaniyang presensya.

Maingat siyang bumangon at pumwesto sa sahig para makabwelo nang maayos. Naging abala rin ang utak niya sa pagkalkal  ng mga leksyong minsan na ring itinuro ng kanilang Science Teacher na tiyak na makakatulong sa kaniya sa pagkakataong 'to. Sandali niyang pinasadahan ng tingin ang nakatalikod na pigura ng binata at doon niya na nga inalisa ang sitwasyon.

"There are two parts that I can hit from here..." mahina niyang konklusyon sa sarili bago tinuon ang atensyon sa likod ni Quincy. "First is his spinal cord, easy spot iyong likod niya since nakatalikod siya sa pwesto ko. But, onced I aim that spot, mapupuruhan ko nga siya pero hindi rin magtatagal ay makaka-recover din iyong katawan niya. Given the fact that he's a half-human-half-zombie, nagiging hyperactive na iyong stromal stem cells sa body niya. Gaya no'ng sa'kin."

"Second is his sensitive vein located on his nape. Sa oras na matamaan ko iyong ugat niya, critical hit iyon panigurado, but my disadvantage here is that he keeps on moving. Hindi ako makaasinta nang maayos." Palihim niyang sabi bago mariing hinigpitan ang tubong hawak. Sa sobrang okupado ng kaniyang utak sa pag-iisip ay hindi na niya napansin pa na nayupi niya na pala ito.

"You have to think wisely, Chloe! This is just a one time chance! Don't let it slip, come on!" Patago niyang pilit sa sarili nang hindi inaalis ang tingin sa harap. Nang saktong nakita niya na ito na diretsong nakatayo habang abala pa rin sa pakikipag-usap kay Willow ay saka na siya naghanda. Nang maispatan ng kaniyang mata ang gawing batok ng kaharap kung saan siya planong aatake ay doon na niya iniangat sa ere ang kamay at buong lakas na bumwelo. Sinundan ng kaniyang mata ang tubong nagpaikot-ikot sa ere habang ang kaniyang isip ay muli na namang nagtalo kung tama na bang pinakawalan niya na ang baraha  o hindi.

Nang isang dangkal na lang ang layo ng tubo ay sumakto namang yumuko si Quincy para hilahin ang buhok ni Willow. At iyon din ang naging mitsa kung bakit napatingin ang binata sa bagay na dumaan sa mismong ibabaw niya. Ilang segundo lang ay mabilis itong lumingon sa pwesto ni Chloe na nanatili pa rin sa pwesto at labis-labis na nanghinayang bunga ng kaniyang pagkakamali.

"Oh shit." Dala ng pagkataranta ay kaagad siyang tumayo at patakbong sumampa sa nagsibagsakang mga kubikulo. Pumalya ang una niyang plano kaya kinakailangan niya ng isagawa ang susunod. Akmang tatalon na sana siya sa kabilang kyubikel pero malakas na sinipa ng binata ang pinapatungan niya ngayon kaya nawalan siya ng balanse at nahulog sa ibaba. Saktong pagbagsak niya ay ang pagtama ng nakausling bakal sa mismong itaas ng tuhod niya dahilan kung bakit bahagyang nalukot ang kaniyang mukha. Kitang-kita niya kung paano bumaon ang bagay sa mismong gitna ng kaniyang laman. Ramdam niya kung paano nanigas ang kaniyang buto at sunod niya na lang naramdaman ang nagbabadya nitong pagkirot.

Masakit man pero tiniis niya iyon at pinigilan ang sarili na huwag humiyaw sa sakit. Ayaw na niyang magpakita pa ng kahinaan sa katunggali dahil hindi na niya nais pang muling ipakita ang dating siya sa kaharap.

"Nagpaplano ka na bang patayin ako ha, Chloe?" Kalmado nitong tanong sa kaniya bago umupo sa kaniyang harap para pantayan siya. Sa halip na sumagot ay nanatili siyang tahimik at walang emosyong tumitig sa binata.

Hinaplos ni Quincy ang binti niya paangat sa kaniyang tuhod at doon niya marahang hinugot ang tubo. Nang dahil sa ginawa niya ay mabilis na rumagasa mula sa kutis ng dalaga ang magkahalong pula at itim na kulay nitong dugo pababa. Inilahad ng katunggali ang hawak na tubo sa kaklase na para bang inaanyayahan niya ito na kunin iyon.

