Chapter 34: Task
Kagabi pa raw naka-reserve itong room namin. Kanina niya lang binayaran in full. Just in case lang na baka hindi kami matuloy, hindi siya mapapagastos. Ultimo mga damit at ibang toiletries namin, naka-ready na pagdating namin.
Calculated lagi ang expenses ni Coco. Meron siyang weekly limit ng gastos, at kapag lumampas doon, kailangan na niya ng official receipt ng ginastusan for auditing.
Nasa infinity pool kami ng room na nakuha niya nang mag-usisa ako.
"Alam ni Tita Jae na pupunta tayo rito?"
"Yep!" Mabilis siyang tumango. "I paid for the stay using my sobrang allowance, but Daddy still gave me pocket money, pinadaan niya kay Ninong Leo. Para daw sa meryenda natin. Basta hindi ko lang sasabihin kay Mama."
Pagdating kay Coco, willing to spend si Tito Rico kahit ilang milyon pa—kahit lagi silang magkaaway na dalawa. Basta ba alam ni Coco kung ano ang worth gastusan sa hindi. Kapag alam ni Tito Rico na ako ang gagastusan, okay na agad siya. Kapag kasi napapasobra sa gastos si Coco, dederetso na lang si Tito kay Papa para maningil.
Pero si Tita Jae, strict talaga pagdating sa pera kahit sobrang urgent ng gagastusan. Mas strict kung ako ang paglalaanan ng pera kasi nahihiya siyang maningil kay Mama. Si Mama nga raw kasi ang nag-support sa business niya kaya lumago, kaya ang off nga raw na maniningil pa siya kung ako naman ang gagastusan ng anak niya. Lagi pa niyang tinatanong kung saan nakukuha ni Coco ang extra money nito kasi madalas questionable ang amount. Ayaw lang aminin ni Tito Rico na naglalabas siya ng pera to spoil his son.
Speaking of spoiled. Regular customer kami nina Cali rito sa Sycamore. Sina Coco at 'yong magkapatid ang madalas dito. VIP rooms lagi ang kinukuha nila.
Ngayon, kami lang ni Coco ang magkasama. Hindi ko naman first time dito, pero first time naming mag-book nang kaming dalawa lang. Hindi awkward, pero nakakabuwisit naman dahil sa mga staff.
Kanina pa sa edge ng pool si Coco, nakaharap sa mataas na view ng bundok mula sa third floor at puro na puno sa ibaba. Nakasampay ang mga braso niya sa edge at tahimik lang.
Na-bother tuloy ako. Feeling ko, malalim ang iniisip niya. Lumangoy ako palapit sa kanya. Nag-alala pa akong baka may problema siya sa training with Ninong Leo, 'tapos maaabutan ko lang na nakapikit at sumabit na lang pala sa edge para hindi tangayin ng tubig.
"Connor."
"Ha?" Mabilis siyang nagising at napatingin-tingin pa sa paligid bago tumingin sa akin. "Hi!"
Bored akong tumingin sa kanya. "Inaantok ka ba?"
Ngumuso siya at tumango. "But I don't want to sleep."
"You don't want to sleep, but you're already sleeping here. Take a quick bath and go to bed."
He groaned in annoyance and cringed. He tugged my arm and hugged me tightly. I felt his warm chest brushing against mine. "Nakaka-stress magpa-exam si Ninong Leo."
"Iba ang stressed ka sa puyat ka."
Bahagya siyang lumayo sa akin at tiningnan ako. "Gusto ko talaga ng back massage."
"Sabi na kasing huwag umupo nang matagal sa drafting table." Mahina ko siyang sinapok sa sentido. "'Tigas ng ulo kahit kailan. Magbanlaw ka na. Ako na ang magmamasahe sa 'yo."
Biglang lapad ng ngisi niya sa akin at nagmadali agad sa pag-alis sa pool.
I know Coco was doing his best to manage his time. Mas marami lang siguro akong oras kasi ang dami kong tinanggihang training na kasama dapat sila ni Cali, pero ayoko nga kasing mapagod.
May outdoor shower sa gilid lang ng infinity pool at doon ako nagbanlaw. Si Coco, doon pa talaga sa loob ng room namin pumunta. Pagpunta ko roon para ayusin ang mga basa kong underwear, naabutan ko pa talaga siyang naglalagay ng serum sa mukha.
"Where the fuck did you get that?"
Coco smiled at me and showed the Sycamore Hydrating Serum in a small bottle. He even showed another bottle with a moisturizer label. "They gave these for free! It's my first time trying it, sana okay sa skin."
"My God, Coco." Maging thankful na lang siguro siya na parang three times a year ko lang siyang makitaan ng pimples sa mukha. Kung ano-ano pa namang inilalagay niya sa pisngi niya. "Bilisan mong magpaganda. Kapag naunahan kitang matulog, ewan ko na lang sa 'yo."
