dalawa

Geogi neo I fancy you
Amuna wonhaji anha
Hey, I love you (love ya!)

Makakatulog na siya nang biglang lumakas ang volume ng pinapatugtog niya. Pagtingin niya sa orasan ay alas-tres y media na pala ng hapon. Hindi na niya napuntahan ang klase niya dapat sa grade 8.

Buti nalang ay pinuntahan ito ni Jerome para mag-substitute at binigyan ng gawain ang mga bata.

Sa pag-angat ng kaniyang ulo ay napansin niyang may nakalagay na kape sa kaniyang lamesang tinutulugan.

Inom ka ng kape, hanggang alas otso ka pa. -J

'Yan ang nakasulat sa sticky note na nakadikit sa cup. Kumunot ang noo niya, bakit naman siya bibigyan ng kape? Ni ilang beses niya na nga pinakita na hindi niya gusto ang binibigay ni Jerome sa kaniya. Hinayaan niya nalang ito at ininom ang nasabing inumin. Sayang naman, libre, e.

Pero wala itong epekto, mas lalo lamang naging tamad sa eskwelahan si Amihan. Para lang malabanan ang pagkabagot, ay nanood na lamang siya ng mga videos sa TikTok.

Sa paglipas ng kinse minutos ay wala pa ring nangyayari sa kaniya. Nagtanong-tanong siya sa mga ka-faculty kung may klase na walang nagbabantay sa kanila.

Nang nalaman niyang walang klase ang isang section sa grade 9, agad niya itong pinuntahan. Buti na lamang ay may ppt ang isang grade 9 teacher at ipinasa ito sa kaniya.

Pumunta siya sa section ng N. Abelardo, maiingay ang mga ito. Nakita siya ng isang lalaki mula dito at agad pinaupo ang mga kaklase.

"Ma'am! Wala si ser?" Tanong ng presidente nito na nakataas pa ang paa sa isang arm chair.

Tumango siya at hiniram ang remote para maisaayos na ang PowerPoint na iko-connect sa TV. Habang inaayos niya ang mga gagamitin para sa lesson ay kinukumusta nila ito, kung ano ang nangyari sa teacher nila at bakit siya ang pumalit.

Magaan ang loob niya sa mga ito, sumasagot sa mga recitations at nagtatanong kapag hindi nila maintindihan ang mga terms at formulas (Economics ang saklaw ng Araling Panlipunan ng grade 9)

Lumapit sa kaniya ang nakita niyang lalaki kanina, "ma'am, di ko po sure kung tama po 'tong ginawa ko. Pwede niyo po bang tignan?"

Malugod niyang tinanggap ang papel at sinuri 'to. "Alam mo ba kung ano ang mali dito?"

Nanlaki ang mata ng bata, "a-ano po?"

"Walang pangalan 'to, hahaha! Lagyan mo na baka mailagay ko pa diyan, kapre," biro pa ni Amihan na ikinatawa naman ng estudyante niya.

Natapos ang kanilang klase at nag-recess na ang mga bata. Malakas pa rin ang ulan at mukhang mai-stranded siya mamaya sa pag-uwi.

Sa pagpatak ng alas singko ay wala pa rin siyang magawa, nanood na lang siya ng pelikula sa laptop niya.

Alas siyete nang matapos niya ang pinapanood, napansin niyang nakatitig si Jerome sa kaniya. Hindi niya na lang ito pinansin at baka nagkamali lang siya ng isip.

Ngunit hindi.

Tinignan niya ulit si Jerome at nakatitig pa rin ito sa kaniya. Pinulot niya ang isang papel at nilukot ito, pagkatapos ay ibinato ito sa mukha ng binata at sinabing, "kung makatitig ka, akala mo may utang ako sa'yo."

Nang tumunog ang bell ay niligpit niya ang kaniyang mga gamit. Nagsuot na rin siya ng face mask para hindi makalanghap ng alikabok para atakihin ng asthma.

Malakas pa rin ang ulan, paano kaya siya makakauwi nito? Sa Manggahan pa ang uuwian niya, at panigurado siyang uunahan siya ng mga estudyante sa pagsakay sa mga jeep.

Hay nako, Amihan... alas onse ka na naman makakauwi..

Sinubukan niyang hanapin ang payong sa bag niya, at sa kinarami-raming pwedeng maiwan sa bahay ay ang payong pa.

Napadabog siya sa inis at wala ng choice kung hindi lumusob sa ulan na jacket lamang ang panangdong sa ulo.

