friend
“si Ash nga pala,” pagpapakilala mo sa babaeng kasama natin ngayon. Nandito tayo sa SM Clark but to be specific nasa isang Korean restaurant tayo.
Kaya naman pala nagmamadali ka kanina nang nasa amin ka. Nagtataka rin ako kanina kung bakit bihis na bihis ka ngayon araw. Karaniwan mo kasing ayos kapag pupunta ka sa amin ay tokong shorts o naka-jersey shorts ka lang lagi. Ka-partner no’n ay mga plain shirts mo at mga super heroes mo na sando. Pero ngayon kasi, naka-nike shoes ka na color black. Black ripped jeans at pastel pink na v-neck. Paki-take note na rin ang mga bangs mo na nakaharang sa noo mo ay ngayon naka-ayos na ito. Gumamit ka ng gel.
Akala ko pa naman may bestfriend date tayo ngayon pero mukhang gagawin mo akong chaperon ngayon araw. Nag-abala pa naman ako mag-ayos dahil nakasuot ako ng heels shoes na adidas na kulay white. First time ko magsuot ng ¾ blouse at tinuck-in ko ito sa button skirts ko na kakulay ng blue faded jeans. Naglagay pa ako ng lip tint at bb cream na kulay beige na katulad lang sa kulay ko. Pero ayos na rin na nag-ayos ako dahil kahit ano pa ang gawin ko ay mas maganda pa rin itong babae na kaharap natin.
Nginitian ko ang babaeng kaharap mo. Ngumiti rin siya sa akin pabalik. Ang puti ng babae na ‘to. Nakaka-insecure ang beauty. Napaka-perfect ng shape ng lips niya. Ugh! Hindi ko na nga siya titingnan. Nakakababa kasi ng self-confidence.
“Who is she?” tanong niya sa’yo. Nakakainis ka talaga, Issah Nevan! Nalimutan mo pa ipakilala ang bestfriend mo.
“By the way, this is Mica. My bestfriend,” inalo niya pa ang likod ko pero pasimple ko iyon tinabig sa pamamaraan na paggalaw ng likod ko.
“Woah. You’re beautiful,” saad ni Ashley. Nginitian ko naman siya at nagpasalamat.
Nalaman ko rin na kababata mo pala siya sa dati niyong tinitirahan.
Nalaman ko rin na nagkahiwalay kayo simula ng lumipat ka sa subdivision kung saan tayo nagkakilala. Nawalan kayo ng komunikasyon no’n. Nagkaroon lang ulit kayo ng komunikasyon no’n isang buwan. Ang daya mo bestfriend, hindi mo man lang sinabi sa akin na nagkakausap na ulit kayo ng childhood friend mo. Alam ko lang na may childhood friend ka pero hindi ko alam ang pangalan. Hindi ko rin alam na babae pala ang kaibigan mo.
At hindi ko rin alam sa puso ko kung bakit nagre-react siya ng ganito.
…
Mica: Nevan, punta ka sa amin. Kain tayong magnum sa 7/11. Hintayin kita.
Text ko sa’yo ‘yan. Sampung minuto na ang nakalipas simula nang itext ko sa’yo ‘yan. Wala ka bang load? Pero kahit wala kang load ay nakikitext ka sa Mama mo. Kung meron ka naman load, mabilis ka nagrereply sa text ko. Ba’t ngayon hindi mo pinapansin ang text ko.
Mica: busy ba ang bestfriend ko?
Text ko ulit sa’yo. Naghintay naman ako ngayon ng dalawampu’t na minuto pero hindi ka pa rin nagrereply. Nagcre-crave na talaga ako sa magnum. Nagtipa ulit ako ng mensahe kay Nevan.
Mica: Ang pangit mo talaga. Ako na lang mag-isa kakain ng ice cream!
“Nak, lalabas ka ba?” Tumingin naman ako kay Mommy. Nasa kusina siya. Nagluluto siya ng pagkain. Sinagot ko ang tanong ni Mommy.
“Umuulan sa labas. Mag-hoody ka at kuhanin mo ang payong d’yan sa likod ng pintuan,” sumilip naman ako sa labas. Totoo nga na umuulan. Siguro kaya hindi ka nagrereply sa akin dahil nakatulog ka. Gustong-gusto mo kasi matulog kapag umuulan eh.
Naalala ko no’n nasa bahay mo tayo. Nanonood tayo ng movie na The Space Between Us.
