Chapter 36: Double-edged

"Si Willow, nawawala." Nang dahil sa isinagot ni Ledger ay dinunggol ng kaba ang lahat ng nandito lalong-lalo na ang dalagang kaharap na si Mills. Tila  ba nabingi na siya mula sa kaniyang narinig dahilan kung bakit hindi siya agarang nakaimik.

Palipat-lipat ang tingin nilang lahat sa isa't-isa na para bang pilit na inaalam kung may isa ba sa kanilang nakakaalam kung saan nga ba apunta ang dalagang tinutukoy.

"I let her go ou—"

"Hinayaan mo siyang lumabas nang mag-isa?" Agarang putol ni Mills sa sinasabi ni Wren. Napahinto sa pagsasalita ang dalaga nang maramdamang natuon na sa kaniya ang atensyon ng lahat. Ngunit sa halip na mailang sa mga tinging ginagawad sa kaniya mas pinili niyang klaruhin ang nangyari.

"Listen, it's not my intention to harm her. She just want to go outside to pee. Hindi siya nagpapigil sa kagustuhan niya ring lumabas nang siya lang." Sagot niya ngunit sa halip na mabawasan ang kanilang pag-aalala ay mas lalo lamang iyong nadagdagan. May kalayuan ang bukas na Comfort Room mula rito sa rooftop na kinalalagyan nila ngayon kaya hindi malabong isipin na lumayo nga mula sa gusaling ito si Willow.

"Ilang oras na ba iyong lumipas magmula no'ng lumabas siya?" Kabadong tanong ni Meadow.

"It's been 2 hours already." Diretsa  niyang sagot na siyang naging mitsa kung bakit muling hindi maipinta ang mukha ng mga nandito.

"Ano, dalawang oras? Putangina ang tagal na no'n kung tutuusin! Sana ginising mo na lang kami nang mas maaga para masundan siya sa ibaba, Wren. Baka napano na iyon." Komento ni Corbin bago nagpasyang lumapit sa dulo ng rooftop at tanawin ang nasa ibaba. Ngunit dahil nga sa may astigmatism siya ay hindi siya makaaninag nang maayos.

"We managed to clear those zombies while we are still outside, right? Kaya kung may nakasalubong man si Willow sa baba, sure akong kaya niyang takasan iyon," pampalubag-loob ni Meadow nang mag-umpisang bumigat ang atmospera sa ibabaw. "She's toughy and quite adroit, baka kinakailangan niya lang munang mag-stay sa kung nasaan siya ngayon kaya hindi muna siya nakakabalik. Let's all believe on her, shall we? Makakabalik si Willow dito sa itaas, kailangan lang nating mag-antay."

"But what if she didn't?" Biglaang kontra ni Ledger. "What if she keeps on shouting each of our names to call for help? Paano kung inaantay niya lang iyong tulong natin sa ibaba pero wala man lang tayong ginawa kundi ang tumunganga rito sa ibabaw? Sige nga, paano kung iyon nga ang nangyari?" Tutol nito saka marahang inalis ang suot na salamin.

"Tol, tama na." Awat ni Earlyseven sa kaibigan. Tinapik niya ang likod nito bago siya nagdesisyon na ilayo ang kasama sa pwesto ng iba sa takot na baka magkaroon ng sigalot sa pagitan nilang dalawa.

"I didn't wake all of you to start an argument," usal ni Wren bago binalingan ng tingin si Ledger na ngayon ay hindi na umiimik. "Do you guys think that I fucking let her go without putting an eye on her?" Blangko niyang sambit na siyang nakapagpatahimik sa kanilang lahat.

Akmang magtatanong na si Mills kung ano ang tinutukoy nito pero natuon na lamang ang mata niya sa hawak na cellphone ng dalaga na may kulay berdeng kumukuti-kutitap. Hindi niya maiwasang mapatitig dito sa kagustuhang usisahin ang napakapamilyar nitong ilaw.

"Hindi ako tanga para hayaan siyang lumabas sa pintong 'yan nang walang  barahang hawak." Dagdag pa ni Wren bago nagpasyang iangat ang kaniyang cellphone para ipakita sa mga kasama ang tinutukoy niya.

"Monitor radar 'yan, tama?" Gulat na tanong ni Cody nang makita niya nang mas klaro ang nasa screen.

"The moment she asked for my permission to leave. I surreptitiously put the tracker on her sleeve to monitor and trace her location," paliwanag niya saka tinuro ang kumikislap-kislap na kulay berdeng bilog na nakapwesto 'di kalayuan sa gawing gitna. "This beeping green circle is her and those red fluctuates that surrounds the area are zombies."

"Nasa kabilang building pa iyong mga red dots, ibig bang sabihin niyan ay wala na talagang zombies sa ibaba?" Konklusyon ni Earlyseven matapos niyang ituro ang screen. Kung hindi pa ito itinuro ng binata ay baka hindi rin nila ito magawang mapansin.

"Pero bakit umiikot-ikot lang iyong green speck sa loob ng illustrated cornered room? Ano bang ginagawa ni Willow diyan?" Nagugulumihang tanong ni Ryder bagay na siyang sinagot ni Wren.

"That the same question lingered my mind up until now. The moment Willow entered that room, she keeps fickling inside like she doesn't have any plans to go out."

"What if na trapped siya sa loob?" Hinuha ni Corbin. "What if may nag-lock pala sa kaniya sa loob kaya hindi siya makaalis?"

"Sino namang magla-lock sa kaniya eh kita mo na ngang walang ibang tao na nakikita sa monitor?" Tutol ni Yohan at palihim na isinawalambahala ang ideya ng katabi.