"Okay! Wait lang."
Isinampay ko ang mga basa kong gamit sa rack malapit sa shower area at nauna na ako sa kama, suot ang bathrobe na kasama sa package nitong room na nakuha namin.
Hindi pa ako nakakaupo, namataan ko na naman ang phone ni Coco na naroon lang sa kama.
Wala siyang add friend option sa profile, pero naka-creator page mode siya. Sobrang open tuloy ang inbox niya dahil may message option siya sa profile.
Kalilinis ko lang kanina ng inbox niya, meron na namang thirteen na dumagdag. Wala pang one hour 'yon. May recent photo siyang kinuha. Selfie niya na hawak ang kamay ko. Eto 'yong hinahatak niya ako sa pool, pero ayoko nga kasing magpakuha ng photo kaya siya na lang ang naiwan. Another topless photo of him, and another thirst trap photo online. May caption pa siyang, "Hiya asawa ko hehe."
Feeling-ero talaga 'to. Pero hindi ko ide-deny na sobrang photogenic si Coco. Kahit candid shots niyang sobrang labo, ang guwapo pa rin niya.
So far, wala pa akong nakikitang nagse-send ng boobs sa inbox niya. Puro lang hi babe, hello, saka may eat me baby lang ang nakita ko.
Hindi ko na alam kung mabubuwisit ba ako o maaawa sa mga 'to kasi hindi talaga sila pinapansin ni Coco.
Nangangati ang kamay kong i-uninstall ang Messenger niya. Nakakabuwisit lang isipin na every hour, makaka-receive siya ng mga ganitong PM.
Hindi ko pa malalamang tapos na siya sa beauty regimen niya kung hindi pa siya nag-dive sa kama at padapang nahiga. Naka-boxer shorts lang siya at di na masyadong basa ang buhok.
Ibinato ko ang phone niya sa gilid ng kama at saka siya hinampas sa likod. "Umayos ka."
Wala siyang sinabi. Umayos na lang din siya ng higa. Wala pa man akong ginagawa, tingin ko, makakatulog na lang siya nang hindi ko namamalayan.
"They have free oil. I got a grape seed one." Napatingin ako sa kaliwang kamay niya na may hawak na maliit na bote. May Sycamore label na naman.
Duda talaga akong free 'to. Feeling ko, kasama talaga 'to sa package, kaso nga kasi hindi siya tumanggap ng massage therapist.
Kinuha ko ang bote sa kamay niya at saka ako pumuwesto paupo sa likuran niya.
Tita Shin taught me how to give massages—and how to paralyze a person permanently. I prayed Coco wouldn't suffer the latter. Still, I would try. Hindi ko pa naman napa-paralyze si Papa, sana siya rin.
Naglagay na ako ng kaunting oil sa kamay at inilapat na sa likod niya. Gumawa ako ng pa-8 na movement para ma-cover ang mga area na daraanan ng palad ko.
Ang lamig ng balat ni Coco, pero kusa nang lumalabas ang init sa katawan niya. I was staring at his bare back, and I could only see why girls were sending him nude photos.
He's Connor Dardenne. He has the right to be a womanizer, but he was raised by a mother mothering him every single day.
I slowly put pressure on his back, and that earned a soft moan from him. And he also earned a deadly glare from me without him noticing it.
So, kung sa ibang babae pala siya nagpamasahe ngayon, sa kanila pala siya uungol nang ganito?
"Did you moan last time na nagpa-massage ka rito?" pangangastigo ko.
"Did I what?"
"Did you moan?"
"I don't remember."
"A girl gave you a massage and you moaned like you did a few seconds ago?"
"I don't think so. Disappointing nga ang massage kaya nga ayoko nang umulit. Mas mabigat lang ang kamay mo kaya mas okay ngayon. But don't worry, sanay naman akong masaktan basta ikaw, hehe."
Hinampas ko agad siya sa balikat. "'Pinagsasabi mo diyan?"
Tumawa lang siya nang mahina at hindi na sumagot.
Dapat talaga rito mino-monitor ang ginagawa. Sa sobrang dense, hindi na alam ang difference ng nilalandi siya sa walang-malisyang hawak.
Napansin ko agad na stiff ang ilang parte ng muscles niya sa likod. Pareho pa namang mabigat ang kamay namin ni Mama, kaya hindi problema ang magmasahe. Siguro ang problema ko lang kay Coco ay ang laki talaga ng katawan niya. He's 6'5, and I'm 5'5. Malaki ang difference ng proportion ng katawan naming dalawa. At ang lapad ng likod niya. Mukha na akong nagpi-pilates sa puwesto ko.