Naglakad siya hanggang sa tapat ng Jollibee, naguunahan ang mga estudyante at trabahador sa pagsakay sa mga jeep. Ang iba pa ay napipilitan pang sumabit na lamang para makauwi ng maaga.

"Pati ba naman sa jeep? Diyos ko.. wala na ako masakyan!"

Hindi na rin siya makasilong sa kalapit na baratilyuhan, marami na kasing tao at nagsisiksikan pa.

Nilingon-lingon niya ang kalsada, nagbabakasaling makakita ng jeep na walang pasahero at makasakay.

Wala pa rin.

Naramdaman niya ring nagba-vibrate ang cellphone niya, panigurado siyang pinsan niya iyon na naghihintay ng text sa kaniya kung nasaan na siya.

Nang akmang kukunin niya na ito ay may isang van na huminto sa harap niya.

MAMA KIDNAPPER!

Tatakbo na sana siya nang biglang bumukas ang pintuan nito, animo'y silhouette ang nakasakay dito dahil sa sobrang dilim.

"Sumakay ka na," saad ng isang boses at walang alinglangang sinunod ito.

Pagkapasok niya ay nakaramdam siya ng lamig, napayakap sa kaniyang sarili ang dalaga. Binuksan ng katabi niya ang ilaw at nagulat sa kaniyang nakita.

"Me-mayor! Pa-pasensya na po, hindi ko po alam ba kayo ang nagpasakay. Bababa na po ako," nahihiyang sabi nito, akmang bubuksan niya na ang pintuan ng van ngunit pinigilan siya sa pamamagitan ng paghawak sa braso niya.

Parang umakyat ang lahat ng dugo niya papunta sa mga pisngi. Bakit siya nagkakaganito? "Huwag ka nang bumaba, ang lakas lakas ng ulan. San ka ba umuuwi? Ihahatid na kita."

"Nakakahiya naman po," tugon niya.

Umiling-iling si Vico, "ikaw 'yung teacher kanina sa San Joaquin, 'di ba?"

"Opo," wala sa sariling pagsagot niya.

"San ka umuuwi?"

"Sa Manggahan po."

"Kuya, idiretso mo na sa Manggahan, mamaya na tayo tumuloy sa city hall."

Tahimik lang ang buong biyahe nila. Sinalpak niya ang earphones sa kaniyang tenga at hinayaang tangayin ng musika ang kaniyang isipan.

Habang ang kasama naman niya ay busy sa pagii-scroll sa twitter, nagbabakasakaling may makitang balita ukol sa nangyayari ngayon.

Mahigit dalawang oras sila sa biyahe dahil sa lakas ng ulan at traffic. Buti na lang at may alam na shortcut-an ang driver para makarating kaagad sa destinasyon.

"Kuya, dito na lang po," saad ni Amihan at hinto naman ng van. "Mayor, maraming salamat po."

Nilapag ni Vico ang cellphone niya at tinanggal ang suot na jacket, pinatong niya ito sa balikat ni Amihan. "Walang anuman, ito, payong. Magi-ingat ka," mahinang sabi nito.

Pinagbuksan siya ng pintuan ng driver at bumaba. Nagba-bye si Amihan sa kanila at ganun rin sila. Bumaba siya at sumilong sa puno.

Umalis ang van at pinagmasdan ang unti-unting pagkawala nito sa kaniyang paningin.

"AMIHAN! LINTIK KANG BATA KA! DI MO SINASAGOT TAWAG KO!"

Natawa siya, iyon ang kaniyang pinsan. "Bro, chill. May naghatid sa akin," sabi nito at pumasok sa bahay. "At sino naman naghatid sa'yo, aber?"

"Secret!" Sagot nito at inihagis ang jacket na basang basa sa ulan at dumiretso sa kaniyang kwarto.

***

"Batang 'to talaga! Sino ba naghatid sa'yo kanina at kilig na kilig ka?" Tanong ng pinsan niya na nasa kusina habang naghahanda ng hapunan.

Kumukulo na ang tubig mula sa kaldero at nilagay niya ang noodles dito. Lumabas si Amihan habang pinapatuyo ang kaniyang buhok.

"Hindi naman ako kinikilig, unusual lang na may naghatid sa akin," tugon ni Amihan. Isinala niya ang instant noodles sa strainer at nilagay ito sa mangkok na may condiments.

Pumamewang ang kaniyang pinsan, "sino? si sir Jerome naghatid sa'yo?" Natawa ang dalaga.

"Achilles, walang sasakyan si Jerome. At isa pa, nagko-commute lang siya. Bakit niya naman ako ihahatid? Sa Marikina pa inuuwian non."