"Iyong fourth year student sa third floor na nagbigti sa loob ng cubicle na laging nagmumul— Aray ko! Oo na! Tatahimik na!"

"Umayos ka nga, Corbin." Sita ng kaibigan matapos pingutin ang tainga ng kaklase na mabilis naman ding umayos sa pagkakaupo.

"If we are going to consider his idea then it will really make some point. Baka nga nakaligtaan lang ni Willow na  i-check iyong doorknob kaya siya na-trapped sa loob." Sang-ayon ni Meadow na siyang inaprubahan naman ng iilan maliban na lamang kay Mills na hindi pa rin naging kumbinsido sa mga narinig.

Sandaling katahimikan ang nanaig dito sa rooftop hanggang sa nagpasya nga si Cody na basagin iyon.

"Kanina ko pa 'to gustong itanong," pagkuha  ng binata sa atensyon ni Wren. "Bakit mo ba talaga kami ginising, Wren?"

Nang sa wakas ay naitanong na niya ang pakay ay isa-isang binalik ng lahat ang kani-kanilang mga tingin sa pwesto ni Wren na nanatili pa ring nakatayo sa gawing harap. Muli niyang ibinaba ang hawak na cellphone nang hindi man lang nag-abalang gawaran ng kasagutan ang kasama. Akmang magtatanong ulit si Cody pero kaagad na nahagip ng kaniyang mata ang maliit na puting ilaw sa ere na siyang papalapit sa kanilang pwesto. Ilang saglit pa ay malaya na nilang narinig ang umaalingaw nitong tunog.

Saktong paglingon ni Wren sa likuran ay doon na niya nga tuluyang nakita ang chopper na kanina lang ay naririnig niya. Naglilikot din ang napakalaki nitong ilaw sa ibaba na para bang may mga tao itong hinahanap. Walang salita niya itong tinitigan hanggang sa makita niya na lamang ang mga kasama na nagkaniya-kaniya na sa pagsigaw at pagtalon dito sa ibabaw.

"Nandito kami! Dito!" Sigaw ni Corbin bago pinaghahampas ang tubo ng pole para makagawa ng ingay. Sumunod din naman sa kaniya si Earlyseven na paulit-ulit na inaangat-baba ang tali ng telang isinabit nila sa itaas nang sagayon ay sumayaw ito sa ere. Ilang beses pang naglilikot ang ilaw na nagmumula sa chooper at hindi rin naglayon ay tuluyan na nga silang nakita  ng mga rescuers. Unang dumapo ang liwanag sa telang may nakasulat na 'Save Us' hanggang sa paunti-unti iyong natuon sa pwesto nila.

Pababa nang pababa ang lipad ng helicopter habang masugid  namang nakaabang ang Aries sa ibaba. Kitang-kita ng lahat  ang iilang mga sundalong nakasakay sa loob na may nakasukbit pang mga armas. Nang pumirmi na ang lipad ng helicopter ay sunod na lang nilang namalayan ang dalawang nakasuot ng complete protective gear na nakahawak sa tali at dahan-dahang pinadausdos ang sarili paibaba.

Agarang nakababa ang dalawang tao sa sementadong sahig at akmang lalapit na sana si Corbin dito pero hindi na iyon natuloy pa nang tutukan sila nito bigla ng baril.

"Hands on your head!" Sigaw nito sa kanila na siyang dahilan kung bakit hindi na sila nakapalag pa. Magkasabay nilang idinikit ang kaniya-kaniyang mga kamay sa likod ng kanilang ulo at yumuko bilang tanda ng pagsunod sa utos.

Lihim namang nag-obserba si Mills na nasa pinakaharap at pinanatili ang kaniyang pagiging alerto para makakilos siya kung saka-sakali mang hindi umayon sa kanila ang kapalaran.

"Viper, come in." Usal ng lalaking nasa harap niya. Hindi maiwasan ng dalaga ang silipin ito upang usisahin ang kaharap, kung titignan ay hindi naman ito mukhang nakakatakot tignan gayong maliban sa baril ay may hawak din itong container kit na sa wari niya ay naglalaman ng gamit panggamot.

"May siyam na batang survivors na nandito sa ibaba. Positive, may mga City Highians pa ngang naka-survive sa outbreak." Balita nito bago sila muling tinignan dahilan kung bakit muling yumuko si Mills. Sa uri  ng tinging ginagawad nito sa kanila ay tila ba pilit nitong inaalam kung may infected ba silang kasama.

"Roger that." Biglaan nitong sabi bago nilapag sa ibaba ang hawak na kit at maingat iyong binuksan. Saktong pag-angat pa lang nito ng temperature check ay doon na agarang nilingon ni Mills ang pwesto ni Wren. Nagtama ang tingin nilang dalawa na para bang sa mata lang sila nagpapalitan ng mensahe. Ilang sandali pa ang lumipas ay muli niyang itinuon ang atensyon sa harap saka inantay ang infrared thermometer na tatapat sa kaniyang noo.

"37.6° Celsius recorded." Deklara ng robotic voice matapos nitong matantsa ang temperatura ng dalaga.

"Kayo ba ang nagpadala ng mensahe sa base?" Mahinahon na tanong ng isang sundalo na ngayon ay nakatayo na sa harap niya.

"Po?" Nagugulumihan niyang tanong at miski ang katabi niyang si Yohan ay hindi rin kaagad nakasagot.

"We have received an encrypted message from Juanico High few hours ago. Kayo ba ang nagpadala no'n?"