Minamasahe ko lang siya, pero ipinamumukha na sa akin ng likod niya kung bakit dala-dalawa ang sumalubong sa kanyang babae kanina pagdating namin.
I didn't normally feel insecure around Coco, but knowing how many girls would take their shots for his attention?
I'm not special. I'm expendable. If I dump him, I will never be his loss. He's working too hard. Pinalalaki siya nina Tita Jae para tumayo siya sa sarili niyang mga paa habang ako, umaasa pa rin ako sa family, at umaasa rin ako sa kanya para gastusan ako.
It was a weird time to drop that realization for us.
I was almost done with his back and started to create circular motions again. I wasn't even surprised when I heard his snores.
Tinapos ko na ang pagmamasahe sa kanya at marahan akong umalis sa kama. Hindi naman masyadong malamig, pero kinumutan ko pa rin siya. Inilapag ko sa nightstand ang maliit na bote ng oil at saka ko kinuha ang phone niya para isilid sa bulsa ng bathrobe. Naghugas ako ng kamay at lumabas uli sa infinity pool.
Compared to Coco, wala talaga akong makikitang ligaw na PM sa inbox ko. Even hackers had no time to visit my account. Never akong nai-tag ni Coco sa mga post niya, pero i-search pa lang ang pangalan ko, mga post niya agad ang unang lalabas. Damaris Lauchengco ang name na lagi niyang dina-drop sa mga post niya. Ram Phoa naman ang name ko online na may fifty friends na puro kamag-anak at kaibigan din. Fifty na nga lang, mga Dardenne at Mendoza pa ang pinakamakakalat at active.
Sobrang linis ng inbox ko kaya hindi ako sanay na grabe ang flood messages sa inbox ni Coco. Na-shock ako. Unexpected lang kasi hindi ko naman talaga siya type, 'tapos ang dami palang may crush sa kanya.
Nagkakalkal na naman ako ng phone niya. He was letting me use his phone, and confident naman siyang ipakita sa akin ang phone niya kahit pa aware na ako sa mga babaeng nagpapadala sa kanya ng random PM at nudes.
Even ang gallery ni Coco, mas marami pa ang mukha ko kaysa sa mukha niya. Pero mas marami pa ring photo si Tita Jae sa phone niya kaysa sa akin. Some were with Tito Rico. May isang album siya na puro lang pics nila nina Cali at Rex. Naka-organize naman lahat kaya madaling malaman kung saan ba ako dapat pumuntang album—kung saan ako lulugar sa gallery niya.
After sa album, napunta ako sa alarm niya dahil biglang may tumunog na out of reflex kong na-turn off bago pa makapag-ingay. Ire-reset ko sana para puwedeng i-snooze pero napigil ang pagngiti ko nang makita ang list ng alarm names niya.
4 AM – Wake up time. (Good morning to Ram)
6 AM – Call Ram for school
7:30 AM – Materials 2 (Text Ram)
9 AM – Industrial Design 2 (Text Ram)
10:30 AM – PURPCOM (Text Ram)
12 PM – Dismissal (Lunch w/ Ram)
3 PM – Training Dismissal
4 PM – Meryenda w/ Ram
6 PM – Call Mama for dinner
Customized na ang iba pa niyang schedule. May note widget din siyang nasa pangalawang tab ng homepage. Pagbukas ko para sana basahin, akala ko, maikli lang, mahaba pala.
To-Do List:
1. Pending commissions (2 projects remaining)
2. Drafting table setup (Ram)
3. Laundry
4. Check monthly period (ask Ram sa food na like niya)
5. Bedsheets/pillows/duvets
6. Friday Platesssss
7. NSTP reqs
8. Grocery
9. Apartment Bills
10. Training (6 sessions remaining)
First page pa lang ang nababasa ko, natatawa na ako. Family-related na ang mga sumunod na page at school na sa bandang huli.
Tito Rico trained him to keep track sa activities. Even si Ninong Clark, nagpapaayos ng calendar kay Tito Rico. Coco had already set his priorities, and they were visible. Hindi naman halatang sa akin na halos umiikot ang buhay niya. Never yata akong nawala sa mga kailangan niyang i-consider.
Magwawala siguro si Mama kung biglang isang araw, hindi pala ako ang makakatuluyan ng favorite son niya.
Sumilip ako sa music playlist ni Coco para malaman kung ano-ano ba ang pinakikinggan nito kapag naka-earphone siya. Bungad na bungad sa homepage, playlist ng Cute Wedding Songs agad ang nasa top search niya.
Four years pa ang hihintayin namin para sa kasal. Manonood pa kami kung paano ang wedding nina Kuya Eugene at Divine next year. Baka raw kasi gawin din namin ni Coco ang gagawin nila.
Kailangan ko na sigurong masanay ngayon na kasama ko lagi si Coco at huwag umasa na laging kasama sina Cali at Rex.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top