“Umuulan, Mics. Hindi ko na matatapos ‘yang movie dahil makakatulog ako nito,” saad mo no’n. Nakaupo pa naman tayo sa malambot at malaki niyong couch at dahil mayaman kayo. May aircon din ang sala niyo, sinindihan natin iyon. Then, may kumot pa sa paa natin at isama pa na biglaan bumuhos ang malakas na ulan.
Kaya naman pagtingin ko sa’yo ay mahimbing na ang tulog mo. Kaya ako na mag-isa ang nanood ng The Space Between Us. Apat na oras ka pa nga no’n nakatulog.
Lumabas na ako ng bahay gamit ang white transparent na payong naming. Sinuot ko rin ang hoody na gray na may nakasulat na 199x. Bigay mo sa akin iyon no’n nag-celebrate tayo ng first bestfriendsary natin.
“Miss, alam mo ba na nakakataba ang pagkain ng matatamis?” tiningnan ko naman ang lalaki na umupo sa tabi ko. Tumambay muna ako dito sa loob ng 7/11. Naiinip kasi ako sa bahay dahil hindi ka naman nagpaparamdam sa akin.
Nilapag ng lalaking matangkad ‘yung cup noodles niya sa lamesa, “Cup noodles dapat ang kinakain mo dahil malamig ang panahon. Hindi porke’t malamig ang panahon, malamig na rin ang kakainin mo.”
Hindi ko naman pinansin ‘yung lalaki na katabi ko. Pakielam niya ba? Eh, favourite natin dalawa na kumain ng ice cream kahit pa na umuulan. Hay, naalala na naman kita bestfriend.
“Kumain ka na lang d’yan, Kuya” sabi ko sa lalaki. Lumabas na ako sa 7/11. Uuwi na rin ako.
Tumingin ako sa wrist watch ko at alas singko na pala. Hindi pa rin tumitila ang ulan. Buti na lang malapit lang ang 7/11 sa subdivision natin kaya okay lang na lakarin. Napahinto naman ako sa paglalakad nang nasa waiting shed na ako dahil nakita kita na masayang kausap si Ashley. Tiningnan ko ang mga mata mo na abala sa pagtingin kay Ashley. Iba ang paraan ng pagtingin mo sa kanya. May mga kinang iyon.
Nasasaktan ako sa nakita ko kaya nilagpasan ko kayong dalawa.
“Mica! Babsy!” tawag mo sa akin pero hindi na ako lumingon pa.
Dumiretsyo ako sa kwarto ko pagkauwi ko. Mabilis kong ni-lock ang kwarto ko at humiga sa kama.
Alam ko na ang nararamdam ko para sa’yo. Higit pa ito sa pagkakaibigan.
Cliché. Typical. Common. Overused.
Matagal ko na itong dinideny sa sarili ko pero ngayon ko lang naamin. Sabihin niyo na ngang common itong nararamdaman ko dahil minahal ko ang bestfriend ko. Pero hindi naman natin matuturuan ang puso kung sino ang iibigin niya. Isa na ako sa mga tao na nahulog sa bestfriend nila.
Ganoon naman eh, basta opposite sex na mag-bestfriend, may isang tao na mahuhulog talaga.
Ako ang nahulog. Kaya masakit kasi ako lang ang nahulog. Siya? Mukhang nahulog na siya sa iba.
Naramdaman kong nag-vibrate ang cellphone ko. Binuksan ko iyon. May dalawa kang text. Ang isa kaninang 4:30. Tapos ngayon ang isa, ngayon 6:30.
Nevan na pangit: Babsyy, pasensya na. Hindi ako makakaalis. Kasama ko ngayon si Ashley.
Nevan na pangit: Nakita kita kanina na dumaan sa waiting shed. Tinatawag kita kanina pero hindi mo ako pinansin. Anyway, kakauwi ko lang. Hinatid ko si Ash, do’n pa rin siya nakatira sa subdivision na tinirahan namin dati. Hahaha!
Hindi kita pinansin kanina dahil nagalit ako sa’yo kanina. Ikaw nga d’yan ang di namamansin. Dumating lang ulit si Ashley mo, nalimutan mo na magparamdam sa akin.
Pero wala naman akong karapatan na magalit sa’yo at magselos…
Dahil isang hamak na bestfriend mo lang ako.
Bestfriend na susuportahan ka sa mga bagay na maaaring magpapasaya sa’yo
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top