Chapter 9 : Bihisan Mo Ako
Victoria
Nagbukas ang pinto at isang babaeng nasa 30 na ang edad ang pumasok. Nakasuot ito ng dilaw na tunic at boots, nag-uumapaw sa kumpiyansa at kisig.
"Sebastian, honey, it's been so long," she cooed.
Bineso ito ng binata. "Hello, Deb," anito. "You look as breathtaking as ever."
"Ikaw rin naman, darling." May paghanga nitong hinagod ng tingin mula ulo hanggang paa ang binata. Saka ito bumaling sa akin na nakangiti. "At ikaw si Victoria."
"Uh...yes," I said. Inisip ko kung napansin nito kung gaano ako kakabado.
"Ms. Slade has decided she would leave everything to you," said Sebastian. "Buong buo niyang ibinibigay ang sarili sa iyong mga kamay."
"Let me take a look at you, honey," sabi ni Deborah sa akin habang iniikutan ako bilang pagtasa. Nanatili akong nakapako sa kinatatayuan, pigil na pigil sa pagtakbo palayo. "Hmmm...ganda ng buhok. Gustong gusto ko talaga trabahuhin ang mga redhead. At maganda ang hubog mo. I don't believe we'll have any problems finding you a few things for work."
"Salamat," sabi ko. "I mean, mabuti naman. I think." Great, now I was babbling.
"Upo ka, hon. Sebastian, make yourself comfortable. Magpapakuha ba ako ng kape?"
"Okay," I said.
"Baka hindi kape." Naupo si Sebastian sa higanteng leather chair doon. "How about some white wine?"
"Of course," said Deborah. "Champagne, perhaps?"
"That would be perfect, thank you," Sebastian replied.
"Okay lang naman sa akin ang kape," bulong ko sa binata nang iwan kami ni Deborah. Naupo ako sa puting sofa. I hoped I didn't have any food stains on my clothes.
"Kape na ang isini-serve mo maghapon," sabi nito. "Hindi ka ba nagsasawa?"
"Eh...oo pero masyado naman yata ang champagne—"
"Deborah will serve us a goat's head on a platter if I ask for it," Sebastian cut in.
Hindi ko napigilan. The sight of the beautiful and polished Deborah carrying in an enormous tray with an animal's head on it made me giggle.
"Isa pa, mukhang kailangan mo ng alak," dagdag nito. "Dapat mapag-aralan mong tanggapin ang magagandang bagay na iniaalok sa iyo ng ibang tao."
"Isa lang akong tutor, Mr. Chase," sabi ko. "Kapag inalok ako ng champagne para lang bumili ng ilang damit, pakiramdam ko isa akong impostor."
"Well," he said, resting his elbow on the arm rest and leaning his forehead on the knuckles of his fingers. Inihilig nito ang ulo sa kanan at pinagmasdan ako nang may pagkaaliw. "Palagay ko higit sa iilang piraso ng damit ang mayroon para sa iyo."
"Ay, susme," naibulalas ko. Nanlaki ang mga mata ko sa tulak tulak ni Deborah na clothes rack. Lahat mukhang mamahalin. At mas mabango pa kaysa sa akin.
"Ibig niyang sabihin magaganda ang dala mo, salamat," ani Sebastian.
"Oh, no," I said. Inisip kaya nitong ayaw ko sa mga damit? "I'm sorry. It's just that..."
"Halika, sweetie." Kinuha ni Deborah ang kamay ko at tinulungan akong tumayo mula sa sofa. "Ipinagkakatiwala mo ang sarili mo sa akin, 'di ba? 'Wag ka na mag-isip pa. Magsukat ka lang. Narito lang ako kung kailangan mo magpatulong sa zipper."
Tinapunan ko ng tingin si Sebastian habang inaakay ako ni Deborah patungong fitting room. Walang kahit anong mababasa sa mukha nito bagkus, itinaas lang nito ang baso ng alak.
"'Di ko naman binanggit sa iyo kung ano'ng size ko," sabi ko rito.
Iwinagayway lang ni Deborah ang kamay. "Honey, I do this for a living. Heto. Ito ang una mong isukat." Iniabot nito sa akin ang isang puting suit na may pulang palamuti.
It fit perfectly. I buttoned up the jacket and stepped out to Deborah's critical appraisal.