"Bakit hindi mo kaya kunin 'tong tubo nang malaman natin ku—" hindi na pinatapos ni Chloe ang kaniyang sinasabi at mabilis na dinampot ang hawak saka diretsong itinutok sa kaharap. Ang talim ng tubo ay diretsong nakatutok sa gitna ng noo ni Quincy. Nang-aasar siyang tinignan ng binata at masugid na nag-antay kung isasaksak ba ng kaharap ang hawak o hindi.

Kumurba ang gilid ng labi ng binata nang makita ang nagbabantang tingin ng dalaga Sa halip na masindak ay mas pinili niya pang idikit ang noo sa dulo ng tubo.

"Sige nga, Chloe. Kaya mo ba akong patayin? Kaya ba ng konsensiya mo na pumatay ng tao o puro ka lang talaga salita?" Hindi nakagalaw ang kaklase sa nakikita at nanatili lamang na nakaangat ang kamay nito sa ere.

"Will you let your hands be stained with blood and your fingers with regret?" Dagdag nito na siyang hindi niya na naman nagawang masagot.
"Ano na, Chloe? Magdecide ka na habang may oras ka pa." Mahina nitong sabi saka nakapamulsang nag-antay. Lahat ng mga winika ng binata ay lumabas nang paulit-ulit sa isip ng dalaga. Ilang segundo rin siyang nanahimik hanggang sa ang blangko niyang mata ay muling nahaluan ng bagsik at paninindigan. Lakas-loob siyang nag-angat ng tingin at sinalubong ang nang-aasar na mata ng kaharap.

"Of course, yes," diretsa niyang sagot. "I don't fucking care if I stain my hands with your fucking blood and kill you using this fucking weapon." Taas-noong dugtong ng dalaga na siyang hindi naman kaagad kinontra ni Quincy.

"Ms. Garcia onced told us that 'Humans shall not put justice into their hands and let the law do it', right? Pero sa sitwasyon natin ngayon? Labas na tayong dalawa sa quotes na iyon, Quincy," sandali siyang huminto bago biglaang tinuhod ang kaharap na halatang hindi rin nakapaghanda sa kaniyang biglaang pag-atake. "Dahil pareho na tayong hindi tao kaya wala na akong nakikita pang rason para sumunod sa letcheng kasabihan na 'yan."

"A monster is made with the intent of killing their targets. We are made to fight for the sake of our teritory in the name of survival. When we are going to use the science of life as our basis, then this is how it goes; the moment a monster encountered another creature which also carry the same strength or greater to itself, that particular beast would feel threatened which causes them to attack and begin fighting to prove if which among them deserves the title of being the king of that a certain teritory." Mahaba-haba niyang paliwanag saka pinilipit ang kamay ng katunggali.

"Do you get my point, Mr. Quincy Corpuz?" Malamyos niyang tanong nang hindi ibinababa ang tubong hawak. "Or should I translate it in Filipino for you to understand my compendious discussion?"

"Putangina ka talaga kahit kailan." Nangangalaiting asik ng katunggali na siyang naging dahilan kung bakit gumuhit ang mapaglarong ngisi sa labi ni Chloe. Muli siyang bumwelo para sana saksakin ang kaharap ngunit mabilis na nabawi ng binata ang kaniyang kamay at pinalipad ang kaniyang kamao patungo sa mukha ng kaklase. Kaagad na nakaatras si Chloe at nang nagbalak itong sipain siya ay doon na siya tumalikod at tumakbo patungo sa nagkumpulang mga kubikulo para ipagpatuloy ang kaniyang naantalang plano.

Sinundan ni Quincy ng tingin ang bawat galaw ng kaharap. Abala ang kamay nito sa pag-alis ng mga screw para makuha ang wire na nasa itaas. Kitang-kita rin ng binata kung paano hiwain ng dalaga ang flexible thread at doon niya iyon maingat na binalatan. Kaagad siyang nakatunog kung ano ang plano nito kaya bago pa man ito makalapag ulit sa sahig ay mabilis siyang tumayo para lapitan ang naghihingalong si Willow.

Saktong pagtutok niya sa patalim ay ang siya ring pagbaba ni Chloe dala ang dalawang pares ng wire. Paminsan-minsan niya rin iyong dinidikit na siyang naging dahilan kung bakit minu-minuto rin itong nagpapakawala ng electric spark.