Sandaling umiling si Mills bago siya nagpasyang sumagot. "May cellular devices kaming hawak pero wala po sa amin ang nakapagpadala ng message sa kampo niyo, Sir. Magmula no'ng naputulan ng signal ang lugar ay wala na po kaming kahit anong linya for communications." Diretsa niyang pag-amin na siyang naging dahilan kung bakit napatingala ang lalaki sa ibabaw bago sumenyas.

"Negative, hindi sila ang nagpadala ng mensahe sa base. I think there are still survivors hiding beneath this perimeter. Alert all scattered teams inside, Viper. Balitaan mo ang lahat ng team captains." Swabe nitong utos bago muling sumenyas. Ilang saglit pa ay dahan-dahang binaba ng iba pang sundalo sa loob ng helicopter ang isang ladder rope.

"Kids, makinig kayo," umpisa ng lalaking may hawak ng infrared thermometer. "Hindi namin kayo kayang isakay lahat sa chopper dahil hindi rescue copter iyong dala ng team. Isa lang sa inyo ang maisasama namin pabalik sa kampo at kinakailangan niyo pang mag-antay ng ilang minuto bago darating ang helicopter na masasakyan niyong mga matitira."

"You guys have to decide kung sino sa inyo ang sasama sa'min." Matapos niyang ipaliwanag iyon ay nagkatinginan ang magkaklase. Bakas sa kani-kanilang mga mata ang kagustuhang makauwi at maging malaya mula sa lugar na ito, subalit mas nanaig pa rin sa iilang nandito ang pagpapaubaya.

"So... sino sa'tin iyong sasama?" Alanganing tanong ni Corbin saka tinignan ang mga kaklase. Walang ni isa sa kanila ang nakasagot kaya naman ay wala sa wisyong naibalik ng binata ang kaniyang tingin sa lalaki na inaantay din ang kanilang magiging pasya.

"Pres, ikaw na," sagot ni Earlyseven bago sumenyas na lumapit na ito sa lubid. "Pakihanap si Sister Rica para sa'kin at pakisabi na rin na sa kaniya na pauwi na ako." Bilin niya sa dalaga bago sinserong ngumiti.

Halata sa mukha ni Meadow na tutol siya sa naging desisyon ng kaklase. Ayaw niya munang umalis dito sa kagustuhan niyang mahanap si Willow. Hangga't maaari ay ayaw niya pa sanang umalis hangga't hindi siya nakakasiguro na nakabalik na ito. Ngunit sa kabilang banda naman ay kung ipipilit niya pa ring manatili rito ay alam niyang magiging pabigat lamang siya sa grupo.

"Dalhin mo 'to." Sambit ni Yohan bago niya kinuha mula sa kamay ni Mills ang notebook.

"Teka, sigurado ka  bang ipagkakatiwala mo 'to sa'kin?" Gulat na tanong ng dalaga habang  nakatitig sa kwaderno.

"Hanapin mo si Assistant Chief Suarez sa loob at ibigay mo sa kaniya ang SD card," sagot ng kaklase. "Nakasalalay sa memory card na 'yan ang lahat-lahat, Meadow. Ingat ka."

Wala na nga pang nagawa si Meadow kundi ang tanggapin ang bagay at doon niya iyon buong ingat na hinawakan.

"Walang hard feelings dito pres ha. Deserve mong maunang makabalik para mai-share mo sa lahat ang kwento natin. Ang kwento ng Aries." Gatong ni Corbin bago siya tinapik sa balikat.

Natuon din ang atensyon ni Wren sa kaniya at sa halip na tumutol ang dalaga sa naging desisyon ng iilan ay mas pinili na lang din nitong sumang-ayon. Tipid siyang tinanguan ng kaharap bilang tanda ng kaniyang pagpayag kaya hindi na nga siya nagmatigas pa.

"Intayin mo kami sa base, Pres." Sabat pa ni Cody bago giniya ang dalaga palapit sa sundalong nag-aantay.

"Mag-e-expect ako na pagdating namin sa evacuation site, sikat na ang grupo ha." Pabirong singit ni Ryder at kumaway.

Sabay-sabay nilang tinunghayan kung paano umangat sa ere ang kaklase hanggang sa inalalayan na nga ito papasok sa loob ng helicopter. Sumilip itong muli sa kanila  nang wala man lang binibitawang salita. Sapat na ang mata niyang kababakasan ng matinding pag-asa, paniniwala at pagmamahal para suklian ang mga nag-aantay nilang ekspresyon dito sa ibaba.

Sa muling pag-ikot ng chopper ay halos tangayin na ng hangin ang mga gamit nila sa ibaba ngunit nanatiling nakasunod ang kani-kanilang mga mata sa papalayong sasakyan dala ang umuusbong na pag-asa na sa wakas, sa hinahaba-haba ng panahong pakikipagsalapalaran nila rito sa loob ay sa wakas nabigyan na rin sila ng kasiguraduhan na makauwi.

"My hunch was right, all along," usal ni Wren matapos niyang ibaling ang tingin pabalik sa kaniyang monitor. "That those  red speckles ─ aside from those wobbly ones─ which moves cautiously are cops." Pagkumpirma niya sa hinala habang inoobserbahan ang iba pang mga maliliit na pulang bilog na nakakalat sa buong Juanico High.

"Nakakalat sila sa buong school at kung aalis tayo sa rooftop, there's a possibility that we might be save or not. So you guys decide." Singit ni Ledger saka ito tumingin sa kanila.

"Bumaba na lang kaya tayo?" Madaliang tanong ni Corbin bago itinuro ang labasan. Nagnakaw ulit siya ng tingin sa ibaba at nagbabakasakali na may maaninag siya pero muli na naman siyang binigo ng kaniyang mata. Wala sa wisyo siyang napakamot sa kaniyang ulo bago humarap sa mga kaklase.