"Bagay na bagay iyan para sa mga PTA meeting, palagay mo?" sabi nito. Saka ito nag-abot ng gray na pantalon at dark blue na pang-itaas. "Ito. Mas komportableng damit kapag nagre-review kayo ni Benson."
"Kailangan ko ba ipakita kay Mr. Chase 'yung mga napili ko?"
"Honey, hindi ito Pretty Woman." Pilyang ngumiti si Deborah. "O hindi nga ba?"
"Oh no! I mean, hindi naman kami..." Nag-init ang mukha ko. "Naisip ko lang na dahil siya naman ang magbabayad..."
"Ni hindi pa ito aabot na barya sa black card niya, sweetie." Sinigurado iyon ni Deborah sa akin. "You're obviously a nice girl who wants to be considerate, so what you need to do is not dilly-dally around worrying about money, because what Sebastian is really losing here is time."
"Time?"
"Naisip mo ba gaano karami ang ikinakalugi niya sa ilang oras na ipagpaliban niya during a workday para lang samahan ka mamili ng damit?" Nanlaki ang mga mata ko. Saka ito nagpatuloy. "'Wag mo nang alalahanin. Gusto niya itong gawin. Kung matagal mo na siyang nakikilala, malalaman mo na siya tipo ng lalaking gagawin ang gusto niya para sa sarili niyang kadahilanan."
Habang isinusukat ko ang blue blouse at slacks, inisip ko kung ano'ng maaaring kadahilanan iyon. Pinaglalaruan ba ako ni Sebastian. Ganoon ba ako kahambal hambal na inako nitong pakitaan ako ng habag? O baka naman mahalaga lang na magmukha akong karespe-respetong tutor ng anak nito na kailangan pa ako nitong kaladkarin palabas ng trabaho ko at dalhin ako sa Barneys para makasigurong tama ang pananamit ko lalo habang naroon ako sa pamamahay nito?
I felt dejected, even as Deborah's face lit up in approval when she saw me. "Napakaganda," bulalas nito. "Do you always wear neutrals, honey? Bagay iyon sa kulay mo pero bonggang bongga ang jewel tones sa iyo."
"Salamat." Dapat sana mas maipakita at maiparamdam ko ang excitement ko sa pagkakaroon ng bago at mas magagandang wardrobe pero para akong biglang naupos na kandila.
"Ano'ng problema? Hala, naku, may nasabi ba ako tungkol kay Sebastian?"
"Ah, h-hindi. I mean—"
"'Wag mo masyado pagtuunan ng pansin," sabi nito habang muling naghahanap ng isusukat ko. "He thinks this is important, so you should trust him. At may tiwala akong hindi niya gagawin ito kung hindi ka karapat-dapat."
"Karapat-dapat?"
"Kapag may nakitang potential si Sebastian sa isang tao, sinisikap niyang tulungan ito para maabot ang kung ano'ng gusto ng mga ito para sa sarili. Ganoon lang siya talaga."
"So I'm a project," I said.
"You're an investment," pagtatama ni Deborah sa akin. "If a smart businessman like him sees value in you, that means something." Inabutan ako nito ng puting sleeveless cashmere na pang-itaas. "So enough with the long face and go try this on."
"Suitable," sabi ni Deborah makalipas ang ilang minuto habang sinisipat ang suot kong dark violet jersey dress.
Aaminin ko, gustong gusto ko itong damit. Gawa ito sa malambot na tela at nakahulma sa bawat kurba ng katawan ko na hindi ako naaasiwa. Ang hindi komportable para sa akin ay ang ipinasuot ni Deborah na lace thong at kaparis na bra.
"Honey, walang mali sa suot mong underwear," nagpaliwanag ito nang tutulan ko isukat ang thong. "But you can't wear anything with visible seams under that dress, you'll ruin it."
"Pero nagsusukat lang naman ako," umiiling na tutol ko nang iharap sa akin ni Deborah ang isang itim na kahon kung saan nakalagay ang maninipis na pang-ilalim. "It's not like I'm going anywhere in it right now."
"May thongs ka ba na pwede mo isuot diyan sa damit?"
"Wala," amin ko. Maganda pero praktikal lahat ng underwear ko. Hindi pa ako nakapagsuot ng thong sa tanang buhay ko.
"Kaya kunin mo na nga ito."
Pumayag ako kasabay ng mabigat na buntong-hininga. Okay lang 'yung bra. Pero malayo sa komportable ang pakiramdam ng thong. It took all my self-control to not fidget with it.
