Chapter 4: Same Table


I firmly believed that going away after the breakup was fucking stupid and inconsiderate—until I was in that position where all I wanted was leave. After all, I thought it was for the better.

Sa daming taon na 'yon, napapaisip ako kung ganoon ba talaga kahirap umalis? Na nagkakaroon ka ng takot, hindi dahil aalis ka at iiwan sila, kundi takot kung meron ka pa bang mababalikan?

Hindi ako kahit kailan nakaramdam ng ganito katinding takot maliban na lang ngayon. Parang maliliit na kurot ang tingin nila na paisa-isa akong inaatake sa lahat ng parte ng katawan ko. I knew all of them, and that was the hardest part of that. Because I felt my own betrayal and the bitterness it had. It was creeping inside me, and I badly wanted to throw up kasi grabe na ang anxiety ko. Para bang sarili kong pamilya—mismong mga taong kasama kong lumaki—hindi ko matingnan nang deretso sa mata.

Si Coco pa ang naghatak ng upuan para lang makaupo ako. Malamang kasi kung hindi niya gagawin, tatayo lang talaga ako sa isang gilid hanggang alukin nila ako—at walang nagsasalita sa kanila.

"Ang tagal n'yo naman doon," biglang sabi ni Tito Rico. Inisip ko pang baka kami sa coffee shop kanina ang tinutukoy niya pero iba pala.

"Dumaan 'yong congressman na pinsan ni Tito Arnold. Ang daming nakasunod na press," sagot ni Coco.

Ibig sabihin, hinintay lang pala talaga nila si Coco mula sa lamay. Mukhang kanina pa pala sila nandito. Tumingin ako sa mesa mula sa pagkakayuko ko. Mukha ngang kanina pa. Natunawan na ng yelo ang mga baso nila. May laman pa nga ang isang plato sa mesa. Nang sumulyap ako, kay Papa pala 'yon. Hindi ako makapagsalita pagtagpo ng mga tingin namin. Nakipagtitigan lang ako sa kanya. Ang tingin niya, parang pinagagalitan na ako sa pinakamahinahong paraang magagawa niya kahit wala pa siyang sinasabi.

"Here."

Bumaba ang tingin ko sa menu na lumapag sa mesa sa harapan ko bago nabaling kay Coco ang mga mata ko. Nakatingin na rin siya sa menu niya habang nilalaro ang kamay ni Chewy na nagising na at kandong na niya.

"You want to eat vegetables, Chewy?" tanong pa niya sa baby na nakikiagaw na rin ng menu.

Hindi sila kompleto ngayon. Tinitingnan ko sila sa dulo ng mata ko. Nandito sina Mama at Papa na kanina pa walang imik. Sina Tita Jae at Tito Rico, nandito rin. Si Ninong Clark, nandito rin. Hindi ko pa makita ang asawa ni Cali, baka nasa PlayPlace pa rin kasama ang panganay n'on, pero si Rex ang katabi niya ngayon.

"This is good for two, right?" Coco asked. He was talking to the waiter.

"Yes, sir."

"We'll have Bistecca alla Fiorentina, one Insalata, and two classic panna cota. Ang drinks, same sa kanila," pagturo niya sa mga nauna na sa amin sa table.

"I'll repeat your order, sir . . ."

Si Coco na pala ang umorder para sa aming dalawa. Hindi na lang ako nagsalita sa kakainin ko. Hindi ko rin kasi alam kung may gana pa ba akong kumain habang tahimik silang lahat.

Nag-apologize na ako sa kanila eight years ago pa, pero bakit parang wala akong sinabi ni isang sorry sa kahit sino mula pa noon?

Wala naman silang sinasabi, at wala rin naman akong naririnig sa kahit sino na sinabi nilang mali ang ginawa ko—kahit pa mali naman talaga ang ginawa ko—pero bakit parang taon-taon ko na lang nararamdaman na parang . . .

Parang nagsara na lahat ng pinto para sa akin kaya wala na akong puwedeng uwian?

Parang gusto kong manumbat. Bakit noong si Ate Chamee ang bumalik, open arms ang pagtanggap nila? Bakit ako, ni hi, ni yakap, ni pabati, wala?

A, siguro kasi, si Ate Chamee, binigyan pa niya ng five days si Kuya Eugene para makapagpaalam. Para ma-settle lahat kahit, emotionally, hindi pa ready si Kuya Eugene na maiwan. Gano'n ba 'yon?

Dumating ang pagkain naming dalawa ni Coco.

Lumapit sa amin si Cali. "Kukunin ko muna si Kulit. Kumain na muna kayo."