"Sige, subukan mo lang na ituloy. Laslas 'tong leeg ng kaibigan mo." Banta ni Quincy bago diniinan ang hawak na kutsilyo sa leeg ng dalaga. Kung kanina ay abala pa si Chloe sa ginagawa niyang plano ngunit ngayon ay muli na naman siyang pinaglalaruan ng kapalaran dahil may panibago na namang problema na nagtatangkang subukin siya.

"Akala mo ba maiisahan mo'ko, Chloe?" Aniya bago nanggigigil na hinila ang buhok ni Willow. "Hindi na ako makakapayag na magagawa ulit akong pabagsakin ng isa na namang punyetang babae."

"Balak mong ilagay 'yang wire sa tubig para kuryentehin ako di'ba?" Sambit ni Quincy at doon tinuro ang matubig na sahig na inaapakan niya kani-kanina. Nang hindi sumagot si Chloe ay doon na nagpasya si Quincy na balibagin ang lababong nasa gilid para sirain ang gripo. Ilang sandali pa ay nag-umpisang umapaw ang tubig sa butas ng tubo na siyang naging mitsa kung bakit mabilis na nabasa ang kinatatayuan nilang dalawa ni Willow.

"Bakit hindi mo na lang kaya bitawan 'yang wire sa sahig para sabay-sabay na tayong mangisay dito? Huwag kang maduga, Chloe. Hindi pwedeng ako lang iyong mamamatay ngayon. Dapat kayo rin." Mariin niyang dugtong at mapaghahalataan talagang handa siyang isakripisyo ang buhay niya para lang mapigilang mabuhay ang dalawang dalagang kasama.

Akmang ibubuka na ni Chloe ang kaniyang bibig para sumagot ngunit naagaw ang kanilang pansin sa taong kararating lang. Ang boses nitong puro ay agarang umalingawngaw sa loob dahilan kung bakit magkasabay silang napalingon.

"Willow!" Sigaw ni Mills nang makita kung gaano na kalala ang lagay ng kaibigan. Ilang sandali lang ay lumipat ang kaniyang tingin sa nakatayong si Quincy na halata ring nagulat sa kaniyang  biglaang pagdating.

"Tangina, ilang buhay ba talaga ang meron ka at hanggang ngayon ay humihinga ka pa ring putangina ka?" Hindi makapaniwalang wika ng binata nang matignan ang kabuuan ng bagong dating. Mabilis niyang pinukol ang kaniyang mata sa tiyan ni Mills para tignan kung ano ng nangyari sa humigit sampung saksak na binigay niya. Laking gulat niya na lamang nang tanging dugo na lang ang natira at ni kahit katiting na sugat ay wala na siyang nakita pa.

"Fuck, how the hell did it happened?" Mahina niyang bulong sa sarili bago sinalubong ang nangangalaiting mata ng dalaga. "Kung normal lang siyang tao, napakaimposible na para sa kaniya na mabuhay matapos ko siyang saksakin. Kaya buong akala ko, patay na siya gaya no'ng iba. So how the hell it happened that she's fucking here standing right in front of me without any single wounds or burn on her body?"

"May dapat ba akong malaman sa'yo, Mills?" Palihim niyang tanong at doon na gumuhit ang pagdududa sa kaniyang mukha.

"Don't step your foot inside here, Mills. Huwag kang makialam dito, laban namin 'to." Banta sa kaniya ni Chloe at kung hindi ito nagsalita ay hindi pa mapapansin ng dalaga ang presensiya nito. Bakas din ang gulat sa mukha ng bagong dating nang makita ang kaklase na may hawak na wire at mariing nakatutok ang mata sa pwesto ng binata

"Let her go." Maotoridad na utos ni Chloe kay Quincy. "Tutal ako naman iyong kailangan mo di'ba? Kaya hayaan mo na si Willow, Quincy. Huwag mo na siyang idamay sa labang 'to." Seryoso niyang dugtong na siyang hindi na tinutulan pa ng kausap. Marahan nitong hinila ang buhok ni Willow at doon  niya iyon hinagis palabas at kung hindi lang naging maagap si Mills ay baka natuluyan na nga ang kaibigan. Minadali niyang sinalo ang lupaypay na katawan ng dalaga saka niya iyon maingat na sinapupo.