"Tapos gamitin natin iyong drone ni Ledger para hanapin iyong pwesto ng mg—"

"Corbin!" Nangibabaw sa itaas ang boses ni Yohan nang makita niya kung paano biglaang tumalsik ang katawan ng kaibigan. Dulot ng kaniyang labis na pagkagulat ay hindi niya  na halos mawari pa kung papaano iyon nangyari.

"Ahh!"

Halos ilipad sa ere ang katawan ng binata at sunod na lang namalayan ng lahat na nasalo na ni Mills ang katawan ng kaklase na kamuntik pang humampas sa pader kung hindi lang ito nagawang sagipin  ng dalaga.

Binalot ng ibayong klaseng takot ang sistema ng bawat nandito nang magawang makita kung sino ang lalaking nakatayo sa dulo ng rooftop kung saan nakapwesto kanina si Corbin. Ang pamilyar nitong nang-iintimidang tingin ang siyang nagdulot ng walang kalalagyan nilang pagkabahala. Hindi nila maiwasang nakawan ng tingin ang bagong dating ngunit hindi nga pa ri  ito nagbabago, diretso pa rin ito kung tumindig at punong-puno ng yabang silang tinitigan.
Gumuhit ang kakila-kilabot na ngisi sa labi nito nang makita ang ibayong klaseng gulat na reaksyon na nagmumula sa lahat.

"Grabe, akala ko talaga wala na akong maaabutan dito sa ibabaw," salubong nito sa kanila bago prenteng nag-ayos ng buhok. "Buti na lang at hindi kayo isinakay lahat. Nag-effort pa naman akong akyatin 'tong building." Wika niya bago bumuntong-hininga waring napagod sa ginawa. Hindi pa siya nakuntento at sumandal pa ito sa pader at hinayaan ang malamig na hangin na tangayin ang gulo-gulo niyang buhok.

"Did he just fucking climbed this building?" Gulat na tanong ni Ledger sa katabing si Earlyseven na halatang hindi pa rin nakakabawi mula sa nakita. "This is not good. We have to get ourselves out of here kundi ay mapapatay tayong lahat ni Quincy dito." Bulong pa ng binata bago pasimpleng siniko ang katabi.

Pasimple siyang sumenyas sa kaklase na pindutin ang button sa gawing gilid para bumukas ang System Door. Ilang beses niya pang palihim na binabangga ang balikat ni Earlyseven hanggang sa tuluyan na nga itong napalingon sa kaniya. Nginuso niya kaagad ang pinto na siyang agaran naman nitong nakuha. Akmang iaangat na sana ng kaibigan ang kamay para ilagay ang daliri sa berdeng button pero natigil lang iyon nang bigla na lamang bumaybay sa ere ang isang swiss knife. Diretsong nakatutok ang patalim sa hangin na siyang hindi naglayon ay tumama nga sa ibabaw ng buhok ni Earlyseven.

Ramdam ng binata kung paano nasama sa kutsilyo ang ilang hibla ng kaniyang buhok na siyang naging mitsa kung bakit muli siyang natuod sa kaniyang pwesto. Ang nanginginig niyang ulo ay dahan-dahan niyang inangat para silipin ang kutsilyong bumaon talaga ang halos kalahati sa metal. Hindi niya maiwasang mapalunok lalo na at aminado siyang hindi basta-basta ang metal na ginamit dito ngunit dahil sa pwersang meron sa Quincy ay nagawa nitong maibaon nang malalim ang nasabing patalim.

"Pumayag akong makapasok kayong lahat sa pesteng rooftop na 'to, pero wala sa usapan natin na may darating na rescue team." Kalmadong sabi ni Quincy bago dumukot ulit ng panibagong kutsilyo at doon niya na iyon paglaruan sa kamay.

"Sino ba sa inyo ang nagpapunta ng mga sundalong iyon rito?" Diretsa niyang tanong saka nilibot ang tingin. "Ah gano'n, so walang sasagot?" Waring naiinip niyang dagdag at nang wala pa rin sa kanila ang nagsalita ay doon na siya umayos ng tayo.

Walang pasa-pasabi niyang hinagis ang kutsilyo sa pwesto ni Corbin na ngayon ay kasalukuyan pa ring inaalalayan ni Mills na makatayo.

"Mills!"

"Corbin!"

Hindi magkamayaw sa pagsigaw ang lahat nang makita kung paano muling bumaybay sa ere ang kutsilyo at diretsong  nakatutok sa direksyon ng dalawa. Dulot ng mga natataranta  nilang sigaw ay wala sa wisyong nag-angat ng tingin si Corbin at kahit hindi niya man gaanong maaninag kung ano ang pinagmumulan ng pagmamadaling sigaw ng mga kaklase ngunit nagawa niyang maaninag ang tila maliit na bagay na diretsong bumubulusok sa kaniyang pwesto. Kunot-noo niya pa iyong tinignan at napatigil pa sa pagmamasahe ng kaniyang paa para lang usisahin iyon.

Nang ilang dangkal na lamang ang layo ng kutsilyo mula sa kaniyang noo ay doon na nanlaki ang kaniyang mata.

"Shit!" Dala ng takot at pagkataranta ay wala siyang ibang nagawa kundi ang mariing ipikit ang kaniyang mata at inantay ang dulo ng kutsilyo na tumama diretso sa ulo niya.

Ilang segundo rin siyang nakapikit at bahagya na ring nagtataka kung bakit wala man lang siyang maramdamang sakit. Umandar ang kaniyang pagiging kuryosadong tao kaya pasimple niyang idinilat ang kaliwang mata para silipin kung ano na bang nangyayari. Sunod na lang niyang nakita ang nakahintong kamay ni Mills sa kaniyang gawing harap at nakaipit sa magkabila nitong daliri ang patalim na dapat sana ay para sa kaniya.