However, now that I had put on the dress, I could appreciate how the uncomfortable underwear made the dress look better on me.
Nang tumango sa pagsang-ayon si Deborah, inabutan naman ako ng kahon ng sapatos. "Isukat mo ito."
Isang pares ng black suede flats. "Hindi ka nagsusuot ng heels, ano?" tanong ni Deborah.
"Minsan lang," sagot ko. "Kapag gumigimik, alam mo? Pero nao-off ang mga boys kapag kasintangako mo sila." I smiled ruefully.
"Aba, dapat matatangkad lang ang ide-date mo. O 'yung mga matataas talaga ang kumpiyansa sa sarili," sabi ni Deborah. "Ikot ka."
Sebastian is tall. And confident.
Umiling ako para palisin ang itinatakbo ng isip – patungo sa boss ko. I could almost believe that the astute Deborah could read my mind.
Sinunod ko ang utos niya. I felt a slight tug behind me and heard the sound of a pair of scissors as Deborah snipped off the price tags.
"Halika na. Ilang oras na rin naghihintay si Sebastian," sabi nito. "I'll have the new clothes sent to your place, and the ones you were wearing when you came in."
Sebastian
Kausap ko sa telepono ang VP for Marketing at eksaktong tinapos ko ang tawag, bumalik sa silid si Deborah. Nakabuntot dito si Veronica, suot ang isang dark violet dress at isang mukhang hiyang hiya.
Mahirap pigilan tumitig. Hinayaan kong hagurin ito ng sulyap bago ko ibinaling sa pader ang mga mata. "That's all right," kunwaring may kausap pa rin ako sa telepono. "Ipadala mo na lang first thing in the morning." Minsan pa, kunwaring tinapos ko ang tawag ng kausap ko.
"I hope you didn't miss us too much, honey," said Deborah. "Pasensiya na kung pinaghintay ka namin."
"Okay lang, Deborah," sabi ko bago ibulsa ang telepono. I kept my expression neutral as I looked at Victoria, trying to keep my eyes on hers instead of wandering downward to the curves of her breasts and hips in the soft clingy dress. "Kumusta ang root canal, Ms. Slade?"
"Hindi naman masama," sagot nito. "Pasensiya na talaga ang tagal namin." Magkadaop ang mga kamay nito sa harapan nito na tila ba pinipigil nitong kumawala ang mga iyon.
"It's all right. Tayo na?"
Tumango si Victoria at kinuha ang bag.
I did not, of course, expect the savvy stylist to dress my son's tutor in oversized shirts, but nothing prepared me for how stunning Victoria looked when she came back from the fitting. Hindi ako makapaniwala na nagpanggap akong may kausap pa para lang kalmahin ang sarili pagkatapos magulantang.
"Thank you, Mr. Chase," sabi ni Victoria habang paalis na kami sakay ng kotse ko. "I really do appreciate this. Pasensiya na talaga kailangan mo pa akong kaladkarin papunta rito."
"Kung hindi lang sana matigas ang ulo mo, hindi ko gagawin," sabi ko rito.
Medyo marahas ang pagkakasabi ko at agad kong pinagsisihan ang sinabi ko nang makita ko ang pagbabago ng ekspresyon sa mukha nito. Iyong pagkakayuko nito matapos kong magsalita – daig ko pa ang sinigawan ito.
I'm sorry, gusto kong sabihin. Baka dahil buong buhay ko hindi ko kinailangang humingi ng tawad para sa kahit ano, hindi ko mabigkas.
Lumunok ako, pilit pinahuhupa ang 'di inaasahang kirot sa gitna ng dibdib ko. At dahil wala na akong maisip na sabihin, hinayaan ko na lang ang katahimikang balutin kami.
Baka mas mabuti na rin na ganito, naisip ko. I was thinking about her too much. Umalis ako sa trabaho para lang makita itong naka-dress. Mas mabuti sa amin pareho kung maglalagay ako ng pagitan sa amin. Well, better for me, at least.
Once I had strengthened my resolve, I allowed myself one glance at her.
Nakatanghod sa labas ng bintana si Victoria, nakapatong ang mga kamay sa bag na nasa kandungan nito. Walang bakas sa mukha ng dalaga.
Damn it.
Gumawa ako ng desisyong sana hindi ko pagsisihan.
_______________________________
Translation by Edith Joaquin
Chapter 9 — Coming soon!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top