"Tama na 'tong laro. Tapusin na natin 'to!" Sigaw ng binata at mabilis na sumugod. Tinangka  niyang saksakin ang kaharap gamit ang patalim na hawak ngunit naging mautak si Chloe, ginamit niya ang wire para kuryentehin ang kaklase na bahagyang nangisay sa kaniyang ginawa. Walang salita ulit itong sumugod at nakipagpalitan ng atake sa kaniya, puro iwas lang ang ginagawa ng dalaga sa kadahilanang hindi siya gano'n kagaling sa usapang pisikalan. Sa oras naman na mabigyan siya ng pagkakataon na makadikit sa binata ay mabilis niya itong kinukuryente na siyang nagiging mitsa kung bakit mas lalo lamang itong naiinis.

Akmang ididikit niya ulit ang wire sa braso nito ngunit mabilis na nahila ng katunggali ang kaniyang hawak at daglian  niya iyong inikot sa binti ni Chloe. Pinulupot ng binata nang mahigpit ang wire na siyang naging rason kung bakit  nawalan kaagad ng balanse ang dalaga at tuloy-tuloy na bumagsak sa ibaba.

"Kahit anong gawin mong paraan, hindi mo ako mapapantayan, bwisit ka." Deklara nito bago umakyat at pumatong sa pintong nakatumba para hindi siya maabot ng tubig. Nangati kaagad ang kamay niya kaya hindi na siya nagdalawang-isip pa na ilapit ang wire sa basang sahig nang sagayon ay makaganti sa kaharap. Mabilis na nangisay ang katawan ng dalaga at halos pigil-hininga na itong sumisigaw sa sakit nang hindi pa rin inaalis ni Quincy ang wire sa tubig.

"Ahh!"

Nang mag-umpisang lumabas ang dugo sa ilong ni Chloe ay doon na siya nakaramdam ng matinding pagkahilo at matinding pananakit. Ramdam niya rin ang pamamanhid ng kaniyang katawan. Paulit-ulit na ibinababa't angat ng binata ang wire na tila ba tuwang-tuwa siya sa kasalukuyang estado ng kalaban. Ang bawat palahaw ng dalaga ay nagdudulot sa kaniya ng ibayong klase ng pakiramdam. Isang uri ng sensasyon na ayaw magpaawat hangga't hindi siya nakakaramdam ng pagkakuntento.

"Hiyaw pa, Chloe! Hiyaw pa!" Tila nang-aasar niyang sigaw at muli na namang kinuryente ang nanghihinang katawan ng kaharap. Tinitigan niyang maigi ang kaklase na ngayon ay nanatiling nakahiga sa ibaba at hindi na gumagalaw, kung titignan ay para bang wala na itong buhay kaya pansamantala niya munang tinigil ang ginagawa at nagpasyang bumaba para tignan ito nang mas malapitan.

Saktong paglapit ng kaniyang kamay sa pisnge ng dalaga ay mabilis itong gumalaw saka siya padulas na sinipa. Kaagad na lumagapak sa sahig ang katawan ni Quincy at sunod niya na lang namalayan na pinulupot na ng kaklase ang hawak-hawak niyang wire sa kaniyang mismong leeg. Buong pwersa siya nitong sinakal rason kung bakit hindi siya nakapaghanda at malayang nahulog sa bitag nito. Mas lalo lamang na nilukob ng pagkabigla si Quincy nang sinimulan ni Chloe na hilahin ang kabilang wire pababa dahilan kung bakit  paunti-unting umangat ang kaniyang katawan sa ere.

Halos kapusin na ng hininga ang binata. Paulit-ulit din itong sumenyas kay Chloe na tumigil na ito at muli siyang ibaba  ngunit sa halip na makinig, ay mas pinili ng dalaga na balewalain ito gaya no'ng kung paano siya nito balewalain no'ng dati.

"We are f-fighting for the sake of survival to test if who among us deserves to be c-called the ruler of this territory," nauutal niyang tugon bago marahang pinunasan ang kaniyang nagdurugong ilong. "You might be the one who started the fire between us, Quincy. Ikaw man iyong nagsimula sa m-madumi mong laro, pero ako naman iyong tumapos ang nanalo sa hinanda mong pangkatuwaan."

"Since I managed to defeat you, my revenge has now come to it's end." Huli niyang sabi bago tumalikod. Hindi niya pa man nasisimulang ihakbang ang paa paalis ngunit may nakaagaw sa kaniyang pansin. Hindi nakatakas sa kaniyang pandinig ang sunod-sunod na beeping sound na para bang nagsisimula ito sa pagco-countdown. Wala sa wisyo siyang napalingon sa gawing dulo ng CR nang mapagtantong doon nga nanggagaling ang tunog. Wala na nga siyang sinayang pang oras at mabilis na tumakbo palabas ng Comfort Room kung saan naabutan niya si Mills na pinipigilan ang pagdurugo ng malalim na sugat ni Willow.