"Damn. You never failed to amuse me, Mills," puri ni Quincy sa dalaga bago hangang-hanga tumawa. Hindi pa ito nakuntento bagkus ay sinabayan niya pa ito ng sunod-sunod na pagpalakpak. "Ano ba talagang meron sa'yong putangina ka at bigla ka na lang nagkaroon ng lakas ng loob na makisawsaw sa ganitong labanan, ha? Hindi ka naman ganyan dati ah. Ano bang nakain mo?"

Nang hindi ito sumagot ay doon siya bilib na bilib na umiling.

"Hindi lang iyon. Nakakaya mo pang tapatan iyong lakas ko. Umamin ka nga sa'kin, Mills..." nakataas-noo niyang sabi bago dahan-dahang lumapit. "Sino ka ba talaga?"

Ang tanong na kaniyang binitawan ay ang siyang paulit-ulit na lumalabas sa isip ng dalaga. Aminado si Mills na ilang beses niya na rin itong naitanong sa sarili ngunit mapa-hanggang ngayon ay wala siyang nakukuhang sagot. Bagay na mas lalo niya lang ikinagulo dahil kahit sarili niya, hindi niya man lang kilala.

"Will you please stop messing around and just fucking step your foot away from here?" Usal ni Wren na tuluyan ng naubusan ng pasensya. Plano na sana niyang umalis para puntahan si Willow sa ibaba pero hindi niya na maituloy pa dahil sa biglaang pagdating ng dating kaklase.

"Woah, chill." Natatawang tugon ni Quincy na siyang lihim na ikinapikon ng dalaga.

"You know what, Wren? Sa lahat ng kinagat ko, ikaw lang iyong nag-iisang nanatili pa ring tao. I wonder if you share the same trait as me or—" sandali siyang tumigil bago ngumisi. "—your body wants my teeth to bite you more. I wonder what should I do first, should I lick you or wha—"

"I don't have time dealing with your nasty shits, Quincy. So might as well leave." Maotoridad na sambit ni Wren nang hindi man lang kababakasan ng kahit ano mang takot. Kung darating man sa punto na magkakainitan sa loob ay handa siyang makisawsaw para lang ilayo ang mga kaklase sa panganib nitong dala.

"Damn, the more you become serious the more bewitching you look." Mapagnasa nitong sagot na siyang naging rason kung bakit hindi na nga siya nakapagpigil. Kung kani-kanina lang ay normal pa siya kung tignan, ngayon ay unti-unti na nga siyang  nag-iiba. Dahan-dahang nagpakita ang halimaw niyang pagkatao waring ibinabalandara sa kaharap ang kabilang bahagi ng kaniyang pagkatao.

Kitang-kita ng lahat kung paano rumagasa ang napakaraming itim na ugat sa kaniyang maputing balat. Umangat iyon nang umangat hanggang sa tuluyan na iyong umabot sa kaniyang mukha. Halos dunggulin sila ng kaba nang mawala ang buliga sa kaniyang mata at tanging puti na lamang ang natitira. Tila ba nawala na nga ito sa katinuan at kung susumahin, para na rin itong isang zombie.

Mabilis na sumugod si Wren sa pwesto ng binata na halata ring hindi inaasahan ang biglaan niyang pag-atake. Kaagad na nakadepensa si Quincy nang unang pinuntirya ni Wren ang kaniyang kaliwang mata. Nang tuluyang magsimula ang laban sa kanilang dalawa ay halos hindi na mapakali ang mga nandito dala ng matinding kaba lalo na't sa nakikita nila ay parang walang gustong magpatalo sa nangyayaring labanan.

Kapwa nagpapalitan ng atake ang dalawa at kapansin-pansin ang mga mabibigat nilang pwersa. Bawat galaw, suntok, at sipa ay walang nakaalpas sa mata ni Cody. Inobserbahan niyang maigi kung hanggang saan aabot ang lakas ng magkatunggali. Ramdam niya rin ang bahagyang pagyanig dulot ng kasalukuyang kaganapan na mahahalatang hindi nga matutumbasan ng isang normal na tao ang lakas na nagmumula sa mga kaklase.

"Hindi tayo pwedeng magtagal dito." Rinig niyang sabi ni Yohan na ngayon ay nakatingin sa bawat sulok ng rooftop. Hindi mapigilan ni Cody na ilihis muna ang tingin para tignan ang katabi. Sunod niya lang nakita ang ibang parte ng pader na unti-unting nabibitak at kung magpapatuloy pa iyon ay hindi malabong guguho nga ang gusaling kinalalagyan nila.

"Naloko na." Wala sa wisyo niyang sambit.

"Bibigay ang building sa oras na hindi pa rin sila titigil." Dagdag ng kaklase bago nag-aalalang tumingin sa gawing harap kung saan patuloy pa ring nagpapalitan ng atake ang dalawa. Hindi pa man nakakasagot si Cody pero halos malagutan na siya ng hininga nang makitang pwersahang inihiga ni Quincy sa gawing dulo ng rooftop si Wren. Hawak-hawak ng binata ang leeg ng dalaga na tila ba nagbabalak na itong ihulog sa ibaba.