Wala akong ibang matingnan nang deretso sa mga nasa mesa kundi si Cali lang. Pero hindi ko siya kayang tingnan kung dadaan pa muna ang tingin ko kay Ninong Clark. Alam kong hindi ako huhusgahan ni Ninong, pero alam ko ring hindi siya papanig sa akin kung alam niyang mali ako—kung pagkakamali pa rin ang tingin niya sa ginawa kong pag-iwan sa pamangkin niya.

Pigil-pigil ko ang iyak ko habang paulit-ulit na lumulunok. Gumigilid ang luha ko sa sulok ng mga mata na mabilis kong pipigilang pumatak dahil ayokong tingnan nila ako na para akong pulubing dinampot lang sa labas dahil kawawa at walang makain.

Tahimik akong nakatingin sa mesa. Wala sana akong balak maghawak ng kahit anong kubyertos pero inunahan na ako ni Coco. Siya na ang naghiwa ng karne para sa akin at nagsalin ng salad sa plato ko.

"Kumain ka," sabi niya. "Sumabay ka sa 'min."

Kung sa ibang pagkakataon lang ito, sasabihan ko siyang ano ang karapatan niyang utusan ako, pero hindi iyon utos ngayon.

Hindi iyon utos para sa akin ngayon kundi paalala na puwede pa rin akong makakain kasama nila sa iisang mesa.

Pigil-pigil ko ang mga matang huwag tuluan ng luha. Pinanonood ko si Coco na hainan ako ng pagkain. Ang tagal ko rin sigurong hindi siya nakita. Kahit siguro kagabi, hindi ko rin napansin dahil isang beses lang siyang naglahad ng kamay.

Meron siyang tattoo sa gilid ng kanang palad. From his wrist to the lower part of his pinky.

"Jesus knew, but Judas ate too."

Nalipat kay Coco ang walang-buhay kong tingin. "Tingin mo ba, makakakain pa ako nang maayos ngayon?" mahinang tanong ko sa kanya.

"Kumain ka kahit kaunti lang. You don't have to isolate yourself at this table."

Nang kusang tumulo ang luha ko sa isang mata, hindi na ako nakapagpigil na magsalita. "I didn't recognize anyone of you anymore. Or maybe I'm not welcome at any table with you."

"Ikaw lang ang nag-iisip niyan." Nalipat ang tingin ko kay Mama na seryoso lang na nakatingin sa akin.

"Why do I have to bear the consequences of your decision, Ma? Bakit parang kasalanan ko lahat?" sumbat ko sa kanya.

"Bakit? Ano ba'ng kasalanan mo?"

Sunod-sunod ang pagtulo ng luha ko habang nakikipagtagisan ng tingin sa kanya. Hindi ako nakasagot agad.

"Pinakakain ka, di ba? Bakit hindi ka kumain?" seryoso niyang sermon sa akin.

"You know it's not just about this fucking food! Kung galit kayo sa 'kin, then magalit kayo! Don't give me this fucking silent treatment na parang hindi ako dapat nandito pero ayaw n'yo lang magsalita! Bakit? Gusto n'yo 'kong patayin sa anxiety?"

"Ram," awat ni Cali at tumayo na naman bago ipinahawak ang baby niya kay Ninong Clark.

"Pinakakain ka lang, di ba?" ganti ni Mama, gusto talagang panghawakan ang pagkaing tinutukoy niya. "Bakit nagagalit ka agad? Natatakot ka sa sarili mong multo? Gusto mong mag-celebrate kami dahil nakabalik ka na kahit kamamatay lang ng girlfriend ni Coco?"

Pabigat nang pabigat ang paghinga ko habang nakatitig lang kay Mama. Hindi nawala ang seryosong tingin niya sa akin kahit sunod-sunod ang tulo ng luha ko.

"May nagsabi ba sa 'yong umuwi ka? Wala naman, di ba? Tingin mo ba, may naghahanap pa sa 'yo rito?"

"Mommy," awat ni Papa kay Mama.

"Bakit hindi mo na lang kasi tanggaping fault mo? Pati sina Coco, dinadamay mo. Gusto mo, 'yong gusto mo lang palagi!" Ibinagsak ko ang upuan pagtayo ko. "It could have been better—everything could have been better kung hindi ka lang naging mapilit sa kung sino ang pakakasalan ko! So don't give me this silent treatment na parang ako lang ang mali rito dahil ako ang umalis! Kasi kung hindi ako umalis noon, baka lalo lang nasira ang lahat sa amin ni Coco kung ipinilit n'yo pa talaga. Sana anak na lang ako nina Ninong Clark para hindi ako nahihirapan nang ganito. Hindi ko kayo deserved, Ma! Sana iba na lang ang parents ko!"


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top