"Yuko!" Sigaw ni Chloe saka pabagsak na lumuhod para proteksyunan ang katawan ng kaklase. Saktong pagsabog ng bomba ay ang siya ring pagkilos ni Mills para yakapin ang katawan ni Willow nang sagayon ay hindi ito tamaan ng mga nagliliparang debris. Ramdam nilang tatlo ang matinding pagyanig ng paligid at ang mga kalabog ng mga nagsibagsakang tipak ng semento 'di kalayuan sa kanilang pwesto.

Nang unti-unting kumalma ang paligid at tanging usok na lang ang natitira sa  ere ay doon na nagpasya si Mills magdilat ng tingin. Inuna niyang tignan ang lagay ni Willow kung may sugat ba itong natamo ngunit laking pasasalamat niya na lamang nang hindi na nadagdagan pa ang tinamo ng kaibigan. Sunod niyang binalingan ng tingin si Chloe na ngayon ay inaalis ang maliit na bakal na tumagos sa mismong kanan nitong balikat.

"Search the area!" Sigaw ng isang baritonong boses sa likod ng makapal na usok. Nang dahil sa narinig ay magkasabay na napalingon si Chloe at Mills sa gawing loob ng Comfort Room bago sila wala sa wisyong nagkatinginan.

"Hindi ka pwedeng lumapit," pabulong na sita ni Mills sa kaklase bago niya ito hinawakan sa kamay. "Sa oras na may makita silang survivor, kinukuhanan nila iyon kaagad ng temperature check kaya delikado ka, Chloe. Hindi sila mag-hehesitate na patayin ka sa oras na ma-confirm nila iyong lagay mo." Dagdag niya pa at bahagya rin siyang nagulat nang bigla na lamang dumapo ang kamay ng kausap sa kaniyang palapulsuhan. Kaswal siya nitong hinawakan bago dahan-dahang nilagay ang hinlalaki sa mismong ibabaw ng kaniyang pulso.

"Coming from someone who doesn't have a pulse?" Mabilis nitong sabad na siyang nakapagpahinto sa kaniya. Kunot-noo niya itong tinitigan dala ng labis na pagtataka ngunit nang suklian siya nito ng seryosong tingin ay nahalata niya kaagad na hindi ito nagbibiro. Dinumog man ng mga tanong ngunit mas pinili niya pa ring kapahin ang kaniyang palapulsuhan para pakiramdaman iyon.

Makailang ulit niya pang inilipat-lipat ang kaniyang daliri ngunit wala talaga siyang maramdaman na kahit anong pintig. Sa kaniyang pagkataranta ay wala sa wisyo niyang naiangat ang kamay at doon niya iyon itinapat sa kaniyang kaliwang dibdib.

"Teka, w-walang pintig?" Hindi niya makapaniwalang tanong na siyang hindi naman ikinagulat ng katabi. Bagay na mas lalo niyang ikinagulo kung bakit. Gulat siyang napatingin sa pwesto ni Chloe na ngayon ay nakatayo na at inaabala lamang ang sarili sa pagpapagpag.

"Over here!" Malakas nitong sigaw para kuhanin ang atensyon ng mga sundalo. Kumaway-kaway pa siya sa pwesto ng mga 'to para makasiguro na lalapitan sila kaagad. Ilang sandali pa ay tumama ang mga ilaw ng flashlights sa kanilang pwesto at palapit nga ito nang palapit sa kanilang gawi. Mabuti na lamang at hindi pa rin nawawala ang mga usok kaya kampante siya na hindi sila nito naaninag. Kaagad ding hinubad ni Chloe ang suot niyang coat at doon niya iyon ikinumot kay Willow.

"We cannot go with her, kaya iiwanan natin siya sa mga  kamay nila." Sambit niya gamit ang kaniyang nakagawiang may kaliitan at mahinahong boses. Sumang-ayon din naman kaagad sa kaniya si Mills bago ito nagdesisyong tumayo.

"I guess you also have doubts about yourself right, Mills?" Diretsa niyang tanong sa kaklase. Nang lingunin niya ito ay bumakas na naman ang gulat sa mukha ng kasama waring nagtataka sa kaniyang inaasal. Nang makitang wala itong planong magsalita ay doon siya kampanteng ngumisi bago inayos ang kaniyang buhok.

"Then if you want to clear things out, come with me."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top