"Matagal ka ng nagiging sagabal sa mga plano ko, Wren," kahihimigan ng matinding inis ang boses ng binata matapos niya iyong banggitin. "Hindi ko talaga alam kung anong pinakain ni Chloe sa iyo para gano'n ka na lang ka-active na protektahan siya. Sa pagkakaalam ko, bato ka eh. Isa kang naglalakad na bato na walang pakialam sa iba. Pero bakit parang nagbago ka na lang bigla nang dumating ang putanginang iyon, ha? Bakit, ano ba sa'yo ang babaeng iyon? Ano ba si Chloe sa'yo?" Dire-diretsa niyang tanong sa kaharap na ngayon ay blangko pa ring nakatingin sa kaniya.

"There are things that doesn't need a clear explanation especially when I'm facing a brainless walking shit like you." Ganti ni Wren na siyang mas lalo pang nagpa-init ng ulo ni Quincy.

"Alam mo? Sayang ka talaga. Tignan mo oh. Hindi nalalayo iyong katauhan mo sa'kin kaya bakit mas pinili mo pang sumama sa mga 'yan? Sa akin ka dapat kumakampi dahil mas matutulungan pa kita sa pag-develop ng skills mo," pangungumbinsi nito. "Hindi mo ba naiintindihan? Hindi ka na tao, Wren. At 'yang mga putanginang kasama mo rito? Ginawa na lang sila para maging pagkain natin." Ilang sandali pa silang nagsukatan ng tingin hanggang sa nagpasya nga si Wren na sumagot.

"It looks like you are the one who misunderstood the situation, Quincy..." sandaling huminto ang dalaga bago mas nilapit ang mukha sa kaharap waring hinahamon niya ito. "Kahit ilang ulit mo pang ikumpara iyong sarili mo sa'kin, marami tayong pagkakaiba."

"Yes, I fucking carry this zombie like feature," taas-noo niyang sambit. "I fucking drool when I smell flesh and starve the moment I saw blood. May halimaw sa katawan ko, oo. Pero alam mo ba kung ano ang nagpapatunay na isa pa rin akong tao?"

Nang hindi sumagot ang kaklase ay doon siya mapang-asar na ngumisi.

"And that is I never let the monster inside me to own my body. It's my own life with my own rule kaya sino ba 'tong virus na 'to para diktahan ako sa mga bagay na gusto kong gawin? Pinanganak akong tao at mamamatay rin akong tao," mariin niyang sabi bago hinayaan ang daliri na maglakbay sa gawing dibdib ng kaharap. Hininto niya ang kaniyang hintuturo sa bandang puso ng binata na ngayon ay dito rin nakatingin. "That pounding thing inside keeps myself alive. 'Yan ang nagpapaalala sa'kin kung gaano kasarap maging tao, kung gaano kasarap mamuhay bilang ako, and it's a type of feeling that you won't understand."

Akmang tutuluyan na sana ni Quincy si Wren ngunit naramdaman na lang ng binata ang mabigat na kamay na siyang biglaang pumulupot sa kaniyang palapulsuhan. Ilang beses niya pang sinubukang bawiin ang kamay niya pero humigpit lang ito nang humigpit kaya asar siyang lumingon sa likuran para magawang tignan kung sino ang lapastangang pumipigil sa balak niya.

"Kalalaki mong tao tapos papatol ka lang sa babae? Ano ka, bakla?" Salubong ni Mills sa kaniya na siyang nakapagpatiim-bagang sa binata.

Inis na siniko ni Quincy ang dalaga ngunit gano'n na lamang ang pagkaasar niya nang maagap itong nakailag. Padulas na sinipa  ni Mills ang paa ng binata dahilan kung bakit nawalan ito kaagad ng balanse at natumba sa sahig. Nang hindi ito kaagad nakatayo ay kinuha na rin ni Wren ang pagkakataong iyon para makawala at makaganti.

"Catastrophe detected. Catastrophe detected. System door is opening..."

Paulit-ulit na deklara ng automated voice na siyang nagdala ng pagkataranta sa kanilang lahat maliban na lamang sa tatlong nagpapalitan pa rin  ng atake.

"Iyong pinto!" Sigaw ni Ryder at madaliang pinipindot ang button sa gilid para muli iyong magsara ngunit dahil nga sa hindi na nila kontrolado pa ang sitwasyon ay tuluyan nga itong nagbukas.

"You guys knew my rule, right?" Biglaang tanong ni Quincy bago dinura ang dugo na namuo sa kaniyang bibig. Marahan siyang nagpunas ng labi bago nanlilisik na tinignan si Wren.

"That in every game that I'm in, I never accept defeat," sagot niya sa sariling tanong bago tumayo at tumindig na para bang nagmamataas. "Hindi ako ipinanganak para gawing talunan at mas lalong hindi ako ginawa ni Satanas para hayaan ang mga putanginang gaya niyo na patumbahin ako."

"Kaya magpasensiyahan tayo dahil hindi ko ibibigay sa inyo ang huling halakhak." Matapos niyang bitawan ang mga salitang iyon ay mabilis pa siya sa hangin na sumugod sa nakatayong si Wren. Hindi nag-abalang umilag ang dalaga at tila ba binabalak pa yata nitong salubungin ang nangangalaiting atake ng katunggali. Bago pa man siya makabwelo ay mabilis na tumalon si Quincy at nagpaikot-ikot sa ere. Isang hakbang na siyang ikinagulat ni Wren dahil buong akala niya ay siya ang pupuntiryahin nito, ngunit hindi iyon ang nangyari. Sa halip na siya ang atakehin ni Quincy ay mas pinili siya nitong lagpasan at sugurin ang dalagang nakatayo mismo sa kaniyang likuran. Saktong paglapag ng binata sa semento ay doon na niya malayang naibaon ang matalim niyang kutsilyo sa mismong tiyan ni Mills na halatang hindi rin nakapaghanda. Huli na para sa dalaga na hulihin ang kamay ng kaklase dala na rin sa sobrang bilis ng pangyayari.

