stranger

"People changed. So nothing is permanent, Mica. Pati nga feelings ng tao ay nagbabago. From only you to only her real quick."

Naalala ko ang hugot words sa akin ni Alieska, isa sa mga pinsan ko. 'Yan ang sinabi niya sa akin noong mga panahon na heart broken siya sa dati niyang nobyo.

Wala ngang permanente sa mundo. Nagbabago ang tao pati na ang feelings ng isang tao. Real quick? Yup, real quick.

Maraming nagbago lalo na ikaw simula nang bumalik siya. Simula nang bumalik ang nakaraan mo.

Issah Nevan Guzman posted two new photos – with Danielle Anne Lois

It's been a long time since we last met, Elle. I missed you!

Nakita ko ang facebook post sa newsfeed ko. Magkasama pala kayo ngayon ni Danielle, ang ex girlfriend mo. Sabagay magugulat pa ba ako? Simula nang bumalik siya dito sa Pilipinas, lagi na kayong magkasama.

Hindi mo na nga ako napupuntahan sa amin. Hindi ka na rin nagtitext. Nakalimutan mo na yata ako.

"Tatlong linggo na kayong ganyan ni Nevan. Nag-away ba kayo?" tanong sa akin ni Hayazhi. Umiling na lang ako sa kanya. Hindi naman kasi tayo nag-away eh.

Tumingin ako sa pwesto mo. Nakita kitang nagtitipa sa cellphone mo habang malawak ang iyong mga ngiti.
Invisible na ba ako sa'yo, Nevan? Kahit kasi sa eskwelahan ay hindi mo ako pinapansin. Tinuring mo na akong isang estranghero. Nagbago ka na talaga simula nang bumalik siya.

Mabilis nagdaan ang mga araw pero para sa akin ay napakabagal nun. Iniisip kasi kita. Nandito lang ako sa kwarto ko nang maramdaman ko na nagvibrate ang cellphone ko.

Love N: Mica, let's talk. Meet me at the park. I'm already here.

Mica. Dati love ang tawag mo sa akin kahit sa text. Nagsimula kang tawagin akong love noong sinagot kita pero ngayon Mica na lang ulit.

Nagpunta na ako sa park. Nakita kong madilim ang langit kahit na alas tres pa lang ng tanghali. Mukhang uulan pa yata. Nakita kita na nakaupo sa swing.

"Love," tawag ko sa'yo. Nginitian pa kita ngunit seryoso ka lamang nakatingin sa akin.

"Mica," sambit mo sa pangalan ko. Wala na nga 'yung endearment mo sa akin.

"Baki---" pinutol mo ang sasabihin ko. Itatanong ko na sana kung bakit mo ako pinapunta dito pero mukhang alam ko na dahil sa sinabi mo.

"I'm sorry, Mica. I'm sorry if I hurt you, bestfriend."

"Pero minahal mo ba ako?" tanong ko sa'yo. Wala na, tumulo na ang mga luha ko.

"Akala ko. Akala ko na kaya kitang mahalin pero hindi ko pala kaya. Si Elle pa rin ang mahal ko. Siya pa rin, Mica. Siguro natuwa lang ako sa idea na ang mag-bestfriend ay nagiging mag-boyfriend at girlfriend din. Infatuation lang ang nararamdaman ko sa'yo, bestfriend. I'm really sorry."
Wala akong masabi kung hindi umiyak na lang. Napaupo na lang ako sa buhangin dahil sa mga salitang binitawan mo.

"I'm really sorry, Mica. I know I am jerk, kaya ako na ang lalayo sa iyo. Let's treat each other as a strangers," animo. Tumayo ka na tsaka ka naglakad.

Naglakad ka na...palayo sa akin. Iniwan mo na ako.

Siguro natuwa lang ako sa idea na ang mag-bestfriend ay nagiging mag-boyfriend at girlfriend din.

Paulit-ulit sinasaksak ang puso ko dahil sa mga katagang iyan. Natuwa ka lang sa idea? Paano naman ako na sobra-sobra kitang minahal. Akala ko minahal mo rin ako ngunit natuwa ka lang pala sa idea.

Naramdaman ko naman na may pumatak sa aking pisngi. Tumingin ako sa langit at nakita kong bumabagsak ang malamig na patak ng ulan. Pati ang langit ay dinadamayan ako sa aking kalungkutan.

"Miss, kagusto mo yatang nagkakasakit."

Naramdaman ko na lang na wala ng patak ng ulan ang pumapatak sa akin. Tiningala ko ang lalaking may hawak ng payong.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top