Macario Sákay

Macario Sákay

2,596 31 1

Minarapat niya na makipaglaban at makipagsapalaran sa loob ng ilang taon laban sa mga Imperyalista kahit na ang kapalit nito'y ang pagturing sa kanya ng mga ito bilang tulisan.Hanggang sa kahuli-hulihang sandali ay kinabanaagan ang bayaning ito na labis na pagmamahal sa bayan kahit na ito'y nagtutulay na para sa kanyang KAMATAYAN.(Ang pabalat: Larawan mula sa The Perfect Grey Wedding Photography sa kaganapang teatro, "Macario Sákay: Kilabot ng Sierra Madre" mula sa Unibersidad ng Pilipinas-Los Baños; inedit ng inyong lingkod)…

Sa Alaala Ni Macario Sákay

Sa Alaala Ni Macario Sákay

3,053 57 7

Isa si Gat Macario Sákay sa mga tunay na Katipunero sa ilalim ng pamumuno ni Gat Andres Bonifacio, isa sa mga lumaban sa mga Kastila at Amerikano, isa sa mga bayani ng ating bansa, isa din sa mga bayaning nilimot ng ilan, at isa sa mga "itinuring na tulisan o bandido at taksil sa bayan" na ipinalandakan ng mga Amerikano, mga "tuta" ng Kanô at kung sinu-sino pa.Ngunit sa paglipas ng mga panahon, may mga taong nagsulputan, o anumang pagpupugay upang isalaysay ang tunay na adhikain at pakikibaka ng tinaguriang Huling Mandirigma Ng Katipunan na si Gat Macario Sákay. Mapa-pahayagan man, sa mga aklat, pagtatanghal o anomang talakayan, at iba pang pamamaraan ng pag-alala sa kabayanihang nagawa ni Gat Sákay. Hindi lamang upang magbahagi ng mga impormasyon ukol sa kanyang buhay at kanyang naging ambag sa kasaysayan, kun'di upang magkaroon din ng masidhing adhikain sa bayan magamit din ito sa kasalukuyan at sa mga susunod pang mga panahon nang sa gayo'y hindi lamang masunod ang yapak na mula kay Gat Andres Bonifacio hanggang Kay Gat Macario Sákay...upang magkaroon na ng "tunay na kalayaan" ang bansang ito at magkaroon ng pagkakaayos ng ilang mga mamamayan na bagamat pareho ang adhika sa bayan ay kasalukuyan pang hindi magkasundo. Nakapagbibigay din ito ng aral at mailalabas din ang ilang mga nakatago at watak-watak na mga datos na tila ayaw nang ungkatin upang mabuo at lumitaw ang mga katotohanan tungkol sa kalagayan at sa mga kaganapan sa buhay at pakikibaka ng ilang bayani at pangyayaring napapanahon/panlipunan, mula noon hanggang ngayon.Sino nga ba si Gat Macario Sákay? Halina't ating kilalanin ang kanyang loob, labas, at lalim ng kanyang pagkatao at kabayanihan.-------*Ito ay kalipunan ng iba't ibang pagkilala kay Gat Macario Sákay.Ang lahat ay may karapatan na kopyahin o ipalimbag ang alinmang bahagi ng akdang ito, mangyari lamang na banggitin ang pinanggalingan ng sinipi. Mag-iwan muna ng pahintulot sa pamamagitan ng pribadong mensahe.…

Ang Aking Mga Sulatin (Mga damdaming puspos ng pag-ibig)

Ang Aking Mga Sulatin (Mga damdaming puspos ng pag-ibig)

16,370 144 26

Status: Completed ✅️Mga naunang kalipunan ng mga sulatin na aking nilikha. Naglalaman ito ng ilang tula na hiniling ng ilang dating kamag-aral noong hayskul, at iba pang tulang napapanahon. Narito din mga sinulat ko bilang munting alay sa ilang bayani ng ating bayan."Ang Aking Mga Sulatin", 2013/2014Ang lahat ay may karapatan na kopyahin o ipalimbag ang alinmang bahagi ng akdang ito kahit na walang pahintulot. Mangyari lamang na banggitin ang pinanggalingan ng sinipi.-------------*Update: Oct. 16, 2014, muli ko itong nire-publish dito sa Wattpad. Bahagya ko lang inedit.(Pabalat: Aking sulat kamay sa lathalaing "Loob, Labas, at Lalim ni Macario Sákay". Ito ay buong mababasa sa kalipunang ito.)…

The Lightning Chronicles

The Lightning Chronicles

56 24 6

Kung kailan magtatapos na ng kolehiyo ay saka lamang tumino sa pag-aaral si Marissa. Ang dating laging laman ng masasamang impluwensya ng barkada ay naging masigasig sa pag-aaral at pagtuturo; lalo na nang malaman niyang kaanak pala nito ang napabantog na isa sa mga bayani ng Pilipinas ngunit halos nilimot na ng nakararami. Tahimik ngunit may kaakibat na panganib ang pamumuhay ni Pantaleon nang dumating sa Maynila buhat sa probinsya ng Cebu. Habang nagtatanghal sa mga pa-sirko at pagsasalamangka, ay tinutupad niya ang kanyang tungkulin bilang kasapi ng Katipunan. Subalit nadagdagan pa ang kanyang responsibilidad nang dumating sa buhay niya si Marissa, at mababantog na kasintapang ng leon at 'simbilis ng kidlat kung kumilos. Sa madaling salita, ito na ang sinasabi ni Marissa na si alyas "Leon Kilat" na kanyang great-granduncle. Sa kabilang banda... Umibig sa bayan? O umibig sa sino man? Ano ang mananaig kay Teresa gayong tila kusang lumalayo na ang pag-ibig ni Pantaleon sa kanya. At lalong makikilala ni Gian si Pantaleon nang muli silang magtagpo, makalipas ang 125 na taon. Sa pagtatanghal sa circus at magic, ika'y pasasabikin at pasasayahin sa mga tricks at palabas; na maihahalintulad sa makulay na samahan nina Pantaleon, Marissa, Teresa at Gian. Subalit hanggang saan ang kayang isakripisyo ang tawag ng bayan, gayong kapwa kapanalig ang pumipigil at 'simbilis din ng kidlat kung ito ay bawiin? Samahan natin sila sa mala-mahika, at makisabay sa mala-circus na buhay pabalik sa Ika-19 na siglo at sa panahong kasalukuyan!…