"Mills!" Muling umalingawngaw ang sigawan nila sa itaas na siyang naging mitsa ng pagiging agresibo ng mga zombies na nagpapaunahan sa pagpasok sa metal na pinto. Hindi magawang maaninag nila Ryder at ni Earlyseven ang nangyayari dahil kapwa sila nakikipagbasag-ulo sa mga halimaw na parami na rin nang parami. Ngunit bunga ng inasal ng mga kasama ay nahalata nila kaagad ang hindi magandang nangyari bagay na mas lalong nagpakaba sa dalawang binata.

Tila naging mabagal ang pagtakbo ng oras para sa kanilang nandito sa itaas nang masaksihan ang nangyari. Kitang-kita nila kung paano napahinto sa paggalaw ang dalaga at dahan-dahan nitong ibinaba ang mata para tignan ang patalim na mas lalo lamang na ibinaon ng kaklase sa mismong tiyan nito.

Hindi nakatakas sa mata ni Quincy kung paano dumaloy sa kaniyang kamay ang malapot na dugo na nagmumula sa kaharap. Gumuhit ang mapaglaro niyang ngisi nang hindi nga ito nakaiwas sa kaniyang biglaang pag-atake.

"Ano ka ngayon?" Tila nang-aasar niyang  banggit sa kaklase na hindi pa rin magawang makabawi. Nanatili pa rin ang mata nito sa sugatang tiyan habang tinitignan ang napakaraming dugo na mabilis na kumalat sa suot na puting blusa.

"Ngayon mo ilabas ang yabang mo, Mills." Dagdag niya pa at muli na namang ginawaran  ng saksak ang dalaga.

"Hayop ka Quincy! Tangina mong hayop ka!" Namamaos na sigaw ni Corbin. Wala itong ibang nagawa kundi ang pagmasdan ang katawan ng kaibigan na tila ba nagiging laruan na lamang ng kaharap. Hindi lang iyon, nahagip pa ng kaniyang tingin kung paano ulit-ulitin ng binata ang pagsaksak sa katawan ng dalaga na ngayon ay hindi na talaga magawang makagalaw pa.

"Putangina, bitawan mo'ko! Papatayin ko 'yang hayop na 'yan! BITAW NA SABI, LEDGER!" Nang hindi pa rin siya nito binibitawan ay doon na siya nanlulumong napaluhod. Bakas sa mukha ni Ledger ang kagustuhang bitawan ang binata, miski siya ay gustong lumapit ngunit ano lang ba ang magagawa niya para labanan si Quincy? Kayang-kaya sila nitong tirisin kung kailan niya man gusto. Kung si Mills nga na hindi niya itatangging kakaiba rin ay nagawa nitong utakan, ano pa kaya siyang pangkaraniwan lang?

Sa halip na magpadala sa emosyon, ay nanatili ang pagiging alerto ni Ledger. Kanina niya pa inoobserbahan ang reaksyon ni Yohan at kataka-takang hindi man lang ito kababakasan ng kahit anong kaba o pag-aalala para sa dalagang hawak pa rin ng kaklase, bagay na mas lalo niyang ikinagulo. Alam niya kung gaano kalapit ang loob ng dalawa sa isa't-isa kaya bakit parang hindi man lang kakikitaan ng interes si Yohan na lapitan ang kaibigan? Ni kahit saang anggulo tignan ay para bang nag-aabang lang ito sa susunod na mangyayari. Agarang nangunot ang kaniyang noo nang tila hindi man lang ito kakikitaan ng takot gayong nasa bingit ng kamatayan ang nag-iisa nitong kababata.

"Wren, huwag!" Mas lalong hindi maipinta ang mukha niya nang pati si Wren ay nagpaplano na ring umatake kay Mills. Hindi niya magawang maintindihan kung ano ba ang nagtulak nito para sunggaban ang kanilang kaklase na nananatili pa ring tuod.

Samantala, akmang magbabalak na sana si Cody na lumapit ngunit hindi na iyon natuloy pa nang iharang ni Yohan ang kaniyang kamay. Bumakas ang matinding pagtutol sa mukha nito nang pigilan siya ng katabi. Nagbalak siyang magpumiglas ngunit mas lalo lamang na humigpit ang pagkakahawak ng kaklase sa kaniya. Rason kung bakit naaasar niya itong nilingon.

"Mag-antay ka lang, Cody." Mahinahong tugon ng kaibigan na siyang labis na nakapagpakunot ng kaniyang noo.

"Mag-antay?" Hindi niya makapaniwalang ulit. "Mag-antay ng ano? Ng kamatayan ni Mills?"

Nang hindi siya nito sinagot ay doon niya tiim-bagang na inalis ang kamay ng kaklase sa kaniya.

"Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isip mo, Yohan pero hindi ko na kayang mag-antay dito sa gilid. Hindi kinakaya ng konsensiya ko na wala akong ibang gagawin kundi ang panoorin ang mga kaklase natin na nagpapatayan," mariin niyang sabi na siyang naging rason kung bakit nilingon siya ng kausap. "May tiwala ako sa'yo, Yo. Alam mo 'yan. Alam kong alam mo 'yan. Pero hindi sa puntong 'to, hindi sa pagkakataong 'to."