Nagkibit-balikat si Achilles at napaisip muli, "malay mo, nanghiram ng sasakyan sa school niyo!"

"Hindi rin siya makakahiram, puro L300 kaya sasakyan sa San Joaquin!"

Nang matapos magluto si Achilles, naghapag naman si Amihan ng mga plato at iba pang kubyertos. Hindi pa rin tumitigil ang ulan at sigurado siyang magsu-suspend bukas.

Matapos ang kanilang pagkain, si Achilles na ang nagpresinta na maghugas ng pinggan, nagbiro pa ito na napagod siya sa kakatingin kay Jerome.

Alas dose na ng madaling araw, tumila na ang ulan. Sumilip si Amihan sa bintana, baka kasi binabaha ba sa kanila ng hindi nila alam. Buti na lamang ay hindi.

Nakauwi na kaya siya?

"Erase! Erase!" Pagsubsob nito sa mukha sa isang stuffed toy. Bakit niya ba iniisip ang mayor? Nagmagandang loob lang naman ito dahil sa wala na siyang masakyan.

Binuksan niya ang cellphone niya, 'di maiwasang mapangiti ni Amihan dahil sa wallpaper niya. Pero kapansing-pansin na may notification siya sa Twitter.

Tinignan niya iyon, nanlaki ang mata niya sa nakita.

Vico Sotto followed you.

Seryoso ba 'to? Paano niya nahanap ang twitter account niya? Hindi naman dikit sa pangalan niya ang kaniyang username para ganoon kadali mahanap.

Alam niya na! Sumilip siya kanina at panay type nito sa search results, hindi pala siya naghahanap ng balita! Hinahanap niya ang twitter username niya para ma-follow siya.

Ilang beses niyang ni-refresh ang feed niya, nagbabakasakaling mag-message o 'di kaya i-like ang isa sa mga tweet niya.

Pero bigo siya.

Ping!

Dali-dali niyang pinindot ang icon ng notification. Para siyang nabunutan ng tinik sa lalamunan nang akala niya ang mayor nag-like sa mga tweets niya.

Si Jerome lang pala.

Hindi niya alam kung kailan ito nagsimula, siguro noong pasukan? Bagong teacher lang si Amihan noon sa San Joaquin, walang kaalam-alam tungkol sa eskwelahan at sa mga estudyante nito.

Buti na lamang ay tinulungan siya ni Jerome, mula sa kasaysayan ng pagpapatayo nito, mga halalan ng SSG, mga napagtagumpayan ng The Joaquinians' Post, at iba pa.

Naging mabuting magkaibigan sila at hanggang doon lang iyon, para kay Amihan. Hindi niya mawari kung may iba pang nararamdaman ang katrabaho o pinagti-trip-an lang ba siya.

Ni minsan ay hindi niya inisip na liligawan siya nito, dahil nung teacher's day ay nagbigay ito ng chocolates sa kaniya. "Wala pa namang valentines, a?" Tanong niya pero hindi siya sinagot.

Kung si Amihan lang ang tatanungin, walang pag-asa si Jerome sa kaniya. Bukod sa mas matangkad ang dalaga, wala pa sa isip niya ang pagno-nobyo. Mas iniintindi niya ang mga students niya na malapit na mag-moving up.

Ni-refresh niya ulit ang feed, bumungad ang tweet ni Vico na nagsasaad na walang pasok dahil sa pinsalang natamo ng Pasig galing sa ulan. Panigurado siya pati ang pinagtatatrabahuang eskwelahan ay maputik.

Binasa niya ang mga comments, halos lahat ay galing sa mga estudyante na pinupuri siya dahil sa maagang pagsuspend nito.

Mga tamad...

At may iilan na tinatawag na "baby mayor" si Vico.

Mukha ba siyang sanggol? Pwede rin...

Akmang magko-comment na siya ay mag-vibrate ang cellphone niya. May message sa twitter niya.

@VicoSotto

Ayos ka na? Huwag kang magpupuyat, matindi pagkabasa mo sa ulan.

Namula na naman ang kaniyang pisngi at muling sinubsob ang mukha sa mas makakapal na unan na malapit sa kaniya.

"Oy, Amihan! Matulog ka na!"

Hindi niya napansin na napatili na siya dahilan para magreklamo si Achilles.

Pero bakit siya nagkakaganito? Hindi naman siya ganito noon. Bahala na, sabi niya sa kaniyang sarili.

Makatulog na nga!


[mula sa may akda: maraming salamat po ate JoanaJoaquin sa book cover!]

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top