Bago pa man maihakbang ni Cody ang kaniyang paa para sana lumapit ngunit agarang nahagip ng kaniyang tingin kung paano biglaang iniangat ni Mills ang kaniyang kaliwang kamay. Doon nito hinuli ang papalapit na kamay ni Wren na tila ba nagpaplano itong kalmutin ang dalaga. Mabilis nitong pinilipit ang braso ng kaklase saka bumwelo para sikuhin ito. Sa lakas ng pwersahang nilaan ni Mills dito ay halos tangayin ng hangin ang katawan ni Wren hanggang sa bumangga iyon sa semento. Hindi nakaalpas sa paningin  ni Cody kung paano nadurog ang pader kaya naman ay nagkaroon iyon ng tipak at kamuntik pang mahulog si Wren doon ngunit hindi naglayon ay nakakapit din.

Sa kabilang banda ay hindi nakagalaw si Quincy mula sa kaniyang kinatatayuan nang tuluyang nag-angat ng tingin si Mills. Hindi kababakasan  ng pagbabago ang itsura nito kaya hindi niya lubos mawari kung papaanong nabuhay pa rin ang katunggali sa kabila ng mahigit benteng saksak na pinakawalan.

"Paanong nabuhay ka p—"

"Tanggapin mo na lang kasi na ipinanganak na ang taong tatalo sa'yong gago ka." Salubong nito sa kaniya at hindi man lang siya binigyan ng pagkakataong makadepensa, bagkus ay agarang dumapo ang suntok nito diretso sa kaniyang ilong na siyang naging rason kung bakit bumagsak at gumulong ang katawan niya sa ibaba. Sa ikalawang pagkakataon ay nagawa siyang patumbahin ni Mills at hindi siya tanga para hindi mapansin ang tila nag-uumapaw nitong lakas. Tila ba mas  naging doble o triple ito kaysa kanina.

"Umalis ka na, Quincy," mahinahon nitong utos nang hindi man lang inaalis sa kaniya ang tingin. "Tama na, itigil mo na 'to."

Hindi nakaimik ang binata at miski ang tumayo mula sa pagkakabagsak ay hindi niya man lang ginawa. Nanatili siyang  nakatingin sa kaharap na diretso pa ring  nakatayo at hindi man lang nanghina, ni kahit ano mang senyales ng pamumutla ay hindi niya man lang makita. Muli siyang napatitig sa mata nitong kalmado ngunit nagbabanta, hindi niya mapigilang makaramdam ng inis lalo na at nakakaramdam siya ng hindi katangi-tanging awra mula rito.

Asar siyang bumuga ng hangin bago itinuon ang pansin sa papalapit na chopper. Patungo ang direksyon nito sa rooftop na halatang ang mga kaklase niya ang pakay. Akmang kikilos na sana siya pero sumalubong sa kaniyang mukha ang kaparehong kutsilyo na ginamit niya sa dalaga. Itinutok ni Mills ang patalim diretso sa kaniyang noo bilang tanda ng pagpapahinto.

"Bakit hindi mo kaya ituloy?" Hamon niya at lakas-loob pang nilapit ang noo sa dulo ng kutsilyo waring inaanyayahan ang kaharap na ibaon iyon.

"Dahil hindi ako gaya mo," pauna nitong sambit. "Hindi ako mamamatay tao." Kalmado nitong dugtong bagay na ikinatiim-bagang niya.

"Sige lang, magsaya muna kayo," tila nagbabanta niyang sambit. "Hindi ko pa kayo mapapatay sa ngayon pero sinisigurado ko na walang ni isa sa inyo ang makakaligtas sa mismong  gabing ito." Huli niyang sabi saka mabilisang tinabig ang kamay ni Mills dahilan kung bakit nabitawan nito ang kutsilyo.

Agarang tumayo si Quincy at tinakbo ang pinakadulo ng rooftop. Bago niya pa man binaling ang atensyon sa itaas ay itinuon niya muna ang mata sa dalagang kasalukuyang nakakapit sa nagkabitak-bitak na semento. Mapanudyo niyang tinitigan si Wren na malapit nang makaakyat ngunit bago pa man ito tuluyang makasampa ay agaran  niyang sinipa ang ulo nito dahilan kung bakit napabitaw ito sa mula sa pagkakakapit at nahulog paibaba. 

"Wren!"

Buong akala ng lahat ay iyon lang ang plano ng binata ngunit nagkamali sila sa kanilang hula. Dahil sa halip na tumalon din ito paibaba ay mas pinili pa nitong salubungin ang papalapit na helicopter.  Saktong paggilid ng helo para sana maiwasan ang binata ay ang  siya namang  pagdapo ng kamay ni Quincy sa tail cone ng copter. Pwersahan siyang gumalaw-galaw para mawalan iyon ng balanse at hindi man lang siya nakaramdam ng kahit katiting na takot nang magsimulang gumewang-gewang ang chopper sa ere. Sa huling pag-ikot ng sasakyan ay aksidente namang tumama ang proppeler sa tower 'di kalayuan ang pwesto sa rooftop kaya naman ay agaran iyong  natumba at nasama pa ang iilang kable ng kuryente sa pagbagsak ng sasakyan.

"Oh, shit. Pull out!" Sigaw ng piloto at doon na minadaling kalikutin ang kontrol ng copter ngunit huli na para sa kanila ang lahat. Tuluyan na nga silang nawalan ng kontrol dito na siyang naging sanhi kung bakit bumulusok ang helo patungong rooftop.

Nakasunod ang mata ng lahat sa umuusok at nagliliyab na helicopter. Tila ba hindi pa pumapasok sa kani-kanilang utak ang tumakbo o umiwas man lang.

Nang malayang lumapat sa semento ang helo ay doon na nga nangyari ang nakakakilabot na pagsabog sa ibabaw ng rooftop. Ang nakakapanindig balahibo nitong pagyanig ang siyang naging dahilan kung bakit tuluyang gumuho ang pinakamataas na gusali sa buong Juanico High.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top